THE BEAUTIFUL STALKER
Lacey's Pov
Hiyang hiya ako sa nangyari kanina pero expected ko naman na iyon. I know magiging ganun ang pakikitungo niya sa akin. I just did what Shaira had suggested me to do. Hindi ko pa naranasan ang gawin ang ganung bagay sa boung buhay ko. Nakakaawa pala sa pakiramdam. Naisip ko tuloy ganun din kaya ang nararamdaman ng mga lalaking habol ng habol sa akin pero di ko man lang pinapansin? Pero lalaki naman sila, hindi naman siguro nakakabawas sa kanilang pagkalalaki ang rejections maliban na lang siguro kung lagi lagi na lang.
Tinanaw ko ang oras. Naku po, mag aalas onse na pala ng gabi pero di pa ako tulog. Kanina pa ako nakahiga pero hindi ko nagawang makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Tiningnan ko yung f******k account ko. Ang daming notifications lalo na dun sa friend request.
Ano kaya ang f******k account ni Kurt? Noon ko pa talagang sinubukan na hanapin pero wala ako mahanap. Naka private kaya? Imposible naman ‘ata. O di kaya’y naka block ako? Kasi kahit dun sa mga common friends di ko siya makita talaga. Kahit pa nga dun kay Sheena, yung pinsan nya na kaklase ko.
God! Ano kaya ang next move ko? Hindi ako susuko nang walang mangyayari sa amin this year. Ahhh bahala na. Let’s just cross the bridge when we get there, 'ika nga.
Kinaumagahan ay nilapitan ako ni Shai sa canteen. Hindi ako nakapag-agahan kanina kaya doon na ako nag breakfast. Mukhang masarap at malinis naman ang mga pagkain. Iyon naman talaga ang importante sa akin. Hindi ako mapili kahit pa sabihin ng iba na maarte ako. Nakasanayan ko na mula nung naging magkaibigan kami ni Shai. Isa iyon sa natutunan ko sa kanya.
“Hoy gurl, may narinig ako!” simula nito habang ngumunguya sa burger na kinain .
“What should I expect?” sagot ko na nagkibit balikat.
“Good job! Akalain mo nga naman ambilis pa ni “The Flash’ yung mga the moves mo? Sus, kung ako si Kurt sasagutin na kita para kasalan na agad.” Natatawang sambit nito.
“Eh di naman ikaw si Kurt”.
“Talking of the devil,” Sabi nito sabay nguso sa likod ko.
Bahagya akong lumingon. Nakita ko ang grupo nina Kurt sa di malayuan na kararating lang. Abala sila sa pag-aayos ng kanilang mga upuan. Araw araw kaya silang nandito? kung ganun, dadalasan ko na pala ang pagpunta rito.
Pa simple akong lumipat ako ng puwesto. Gusto ko yung natatanaw ko siya mula sa aking upuan. Mukha namang naintindihan ni Shai ang ginawa ko. Kitang kita ko kung paano nakikitungo si Kurt sa mga kaibigan niya. Nagtatawanan ang mga ito, mukhang masaya ang usapan. Hindi ko nililipat ang tingin ko sa bandang kinaroroonan nila. Hanggang sa tiningnan ako ng isa sa mga kasamahan niya. Palipat lipat ang tingin niya kay Kurt at sa akin. Parang may sinabi siya kay Kurt na hudyat kung bakit napasulyap si Kurt sa banda namin. Pagkalingon nito’y, itinaas ko ng bahagya ang aking kanang kamay at sumenyas ng isang ‘hi’ pero Deadma.
Nagkatinginan kami ni Shai. Makikita ko ang sobrang inis sa mukha ng kaibigan ko.
“Suplado! kala kung sino! hmmp,” inis na sambit ni Shai.
“Di naman, baka wala lang sa mood, baka dinatnan ng buwanang period?” pabiro kong sagot sabay lingon ko uli sa mga ito.
“Naku, pinagtatanggol mo pa ‘yang impatiko na yan at pag di ako makapigil ay susugurin ko ipapakita ko sa kanya ang listahan ng mga manliligaw mo, aba! Ano? Game?” akma itong tumayo.
