THE MAD ENCOUNTER
Lacey's POv
“Hoy, buti andito ka na,” bungad sa akin ni Shai sa loob ng room.
“Bakit? Ano merun?” tanong ko at tuluyan nang lumakad patungo sa upuan ko.
“May dumating na memo this morning lang, nakasaad dun na di daw makapasok si Miss Vera after lunch sa drafting subject natin kasi mukhang marami daw siyang inaasikaso kaya doon daw muna tayo pansamantala pumasok sa klase niya sa mga engineering students sa alas tres ng hapon,” mahabang paliwanag nito.
“Meaning, isabay niya tayo dun sa klase ng mga ‘yon?” may pagtatakang tanong ko.
“ Yes, gurl. At hindi lang ‘yan, narinig ko doon daw mismo sa klase nina Kurt, sabi daw para naman daw may maitutulong yong mga engineering students sa atin.” ani Shai.
“Pwde ba yon?” di makapaniwalang sagot ko.
“Ito naman, parang di excited gurl?” may himig pangungutyang sabi nito.
Natatawa ako sa sinabi nito. Siyempre sino ba naman ang hindi excited sa balitang iyon. Ito na nga , tumutulong na ang pagkakataon na magkakalapit kami ni Kurt, tatanggihan ko pa ba iyon?
Ang tagal nang alas tres. Gusto ko nang hilahin ang oras. Kitang kita ko na hindi lang ata ako ang nasasabik sa balita. Halos lahat ‘ata nag look forward sa pangyayaring iyon.
“Huwag masyadong atat, girl! Baka magbago ang isip ni Miss Vera, mauunsyami yang plano mo sa buhay. Kilos kilos din diyan” sabi nito sa akin nang mapansin na wala na akong ibang ginawa kundi panay tingnan ang orasan.
Hindi ko alam pero para talaga akong lumulutang sa hangin nang papunta na kami sa room nina Kurt. Malaki naman ang room kasi isa ito sa mga drafting space ng boung engineering building. Nang tuluyan na kaming pumasok , isa isang naghahanap ng mauupuan ang mga kaklase ko. At nakita ko si Sheena na lumapit sa bandang kinauupuan nina Kurt at mga kaibigan nito.
Wala kaming matukoy na upuan ni Shai. Pinagtitinginan kami ng boung klase.
“Girls, dito na kayo” narinig kong sabi ni Mis Vera sabay turo nito sa upuan sa mismong likod lamang nina Kurt at kasamahan niya.”At kayo dun kayo lipat sa banda dun sa likod katabi ng mga architectural students ko” tukoy nito sa mga estudyanteng nakaupo sa likod ni Kurt kanina.
Nagsitayuan naman ang mga ito at lumipat sa upuang sinabi ni Miss Vera.Sabi ko sa sarili ko, isa na ba itong blessing? Sinadya talaga ng pagkakataon ang paghaharap namin. At sobrang lapit pa. Pakiramdam ko parang gusto kong sugurin ng yakap si Miss Vera.
Nagsimula nang magsalita si Miss Vera sa harap. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabit nito kasi ang mga mata ko’y doon lang nakatuon sa likod ni Kurt. Tahimik na tahimik lang ito na ultimo pagtingin sa amin ay di man lang nagawa. Kahit sa lapad ng balikat niya ay nababaliw ako. Ang kapal pala ng buhok nito. He is so damn attractive.
Napansin ko na lang na umalis na palabas si Miss Vera.
“Saan ang punta ni Miss?” tanong ko sa katabi kong si Shai.
“Di ka nakikinig, girl?” bulong na sagot nito.
“Nakikinig naman pero di masyado” simple kong sagot alam kong iba naman ang iniisip nito.
“Sabi, gawin daw natin ito” pinakita nito sa akin ang isang page ng libro namin. “At maghanap tayo nga engineering student na makakatulong sa atin.”
“Ah, okay,” tiningnan ko agad si, Kurt. Shai rolled her eyes at umiling iling. Alam na na alam niya kung ano ang gagawin ko.
