Kesh POV
Nagising ako ng matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko.
Nakayakap ako sa isang puting malambot na unan. Inilibot ko ang paningin ko.
Nasaan ako? Nasaan si Ash?
Biglang sumakit ang ulo ko. Argh ito na ba ang sinasabi nilang hangover. Pinilit kong alalahanin ang nangyare kagabi.
Nalasing ako kagabi. Niligtas ako ni Akio dun sa walang hiyang lalaki na yun. Sinabi nyang girlfriend nya ako. Sinabi kong crush ko sya.
Watdapak! Sinabi nyang girlfriend nya ako?! Sinabi kong crush ko sya?! Seriously?! AaaaaaaaAa
Sinampal sampal ko ang pisngi ko ng maalala ko lahat ng nangyare kagabi.
Puro kahihiyan, ano bang katangahan meron ka Calista Kesh Argh!
"Bakit mo sinasampal sarili mo?" natatawang tanong ng kung sino.
"AaaaaaaaAa." napatili ako sa sobrang gulat ko ay muntik pakong malaglag sa kama.
"Good morning!" masiglang bati pa nito.
"Ah e-eh Good morning, asan si Ash?" tanong ko rito.
"Still asleep. I'll just check if you're awake. The breakfast is ready, You want to eat?" tanong nito.
Himala hindi sya masungit ngayon.
"Sige susunod ako. Meron ka bang extra toothbrush dito?" Nahihiyang tanong ko pilit parin akong ngumiti rito.
"Nasa cr na lahat ng kailangan mo." ngumiti ito pabalik at umalis na.
Nagmadali akong nagtoothbrush at nagayos. Nagdalawang isip pa ako kung susunod ba ako sa kusina o pupuntahan ko muna si Ash.
Dahil alam ko ring pagod si Ash at hinayaan ko nalang ito at dumiretso na sa kusina. Nakita kong kumakain na si Akio.
"Sit here." turo nito sa upuan sa harap niya.
Sinunod ko nalang ito at umupo na.
Inabutan ako nito ng plato at kutsara't tinidor. Kumuha ako ng fried rice at ham.Baka isipin nito patay gutom ako kaya di ako kumuha ng madami, kahit feeling ko gutom na gutom na ako.
"Ayaw mo?" sabay turo nito sa hotdog at itlog na nasa lamesa.
Andami naman kasing ulam para namang mauubos nya yan.
"Ah, kukuha nalang ako pagkaubos ko nito." turo ko sa pagkaing nasa harap ko.
Ampride ko ampupu huhu. Napakaplastik. Sorry hotdog baka mapagkamalan akong patay gutom.
Tinitigan ko lang ang kawawang hotdog sa lamesa na para bang kinakausap ko ito gamit ang mga mata ko.
"What are you doing? Wag ka makipagtitigan dun sa hotdog kumuha ka na." he chuckled.
Agad kong iniwas ang tingin sa kawawang hotdog huhu.
"Ha? E-eh hindi may iniisip lang pero di ako nakatitig sa hotdog ha." deny ko rito.
"Weh? Eh kulang nalang mamatay yung hotdog, ansama ng tingin mo e." natatawang asar nito.
"Ha? H-hindi ah." tanggi ko rito.
Bat ba ang kulit nya? Nagpipigil ako rito ha.
"Okay sabi mo eh." sambit nito bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Goodmorninggg!" masiglang bati ni Ash sabay beso nito sakin.
"Morning!" bati ko rito.
"Asan kiss ko?" tanong nitong si Akio.
Ay kiss ang nais.
"Goodmorninggg!" bati nito kay Akio at hinalikan ito sa noo.
Seriously? Childhood friend ba talaga o jowabels?
Hindi ko nalang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain. Naalala ko kailangan ko pang magupdate sa story na ginawa ko wattpad.
Matagal na akong nagsusulat sa Wattpad at may dalawang works na akong na publish. Ginagawa kong libangan ang Wattpad kapag wala akong magawa o kaya naman ay tapos na ako sa mga ginagawa ko.
