Share

Chapter 5

Author: @niñahoshi's
last update Last Updated: 2020-07-31 01:33:26

Maayos naman ang nangyare sa isang buong linggo ko.

Saturday morning inaya ako ni Ash na magshopping para raw sa susoutin namin mamaya.

Puro nalang shopping walang katapusang shopping basta si Ash.

"Kailangan pa ba talagang magshopping?" medyo naiinis na tanong ko rito.

Pano ba naman kasi babalik na naman kami sa mall sa isang linggo yata dalawa o tatlong araw kami magshopping.

"Oo eh kung may damit sana ako sa ganung okasyon edi hindi na kailangan."

Seriously?! WTF.

"Seryoso ka dyan? Ginawa na yata nating school 'tong mall e? Kulang nalang dito na tayo tumira." 

"Heh! Bakit may susoutin ka na ba?" tanong nito. 

"Bakit kailangan bang paghandaan ng sobra yun? Tss." naiiritang sagot ko rito.

"Maghahanap tayo ng ida-date mo." 

Seryoso ka dyan Ash tss. 

"Anong ida-date? Ayoko magisa ka." 

"Hindi na sorry. Pfft." humagalpak ito sa tawa. 

Namili kami ng mabilis lang. Nilibre uli ako nito ano bang bago?

Naggrocery din kami ni Ash para sa pagkain namin malamang. 

"Alam mo mas gusto ko ng tayo lang sa isang bahay e." biglang sambit nito. 

"Same here walang ilangan ganun." sang-ayon ko dito.

"What if dun nalang tayo sa condo na binili ko? Magpapaalam nalang ako kay Mommy." 

"Pwede din."

"Masyado kasi akong ginagawang bata ni Mommy gusto ko ding maranasan maging independent." 

Medyo natawa ako sa sinabi ni Ash pero totoo naman ito. Gustuhin ko ding maging independent ngunit sinalo agad ako ni tita Amanda. 

"Agree ako sayo girl. Hindi lang talaga ako makatanggi kay tita Amanda." 

"Don't worry kakausapin ko sila tapos lilipat tayo dun sa condo malapit lang yun sa may school hindi na tayo mahihirapan pumasok o umuwi right?" excited na sambit nito. 

"Orayt! Pfft." tawang tawa ako sa pinaguusapan namin. 

"Oo nga pala isasama ko yung childhood friend ko mamaya sa party ha?" 

"Ikaw bahala party mo naman yun." Sabi ko habang nakangiti. 

"Later ipapakilala kita baka magustuhan mo." she winked. 

"Hoy tigilan mo'ko sa ganyan mo." 

"Joke lang baka lang naman diba?" mapangasar na sambit nito. 

"Che tara na maga-ala sais na."

Mabilis kaming umuwi para magayos. 

Walang katapusang pagaayos yeah right. 

Maaga kaming nakapunta sa bar na pagkikitaan para sa party. I'm just wearing a black fitted dress mas maiksi pa'to sa inaasahan ko. Hinayaan ko nalang ito at hindi pinansin kailangan ko ding masanay sa mga damit na ganto. 

"Hey girls!" bati ni Ash sa classmates namin. 

"Hi kesh, hi Ash!" sabay sabay nilang bati. 

Sabayang pagbigkas ang peg pft. 

"Ready for tonight?" Ash smirked. 

"Yes ofc! Let's get it on!" sigaw ni Kiarra. 

Nagsidatingan din ang iba pa naming classmate. Umupo kami ni Ash sa isang table. Tahimik akong nagmamasid sa buong kapaligiran na halos puro alak at tanging papatay patay na ilaw ang nagsilbing liwanag rito. 

"Kesh!?" medyo pasigaw na tawag ni Ash dahil masyadong malakas ang music sa lugar na ito. 

"Yeah?" 

"Sunduin ko lang friend ko ha? Andyan na sya sa labas para mapakilala na kita. Mabilis lang ito." pagpapaalam nito. 