“Hoy buang, mag relax ka nga. I will play his game. You’ll see” tiyak na sabi ko kay Shai para kumalma ito.
Dumating si Carl. Isa sa pinakamasugid kong manliligaw. Matagal na itong nanliligaw sa akin but I already told him na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Palibhasa kasi matagal na rin magkasosyo ang mga parents namin sa negosyo.
“What’s up? dito lang pala kayo,” umupo ito sa tabi ko. Sa lakas ng boses nito tiniyak kong pinagtitinginan ito ng mga taong kumakain doon. Well, bukod sa sikat ito ay Mvp kaya ito sa basketball at twice in a row pa. kaya medyo sagana sa yabang ‘tong kumag na to.
“Ba’t ka andito?” tanong ko kay Carl.
“Bakit bawal ba? may magagalit?” sabi nito na tumitingin sa banda nina Kurt.
“Hindi naman, slight lang.” si Shai ang sumagot.
“Hindi ka naman nagpupunta rito, ah” baling ni Carl sa akin.
“So, ano naman? bawal ba? May magagalit?” ulit ko sa sinabi nito kanina.
Kinurot nito ang pisngi ko. “Sobrang ganda mo talaga pag ginagalit.” Gigil na sabi nito.
“Sobrang ganda nga para maging stalker” baliwalang sabi ni Shai at sinadya talaga itong lakasan ang boses.
“Sinong stalker?” takang tanong ni Carl kay Shai.
Tumingin ako sa grupo nina Kurt. Tiniyak ko kung narinig ba nila ang sinabi ni Shai.Mukhang patapos na ang mga ito. Ewan ko kung naririnig ba nila ang usapan namin sa sobrang ingay ng dalawa kong kasamahan.
Iniisip ko kung ano naman ang susunod kong gagawin. Medyo nahihirapan ako. Ah, alam ko na. Kakaibiganin ko kaya si Sheena? Wow, magandang ideya yun, ah. Alam kong ilag si Sheena sa akin. Siguro na rin dahil pinsan niya si Kurt.
“Tapos ka na? let’s go?” tanong ni Shai sa akin.
“Sige, tara.” Tumayo na ako. “Ikaw, saan ka pa?” baling ko kay Carl.
“After you, ladies,” sabi sabay lahad ng kamay sa daanan.
Ayaw ko pa sana. Kaso atat na atat na ata itong si Shai umalis. Siya pa itong nag mungkahi na gawan ko na ng paraan para magkalapit kami ni Kurt, siya pa itong ayaw sumuporta.
Nadaanan namin ang mesa nina Kurt. Tumingin naman ang ibang kasamahan niya sa akin. Binigyan ko ang mga ito ng napakatamis kong ngiti pero umiiwas lang ang mga ito ng tingin. Ano kaya ang sabi ni Kurt sa mga ito? Binabalaan ba niya ito na huwag rin akong pansinin? Kung di lang talaga sila kaibigan nito ay matagal na itong nakakatikim ng insulto mula sa akin. Aba, sa ganda kong ito ayaw rin nila sa akin?
“Tara na nga, malapit na yata ang oras,” dinig ko pa ring sabi ni Sheena sa mga kasamahan. Kung nagsitayuan na ang mga ito ay malamang magkasunod lang sila sa amin kaya binagalan ko ang lakad ko. Napansin kong di pantay ang pagka ayos ng sirentas ng isa ng mga sapatos ko kaya yumuko ako para ayusin sana nang may nabangga ako sa likod.
“Oops! Sorry” si Kurt.
Napatayo ako kaagad. Gulat na gulat ako. Akalain ko nga ba naman na uubra pala ang ginawa ko. Di ko naman yata sinasadya yun. Nakita kong bumalik si Shai at Carl sa banda ko.
“Sorry din,” di ko nakilala ang sarili kong boses.
“Great job!” sarkastikong sabi nito at tumingin sa sapatos ko para tiyakin kung wala ba talaga ito sa ayos.
Kita mo? mukhang di naman ako nagkukunwari, wala naman talaga sa ayos ah!
Umalis na agad ang mga ito palabas ng canteen. Ayaw yatang mas humaba pa ang usapan o baka nga nagmadadali na rin sila.