“Hmmm Excuse me,” kalabit ko sa may likod ni Kurt. Dagli itong lumingon.
“What?” his usual word.
“Pa help naman nito, oh?" turo ko nito sa libro sabay tingin kong derecho sa mga mata niya.
Umiiwas ito ng tingin.” Find somebody to help you. Omar, pakitulungan si ahm… L-lacey” baling nito kay Omar.
“No, I want you” derecho kong sagot. Nagkatinginan ang mga tao sa paligid namin. Si Shai nagmamasid lang.
“But I don’t want you” may diin na sambit nito.
“What’s your problem with me?” alam kong nakikinig ang iba sa sagutan naming iyon lalo na nag mga kaibigan niya.
“Ask yourself,” sabi nitong hindi ako tiningnan.
“Why don’t you look at me?” paghahamon kong tanong nito.
“And why should I?” lumingon na ito at biglang nagkatagpo ang mga mata namin. Gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin kahit na may halong galit at inis ang tingin na iyon. Makausap ko lang siya sa kahit anong paraan ay parang nasa akin na ang lahat ng kasiyahan sa buhay.
Matagal tagal din ang titigan naming iyon.Medyo balisa na ang kasamahan niya.Parang may mangyayaring world war yata.
" Hey, stop that" dinig kong saway ni Sheena sa aming dalawa."Lacey, si Omar na lang ang tutulong sa'yo okay? magaling din naman 'tong buang na to" medyo natatawang sabi ni Sheena sa akin.
"Okay, thank you. I won't force anyone who is not willing to help even if he can " tigas kong sabi. Bahagyang tumawa sa inis si Kurt.
" Did I not tell you I don't want to help?" lingon nito sa akin.
" Why? Are you afraid you might fall in love with me?" walang halong pagdadalawang isip na sabi ko. Dinig na dinig ko ang mag singhap ng ibang tao sa room .Medyo malakas ang pagkabigkas ko ng mga salitang yon.
Tumatawa ito ng malakas. Malakas na malakas na parang yayanig sa boung sangkatauhan.Tila yung nakakainsulto na tawa.
"I've fallen for you...." kanta naman ni Jex na agad naman binatukan ng ibang kaibigan nito hudyat na nagtatawanan ang mga tao sa paligid namin.
"Look at yourself, tingin mo ba'y ikaw ang tipong babaeng gugustuhin ko?" lakas na sambit ni Kurt.
Narinig kong may nagsabing 'whew" sa isa sa mga kaibigan nito na siya namang tinipunan ng masamang tingin ni Shai.
" Tell that to the marines, you're lying" boung tapang na sagot ko.
" Not even a chance in hell, understand?" sabi nito na may panggigigil.
"We'll see." nakangiti kong sagot.At inaalala yung gabing tinext ko ito sa phone niya. Di niya alam kung paano ko nakuha ang number niya.
" Yes, we'll see " ulit ni Shai sa sinabi ko habang nakatingin dun sa kaibigan nitong nagsabi ng 'whew' kanina.
Natahimik na kaming lahat. Masayang masaya naman ako na at least nagkakausap na naman kaming dalawa ni Kurt. Tinulungan na ako Ni Omar. In fairness mabait at magaling din naman ang isang to. Medyo naiilang ito sa akin kaya ginawa ko naman ang maging extra friendly para di naman niya masabing maarte ako at mapili.Pero di ko pa rin nagawang di tingnan si Kurt. Pa minsan minsan kahit nag explain si Omar ang mga mata ko'y dun pa rin nakatingin sa banda nito. Tinutulungan nito si Sheena. Pakiramdam ko ang haba ng oras na iyon. Ito na ata ang pinaka mahabang pagtatagpo namin sa ngayon. Sisiguraduhin kong may susunod pa.
