NAUPO ako sa isang bakanteng upuan sa likod ng mansion. Medyo napagod ako sa ginawang patakbo-takbo. Hay. Ano ba itong nangyayari sa akin? Para kong sira. Natakot kasi ako na baka sundan ni Jass. Kung ano pang gawin niyon sa akin.Kailangan mo nang makaalis ngayon dito, Jennifer. Bago lumubog ang araw, kailangan makabalik ka na sa inyo. Thinking that our house would be my 'safe haven'. Kahit alam kong puwede niya naman akong masundan doon. At may kakampi roon si Jass - si Tatay. Hay. But on the contrary, at least, nasabi ko sa kaniya ang gusto kong mangyari. Kahit pa nga, blangko naman talaga ako sa kung anong mangyayari in the future. Wala nga akong ideya kung paano ko mapapalaki itong magiging anak ko if ever."Ay, Señorita! Dahan-dahan kayo riyan baka madulas kayo!" Gulat ko nang bigla akong pasigaw na warning-an ng isang katulong. Tumayo na kasi ako para maglakad-lakad pa. Medyo basa ang natuntungan kong semento dahil katatapos lang nitong maglaba. Nagsasampay na ito. Kanina ko
PINAUNA ako ni Jass na maglakad patungong sofa. Sumunod na lang ako at hindi na kumibo. Narinig ko ang pag-click ng lock ng pinto. So masyadong mahalaga siguro ang pag-uusapan namin at ayaw niyang paistorbo. "S-Saglit lang, ibabalik ko lang 'to sa pinagkuhanan ko," tukoy ko sa librong hawak ko kanina. Mabilis ang bawat hakbang ko at nang pabalik na ako ng sofa ay nakaupo na si Jass doon. He was watching me habang naglalakad kaya tumungo ako. At naupo na rin sa sofa. Sa kabilang side. Sa sobrang kaba ko ay nanlalamig na ang pakiramdam ko. Iba kasi ang titig ni Jass. Hindi ko mabasa kung ano'ng saloobin niya."Lumapit ka pa sa akin. Paano tayo magkakausap niyan? Pareho tayong nasa dulo," seryosong sabi niya.Napakapit ako sa hawakan ng sofa. "P-Puwede naman tayo mag-usap kahit may distansya. Nagkakarinigan naman tayo ah," katwiran ko.Nakita ko kung paano umigting ang mga panga niya. "Susunod ka o ako ang lalapit sa 'yo?"Hindi ko talaga maipaliwanag kung saan nagmumula ang kaba sa di
"O, ba't may nagkalat na mga damit dito? Akala ko ba nagpa-general cleaning ka sa mga katulong?"Ang boses ng father-in-law ang una naming narinig. Humigpit ang pagkakatakip ni Jass sa bibig ko gamit ang kaniyang kamay. Pareho kaming takot mahuli. And I had a reason para makalikha ng ingay. Oh, God! Dahil pinatalikod niya lang naman kasi ako sa kaniya at pinakapit sa konkretong dingding ng bookshelf. And right from behind, he started thrusting in and out of me again. Kailangang-kailangan na raw kasi talaga niyang mailabas 'iyon' dahil sumasakit na ang kaniyang puson. He rest assured na malapit na raw siya at saglit na lang daw iyon, pero nakailang lipat na kami ng bookshelf para hindi makita nina Doktora ay hindi pa rin siya matapos-matapos. Ilang beses ko na ring narating ang r***k at nanunuyo na nga ang balat ng labi ko ay heto't bumabayo pa rin siya."Shit! Sweetheart, I'm cumming! I'm cumming!" Wala raw magsasalita o uungol, pero siya nga ginawa iyon. Kinagat ko na lang ang pang-i
HINALIKAN niya ang noo ko. Pababa sa tungki ng ilong ko. Then patungong labi ko. Kinagat-kagat at hinila-hila niya pa ang pang-ibabang labi ko gamit ang bibig niya. Pagkuwa'y ang taas naman. I loved the way he's doing it. Nakahawak siya sa isa kong balakang."J-Jass. Stop that!" saway ko na sa kaniya. Bumaba pa kasi siya hanggang leeg ko at naramdaman ko na sumisipsip siya sa balat ko. Aba'y iiwanan pa ako ng ebidensya."Good morning. Sorry, nadala lang," malamyos ang tinig na hinging-paumanhin niya.Napamulat ako. Umaga na? Parang five minutes pa lang yata akong nakakatulog no'n. Tumingin agad ako sa bintana. May sinag na nga ng araw."Ano'ng oras na?" tanong ko kay Jass habang naghihikab.He looked at the other side of our bed. "Magna-nine AM na."Napabalikwas ako ng bangon. "Why?" nagtatakang tanong ni Jass. "Kailangan ko nang umuwi. Mamimili pa ako. Birthday na ngayon ni tatay. Marami pa akong aasikasuhin." Taranta pa akong bumangon. Tatakbo na sana ako patungong banyo nang pagk