Tiningnan ako ng may halong panghuhusga ni Shai. Binalewala ko na at hinila ko na siya paalis.
THE MAD ENCOUNTERLacey's POv“Hoy, buti andito ka na,” bungad sa akin ni Shai sa loob ng room.“Bakit? Ano merun?” tanong ko at tuluyan nang lumakad patungo sa upuan ko.“May dumating na memo this morning lang, nakasaad dun na di daw makapasok si Miss Vera after lunch sa drafting subject natin kasi mukhang marami daw siyang inaasikaso kaya doon daw muna tayo pansamantala pumasok sa klase niya sa mga engineering students sa alas tres ng hapon,” mahabang paliwanag nito.“Meaning, isabay niya tayo dun sa klase ng mga ‘yon?” may pagtatakang tanong ko.“ Yes, gurl. At hindi lang ‘yan, narinig ko doon daw mismo sa klase nina Kurt, sabi daw para naman daw may maitutulong yong mga engineering students sa atin.” ani Shai.
I DON'T LIKE YOULacey's Pov“Oh , ba’t kunti lang nakain mo?” tanong ni mom sa akin nang napansin na parang hindi pa ako nangahalati sa pagkain.“Mom, was father your first crush?” wala sa sarili kong tanong. My dad then looks at me na tila na a-amused.“Is this about the guy you told us who doesn’t like you back?” tanong ni mom sa akin.“Never mind, mom” malumanay kong sabi. Tila hindi namn ito kumbinsi.“What’s his complete name, sweety?” tanong ni dad sa akin na tila curious na curious kay Kurt.“Kurt Uriel la Pierre, dad.” simple kong sagot.“Why, hon? “baling ni mom kay dad.“Just curious, itong anak natin kasi muk
BabeKurt's PovGinawa ko ang lahat para iwasan si Lacey. Hindi pa rin ako nakakausad dun sa last text niya kagabi. Goodnight, babe, huh! Hindi ko matiyak kung ano ang maramdaman basta ang alam ko lang nataranta ang puso ko. Pang ilang babe na kaya ako nito? Wala na siguro itong magawa sa buhay kaya ako ang binalingan. Siguro pag nakikita na talaga nito ang pagkalaking disgusto ko sa kanya ay titigil na siguro ito, But I don’t if how I was convincing with my action from the way how my eyes bore into her everytime.. Nararamdaman ba kaya niya na may halo itong pagnanasa? Her eyes are so mysterious. Parang hinihigop masyado ang pagkatao ko. Parang kung titingin ako sa mga ito ay walang akong maitatago, kitang kita ang laman ng
THE WALLPAPERLacey's PovHabang hinihintay ko ang sundo ko ay inaalala ko ang nangyari kahapon ng hapon sa music room. Tuwang-tuwa ako sa nangyayaring mainit na komprontasyon namin ni Kurt. Natatawa ako kung paano hindi niya inaasahan ang kapangahasan kong iyon. Maliwanang pa sa sikat ng araw ang gulat na naka rehistro sa kanyang mukha nung tinawag ko siyang “babe” sa harap ng maraming tao. Good for you.Nasa ganoon akong pag-iisip nang nakikita ko si Sheena na nakatayong nag-isa sa unahan. Ito Kasi ang totoong nangyari kahapon, sinundan namin siya ni Shai kahapon kasi gusto ko siyang kausapin at yayaing mag snacks sana kaso parang ambilis ng lakad nito kaya ayun, dun ko siya naabutan dun sa music room kung saan nagpapraktis pala si