I nodded. 

Mabilis na nawala si Ash sa paningin ko. Wala akong nagawa kundi magcellphone mamaya na ako iinom pagdating ni Ash. 

"Kesh!" sigaw ni kiarra. 

"Bakit?" tanong ko rito. 

"Hindi ka pa iinom." tanong nito. 

"Susunod ako antayin ko lang si Ash." ngumiti ako rito. 

Baka kasi pag kumuha ako ng inumin ay hanapin ako ni Ash. Nakakahiya din na pag antayin ang kaibigan nya. 

Wala pang limang minuto nakabalik na din agad si Ash kasama ang isang taong pamilyar sakin. 

Nanatili akong tahimik at iniisip Kung bakit ito narito. 

Malamang Kesh sya yung childhood friend ni Ash hindi ka naman ganun katangek no? 

"Hey Kesh meet Akio my childhood friend." ngiting sambit nito. 

Tiningnan ko ng masama ito. 

"Don't tell me Argh!" bwesit na sambit ko. 

"You k-know each o-other?" medyo naguguluhang sambit ni Ash. 

Agad akong tumango rito. 

"Paanong 'di ko makikilala yan? Yan yung bumangga sa atin nung namili tayo. Siya din yung nakasabay ko sa bus nung nakaraan at last sya yung naging costumer ko nung nakaraang araw." inis na inis na sambit ko rito. 

"Yeah. Siya yung babaeng maingay na nakasabay ko nung nakaraan, Tss." masungit na sagot nito. 

Weyt!? Kingnamers. Nakakapagtagalog sya? Bakit nya ako pinagenglish nung nagkita kami? Nanggigil talaga ako rito Argh! 

"Wait? What? Nakakapagtagalog ka?!" sigaw na tanong ko rito. 

"Yeah. Why?" bored na sagot nito. 

"Eh diba kaya nga ako nagenglish nun kasi di mo ako maintindihan?" sambit ko rito habang sinasamaan ito ng tingin. 

"Oh yeah, bakit sinabi ko bang di ako marunong magtagalog?" he smirked. 

"Aba't!" 

Pigilan nyoko masasapak ko na'to. 

"Hey hey stop! Ang kulit nyo tama na yan magaaway na kayo eh." halatang natatawa si Ash sa nangyayare. 

"I don't care. Ash kuha muna ako drinks." paalam ko rito. 

Sa sobrang inis ko nagmadali akong pumunta sa counter. 

"Ma'am ano po yung sa inyo?" tanong nito. 

"Kahit ano basta nakakatanggal ng bwesit." asar na sabi ko. 

Kahit napakunot ito ng noo ay inabutan ako nito ng baso na may lamang alak.

Hindi ko alam ang tawag dito. Ininom ko ito ng diretso agad na gumuhit ang pait nito sa lalamunan ko, napakasama ng lasa. 

Wala akong pakealam sa lasa nito gusto ko magsaya sa ngayon. 

Humingi ulit ako ng isang baso at isang baso pa. 

Pumunta ako sa dance floor at nakisayaw sa mga classmate ko. Marami na akong nainom kaya nahihilo na ako at hindi ko na marahil alam ang ginagawa ko. 

Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko. 

"Hey can i join you? You're so sexy." malanding sambit nito. 

"Am i?" 

"Yes, you are." malanding tugon nito. 

"Aha! Anyandyi mo shino ka ba ha? Bitawan mo nga akosh. " nahihilong sambit ko rito.

Sa halip na bitawan ako nito mas diniinan pa nito ang paghawak sakin.

"Shhh wag kang maingay babygirl. Ayaw mo bang pumunta sa langit?" bulong nito sa tainga ko na nagpakilabot sakin.

"Ikaw gusto mo maunang pumunta sa langit?" narinig kong tanong ng kung sino.