Hindi ko namalayang natulala ako pagkatapos kumain.
"Hey Kesh? Are you okay?" tanong ni Ash habang winawagayway sa harap ng mukha ko.
"Y-yeah iniisip ko lang iu-ud ko later." bahagya akong ngumiti rito.
"Tara? Hahatid na raw tayo pauwi ni Akio." sambit nito habang inaabot ang kamay sa akin.
"Tara, kukunin ko lang yung purse ko." paalam ko rito bago nagtungo sa kwartong tinulugan ko.
Agad kong kinuha ang black wallet purse na ginamit ko kagabi at nagmamadaling sumunod kay Ash.
Dire-diretso kaming pumunta sa parking lot. Mahigit isang oras bago kami nakarating sa bahay nila Ash.
Nang makarating kami sa bahay ni Ash agad ring nagpaalam si Akio na uuwi na siya. Marami pa raw itong gagawin.
"Salamat." nakangiting sambit ko rito.
"Para saan?" medyo nagtaka pa ito.
"Sa paghatid sa amin tsaka sa pag-alaga kagabi." nginitian ko ulit ito.
"Ah walang anuman, alis nako." ngumiti ito bago lumapit kay Ash at humalik sa noo.
Magjowa talaga yata 'tong dalawang to e HAHAHAHAHAHA.
Dire-diretso akong umakyat sa taas para magbihis at maligo. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Ash, napatingin ako rito at niluwa nito si Ash.
"Girl kakausapin natin si mommy mamaya pagdating." sambit nito bago lumakad papunta sa closet.
"Papayag kaya si tita?" tanong ko rito.
"Hindi ko sigurado, kapag hindi pumayag edi papayagin pilitin natin." sambit nito bago pakawalan ang nakakaloko nitong ngiti.
"Sure ka diyan?" sambit ko pa uli rito.
"Oo nga pipilitin natin."
(Ay mapilit, tapos yung nagbabasa pilit ng pilit na piliin di naman pinili kbye.)
Pagkatapos kong magayos ay nanatili na lang ako sa kama at kinuha ang laptop na naroon habang unti unting sinusulat ang pahina na iuupdate ko para bukas.
Mahigit kumulang trente minutos nang lumabas si Ash sa cr at mabilis na nagayos.
"Tara? Nasa balcony raw si mommy." sambit nito bago buksan ang pinto ng silid.
Sumunod ako rito papunta sa balkonahe.
"Mommy? Are you busy? Pwede ka ba naming makausap?" tanong ni Ash kay tita Amanda.
"I'm not busy, about what?" sambit nito at bahagyang napakunot-noo.
"Mom i hope you understand. We want to become independent, gusto sana namin na sa condo nalang muna kami titira, we need your consent please allow us pretty please." pagmamakaawa ni Ash rito.
"Darling-"
"We're no longer a child please allow us mom." putol ni Ash Kay tita Amanda.
"Uhm tita nakakahiya na din kasi sa inyo." pabulong kong sambit rito.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni tita Amanda bago sumagot.
"Hey Kesh don't be shy. I'll let the two of you but take care of yourselves." ngumiti ito sa amin.
"Thank you mommy!" sambit nito bago yumakap kay tita.
"You're Welcome, may tiwala ako sa inyo." tugon nito bago umamba ng yakap kay Ash.
"Come here darling." malambing na sabi ni tita na umamba ng yakap sa akin.
Yumakap nalang ako rito. Simula nung nag college ako si tita na ang tumayong pangalawang nanay ko kaya malapit na ako rito.
"Mom? Pwede bang mamaya na ipahakot yung mga damit at gamit namin? Para mabilis din kaming makalipat." tanong ni Ash.
"Sure why not? hindi ka naman atat na iwan si mommy?" biro ni tita.
"Of course not mom, maganda lang kasi hindi na namin kailangan bumyahe ng isang oras para pumasok malapit na yung school namin dun sa condo." Ash chuckled.
Nagtawanan kami sa sinabi ni tita. Alas dos ng hapon ng inempake namin ang mga damit at gamit namin na dadalhin sa condo ni ash na tutuluyan namin.