DEFENSIVE KURTKurt's Pov.“Oh, buti nakauwi ka agad,” bungad ko kay Sheena sa pintuan. Napansin kong iba ang sout nito at ngayon ko lang nakikita na may ganoon siyang kulay na damit. Kulay lavender. May isang tao akong naalaala sa kulay na iyon siyempre.“Yeah, hinatid ako ni Lacey mo” mahina nitong sagot.“Hinatid nino?” ulit ko kahit maliwanag ko namang narinig kanina gusto ko lang makasigurado.“Bahala ka nga dyan ayaw ko nga ulitin alam kong narinig mo,” sabi nito sabay talikod.“At bakit ka nagpahatid sa kanya?” hila ko dito.“Oh ‘tamo narinig mo pala, nag maang -maangan ka pa, kuya. Oa mo.feeling ko nga type mo siya eh,” natatawa nitong sabi habang umakyat pataas sa hagdan.“You and you
NEW FRIENDSHIP Lacey's Pov Kinaumagahan sa klase ay nagpalinga linga ako at hinahanap ko si Sheena. Mukhang hindi pa siya dumarating. Hindi kaya ito nagkasakit sa nangyari kahapon? Basang-basa kaya ito nung pumasok sa sasakyan. Nag-alala ako sa iniisip ko, sana naman ay hindi. I realy hope she's just alright. "Dumating na ba si Kurt?" biglang tanong ni Shai na ikinabibigla ko. "Siya pa rin ba ang ngayon ang mag take charge sa class?" "Baka lang, kasi kanina ka pa palinga-linga , eh . Umaasa? Tapos na ang Kurt moment girl, back to reality na,hoy!" "Silly," sagot ko. Pagkalingon ko sa may pinto ay siya namang pagpasok sa kararating lang na si Sheena. Di ko alam pero sabay kaming napangiting dalawa sa isa't-isa na syempre ikinagugulat ni
UNWANTED JEALOUSYKurt's PovDumating ang volleyball tournament ni Sheena. Nandito kami lahat sa covered court para manood ng laro nito. Her team will compete against the players from the 2nd year Education course. We are so excited to watch how Sheena will likely expose her aptness in this sport. I know she's good at it.While both teams are busy with doing the usual warm-up before starting the game nakikita ko sa kabilang banda ng court ang pagdating nina Lacey at Shaira kasama ang isang lalaki na minsan nakikita ko kasama nila sa canteen. Kilalang kilalang Mvp ng basketball team at of course, mayaman. Naghahanap sila ng mauupuan. Pero hindi ko naintindihan ang sarili nang napansin kong magkatabi si Lacey at ang lalaki. When besides, he can sit beside Shai. Damn! I'm not jealous. Bahala
DINNERLacey's Pov"Anong ningiti-ngiti mo d'yan?" panimula ni Shai sa usapan."Hmmmm naalala ko lang 'yong laro ni Sheena nung isang araw," sagot ko"Anung merun dun? Mukhang enjoy ka naman kay Carl kaysa panonood ng laro, di ko nga alam kung nandoon kayo para manood o nandoon kayo para mag PDA" sabi nito."Kaya nga eh, pasalamat ako 'andun si Carl, hahahah! Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin kasi pagtingin ko kay Kurt sa kabilang banda di ko matantiya ang itsura sa inis habang nakatingin sa amin,"" Wow di man lang ako na inform girl na may ganun palang plano eh disin sana'y natulak kita ng malakas palapit kay Carl para sadya kayong magkahalikan, mas masaya pag ganun sana, " natatawa nitong mungkahi." Huwag naman halikan
LACEY’S POV"Wala ka bang pasok ngayon?" Sabi sa akin ni Daddy pagdating ko sa opisina niya Martes ng umaga.“Hindi muna ako pumasok ngayon, daddy kasi parang masama ang pakiramdam ko, eh,” sagot ko, hinaplos pa ng marahan ang aking kanang braso bago umupo sa upuan sa harap ng desk niya."Kung parang masama, bakit ka pumunta dito? You should stay home and rest." Medyo galit ang boses ni Dad.“Dad, iinom ko lang naman ito ng gamot , at saka bored na bored ako sa bahay,” sabi ko, pinalambot ang boses ko na kunwari naglalambing."Hindi mo ako mahuhuli sa mga taktika na ganyan, bata!" Galit na sabi ni Dad.“Daddy naman eh, nagpapaalam naman ako kay Mommy bago pumunta rito,” nagmamaktol kong paliwanag dito."If your attitude works for your mother, it won't work for me, Lacey! Kaya umuwi ka na at magpahinga bago pa kita ipapasundo dito,” sabi nito at akmang may tatawagan sa kayang cellphone. Tatawagan yata nito ang resident bodyguard namin.“Oo, uuwi na ako,” sabi ko at agad na tumayo at lu