I DON'T LIKE YOULacey's Pov“Oh , ba’t kunti lang nakain mo?” tanong ni mom sa akin nang napansin na parang hindi pa ako nangahalati sa pagkain.“Mom, was father your first crush?” wala sa sarili kong tanong. My dad then looks at me na tila na a-amused.“Is this about the guy you told us who doesn’t like you back?” tanong ni mom sa akin.“Never mind, mom” malumanay kong sabi. Tila hindi namn ito kumbinsi.“What’s his complete name, sweety?” tanong ni dad sa akin na tila curious na curious kay Kurt.“Kurt Uriel la Pierre, dad.” simple kong sagot.“Why, hon? “baling ni mom kay dad.“Just curious, itong anak natin kasi muk
BabeKurt's PovGinawa ko ang lahat para iwasan si Lacey. Hindi pa rin ako nakakausad dun sa last text niya kagabi. Goodnight, babe, huh! Hindi ko matiyak kung ano ang maramdaman basta ang alam ko lang nataranta ang puso ko. Pang ilang babe na kaya ako nito? Wala na siguro itong magawa sa buhay kaya ako ang binalingan. Siguro pag nakikita na talaga nito ang pagkalaking disgusto ko sa kanya ay titigil na siguro ito, But I don’t if how I was convincing with my action from the way how my eyes bore into her everytime.. Nararamdaman ba kaya niya na may halo itong pagnanasa? Her eyes are so mysterious. Parang hinihigop masyado ang pagkatao ko. Parang kung titingin ako sa mga ito ay walang akong maitatago, kitang kita ang laman ng
THE WALLPAPERLacey's PovHabang hinihintay ko ang sundo ko ay inaalala ko ang nangyari kahapon ng hapon sa music room. Tuwang-tuwa ako sa nangyayaring mainit na komprontasyon namin ni Kurt. Natatawa ako kung paano hindi niya inaasahan ang kapangahasan kong iyon. Maliwanang pa sa sikat ng araw ang gulat na naka rehistro sa kanyang mukha nung tinawag ko siyang “babe” sa harap ng maraming tao. Good for you.Nasa ganoon akong pag-iisip nang nakikita ko si Sheena na nakatayong nag-isa sa unahan. Ito Kasi ang totoong nangyari kahapon, sinundan namin siya ni Shai kahapon kasi gusto ko siyang kausapin at yayaing mag snacks sana kaso parang ambilis ng lakad nito kaya ayun, dun ko siya naabutan dun sa music room kung saan nagpapraktis pala si
DEFENSIVE KURTKurt's Pov.“Oh, buti nakauwi ka agad,” bungad ko kay Sheena sa pintuan. Napansin kong iba ang sout nito at ngayon ko lang nakikita na may ganoon siyang kulay na damit. Kulay lavender. May isang tao akong naalaala sa kulay na iyon siyempre.“Yeah, hinatid ako ni Lacey mo” mahina nitong sagot.“Hinatid nino?” ulit ko kahit maliwanag ko namang narinig kanina gusto ko lang makasigurado.“Bahala ka nga dyan ayaw ko nga ulitin alam kong narinig mo,” sabi nito sabay talikod.“At bakit ka nagpahatid sa kanya?” hila ko dito.“Oh ‘tamo narinig mo pala, nag maang -maangan ka pa, kuya. Oa mo.feeling ko nga type mo siya eh,” natatawa nitong sabi habang umakyat pataas sa hagdan.“You and you
NEW FRIENDSHIP Lacey's Pov Kinaumagahan sa klase ay nagpalinga linga ako at hinahanap ko si Sheena. Mukhang hindi pa siya dumarating. Hindi kaya ito nagkasakit sa nangyari kahapon? Basang-basa kaya ito nung pumasok sa sasakyan. Nag-alala ako sa iniisip ko, sana naman ay hindi. I realy hope she's just alright. "Dumating na ba si Kurt?" biglang tanong ni Shai na ikinabibigla ko. "Siya pa rin ba ang ngayon ang mag take charge sa class?" "Baka lang, kasi kanina ka pa palinga-linga , eh . Umaasa? Tapos na ang Kurt moment girl, back to reality na,hoy!" "Silly," sagot ko. Pagkalingon ko sa may pinto ay siya namang pagpasok sa kararating lang na si Sheena. Di ko alam pero sabay kaming napangiting dalawa sa isa't-isa na syempre ikinagugulat ni