Habang nagtutupi kami ni Ash ng mga damit para ilagay sa maleta ay nagkwekwentuhan kami.
"Alam mo ba nung bata pa kami ni Akio masungit din sakin yun." kwento nito bago isubo ang chips na nasa kamay niya.
"Masungit naman talaga sya ah?"
"Hindi naman talaga sya masungit, ayaw nya lang na may pumasok uling tao sa buhay nya tapos iiwan sya sa bandang huli." paliwanag nito.
"Ah kaya siya nagsusungit? Para hindi siya magustuhan ng tao o para malaman niya kung magsstay pa din yung tao kahit masama ugali nya?" mahabang tanong ko rito.
"Uhm maybe? maybe yes." sambit nito.
Tumango lang ako rito para sumang-ayon sa sinabi nito.
"Alam mo ba kung pano ko nakuha loob nya? Magkaibigan kasi si mommy tapos yung mommy nya kaya madalas silang nasa amin nun, tapos may time na pinakilala siya sakin ni tita eh gustong gusto ko nun magkaroon ng kalaro kinulit ko siya pero ansungit nya." mahabang sambit nito.
"Hanggang sa tinulungan ko siya sa mga school works or assignments tsaka lagi ko siyang kinukulit dun sya nagsimulang lumambot and see hanggang ngayon magkaibigan pa din kami." dugtong pa nito.
Tumango tango ako rito habang nginunguya ang chips na nasa bunganga ko.
"Wawers yan." wala sa sariling sagot ko.
"Huh?" nakakunot noong tanong nito.
"Wala wala sabi ko sanaol." palusot ko rito.
"Pft, weh? ediwow." sambit nito.
Binato ko ito ng unan bago ilagay ang mga damit sa panghuling maleta na lalagyan ko. Lilipat na kami mamaya para bukas maaga na kami makapasok, malinis naman ang condo nito gamit nalang namin ang aayusin.
Alas tres kami naghanda para sa paglipat namin.
"Take care huh?" sambit ni tita bago kami niyakap at hinalikan.
Tumango ako at ngumiti rito. Ipinasok na agad ang tig-dalawang maleta na dala namin ni Ash sa kotse.
Bago kami pumasok sa kotse ay kumaway muna kami kay tita Amanda at tito Louis.
(sadyang Louis po yan ha hindi po Louisse or Louise.)
Nang makarating kami sa condo ni Ash ay itinabi nalang muna namin ang maleta para kinabukasan nalang aayusin.
"Ito kwarto mo Kesh." sambit nito bago buksan ang isang kwarto roon.
Nang tuluyang mabuksan ni Ash ang pinto ng kwarto bumungad sa akin ang isang malaking puting kama, malaki ang kwarto para sakin may mini library rin ito sa kabilang gilid may halaman sa gilid ng kama at sa kabila naman ay maliit na side table na mayroong lamp. Kumpleto ang gamit roon at air-conditioned naman ito.
"Sa kabila naman ang kwarto ko, kung may kailangan ka punta ka lang dun." ngumiti ito.
Tumango lang ako rito bago tuluyang umalis ng kwarto ko.
Inilabas ko ang uniform ko sa loob ng maleta, para hindi ito magusot ay inilagay ko ito sa walk-in closet na naroon, sa dulo ng walk-in closet ay naroon ang banyo.
Nang matapos kong libutin ang buong kwarto ay tinawag ako ni Ash upang maghapunan. Pagkatapos kumain ni Ash ay mabilis rin itong nagpaalam na magpapahinga na masakit pa raw ang ulo nito kaya mauuna na sya.
Iniligpit ko ang pinag-kainan ko at dumiretso sa kwarto ko napakaganda ng view nito mula sa isang malaking babasaging salamin ay matatanaw mo ang napakagandang city lights sa ibaba, saglit ko iyong pinagmasdan bago isara ang malaking kurtina at tuluyang humiga sa kama at magpahinga na.
Kinaumagahan ay walang hassle na nangyare sa pagpasok namin.
