LALONG nanlamig ang pakiramdam ko nang magsimula ang masuyong haplos ni Jass sa mga braso ko. Mainit ang mga kamay niya, yet parang nagyeyelo naman ang loob ko. Nalilito ako sa gagawin ko."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jass..." Sinubukan kong umalis sa ibabaw niya, hinayaan niya naman ako at pinaunan ang kanang braso niya sa akin. Pilit niyang pinipilig ang ulo ko para manatili akong nakatingin sa kaniya. "Gusto mo ipaalala ko sa 'yo?" nakangisi pang tanong niya."N-Nagugutom na ako, bababa na ako, Jass!" Sinubukan ko ring ibahin ang usapan. Ngunit nang akmang babangon ako ay pinigilan niya ang tiyan ko."Not yet.""K-Kung ano mang ginawa ko no'ng nakaraan, w-wala ako no'n sa katinuan, Jass. N-Ni hindi ko nga matandaan. Kaya don't expect me to-"Bigla niyang kinuha ang kamay ko. Natigilan ako nang walang ano-ano ay isinubo niya ang hintuturo ko. He licked it as if it was an ice cream. And sipped it like a straw. Nakatingin siya sa akin nang parang nang-aakit ang mga mata habang g
IPINASOK ako ni Jass sa loob. Sabay sara ng pinto."I-Inihatid ko lang ang mga gamit mo. Aakyat na ako!" sabi ko habang nagpupumiglas. Iniiwas ko talagang tumingin sa mga mata niya, hirap na, baka ma-hypnotize na naman ako."Wala naman akong sinabing gawin mo 'to. Nagpapansin ka siguro, ano?" Kinuha ni Jass ang dalawang kamay ko at inilagay sa ulo ko. Hindi ko rin maigalaw ang mga hita ko dahil naiipit ng mga hita niya."A-Ano'ng papansin? Ano ako? Bata? At bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa tingin mo?" litong balik tanong ko.Ngumisi siya. "So ba't nandirito ka?"Umikot ang mga mata ko. "Bingi ka ba? Sabing dinala ko nga lang ang mga gamit mo para hindi ka na paakyat-akyat sa kuwarto at naiistorbo ako-""Talaga ba?""Oo. Ayan nga, 'di ba? Dala ko-""Bakit triggered ka? Inaano ba kita?"Napapalatak ako. "A-Ano'ng triggered? Triggered saan? I-Ikaw yata ang nagpapapansin eh. K-Kung bitawan mo kaya ako nang makaalis na ako? At saka-" Ngunit hindi na ako nakapagpatuloy dahil bigl
JASSFINALLY, after a four-hour straight kidney transplant operation, I was able to get some fresh air. Successful ang operasyon. Mino-monitor na lang ang pasyente at hinihintay magising.It's been seven years since I started participating in this kind of major surgery and until now, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-stress thinking if it was really successful or not. It had always been my priority to do the best that I could to save lives. Tumambay muna ako sa balcony na nasa ika-ninth floor ng building. Walang masyadong tao roon at medyo maganda ang tanawin. Napapangiti ko pang dinampot mula sa bulsa ang phone at nagmamadaling tinawagan ang number ni Mina. I badly wanted to know what the pregnancy test result was. Kahit positibo ang isip ko na may nabuo na nga kami ni Jen. "Sir, negative daw po eh.""What?" dismayado at hindi makapaniwala kong tanong. "Iyon po ang sabi ni Ma'am Jen, Sir Jass."Napabuntong-hininga ako. How come it would be negative? I always made sure na buong-bu
NAPAHAPIT ang mga kamay ko sa batok ni Jass. His kiss was terribly torrid. Parang ayaw na niya akong pahingahin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na akala mo magpu-fuse na ang mga katawan namin."Oops! Sorry!" Sa sobrang diin ng pagkakatulak niya sa katawan ko padikit sa mesa ay biglang napunit sa bandang kili-kili ang suot kong dress. Natigilan kami parehas nang marinig ang ingay na likha niyon."Ano ba 'yan?" kunwari ay naiinis na sabi ko. Tiningnan ko ang napilas na tela. Hindi naman masyadong malaki. "Sorry na nga." Hinapit ni Jass ang beywang ko at muli akong ginawaran ng halik. "Galit ka pa rin ba? Sorry na ulit." Pagkuwa'y binuhat niya ako at pinaupo sa mesa. Ewan kung bakit automatic na bumuka ang mga hita ko at hinayaan ko siyang makasingit sa gitna niyon. We're now closer to each other. Nasa beywang ko pa rin ang mga kamay niya.Agad nagsalubong ang mga kilay ko. "Oo. Galit pa rin!" Pero kabaligtaran iyon ng totoong nararamdaman ko. I'm happy now. Pero aaminin ko na t