UNWANTED JEALOUSYKurt's PovDumating ang volleyball tournament ni Sheena. Nandito kami lahat sa covered court para manood ng laro nito. Her team will compete against the players from the 2nd year Education course. We are so excited to watch how Sheena will likely expose her aptness in this sport. I know she's good at it.While both teams are busy with doing the usual warm-up before starting the game nakikita ko sa kabilang banda ng court ang pagdating nina Lacey at Shaira kasama ang isang lalaki na minsan nakikita ko kasama nila sa canteen. Kilalang kilalang Mvp ng basketball team at of course, mayaman. Naghahanap sila ng mauupuan. Pero hindi ko naintindihan ang sarili nang napansin kong magkatabi si Lacey at ang lalaki. When besides, he can sit beside Shai. Damn! I'm not jealous. Bahala
DINNERLacey's Pov"Anong ningiti-ngiti mo d'yan?" panimula ni Shai sa usapan."Hmmmm naalala ko lang 'yong laro ni Sheena nung isang araw," sagot ko"Anung merun dun? Mukhang enjoy ka naman kay Carl kaysa panonood ng laro, di ko nga alam kung nandoon kayo para manood o nandoon kayo para mag PDA" sabi nito."Kaya nga eh, pasalamat ako 'andun si Carl, hahahah! Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin kasi pagtingin ko kay Kurt sa kabilang banda di ko matantiya ang itsura sa inis habang nakatingin sa amin,"" Wow di man lang ako na inform girl na may ganun palang plano eh disin sana'y natulak kita ng malakas palapit kay Carl para sadya kayong magkahalikan, mas masaya pag ganun sana, " natatawa nitong mungkahi." Huwag naman halikan
I'M SORRY BABEKurt's PovLacey is here at my own crib. Realizing her presence just tingled a million thoughts inside my head. I am not prepared that this has happened after all I've done from refraining to have any encounter with her, but here she is, in my own world.Ayaw ko siyang tingnan sa aking harapan. Sa palagay ko malalaman niya ang tunay na laman ng aking kalooban. Ang pag-aasam na kinikimkim ng aking puso ay waring kusang sumasalamin sa aking mga mata .She looks so beautiful tonight. First time ko siyang nakita sa gabi. At tila mas lalo siyang gumanda sa paningin ko. Her eyes are so soulful. Her lips, na tila laging nag anyaya ng halik. I have noticed she is so reserved tonight probably because she's not at ease, she's nervous and I like it. So much.
LACEY’S POV"Wala ka bang pasok ngayon?" Sabi sa akin ni Daddy pagdating ko sa opisina niya Martes ng umaga.“Hindi muna ako pumasok ngayon, daddy kasi parang masama ang pakiramdam ko, eh,” sagot ko, hinaplos pa ng marahan ang aking kanang braso bago umupo sa upuan sa harap ng desk niya."Kung parang masama, bakit ka pumunta dito? You should stay home and rest." Medyo galit ang boses ni Dad.“Dad, iinom ko lang naman ito ng gamot , at saka bored na bored ako sa bahay,” sabi ko, pinalambot ang boses ko na kunwari naglalambing."Hindi mo ako mahuhuli sa mga taktika na ganyan, bata!" Galit na sabi ni Dad.“Daddy naman eh, nagpapaalam naman ako kay Mommy bago pumunta rito,” nagmamaktol kong paliwanag dito."If your attitude works for your mother, it won't work for me, Lacey! Kaya umuwi ka na at magpahinga bago pa kita ipapasundo dito,” sabi nito at akmang may tatawagan sa kayang cellphone. Tatawagan yata nito ang resident bodyguard namin.“Oo, uuwi na ako,” sabi ko at agad na tumayo at lu