Nagmamadali akong pumasok sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.
"Kesh counter na." mabilis na turo ni Iris sa counter madaming costumer kaya pala ito nagmamadali.
Isa isa kong hiningi ang mga order nito at nagsimula ng kumilos para tulungan si Iris sa pagseserve.
Nang matapos ako sa oras ng pagtatrabaho ko ay agad akong umuwi sa condo ni Ash.
Naabutan ko itong nagluluto ng hapunan.
"I'm homeee!" masiglang sambit ko rito.
"Exactly! Tapos na din akong magluto." sambit nito bago isalin ang nilutong ulam sa isang mangkok.
"Bihis muna ako huh?" paalam ko rito habang sinesenyas na pupunta na ako sa kwarto.
Tumango na lamang ito bago ilapag ang plato at mangkok sa lamesa.
Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay nagpaalam si Ash na tatapusin ang assignment nya.Kinuha ko ang laptop ko sa kwarto at umupo sa mini library na naroon, kitang kita rin ang city lights mula sa babasaging salamin na katabi nito.Nagscroll ako sa wattpad ng mga messages at comments ng readers. Natawa pa ako sa iilang comments.Agad akong nagtipa sa aking laptop ng iuupdate para sa story na ginawa ko, habang pinagmamasdan ang mga city lights ay nakakakuha ako ng maraming idea at lumalawak ang imahinasyon ko, kung kaya't nakakabuo ako ng iba't ibang senaryo.Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng magvibrate ang cellphone ko.+639********WazzuuUp?Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ito. Agad akong nagtipa ng irereply rito bago ilapag sa upuan na kinauupuan ko. &
Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ni Ash ang pinagkainan bago dumiretso sa sala."Truth or dare tayo!" sigaw ni Ash."Boring yun walang thrill." bored na sagot ko rito."Sagot o inom nalang!" sigaw pa nito."Sira ka may pasok bukas!" sagot ko rito."Wala nagannounce na kanina." sambit nito.Akala ko ay nagbibiro ito ngunit ng magbrowse ako sa laptop ko na kanina ko pa dala sa kusina, totoo ang sinabi ni Ash walang pasok dahil pinaghahandaan nila ang pagbisita ng ibang school sa school namin, hindi nila pinapasok ang estudyante upang magayos at maglinis sa iba't ibang sulok ng campus, sabagay kapag maraming estudyante na naroon ay makalat parin ito kaya siguro hindi ito nagpapasok iyon pala ang pinagmeetingan kanina."Bakit ngayon lang ako nainform?" kunot noong tanong ko na nakatingin p
Pumasok ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at diretso nagbihis.Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa counter, walang masyadong bumibili dahil wala namang estudyante ngayong araw wala ding masyadong taong dumadaan kaya kakaunti lang ang costumer ngayon.Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, napansin kong napakalaki ng eyebags ko.Kasalanan to ni Akio! Hindi ko alam kung anong dahilan niya at bakit niya ginawa iyon. Nanatili akong nakatulala sa harap ng salamin."Hoy okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala tsaka tingnan mo nga yang eyebags mo anlaki, natulog ka ba?" sabi nito habang pinipindot pindot ang pisngi ko."Natulog ako, may iniisip lang." i forced a smile."Sigurado ka?" paniniguradong tanong nito."Oum yes.""Okay, mamaya makukuha na natin yung sahod natin, may balak kang puntahan?" Iris