FRIEND REQUESTTonight appears to be the longest night he has ever had. Kahit anong pilit niyang gawing ipikit and kanyang mga mata ay ayaw talaga siya dalawin ng antok. May pasok pa naman siya bukas for Christ's sake.Hindi mawaglit sa isipan niya ang boung pangyayari kanina. Una ang nangyayari sa kwarto, muntikan na talaga niyang mahalikan si Lacey kung hindi lang dahil sa libo-libong pagpipigil na ginawa niya sa sarili. Namalayan niya sa sarili na mukhang unti-unti na siyang bumigay sa totoong nararamdaman niya kay Lacey. Hindi pa naman ito tamang panahon para diyan.Pangalawa, hindi niya tiyak kung hanggang kailan ang pagpipigil niya lalo nang makita niya itong nasasaktan sa kanilang dalawa ni Katarina. Mas nasasaktan siya sa maling akala nito. She doesn't have to feel jealous about it lalo na kung siya naman talaga ang sigaw ng kanyang traydor na puso.Kaya heto siya. Nakahiga at nakapikit pero gising na gising naman ang kanyang diwa. Nilingon
BABY, PLEASE! "Kuya?" katok ni Sheena sa labas pinto, Naisipan niyang tawagin ang dalawa dahil oras na para magmeryenda. Mukhang seryoso ang mga ito sa ginagawa at nagsara pa talaga ng pinto. Kakatok na sana siya uli nang biglang itong bumukas. "Oh, Shen, what's up?"bungad ni Kurt sa pinto."Naisara yata 'to ng malakas na hangin kanina" "Walang nagtatanong, kuya," "Oh right" napakamot ito sa batok. Nilingon naman nito si Lacey na namalayan niyang nakatayo na sa likod niya. " Sheena," mahinang tawag ni Lacey. "Magmeryenda muna kayo, nagluto ako ng banana cue. Kumain ka ba ng ganun Lacey?"" Syempre naman, ang sarap kaya niyan, yan ang laging inihanda ni nanay Belen para pang meryenda sa bahay," "Sinong Nanay Belen?" kuryusong tanong ni Kurt. May pagnanais na malaman ang mga taong malalapit sa babae. "Siya ang Nanay ni Shai, Kuya," si Sheena bago pa nakasagot si Lacey." Tara
DON'T PUSH YOUR LUCKNasa sala palang siya ay alam niyang nandito si Lacey sa bahay nila. Dinig na dinig niya ang boses nito na kausap ang kanyang kapatid at si Sheena. Marami pa siyang gagawin sa araw na iyon. May ipinagagawa kasi ang ama nito sa kanya. May ibinigay ito na plano sa kanya para aralin, medyo kailangan niya iyon bigyan ng malaking oras."Kuya!!!!" sigaw ni Tanya nang naisipan niyang sumilip sa labas ng terrace nila,. Hinihila nito ang kamay niya para makalapit siya kay Lacey. Tipid namang ngumiti si Lacey pagkakita sa kanya."Kumusta ang trabaho?" tanong nito nang makalapit na siya sa ang kamay niya'y hawak pa rin ni Tanya."Okay lang naman," napansin niyang kahit isang linggo lang 'ata na di sila nagkikita ay may pagbabago siyang nakikita dito base sa pananamit nito at itsura. Parang mas lalo itong gumanda sa paningin niya. Parang nagmature ng konti kung tutuusin ay sa maikling panahon lang na hindi nila nakikita ang isa't-isa.