KUMATOK ako sa pinto ng guessroom kung saan ilang araw tumuloy si Jass. Kararating lang namin ng bahay pero atat na siyang maibalik sa kuwarto namin sa taas ang mga gamit niya.Pinagbuksan niya naman ako agad. "Tapos na akong mag-ayos. Iaakyat ko na-" Ngunit kusa siyang natigilan nang makita ang hawak ng isang kamay ko. "O bakit...? A-Ano 'yan?" Ngunit hindi ako sumagot. Bagkus ay inabot ko lang sa kaniya ang bagay na 'yon."T-Two lines means..."Parang nag-pause ng mga dalawang segundo ang mundo naming dalawa. Walang namutawi ni isang salita mula sa bibig ni Jass. Hinapit niya lang bigla ang beywang ko at walang sabi-sabi akong niyakap. Mahigpit. Sa sobrang higpit pa nga niyon ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya."A-Akala ko ba negative? Sabi ni Mina negative daw?" hindi makapaniwalang wika niya. Hinawakan niya ang pisngi ko pagkuwan at tinitigan akong maigi.Napasinghap ako. "H-Hundi naman ako nag-PT no'n talaga. No'ng una ayaw ko. Pero naisip ko, siguro dapat
WALA na yatang mas gaganda pa sa gising ko nang umagang iyon. I woke up in the arms of the man I loved. Naalimpungatan ako habang kinikintalan niya ng mga mumunting halik sa mukha. Sa pisngi, sa labi, in my shoulders, even in my neck. Kay sarap ng tulog ko kagabi. Paulit-ulit niya akong inangkin. Paulit-ulit niyang pinadama sa akin ang pagmamahal niya. At siguro, tulad ni Jass... baka nga natutunan ko na rin siyang mahalin.FLASHBACK:"B-Baka sinasabi mo lang 'yan dahil buntis ako," nagdududang sabi ko. Ayokong maniwala agad sa mga katagang nagmula sa kaniyang bibig. Baka naman nabibigla lang si Jass. At umasa naman ako. Ayokong masaktan bandang huli."Hindi ka mahirap mahalin, Jennifer. Don't you trust me? Patutunayan ko sa 'yo na bukal sa loob ang sinabi ko. Even if you're pregnant or not, I will love you. Always. Don't you feel it the way I make love to you?"Pinigilan ko ang labi niyang aangkin sanang muli sa mga labi ko. "Y-You're a man, Jass. N-Natural lang-""I'm jealous of your
JASS"DOC, are you okay?" Ilang ulit nagpikit-sara ang mga mata ko. Malapit nang matapos ang operasyon at tinatahi ko na ang sugat ng pasyente. Patigil-tigil ako sa ginagawa. Nanginginig pa dahil sa pagmamadali ang aking kamay. Marahil kanina pa napapansin ni Yngrid na tila wala ako sa sarili. Hindi ako kumibo at pilit na lang nag-focus. Siya ang tagagupit ng sinulid."It's done." Noon lang ako nagsalita.Matapos ng ilang minutong pagche-check at monitor sa lagay ng pasyente ay dali-dali na akong lumabas ng operating room. Ilang minuto rin akong nakipag-usap sa pamilya ng pasyente para magbigay ng update sa nangyari. At pagkatapos na pagkatapos kong ayusin ang sarili ay dinampot ko agad ang cellphone na nasa bulsa ko lang. It had been vibrating the whole time. Ngunit hindi ko naman masagot-sagot ang tawag dahil nasa kalagitnaan ng surgery. Hindi ito tulad no'ng una na nasagot ko ang tawag mula kay Mina. Hindi pa kasi noon nagsisimula ang surgery dahil tinuturukan pa lang ng anesthes
JASSKAPAPARADA ko lang ng sasakyan. Bumaba ako agad at halos liparin ang patungong main door papasok ng bahay. Hindi ko alam kung dahil sa sidhi ng damdamin o sa kagustuhan ko lang talaga siyang makita. Pero isa lang ang alam ko. Masama ang loob ko.Kanina pa raw nakauwi ng bahay si Jennifer sabi ni Mina. Habang binabagtas ang daan patungong kuwarto, pilit ko pa ring pinakakalma ang sarili ko. Hangga't maaari, ayaw kong makapagbitaw ng mga salitang ikatatampo niya. I still consider her condition. May mali rin naman ako. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Jennifer na bino-blower pa sa harap ng tokador ang basang buhok. Nagkatinginan kami ngunit saglit lang dahil binawi niya agad nang pairap ang mga mata. Isinabit ko sa stand na nasa gilid ng cabinet ang dala kong bag. "Ano'ng oras ka nakauwi?" kasuwal at seryosong tanong ko. Ang totoo, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Pero panatag ang loob ko na mukha naman siyang okay. I wanted to stay calm at para magawa iyon ay i
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so