Akio's POVNakatulog din si Kesh sa pagiyak. Hindi ito kumain at wala raw gana."Hindi ka pa matutulog? Magpahinga ka na." tanong ko kay Ash."Hindi na muna siguro, baka magising si Kesh at matakot kung wala siyang kasama rito." she forced a smile."I'm here, ako ng bahala sa kaniya, you need to rest, may pasok ka pa bukas." nginitian ko ito."Please take care of her. She's scared and i don't know what to do." she pleased me.I nodded.Umalis ito ng kwarto ni Kesh. Umupo ako sa upuan na nasa tabi nito. Pinagmasdan ko ito ng matagal bago yumuko at naisipang matulog nalang.Naalimpungatan ako ng marinig ulit ang hikbi nito." Wag p-po. " she almost whispered."Hey, Come here." niyakap ko ito."I'm scared." nabasag ang bose
Pagkauwi namin sa condo ni Ash ay ginayak na namin ang mga damit na gagamitin namin, napagpasiyahan naming tatlo na doon na muna kami sa loob ng dalawang linggo.Two weeks naman ang sembreak kaya ayos lang.Mabilis ring natapos ang araw na yon inayos lang namin ang gamit namin at ibinalot ang regalong dadalhin namin.Sa maliit na maleta ko lang ilinagay ang damit na dadalhin ko."Sa beach daw tayo magcecelebrate, magdala ka ng swim wear mo." sambit ko kay Ash bago magpakawala ng isang ngiti."OmoOo really?!" she giggled."Yes girl!""Uh which one will i get?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa mga swimsuits na nasa kama niya.Tinutulungan ko siyang maglinis ng kwarto niya kaya ako narito.Tinginan ko ang swimsuits na nasa kama niya, mayroong re
Nagising ako ng maaga dahil sa mga ingay na naririnig ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos, nagsuklay at nagtali ako ng buhok bago lumabas ng kwarto.Hindi na ako nagabalang gisingin si Ash dahil alam kong pagod ito sa byahe.Hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay na naririnig ko, pumunta ako sa sala at hindi nagkamali na doon nanggagaling ang mga ingay na naririnig ko."Anong oras sila nakauwi tita?" narinig kong tanong ni Nate kay mama.Napatampal ako sa noo ko ng maalalang hindi ko na itext si Nate kagabi ng makauwi kami.Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala."Good morning Mama, Happy birthday po!" hinalikan ko si mama sa noo at niyakap ito."Salamat Anak." pabalik na yakap nito. Bumitaw rin ako agad rito."Hi Nate, morning!" masiglang bati ko rito."Ang aga mo naman nag
Dumating sila mama dala ang mga bagong lutong pagkain, buti na lamang ay tapos na kami sa pagaayos roon.Sa ibaba ng dalawang palapag na bamboo cottage nakalagay ang isang mahabang lamesa na mayroong mga pagkain, sa tapat ng cottage ay mayroong mga lamesa at upuan na pwedeng upuan ng bisita.Inimbita raw ni mama ang ilan sa mga kakilala niya pero aalis rin raw mamayang gabi."Ma, Pa! ako na riyan." sambit ko rito.Kahapon ay hindi ko nakita si papa dahil gabi ang sched ng trabaho nito at umuuwi lang ng alas kwatro ng madaling araw.Hindi ko naman ito naabutan kaninang umaga dahil maaga itong umalis at nauna na rito marami din kasi silang inasikaso."Hi papa! I miss you." malambing na tugon ko rito. Niyakap ko ito at hinalikan lang ako nito sa noo bilang pagtugon.Papa's girl ako lumaki akong sinus
Gabi na ng magsiuwian ang mga bisita. Gumawa ng bonfire si Nate malapit sa may tabing dagat, may mga unan at mat na nakalatag roon.Nagpalit lang ako ng damit sa room namin, simpleng peach t-shirt at isang cotton pajama.Nasa tabi ko si Ash yakap yakap ang dalawang malaking chichirya at bahagyang nakanguso."Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko rito.Hindi ito sumagot at mas lalo lang sumimangot."Ito pa, ayan hawakan mo." wika ni Nate habang inaabot dito ang alak na hawak nito.Binatukan ko ito.Kaya naman pala nakasimangot na naman itong isa dahil sa walang hiyang 'to."Akin na yan Ash." saad ko rito at kinuha ang alak na hawak nito."At ikaw tulungan mo yung isa dun nagaayos." piningot ko pa ang tainga nito bago ito umalis.
Akio's POVI decided to buy a camera for my sister, while looking at it there's a girl who caught my attention.She's simple pretty, medyo curl ang buhok nito. Nakaskirt siya at cropped top. Magpaparty ba 'to? Bakit ganiyan suot niya?Napansin ko ang isang kasama nito, Ash?Oh, Ash friend? Maybe, best friend.Parehas sila ng damit. Napailing ako. Ibinalik ko ang headphone sa tamang pagkakasuot nito. Binili ko ang camera na tinitingnan ko kanina.Nang palabas na ako sa shop na iyon ay sinadya ko ang pagbangga sa kaniya.Hindi ko inaasahan na mapapalakas iyon, tutulungan ko sana siya. Ngunit parang wrong move kung yun ang gagawin ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng mall.___Ang malas naman bakit ngayon pa? Ma
"Daddy's here!" Cayleigh shouted.Napatingin sa akin si Nate. Nagtataka ang mga titig nito. Ngumiti lang ako sa kaniya bago napagpasiyahang umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.Obvious namang hindi ko pa naipapaliwanag kay Nate ang lahat. Nasabihan ko na rin naman sila mama, sila Ash, Iza, Anika, Si Mommy at Daddy tungkol kay Akio at Cayleigh.Ayos lang naman sa kanila, as long masaya ang anak ko.Mamaya na lang siguro ako magpapaliwanag kay Nate.Bumaba na rin ako pagkatapos ko magpalit sa taas, wala na rin naman akong gagawin roon.Pagbaba ko ay nakita ko si Nate, saktong nakatingin siya sa akin. Katapat niya si Akio at Cayleigh na naguusap.Maya maya lang ay tumakbo na si Cayleigh papunta kay Nate. May sinabi ang anak ko sa kaniya bago siya hilahin papunta sa kusina. 
Nagkwentuhan ang dalawa samantalang ako pasimple lamang silang sinusulyapan habang sumisimsim sa inumin ko.Bagay silang magsamang mag-ama, parehas sila English-speaking. Hmp.Nagtagal pa kami ng dalawampung minuto sa shop na iyon bago mag-aya si Cayleigh sa kung saan. Hindi ko narinig dahil wala naman silang balak iparinig.Silang dalawa lang ang naguusap, animo'y may mga sariling mundo at walang pake sa taong nasa paligid nila.Humawak si Cayleigh sa kamay ng ama niya. Bahagya akong napaiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit bigla na lang may kumurot sa puso ko.Pero hindi ko din naman siya masisisi tatlong taon din niyang hindi nakita si Cayleigh, ganoon rin si Cayleigh sa kaniya.Dumaan sila ng timezone kaso sa hindi malamang dahilan sarado iyon."Daddy, I want to play!" ani Cayleigh na nakahawak sa daddy niya at nanlulumo dahil s
Tumalikod na ako at akmang aalis na ng may sumigaw at tinawag ang pangalan ko."Kesh!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.Hindi ko siya nilingon at binilisan na lang ang mga hakbang ko. Nagsisimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang tumatabon rito. Hilong hilo na rin ako dahil sa nainom ko.Hindi ko namalayan na may nakaharang sa daanan ko, nabangga ako sa isang matigas na bagay.Agad kong inangat ang tingin ko ng masinghot ko ang amoy ng taong mahal ko.Bakit niya ba ako sinusundan?! Pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. "Oh, Hi! Ikaw pala!""Geez, you're drunk. Why are you crying?" gusot ang noo nito at madilim ang aura na nakapaligid sa kaniya.Anong problema niya? "Hindi ako lasing 'no, magkaiba ang lasing at tipsy h