"Bro, wag ka na mangialam dito humanap ka nalang ng sayo." iritadong sabi ng lalaki na may hawak sakin.

"Bitaw! She's mine, She's my girlfriend." sabi nung lalaking kausap nya. 

Wait what!? Girlfriend wala nga akong boyfriend! Sino tong hinayupak na 'to masasampal ko' to. 

Agad akong binitawan ng lalaki g may hawak sa akin pero may naramdaman akong umalalay sakin bago pako matumba.

"Halika na. Iuuwi ko na kayo ni Ash." Ewan ko kung galit sya pero hindi naman yata.

"Akio? Ish dat shyu?"

Hilong hilo na ako.

"Tss." ay sungit, hmpk.

All my ladies listen up

If that boy ain't giving up~

"Lick your lips and shwing your hips, girl you all you gottsha shey~" sabay ko pang kanta sa tugtog na naririnig ko. 

"Hey ang ingay mo, tss." kj na sambit nito. 

"Ashan shi Ash? Uuwi na kami." lasing na sambit ko rito. 

"Yeah, I'll take you home." walang ganang sambit nito. 

Akio's POV

Bakit ba kasi naglasing tong dalawang 'to? Aish. 

"Anshungit ni Akio no Ash?" anito habang bumubulong kay Ash. 

Wtf. Ano bang trip ng babaeng 'to? 

"Hindi namansh mabait yan kasho ewan ko bat anshungit shayo." nakapikit na sambit ni Ash. 

Hindi siguro nila alam na naririnig ko sila. Nasa backseat silang dalawa. 

Nahihilo na ako malayo pa ang bahay nitong si Ash. Lasing na din kaya ako mabuti pang sa condo ko nalang dalhin ang dalawang 'to, magpapaalam nalang ako kay tita. 

Mabilis akong nagdrive papunta sa condo. 

Ang ingay ng dalawa kala mo hindi ko naririnig at nagkukunwaring nagbubulungan pa. 

Nang makarating kami sa condo ay mabilis kong inalalayan si Ash babalikan ko nalang yung makulit na yun. 

"Hoy shaan mo d-dadalhin shi Ash?" nakaturo pa ito sakin ng sabihin ang salitang yun. 

"Here we go again tss. Ipapasok ko na sya maiwan ka dyan." masungit na sambit ko rito. 

Hindi naman ako nahirapan sa pagalalay kay Ash. Mabilis rin itong nakatulog. 

Dalawa naman ang guest room rito. Mabuti nalang. 

Agad kong binalikan si Kesh? Kesha? I don't care basta may kes. 

Umiiyak ito ng dinatnan ko. 

"Kinuha nya shi Ash tash iiwan nyako dito? Ampanget nya talaga ang shungit shungit pa shushumbong ko sha kay tita." humihikbing sambit nito na para bang nagdadabog na bata. 

"Hey, why are you crying?" I chuckled

Ang cute nya pft. 

"Kashi shabi mo maiwan ako huhu." nagulat ako sa biglang paghikbi nito at tinulak ako. 

"Come here. You should rest." natatawang sambit ko rito. 

Nagaalangan pa ito ngunit inabot din nito ang kamay nya sa akin. 

Sinubukan kong alalayan ito ngunit nakapikit na ang mata nito, basang basa ang mukha nya dahil sa pag iyak nya. 

Binuhat ko na lamang ito. Nabigla ako ng nagsalita ito. 

"Alam mo ba Akio ang gwapo mo sana ang shungit mo lang." nakapikit na sambit nito. 

"I know that i'm handsome." I chuckled again. 

"Pero ang shungit shungit *hik* mo padyen." 

Tss.

Nang makarating kami sa isang guestroom ay maingat ko na hiniga ito sa kama tulog na kasi ito. 

"Shalamat crush na kita ahihi." 

Lasing na nga. 

