Ilang araw ang matuling lumipas nang walang Caleb na napapadpad sa kanila. It was a relief. Nakagagaang sa pakiramdam na walang alalahaning may aali-aligid na masamang hangin sa kanya. Sana naman ay tumimo na sa utak nito ang mga sinabi niya. Sana ay naiisip nitong walang patutunguhan ang mga walang saysay na ginagawa nito. Pinakiramdaman niya ang kabilang bakuran. Maliban sa hardinero na nag-aayos ng hardin, ayon kay Mel, wala rin daw doon ang may-ari. Hindi niya rin maramdaman ang kakaibang pakiramdam na parang may nakatitig sa kanya. For now, she felt safer. Malaya niyang nagagawa ang dating routine nang walang inaalalang may bubuntot sa mga kilos niya. Kagaya na lang ngayon. “Ate, ano pa ba ang gusto mong ipabili?” Abala si Mel sa paglalagak ng mga groceries sa cart. “Wala naman.” Ano naman ba ang kakailanganin niya kung well-provided naman lahat ni Hannah ang mga pangangailangan niya. Nakakahiya na nga. “Baka may gusto kang ipaluto sa akin, Ate?” Napapaisip siya. “Mm. Popco
“Bullshit!”Umalingawngaw ang malakas na pagmumura sa loob ng kotse. Caleb couldn't contain his anger. Ang lamig ng buga ng aircon ngunit ang init ng pakiramdam niya. Para siyang bulkan na nagbabantang sumabog anumang oras.Nakakagalit ang narinig niya.Sino ba naman kasi ang asungot na kausap ni Meredith?“Sweetheart.”P*****a! Patuloy ang pagtimbre ng katagang iyon sa kanyang tainga. Ayaw mangatngat. Sweetheart pa talaga ang endearment. Putang-inang nilalang na iyon. Halos dalawang buwan na siya rito sa Paete pero ni minsan ay wala siyang nakikitang umaali-aligid dito.He swears, mapipilipit niya ang leeg ng taong iyon.Nag-iinit ang sulok ng dibdib niya. He had never felt so troubled like this. May posibilidad na magkatotoo ang sinabi ni Hannah sa kanya. Mere is beautiful. Mas lalong tumingkad ang kagandagan nito ngayon. Mas lalong kuminis ang balat nito, ang dati nang perpektong mga dibdib ay mas lalong namimintog ngayon at tila kinakawayan siyang damhin muli. He remembered her be
Nagising si Caleb sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Tanghali na base sa hapding nararamdaman. Sinubukan niyang ibuka ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit. His head was throbbing in pain.Damn, what a great morning! Eyes still shut, he massaged his temple. Naninibago siya sa epekto ng alak sa kanyang sistema. He stayed sober for quite a while, ngayong muling nalamnan ng maraming alcohol ang sikmura, para siyang teenager na bagong natuto sa pag-inom. Itinukod ang mga siko sa matigas na sahig ng tree house at inalalayang makabangon. "Shit!"Nabunggo ng paa niya ang isa sa wala nang lamang bote. Nagkalat ang mga 'yon sa sahig. Naparami siya. Nadagdagan nang nadagdagan ang balak na dalawa lang sana.Humawak siya sa gilid ng railing ng maliit na terrace ng tree house at tumayo sa gilid niyon. He was eyeing for Meredith's bedroom. Para siyang sanggano sa inasal kagabi. He ended up spying on her and that man. Lingid sa kaalaman nito, nasa kabilang panig lang siya ng dingdi
She remained a beauty. Kita niya ang pagtigil sa pagsasalita ng dalawang lalaki na sinundan ng tingin si Ashley. Still, she can catch the attention of men but him. To him, she was just someone from the past. Surprise tainted her face as they locked gazes. Nanlaki ang tsiniktang mga mata nito. This had been an unplanned encounter. The last time they were together was a disaster. Hurtful words were hurled against him. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa magpang-abot sila sa gitna ng lobby. Desidido siyang lagpasan ito. Wala nang saysay na mag-usap pa pero si Ashley ang naunang tawagin ang kanyang pansin. “Caleb.” Napilitan siyang huminto at lumingon. Ashley smiled thinly at him. May nerbiyos siyang nakikita sa anyo nito. Her eyes gave her away. “It’s been a long time.” They used to be best friends who can talk anything under the moon. Kahit magdamagan. Sana, nanatili na lang silang gano’n. "Five years, Cal."Sa Europe na ito naka-base. Huling narinig niya ay ito na raw ang na