Nagmamasid ako sa anak ko na nasa harap na ng stage at nakikipagkulitan sa mga ninong niya.Sila na yung nakialam sa pagpapalaro. Napairap ako sa mga kalokohan na pinaggagawa nila sa harapan.Kanina nga ay may umiyak na bata dahil natalo sa laro, binigyan na lang nila ng laruan. Nagsisihan pa kung sino ang may gawa.Kahit kailan at sakit sa ulo ng mga abogado na 'to.Akala mo hindi mga abogado kapag kasama si Cayleigh eh.Lumapit ako sa kanila dala ang malambot na bimpo na ilalagay ko sa likod ni Cayleigh.Buhat na ni Nate si Cayleigh, nakangiti lang ang anak ko buong program panay ang pagkanta at pagtawa."Baby, put this towel first." inayos ko ang likod nito kahit buhat siya ni Nate. Masiyado niyang namiss tito ninong niya."Ami, malaki yung gift ni tito ninong unlike ninong Zach."Nabulunan naman si Zach na umiinom sa g
Maaga akong nagising dahil sa halik ni Cayleigh sa mukha ko. Napangiti ako.Hindi pumalya si Cayleigh sa pagpapasaya sa akin."Ami, wake up! Breakfast ish rewdy. " niyugyog nito ang braso ko at panay ang halik sa mukha ko.Isang linggo at tatlong araw na rin simula ng nagtrabaho ako.Nakapunta na ako sa iba't ibang bansa dahil roon.Madalas kong abutan na tulog na si Cayleigh sa kwarto naminkung hindi ay sa kwarto ni mama, minsan na rin siyang nakipabonding kala mommy kasama si Ash.Si Ash naman ay ipinasok na ni daddy sa kompanya nila, pumayag naman si Ash basta raw ay ipasok si Iza at Anika.Ako naman nagiipon, nagbabalak akong bumili na lang ng condo na titirhan namin ng anak ko ng sa gayon ay hindi kami makaabala dito.Tumayo ako at nagayos. Bukas ang 3rd birthday ni Cayle
Nagising akong wala sa tabi ang anak ko, itinabi daw ito ni mama sa kaniya.Napailing nalang ako.Inayos ko ng hanay ang mga damit na dala namin, pati na ang mga laruan na paborito ni Cayleigh.Dinala kasi nito ang mga laruan niya, ayaw ipaiwan. Galing daw sa mga ninong niya yun."Good mowning ami!" sumampa ito sa kama at hinalikan ang buong mukha ko.Likasna kay Cayleigh ang pagiging sweet, tuwing umaga ay iyon lagi ang nanggigising sa akin."Good morning baby!"Pagkatapos niya akong paliguan ng halik ay saka naman ako nito niyakap."Ang sweet sweet naman ng baby ko.""Ami, I wuv you!""I wuv you too baby." hinalikan ko ang noo nito.Niyakap ako nito ngmahigpit na siyang ikinataka n
"Anong oras na?" tanong ni Ash."4:45 pm na." Iza."Bilisan niyo na nga magayos mas mabilis pa magayos sa inyo si Cayleigh." sagot ko."Bilisan niyo na 5:30 aalis na tayo mala-late tayo sa flight."Isang taon na naman ang nakalipas.September na ngayon, gusto nila mama na doon kami magpasko at magcelebrate ng birthday ni Cayleigh.Uuwi na kami ng pilipinas. Kasama na sila Iza at Anika.Si Iza ay ulila ng lubos kaya wala na siyang pakialam sa buhay niya rito sa Australia.Si Anika naman ay may ama nga, ngunit inabandona na siya.Habang nagtatype sa cellphone ko para magreply sa text ni mama ng inabot ni Cayleigh ang laylayan ng damit ko at hinawakan ang dulo ng daliri ko."Ami, cali want slayd."
__________6 months have passed"Hey, eat this!" Anika."Ayoko na, I'm full."Kanina pa nila ako inaabutan ng kung ano anong masustansiyang pagkain. Nakailang kain na rin ako sa gulay at prutas na ibinigay nila.Kinurot ko uli ang pisngi ni Dave, siya lang ang malapit sa akin."Aww, ouch." angil niya."Ang cute mo Dave!" panay pa rin ang pagpisil ko sa pisngi nito."Help, hindi na naman ako titigilan ng buntis na 'to."I pouted."Madam awat na, kawawa na pisngi ni Dave." tumawa si Zach sa pulang pulang pisngi ni Dave.Eh, ang cute niya eh :(Napanguso ako ng umalis sa kinauupuan niya si Dave."Hey, wag kang sumimangot madam. Kawawa naman kasi yung pisngi n