Nakatulog naman ito kaagad. Inayos ko ang kumot nito at umalis na

Pinuntahan ko si Ash sa kabilang kwarto. Inayos ko rin ang kumot nito. 

Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Agad kong dinial ang number ni tita Amanda. 

[Hello? Akio? Anong problema?] sunod sunod na tanong nito. 

"Ah eh kasi tita dito ko na dinala sila Ash sa condo ko lasing na din po kasi ako konti baka mapahamak pa kami kung dumiretso kami dyan." paliwanag ko rito. 

[Ganun ba? Pasensya ka na hijo ha? May tiwala ako sayo ingatan mo sila.] 

"Yes tita. I will okay lang po yun." 

[Sige. I have to go. Goodbye take care.] 

"Sige tita bye." binaba ko ang cellphone ko at nahiga sa kama. 

Pinilit kong matulog pero ayaw talaga Argh. 

Alas dos na ng madaling araw pero heto ako nakaupo parin. 

Tumayo ako at dumiretso sa kusina nagtimpla na lang ako ng kape at nagmuni muni. 

Nang may narinig akong kalabog sa loob ng isang guestroom kung nasaan si Kesh. Nagmadali akong tumakbo papunta roon.

Nadatnan kong malapit ng malaglag si Kesh sa kalikutan. 

Napakakulit talaga pft. 

Nagulat ako ng magsalita ito. 

"Nate babalik ka diba?" nakapikit na sambit nito. 

Nags-sleeptalk siya. Who's that guy? Inayos ko ang pagkakahiga nito. 

Aalis na sana ako ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay pinili kong manatili rito. Pinagmasdan ko ang mukha nito. She's pretty. Napatingin ako sa mapupulang labi nito.

Ano bang ginagawa ko? Bakit kailangan kong titigan ang babaeng ito. 

Naalala ko ang una naming paguusap sa bus. Napakaingay nya. Sobrang daldal pft. 

Gumalaw ito at nagpalit ng pwesto. 

Those beautiful seductive red lips. Kiss her Akio. Kiss her. 

Argh! Bat ba kasi nakakaakit ang labi nya kahit wala naman syang ginagawa roon. 

Tinitigan ko itong mabuti. 

"shalamat crush na kita ahihi." 

What the heck?! Bakit narinig ko na naman ang sinabi nya kanina.

Nababaliw ka na Akio. 

Aish bahala na. 

Lumapit ako rito at tinitigan ang mapang-akit na labi nito. Hindi ko namalayang nakadampi na ang labi ko sa labi nya.

Mabilis kong tinanggal iyon ng gumalaw ito. Nagmamadali akong umalis sa kwarto nito at dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong. 

Damn Akio! What have you done?!

Inis kong hinilamos ang kamay ko sa mukha ko at pinilit na matulog. 

Related chapters

  • A Writer's Dream    Chapter 6

    Kesh POVNagising ako ng matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko.Nakayakap ako sa isang puting malambot na unan. Inilibot ko ang paningin ko.Nasaan ako? Nasaan si Ash?Biglang sumakit ang ulo ko. Argh ito na ba ang sinasabi nilang hangover. Pinilit kong alalahanin ang nangyare kagabi.Nalasing ako kagabi. Niligtas ako ni Akio dun sa walang hiyang lalaki na yun. Sinabi nyang girlfriend nya ako. Sinabi kong crush ko sya.Watdapak! Sinabi nyang girlfriend nya ako?! Sinabi kong crush ko sya?! Seriously?! AaaaaaaaAaSinampal sampal ko ang pisngi ko ng maalala ko lahat ng nangyare kagabi.Puro kahihiyan, ano bang katangahan meron ka Calista Kesh Argh!"Bakit mo sinasampal sarili mo?" natatawang tanong ng kung sino."AaaaaaaaAa." napatili ako sa sobrang gulat k

    Last Updated : 2020-07-31
  • A Writer's Dream    Chapter 7

    Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay nagpaalam si Ash na tatapusin ang assignment nya.Kinuha ko ang laptop ko sa kwarto at umupo sa mini library na naroon, kitang kita rin ang city lights mula sa babasaging salamin na katabi nito.Nagscroll ako sa wattpad ng mga messages at comments ng readers. Natawa pa ako sa iilang comments.Agad akong nagtipa sa aking laptop ng iuupdate para sa story na ginawa ko, habang pinagmamasdan ang mga city lights ay nakakakuha ako ng maraming idea at lumalawak ang imahinasyon ko, kung kaya't nakakabuo ako ng iba't ibang senaryo.Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng magvibrate ang cellphone ko.+639********WazzuuUp?Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ito. Agad akong nagtipa ng irereply rito bago ilapag sa upuan na kinauupuan ko. &

    Last Updated : 2020-07-31
  • A Writer's Dream    Chapter 8

    Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ni Ash ang pinagkainan bago dumiretso sa sala."Truth or dare tayo!" sigaw ni Ash."Boring yun walang thrill." bored na sagot ko rito."Sagot o inom nalang!" sigaw pa nito."Sira ka may pasok bukas!" sagot ko rito."Wala nagannounce na kanina." sambit nito.Akala ko ay nagbibiro ito ngunit ng magbrowse ako sa laptop ko na kanina ko pa dala sa kusina, totoo ang sinabi ni Ash walang pasok dahil pinaghahandaan nila ang pagbisita ng ibang school sa school namin, hindi nila pinapasok ang estudyante upang magayos at maglinis sa iba't ibang sulok ng campus, sabagay kapag maraming estudyante na naroon ay makalat parin ito kaya siguro hindi ito nagpapasok iyon pala ang pinagmeetingan kanina."Bakit ngayon lang ako nainform?" kunot noong tanong ko na nakatingin p

    Last Updated : 2020-07-31
  • A Writer's Dream    Chapter 9

    Pumasok ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at diretso nagbihis.Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa counter, walang masyadong bumibili dahil wala namang estudyante ngayong araw wala ding masyadong taong dumadaan kaya kakaunti lang ang costumer ngayon.Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, napansin kong napakalaki ng eyebags ko.Kasalanan to ni Akio! Hindi ko alam kung anong dahilan niya at bakit niya ginawa iyon. Nanatili akong nakatulala sa harap ng salamin."Hoy okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala tsaka tingnan mo nga yang eyebags mo anlaki, natulog ka ba?" sabi nito habang pinipindot pindot ang pisngi ko."Natulog ako, may iniisip lang." i forced a smile."Sigurado ka?" paniniguradong tanong nito."Oum yes.""Okay, mamaya makukuha na natin yung sahod natin, may balak kang puntahan?" Iris

    Last Updated : 2020-08-02
  • A Writer's Dream    Chapter 10

    Akio's POVNakatulog din si Kesh sa pagiyak. Hindi ito kumain at wala raw gana."Hindi ka pa matutulog? Magpahinga ka na." tanong ko kay Ash."Hindi na muna siguro, baka magising si Kesh at matakot kung wala siyang kasama rito." she forced a smile."I'm here, ako ng bahala sa kaniya, you need to rest, may pasok ka pa bukas." nginitian ko ito."Please take care of her. She's scared and i don't know what to do." she pleased me.I nodded.Umalis ito ng kwarto ni Kesh. Umupo ako sa upuan na nasa tabi nito. Pinagmasdan ko ito ng matagal bago yumuko at naisipang matulog nalang.Naalimpungatan ako ng marinig ulit ang hikbi nito." Wag p-po. " she almost whispered."Hey, Come here." niyakap ko ito."I'm scared." nabasag ang bose

    Last Updated : 2020-08-04
  • A Writer's Dream    Chapter 11

    Pagkauwi namin sa condo ni Ash ay ginayak na namin ang mga damit na gagamitin namin, napagpasiyahan naming tatlo na doon na muna kami sa loob ng dalawang linggo.Two weeks naman ang sembreak kaya ayos lang.Mabilis ring natapos ang araw na yon inayos lang namin ang gamit namin at ibinalot ang regalong dadalhin namin.Sa maliit na maleta ko lang ilinagay ang damit na dadalhin ko."Sa beach daw tayo magcecelebrate, magdala ka ng swim wear mo." sambit ko kay Ash bago magpakawala ng isang ngiti."OmoOo really?!" she giggled."Yes girl!""Uh which one will i get?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa mga swimsuits na nasa kama niya.Tinutulungan ko siyang maglinis ng kwarto niya kaya ako narito.Tinginan ko ang swimsuits na nasa kama niya, mayroong re

    Last Updated : 2020-08-06
  • A Writer's Dream    Chapter 12

    Nagising ako ng maaga dahil sa mga ingay na naririnig ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos, nagsuklay at nagtali ako ng buhok bago lumabas ng kwarto.Hindi na ako nagabalang gisingin si Ash dahil alam kong pagod ito sa byahe.Hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay na naririnig ko, pumunta ako sa sala at hindi nagkamali na doon nanggagaling ang mga ingay na naririnig ko."Anong oras sila nakauwi tita?" narinig kong tanong ni Nate kay mama.Napatampal ako sa noo ko ng maalalang hindi ko na itext si Nate kagabi ng makauwi kami.Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala."Good morning Mama, Happy birthday po!" hinalikan ko si mama sa noo at niyakap ito."Salamat Anak." pabalik na yakap nito. Bumitaw rin ako agad rito."Hi Nate, morning!" masiglang bati ko rito."Ang aga mo naman nag

    Last Updated : 2020-08-08
  • A Writer's Dream    Chapter 13

    Dumating sila mama dala ang mga bagong lutong pagkain, buti na lamang ay tapos na kami sa pagaayos roon.Sa ibaba ng dalawang palapag na bamboo cottage nakalagay ang isang mahabang lamesa na mayroong mga pagkain, sa tapat ng cottage ay mayroong mga lamesa at upuan na pwedeng upuan ng bisita.Inimbita raw ni mama ang ilan sa mga kakilala niya pero aalis rin raw mamayang gabi."Ma, Pa! ako na riyan." sambit ko rito.Kahapon ay hindi ko nakita si papa dahil gabi ang sched ng trabaho nito at umuuwi lang ng alas kwatro ng madaling araw.Hindi ko naman ito naabutan kaninang umaga dahil maaga itong umalis at nauna na rito marami din kasi silang inasikaso."Hi papa! I miss you." malambing na tugon ko rito. Niyakap ko ito at hinalikan lang ako nito sa noo bilang pagtugon.Papa's girl ako lumaki akong sinus

    Last Updated : 2020-08-10

Latest chapter

  • A Writer's Dream    Epilogue

    Akio's POVI decided to buy a camera for my sister, while looking at it there's a girl who caught my attention.She's simple pretty, medyo curl ang buhok nito. Nakaskirt siya at cropped top. Magpaparty ba 'to? Bakit ganiyan suot niya?Napansin ko ang isang kasama nito, Ash?Oh, Ash friend? Maybe, best friend.Parehas sila ng damit. Napailing ako. Ibinalik ko ang headphone sa tamang pagkakasuot nito. Binili ko ang camera na tinitingnan ko kanina.Nang palabas na ako sa shop na iyon ay sinadya ko ang pagbangga sa kaniya.Hindi ko inaasahan na mapapalakas iyon, tutulungan ko sana siya. Ngunit parang wrong move kung yun ang gagawin ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng mall.___Ang malas naman bakit ngayon pa? Ma