FRIEND REQUESTTonight appears to be the longest night he has ever had. Kahit anong pilit niyang gawing ipikit and kanyang mga mata ay ayaw talaga siya dalawin ng antok. May pasok pa naman siya bukas for Christ's sake.Hindi mawaglit sa isipan niya ang boung pangyayari kanina. Una ang nangyayari sa kwarto, muntikan na talaga niyang mahalikan si Lacey kung hindi lang dahil sa libo-libong pagpipigil na ginawa niya sa sarili. Namalayan niya sa sarili na mukhang unti-unti na siyang bumigay sa totoong nararamdaman niya kay Lacey. Hindi pa naman ito tamang panahon para diyan.Pangalawa, hindi niya tiyak kung hanggang kailan ang pagpipigil niya lalo nang makita niya itong nasasaktan sa kanilang dalawa ni Katarina. Mas nasasaktan siya sa maling akala nito. She doesn't have to feel jealous about it lalo na kung siya naman talaga ang sigaw ng kanyang traydor na puso.Kaya heto siya. Nakahiga at nakapikit pero gising na gising naman ang kanyang diwa. Nilingon
BABY, PLEASE! "Kuya?" katok ni Sheena sa labas pinto, Naisipan niyang tawagin ang dalawa dahil oras na para magmeryenda. Mukhang seryoso ang mga ito sa ginagawa at nagsara pa talaga ng pinto. Kakatok na sana siya uli nang biglang itong bumukas. "Oh, Shen, what's up?"bungad ni Kurt sa pinto."Naisara yata 'to ng malakas na hangin kanina" "Walang nagtatanong, kuya," "Oh right" napakamot ito sa batok. Nilingon naman nito si Lacey na namalayan niyang nakatayo na sa likod niya. " Sheena," mahinang tawag ni Lacey. "Magmeryenda muna kayo, nagluto ako ng banana cue. Kumain ka ba ng ganun Lacey?"" Syempre naman, ang sarap kaya niyan, yan ang laging inihanda ni nanay Belen para pang meryenda sa bahay," "Sinong Nanay Belen?" kuryusong tanong ni Kurt. May pagnanais na malaman ang mga taong malalapit sa babae. "Siya ang Nanay ni Shai, Kuya," si Sheena bago pa nakasagot si Lacey." Tara
DON'T PUSH YOUR LUCKNasa sala palang siya ay alam niyang nandito si Lacey sa bahay nila. Dinig na dinig niya ang boses nito na kausap ang kanyang kapatid at si Sheena. Marami pa siyang gagawin sa araw na iyon. May ipinagagawa kasi ang ama nito sa kanya. May ibinigay ito na plano sa kanya para aralin, medyo kailangan niya iyon bigyan ng malaking oras."Kuya!!!!" sigaw ni Tanya nang naisipan niyang sumilip sa labas ng terrace nila,. Hinihila nito ang kamay niya para makalapit siya kay Lacey. Tipid namang ngumiti si Lacey pagkakita sa kanya."Kumusta ang trabaho?" tanong nito nang makalapit na siya sa ang kamay niya'y hawak pa rin ni Tanya."Okay lang naman," napansin niyang kahit isang linggo lang 'ata na di sila nagkikita ay may pagbabago siyang nakikita dito base sa pananamit nito at itsura. Parang mas lalo itong gumanda sa paningin niya. Parang nagmature ng konti kung tutuusin ay sa maikling panahon lang na hindi nila nakikita ang isa't-isa.