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay galing sa labas. Mukhang nagsisimula nang magkasiyahan. Napasarap ang tulog ko. Ala-singko na ng hapon. Wala na akong katabi kaya bumangon na ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ni Tita, blooming daw ako. Dahil bagong dilig. I giggled. Pero parang wala namang nagbago sa aking hitsura. Simple pa rin.Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ako ng kuwarto. Pagbukas ko pa lang ng pinto, amoy ko na ang aroma ng iba't ibang klase ng putaheng niluto nina Tita."Good afternoon. Buti naman gising ka na, Madam. Kain na!" si Tita na saktong paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko sa kusina. Nakaupo siya sa mesa at kumakain doon."Opo, wait lang, Tita," sagot ko dahil kailangan ko na talagang magbanyo. Doon na rin ako naghilamos at toothbrush. "Iyong asawa mo kanina pa pinagkakaguluhan doon sa labas," sabi pa ni Tita habang nagsasandok na ako ng kanin at ulam.Natigilan ako saglit. "Bahala siya.""Andaming nagtatanong na kapitbahay. Kung single pa ra
MAY kumakatok sa pinto. Ngunit imbes na sagutin o pagbuksan ito, lalo lang akong humalukipkip sa higaan ko. Gabi na, sabi ko kay Jass huwag masyadong iinom pero anong oras na?"Hoy! Buksan mo 'to, Jennifer!" Ngunit boses ni Tita ang narinig ko. Kaya kahit mabigat ang mga paa ko ay pinilit kong tumayo at pagbuksan ito."Ano ba 'yon, Tita?" Kunwari ay bagong gising ako. Pero sa totoo lang, mulat na mulat ako mula pa kanina. "Ginagawa mo riyan? Tara, nag-aaya si Juriz, inom daw tayo." Si Juriz ang panganay niyang anak na babae. Nakauwi na pala ito galing trabaho."Tita, alam mo namang hindi ako umiinom," tanggi ko."Maki-join ka lang! Minsan lang naman 'to, makisama ka ro'n. Hiwalay naman tayo sa mga lalaki. Napaka-arte mo."Napakamot ako ng ulo. "Sige na nga po, wait lang!" Isinara ko ulit ang pinto at inayos ko ang sarili. Nagsuklay at nagpulbos. Hindi naman nagtagal at lumabas na ako. Nakaabang si Tita sa labas ng pinto. "Teka, Tita. Magsi-cr pa ako!" hirit ko pa sabay takbo pa paban
JASS"JASS! Ang asawa mo..." Kagagaling ko lang noon sa loob para mag-banyo. Kalalabas ko lang ng bahay nang marinig ang lasing na boses ni Tita Luz."Si Jennifer, pakibuhat na't lasing na. Kanina pa bagsak dito."Nang marinig iyon ay dali-dali ang mga hakbang ko. Pinuntahan ko nga ang mesa na pinag-inuman nila kanina. Kasama ni Jennifer doon ang sa pagkakaalam ko'y pinsan nitong si Juriz. "Nako, pasensya na po, nalasing po namin si pinsan," kimi pang sabi nito nang makalapit na ako. Naka-ubob na noon sa mesa si Jennifer at halatang lasing na nga."Ayos lang. Minsan lang naman," nakangiting sabi ko para pagaanin ang loob nito. Kahit nahihilo na rin ako dahil sa espirito ng alak ay nagawa ko pang iangat ang katawan ni Jennifer para buhatin ito.Isinakay ko siya sa balikat ko. "Huwag ako. Ayoko nga, 'no? Ayoko nga!" Natigilan ako nang marinig iyon mula sa likuran ko. Wala naman akong kasunuran dahil abala sa pag-aayos ng mga pinag-inuman sa labas ang mga kapatid ni Jennifer. Nagpaala
"OKAY ka na?" tanong ni Jass sa akin.Tumango-tango ako sabay sagot ng, "Oo."Ch-in-eck niya pa ang pagkakakabit ko ng seatbelt saka sinusian ang kaniyang sasakyan. We're going home.Tulad ng usapan namin na uuwi na kami sa totoo naming bahay pagkatapos ng birthday ni tatay. Maaga ang alis namin para hindi raw kami abutin ng traffic. Sa bahay na lang daw ako magbawi ng tulog.Sumandal ako sa headrest ng upuan saka pumikit. Masakit pa ang ulo ko dala ng hangover. Andami kong nainom kagabi. Pinagti-tripan kasi ako nina tita. Idinaan ko na lang sa pagsa-shot para maubos agad ang mga iniinom naming alak. Kaya tuloy ako ang unang bumagsak. Pagkatapos no'n, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Pero sabi ni Jass, kinuha niya raw ako sa mesa at dinala sa kuwarto. Pinalitan na rin daw niya ako ng damit.Nahihiya ako na sinabihan ko siyang huwag masyadong iinom, yet ako ang nagpakalasing. Pero paggising niya sa akin kanina, mukha namang good mood siya. Ngiting-ngiti pa siya sa akin pag
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so