  • A Writer's Dream    Chapter 50

    "Daddy's here!" Cayleigh shouted.Napatingin sa akin si Nate. Nagtataka ang mga titig nito. Ngumiti lang ako sa kaniya bago napagpasiyahang umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.Obvious namang hindi ko pa naipapaliwanag kay Nate ang lahat. Nasabihan ko na rin naman sila mama, sila Ash, Iza, Anika, Si Mommy at Daddy tungkol kay Akio at Cayleigh.Ayos lang naman sa kanila, as long masaya ang anak ko.Mamaya na lang siguro ako magpapaliwanag kay Nate.Bumaba na rin ako pagkatapos ko magpalit sa taas, wala na rin naman akong gagawin roon.Pagbaba ko ay nakita ko si Nate, saktong nakatingin siya sa akin. Katapat niya si Akio at Cayleigh na naguusap.Maya maya lang ay tumakbo na si Cayleigh papunta kay Nate. May sinabi ang anak ko sa kaniya bago siya hilahin papunta sa kusina. 

  • A Writer's Dream    Chapter 49

    Nagkwentuhan ang dalawa samantalang ako pasimple lamang silang sinusulyapan habang sumisimsim sa inumin ko.Bagay silang magsamang mag-ama, parehas sila English-speaking. Hmp.Nagtagal pa kami ng dalawampung minuto sa shop na iyon bago mag-aya si Cayleigh sa kung saan. Hindi ko narinig dahil wala naman silang balak iparinig.Silang dalawa lang ang naguusap, animo'y may mga sariling mundo at walang pake sa taong nasa paligid nila.Humawak si Cayleigh sa kamay ng ama niya. Bahagya akong napaiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit bigla na lang may kumurot sa puso ko.Pero hindi ko din naman siya masisisi tatlong taon din niyang hindi nakita si Cayleigh, ganoon rin si Cayleigh sa kaniya.Dumaan sila ng timezone kaso sa hindi malamang dahilan sarado iyon."Daddy, I want to play!" ani Cayleigh na nakahawak sa daddy niya at nanlulumo dahil s

  • A Writer's Dream    Chapter 48

    Tumalikod na ako at akmang aalis na ng may sumigaw at tinawag ang pangalan ko."Kesh!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.Hindi ko siya nilingon at binilisan na lang ang mga hakbang ko. Nagsisimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang tumatabon rito. Hilong hilo na rin ako dahil sa nainom ko.Hindi ko namalayan na may nakaharang sa daanan ko, nabangga ako sa isang matigas na bagay.Agad kong inangat ang tingin ko ng masinghot ko ang amoy ng taong mahal ko.Bakit niya ba ako sinusundan?! Pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. "Oh, Hi! Ikaw pala!""Geez, you're drunk. Why are you crying?" gusot ang noo nito at madilim ang aura na nakapaligid sa kaniya.Anong problema niya? "Hindi ako lasing 'no, magkaiba ang lasing at tipsy h

  • A Writer's Dream    Chapter 47

    Nagmamasid ako sa anak ko na nasa harap na ng stage at nakikipagkulitan sa mga ninong niya.Sila na yung nakialam sa pagpapalaro. Napairap ako sa mga kalokohan na pinaggagawa nila sa harapan.Kanina nga ay may umiyak na bata dahil natalo sa laro, binigyan na lang nila ng laruan. Nagsisihan pa kung sino ang may gawa.Kahit kailan at sakit sa ulo ng mga abogado na 'to.Akala mo hindi mga abogado kapag kasama si Cayleigh eh.Lumapit ako sa kanila dala ang malambot na bimpo na ilalagay ko sa likod ni Cayleigh.Buhat na ni Nate si Cayleigh, nakangiti lang ang anak ko buong program panay ang pagkanta at pagtawa."Baby, put this towel first." inayos ko ang likod nito kahit buhat siya ni Nate. Masiyado niyang namiss tito ninong niya."Ami, malaki yung gift ni tito ninong unlike ninong Zach."Nabulunan naman si Zach na umiinom sa g