FIRST DAY Unang araw ni Kurt sa Kompanya tangay pa rin ang banyagang nararamdaman sa pagpatong pa lang niya sa gusali. Pinagdidiskitaan niyang nilingon ang paligid para sa kaalaman kung dumating na ba ang ibang mga kaibigan niya sa unang araw nila dito sa malaking building na ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na heto siya at unti-unting binobou ang mga pangarap niya, kung sabagay sa lahat ng pagsisikap niya ay nararapat lang siguro na matikman na rin niya ang simula ng kanyang tagumpay. Napalingon siya nang may tumawag sa kanya galing sa likod, boses iyon ng mga kaibigan niya na tulad niya, talinghaga pa rin sa lahat nang pangyayari. "Grabe, ang ganda dito," si Jex na iniikot ikot ang tingin sa boung paligid ganun din ang ginawa ng iba na manghang mangha sa laki ng lawak ng kompanyang kanilang pinapasukan bilang interns. "Daming chix mga tol," bulalas ni Omar na ang mga mata ay nasa mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanila par
STOLEN PICTURE Is it true Dad na you offered Kurt an internship job?" tanong ni Lacey sa ama niya. "Where did you get the idea?" her father asks back. "It doesn't matter," isang tipid na ngiti ang binigay niya sa ama. "Malaki ang paghanga ko sa kakayahan ng lalaking yon, " anito. "How come you knew about it," pilit niyang maging kaswal ang boses pero lumalabas pa rin ang bahid ng kuryusidad sa tono niya. "I have my sources, sweety. My instinct." nasa mata naman ni Lacey ang tiwala sa sinabi nito. She knew her dad so much at hindi ito kailanman man humanga sa kakayahan ng kapwa lalaki. Matinding palaisipan sa kanya ang internship ni Kurt. Meaning, hindi na niya ito makita araw araw. Gusto niyang mainis pero ang kinabukasan ang nakasalalay ni Kurt dito ngunit sa kabilang banda ay natutuwa din naman siya sa tiwalang binigay ng ama ni
A FATHER'S INSTINCT Bagaman ay walang ulan ay malakas na hangin ang pumainlang sa paligid. In less than 30 minutes ay mararating na rin niya ang gusali ng Del Ceilo Construction company sa Cubao. Naisipan niyang mag commute na lang sa dahilang mahihirapan siya pag gamitin ang kanyang motorsiklo, bukod sa banta ng panahon ay dala dala niya ang portfolio na kinakailanganin niya para sa internship. Naalala niya ang naging usapan sa pagitan niya at nga kanyang ina kagabi habang nasa biyahe. "Buti naman at naisipan mong tanggapin iyan,?" si mama. "Wala naman po akong sapat na dahilan para tanggihan, para ko na ring pinukpok ang sarili kong ulo pag binabalewala ko ang magandang pagkakataon na ito para sa trabaho Ma," maliwanag niyang pahayag sa mama niya habang hinahanda ang detalyadong Porfolio na isusumite niya kinabukasan sa kompanya kabilang na ang mga gawa
THE JOB OFFER "This month will be the start of your internship, Kurt. Kaya kita pinapatawag kasi di mo na kailangan maghanap ng mapapasukan, The Del Cielo Construction Company is hiring you to be a part of the engineering department" detalye ni Miss Vera. "Why me, Miss V?" gulat na tanong ni Kurt kay Miss V. " Ang swerte mo Kurt, ang hirap pasukan ng kompanyang 'yon,si Mr. Del Ceilo ay isa sa pinakamatayog na negosyante sa ating bansa," ani Miss V. "Kaya nga po ako nagtataka kung bakit pinili nila ako kung tutuusin kaya ko naman pong maghanap," pagdadahilan ni Kurt. " The Engineering faculty are looking forward to your acceptance for this, Knowing you, gusto mo yung pinaghirapan ang mga achievements mo. But this time Kurt, I'll assure you this will be your big break." paglilinaw ni Miss V. "Pag-iisipan ko po, Mis
WHY YOU'RE HERE Kurt's Pov Usap-usapan sa boung campus ang nangyari sa event. Marami akong naririnig na mga sabi sabi na mas mainam daw ang ginawa kong hindi paglingon kay Lacey pagkasigaw nito. Akala daw 'nya kasi na dahil maganda siya at mayaman ay makukuha na niya lahat ng gusto niya kasama na ako. The truth is hindi ko nagugustuhan ang paratang na iyon kasi kung tutuusin kung hindi lang dahil sa pangit na karanasan sa aking nakaraan, matagal na akong bumigay. Malapit na akong maniwala na lahat makukuha ni Lacey na dati pilit kong pinapatunayan na hindi. Pumasok ako kinaumagahan. Hindi ko siya nakikita. Iniisip ko na lang na baka masyado itong busy sa pag-aaral.Nakita ko naman si Shai mag-isang naglakad patungung Architectural building Nasaan na kaya siya? Hindi ako mapakali sa aking