FIRST DAY Unang araw ni Kurt sa Kompanya tangay pa rin ang banyagang nararamdaman sa pagpatong pa lang niya sa gusali. Pinagdidiskitaan niyang nilingon ang paligid para sa kaalaman kung dumating na ba ang ibang mga kaibigan niya sa unang araw nila dito sa malaking building na ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na heto siya at unti-unting binobou ang mga pangarap niya, kung sabagay sa lahat ng pagsisikap niya ay nararapat lang siguro na matikman na rin niya ang simula ng kanyang tagumpay. Napalingon siya nang may tumawag sa kanya galing sa likod, boses iyon ng mga kaibigan niya na tulad niya, talinghaga pa rin sa lahat nang pangyayari. "Grabe, ang ganda dito," si Jex na iniikot ikot ang tingin sa boung paligid ganun din ang ginawa ng iba na manghang mangha sa laki ng lawak ng kompanyang kanilang pinapasukan bilang interns. "Daming chix mga tol," bulalas ni Omar na ang mga mata ay nasa mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanila par
STOLEN PICTURE Is it true Dad na you offered Kurt an internship job?" tanong ni Lacey sa ama niya. "Where did you get the idea?" her father asks back. "It doesn't matter," isang tipid na ngiti ang binigay niya sa ama. "Malaki ang paghanga ko sa kakayahan ng lalaking yon, " anito. "How come you knew about it," pilit niyang maging kaswal ang boses pero lumalabas pa rin ang bahid ng kuryusidad sa tono niya. "I have my sources, sweety. My instinct." nasa mata naman ni Lacey ang tiwala sa sinabi nito. She knew her dad so much at hindi ito kailanman man humanga sa kakayahan ng kapwa lalaki. Matinding palaisipan sa kanya ang internship ni Kurt. Meaning, hindi na niya ito makita araw araw. Gusto niyang mainis pero ang kinabukasan ang nakasalalay ni Kurt dito ngunit sa kabilang banda ay natutuwa din naman siya sa tiwalang binigay ng ama ni
A FATHER'S INSTINCT Bagaman ay walang ulan ay malakas na hangin ang pumainlang sa paligid. In less than 30 minutes ay mararating na rin niya ang gusali ng Del Ceilo Construction company sa Cubao. Naisipan niyang mag commute na lang sa dahilang mahihirapan siya pag gamitin ang kanyang motorsiklo, bukod sa banta ng panahon ay dala dala niya ang portfolio na kinakailanganin niya para sa internship. Naalala niya ang naging usapan sa pagitan niya at nga kanyang ina kagabi habang nasa biyahe. "Buti naman at naisipan mong tanggapin iyan,?" si mama. "Wala naman po akong sapat na dahilan para tanggihan, para ko na ring pinukpok ang sarili kong ulo pag binabalewala ko ang magandang pagkakataon na ito para sa trabaho Ma," maliwanag niyang pahayag sa mama niya habang hinahanda ang detalyadong Porfolio na isusumite niya kinabukasan sa kompanya kabilang na ang mga gawa
THE JOB OFFER "This month will be the start of your internship, Kurt. Kaya kita pinapatawag kasi di mo na kailangan maghanap ng mapapasukan, The Del Cielo Construction Company is hiring you to be a part of the engineering department" detalye ni Miss Vera. "Why me, Miss V?" gulat na tanong ni Kurt kay Miss V. " Ang swerte mo Kurt, ang hirap pasukan ng kompanyang 'yon,si Mr. Del Ceilo ay isa sa pinakamatayog na negosyante sa ating bansa," ani Miss V. "Kaya nga po ako nagtataka kung bakit pinili nila ako kung tutuusin kaya ko naman pong maghanap," pagdadahilan ni Kurt. " The Engineering faculty are looking forward to your acceptance for this, Knowing you, gusto mo yung pinaghirapan ang mga achievements mo. But this time Kurt, I'll assure you this will be your big break." paglilinaw ni Miss V. "Pag-iisipan ko po, Mis
WHY YOU'RE HERE Kurt's Pov Usap-usapan sa boung campus ang nangyari sa event. Marami akong naririnig na mga sabi sabi na mas mainam daw ang ginawa kong hindi paglingon kay Lacey pagkasigaw nito. Akala daw 'nya kasi na dahil maganda siya at mayaman ay makukuha na niya lahat ng gusto niya kasama na ako. The truth is hindi ko nagugustuhan ang paratang na iyon kasi kung tutuusin kung hindi lang dahil sa pangit na karanasan sa aking nakaraan, matagal na akong bumigay. Malapit na akong maniwala na lahat makukuha ni Lacey na dati pilit kong pinapatunayan na hindi. Pumasok ako kinaumagahan. Hindi ko siya nakikita. Iniisip ko na lang na baka masyado itong busy sa pag-aaral.Nakita ko naman si Shai mag-isang naglakad patungung Architectural building Nasaan na kaya siya? Hindi ako mapakali sa aking