  • A Writer's Dream    Chapter 46

    Maaga akong nagising dahil sa halik ni Cayleigh sa mukha ko. Napangiti ako.Hindi pumalya si Cayleigh sa pagpapasaya sa akin."Ami, wake up! Breakfast ish rewdy. " niyugyog nito ang braso ko at panay ang halik sa mukha ko.Isang linggo at tatlong araw na rin simula ng nagtrabaho ako.Nakapunta na ako sa iba't ibang bansa dahil roon.Madalas kong abutan na tulog na si Cayleigh sa kwarto naminkung hindi ay sa kwarto ni mama, minsan na rin siyang nakipabonding kala mommy kasama si Ash.Si Ash naman ay ipinasok na ni daddy sa kompanya nila, pumayag naman si Ash basta raw ay ipasok si Iza at Anika.Ako naman nagiipon, nagbabalak akong bumili na lang ng condo na titirhan namin ng anak ko ng sa gayon ay hindi kami makaabala dito.Tumayo ako at nagayos. Bukas ang 3rd birthday ni Cayle

  • A Writer's Dream    Chapter 45

    Nagising akong wala sa tabi ang anak ko, itinabi daw ito ni mama sa kaniya.Napailing nalang ako.Inayos ko ng hanay ang mga damit na dala namin, pati na ang mga laruan na paborito ni Cayleigh.Dinala kasi nito ang mga laruan niya, ayaw ipaiwan. Galing daw sa mga ninong niya yun."Good mowning ami!" sumampa ito sa kama at hinalikan ang buong mukha ko.Likasna kay Cayleigh ang pagiging sweet, tuwing umaga ay iyon lagi ang nanggigising sa akin."Good morning baby!"Pagkatapos niya akong paliguan ng halik ay saka naman ako nito niyakap."Ang sweet sweet naman ng baby ko.""Ami, I wuv you!""I wuv you too baby." hinalikan ko ang noo nito.Niyakap ako nito ngmahigpit na siyang ikinataka n

  • A Writer's Dream    Chapter 44

    "Anong oras na?" tanong ni Ash."4:45 pm na." Iza."Bilisan niyo na nga magayos mas mabilis pa magayos sa inyo si Cayleigh." sagot ko."Bilisan niyo na 5:30 aalis na tayo mala-late tayo sa flight."Isang taon na naman ang nakalipas.September na ngayon, gusto nila mama na doon kami magpasko at magcelebrate ng birthday ni Cayleigh.Uuwi na kami ng pilipinas. Kasama na sila Iza at Anika.Si Iza ay ulila ng lubos kaya wala na siyang pakialam sa buhay niya rito sa Australia.Si Anika naman ay may ama nga, ngunit inabandona na siya.Habang nagtatype sa cellphone ko para magreply sa text ni mama ng inabot ni Cayleigh ang laylayan ng damit ko at hinawakan ang dulo ng daliri ko."Ami, cali want slayd."

  • A Writer's Dream    Chapter 43

    __________6 months have passed"Hey, eat this!" Anika."Ayoko na, I'm full."Kanina pa nila ako inaabutan ng kung ano anong masustansiyang pagkain. Nakailang kain na rin ako sa gulay at prutas na ibinigay nila.Kinurot ko uli ang pisngi ni Dave, siya lang ang malapit sa akin."Aww, ouch." angil niya."Ang cute mo Dave!" panay pa rin ang pagpisil ko sa pisngi nito."Help, hindi na naman ako titigilan ng buntis na 'to."I pouted."Madam awat na, kawawa na pisngi ni Dave." tumawa si Zach sa pulang pulang pisngi ni Dave.Eh, ang cute niya eh :(Napanguso ako ng umalis sa kinauupuan niya si Dave."Hey, wag kang sumimangot madam. Kawawa naman kasi yung pisngi n

DMCA.com Protection Status