“May delivery, Ma'am Hannah!”Hanggang dito sa kusina, dinig ang malakas na boses ni Mel. Humahangos itong papasok sa kabahayan. Pati paghahanda ng breakfast, nabulahaw rin.“Uy, ano ‘yan, ha?” “Para kay Ate Ditdit, Ma'am.”Napahinto siya sa tahimik na pagsimsim ng kape. Puminta kaagad ang kunot sa noo niya habang ang dalawa ay mistulang may pinagkakaguluhan “Wow, that’s nice, ha. Pinaka-emphasis pa talaga ang sunflower,” puno ng paghangang puri ni Hannah.Tuluyan nang nawala sa iniinom ang atensyon niya. Iisa lang ang may alam na dati niyang paborito ang sunflower. It was only him. Kagabi, pagkain. Ngayon naman, flowers. “Ito pa, Ma’am Hannah. Special cheese bread.”“From who?”“Galing kay Kuya Pogi.”“Wow, ha, non-stop ang manliligaw mo, Dit.”Napasimangot siya. Talagang kasamang kinukuha ni Caleb ang loob ng mga kasama niya lalo na si TJ. Caleb is showing off his wealth. Una, nagpanggap itong mabait na samaritano na nakahandang tulungan si Hannah. Minamanipula nito ang mga tao s
Nanliliit ang pakiramdam ni Caleb sa sarili. He was holding a sickle in his right hand while grabbing some strands of palay on the other. Umabot sa ilong niya ang sariling amoy dala ng ilang oras na pagbababad sa araw. He was a mess. Mukha siyang dugyot samantalang ang Philip na ‘yon, ang gara ng porma, ang linis tingnan. Ilang metro man ang layo niya mula kina Meredith at Philip, parang may laser ang titig niya. He was perhaps a little overdressed. White long sleeves na tinupi hanggang siko, black tattered pants, white rubber shoes.‘Whites talaga?'May hitsura ang Philip na ito. Matangkad din pero ‘di hamak na mas malapad ang kaha niya. Aaminin niya, he felt threatened. Much more threatened when he saw how Meredith hugged this man. Halos mangunyapit na ito sa leeg ng lalaki. Hinalikan pa talaga nito ang pisngi nito na ngingisi-ngisi naman. Parang nanalo sa jackpot ang gago, samatanlang sa kanya, ni ayaw siya nitong palapitin man lang."Damn!"Gusto na niyang hablutin si Meredith, pe
Ginising si Caleb ng malalakas at sunud-sunod na katok sa pintuan. Nabulabog ang diwa niya at tumakas ang anumang antok sa kanya. May bisita siya? This must be the first at sa ganito kaaga pa. Bumangon siya. Natanggal na pala sa tainga niya ang earphone at nag-low-bat na rin ang phone sa tabi niya. He was still topless at tanging boxer shorts ang suot niya sa katawan.Good thing na nawala ang ingay mula sa labas. Nakahinga siya nang maluwag. Baka umalis na ang morning intruder. But as he was about to go back to sleep, the persistent banging of the door resumed.“Wait!”Nagkukumahog ang kilos niya na hindi na nagawang magsuot pa ng pang-itaas. Nakahanda na siyang bulyawan ang nambulabog sa pagtulog niya ngunit kaagad ding napahinto nang makita kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan.Meredith.Kung hindi niya lang alam na gising na gising na ang diwa niya, malamang ay iisipin niyang panaginip lang ang lahat. And on that dream was an angel named Meredith. Bulag si Mere, pero tumatag
Caleb was seated in his office, thinking. Kapag ipipilit niyang lapitan ulit si Meredith, baka bulyaw lang ang aanihin niya. Parang tinutusok ang puso niya nang maalala ang luhaan nitong mukha. Dinadaga siya ng kunsensya. "Asshole!" Sunud-sunod ang naging buntung-hininga niya. Dapat ay sinusuyo niya si Meredith pero sa nangyari ay mukhang itinutulak pa niya itong lalo na lumayo ang loob sa kanya. Lahat ng diskarte niya, kusang sumasablay. Sumasakit na ang ulo niya kung sa paanong paraan ito mapapaamo. Parang sasabog na ang isip niya. Ang hirap manligaw. Marahas siyang tumayo at sumilip sa labas. May paparating na delivery van. Sa kawalan nang magagawa ay nakitulong siya sa pagbubuhat ng supplies mula sa delivery van patungo sa stock room. Gusto niya lang namang ma-divert ang utak kaya, hinayaan na rin siya ng mga tauhan. “You don’t have to do that.” Si Hannah ang nakatayo sa kanyang likuran. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. “I have nothing else to do. Pampakalma lang.”
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng