"I-I'm sorry for w-what I did to you..." napipilitang sambit ni Tiffany, nakatungo lang ang ulo nito.
"Ano? Pakilakasan?" Yumuko si Alona sa tabi ni Tiffany. "Is that it? Paghingi na ba ng sorry ang tawag d'yan? Saka saan ka humihingi ng sorry? Sa paa niya?" mapang-uyam na sambit nito. Nagsitawanan ang ilang nakikiusisa.Nakatitig lang kay Tiffany si Kina. Nanlalaban sa kanyang kalooban ang kagustuhan niyang patawarin nalang ito at hayaan itong umalis at ang kagustuhan niyang parusahan ito.Lalo na kapag naiisip niya ang mga ginawa nito sa kanya simula nang ligawan siya ni Lance.Hindi niya na mabilang sa kanyang daliri ang mga pagkakataong lagi siya nitong binu-bully at paminsan-minsang sinasaktan. Ang pamamahiya nito sa kanya lalo na sa tuwing magkikita sila sa labas ng campus.Katulad nalang ng minsang nasa part time job siya noon at naging kustomer nila ito. Malinaw pa sa kanyang alaala ang ginawa nitong pagbuhos sa kanya ng kopa na pMabilis na lumapit sa kanila si Joaquin at pinaghiwalay ang magkahawak nilang kamay pagkatapos ay masama nitong tiningnan si Luke."May gana ka pa ring magliwaliw matapos kang tanggalin sa angkan n'yo? At tsinatsansingan mo pa talaga si Kina!" bulyaw nito.Lumapit at tumabi si Randolph kay Joaquin. "Its just a holding hands, there's no big deal about it. As far as I know ay magkaibigan si Mr. Cruise at si Ms. Alanis." nakangiting sambit nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin kay Luke at Kina. Inakbayan nito si Joaquin. "Stop acting like that in front of Ms. Alanis. Baka ma turn off siya sa'yo. You're losing your cool, along with your points." dagdag na sambit nito.Gumuhit naman ang pagkabahala sa mukha ni Joaquin, nadala sa sinabi ng kanyang ama. "K-Kina, I didn't mean to think that way. I... I'm not jealous or something. Nag-aalala lang akong baka simasamantala ng lalaking 'yan ang pagiging magkaibigan n'yo para makapang-tsan—""It's fine," wika lang ni Kina, hindi interesadong m
Mag-aalas diyes na ng umaga nang makarating si Luke sa mansyon ng pamilya Alanis. Eksaktong kakasimula pa lang ng seremonya para sa ikalawang yugto ng kompetisyon.Pasimpleng nakipagsiksikan siya sa mga kalahok sa may likurang bahagi ng patyo. Napansin niyang parang kumaunti ang mga ito.'Nagback-out ba ang iba?' takang tanong niya sa kanyang isip."Ang nangungunang lima sa listahan para sa unang yugto ng kompetisyon ay sina Zeo Sullivan, na nagmula sa pamilya Sullivan at nakakuha ng labing dalawang puntos," wika ni Joey na siyang may hawak ng mikropono habang nakatayo sa gitna ng maliit na entablado.Nasa likuran nito ang buong pamilya Alanis maliban lang kay Kina na nasa may beranda ngayon, kasama sina Alona at Jackielyn.Pinapalibutan ang mga ito ng mga security personnel.Umingay ang paligid dahil sa bulungan ng mga kalahok. Mangilan-ngilan lang ang nag-atubiling pumalakpak para kay Zeo."Hindi ba't si Luke Cruise ang nagdomina sa martial arts competition?" dinig niyang nagtatakan
"What is dad thinking? Kapag pinabawi niya ang mga naitulong ng mga kalahok sa atin ay tiyak na mas mabilis pa sa paglubog ng araw ang pagbagsak ng ating pamilya." saad ni Nolan sa gitlang mukha."Dad, bawiin n'yo ang sinabi ninyo sa kanila. Your company is going to go bankrupt again kapag pinabawi mo sa kanila ang pera nila," nag-aalalang saad din ni Caroline."M-Mom," sinubukang humarang ni Joey kay Dominica na galit na lumapit kay Javier."Give me the mic!" agaw nito si mikropono pero hindi iyon ibinigay ni Javier sa halip ay itinago nito iyon sa likod nito."What is said cannot be unsaid. May karapatan silang bawiin ang mga naitulong nila kung hindi naman talaga tulong ang kahulugan n'on. They helped because they want to join the competition at sumugal sa kapalarang hindi naman talaga nila makukuha sa huli." wika nito."What the hell are you trying to say?" singhal ni Dominica sa naguguluhang mukha. "Lahat sila ay pumayag na lumahok sa kompetisyon kapalit ng pagtulong sa ating pam
"It's not actually what I meant, Mr. Cruise. Of course I still wanted you to join." Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Javier. "Alam ko kung gaano n'yo kamahal ni Kina ang isa't-isa. Sang-ayon din ako sa relasyong mayroon kayong dalawa. But you are now against powerful competitors. You don't have any money on you para makipagsabayan sa kanila. Seven hundred thousand dollars is not a small amount. Pwede mo 'yong mapalago at muling makaahon kahit na walang tulong ng iba. Pwede mo rin 'yong magamit sa kompetisyon."Ngumiti si Luke. Nauunawaan niya na ang intensyon ni Javier. "Salamat sa pag-aalala, pero hindi na kailangan. Maraming paraan upang kumita ng pera. Ayos lang kahit mag-umpisa ako sa wala." Kampanteng ipinatong niya ang isa niyang siko sa sandalan ng sopa. "Huwag n'yo akong alalahanin. Gamitin n'yo nalang ang perang iyon para sa Sinala Construction. Pagkatapos ng kompetisyon at pagka-graduate namin ay pwede n'yo akong... maging empleyado kung gusto ninyo. Tutulungan k
Ang halos pitong daang young masters na lumahok sa kompetisyon ay nasa mahigit apat na raan nalang ngayon. Nagbabadya pa silang mabawasan hindi pa man nagsisimula ang unang round ng skills competition."They are being crazy. Are they trying to murder us? By sending us to this kind of hell?" kinakabahang wika ng isang young master.Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang wildlife forest sa Quezon. Hindi gaano kalakihan ang gubat, pero may mga parte ritong liblib.Mayroon ding zoo sa parte mismo ng gubat kung saan nagmula ang sinasabing nakawalang tigre."This will be exciting," galak na saad ni Danny. Tinabihan nito si Luke. "What do you think?"Hindi niya ito pinansin. Nakatanaw lang siya sa gubat. Inaalisa niya ang mga posibilidad na mangyayari sa loob nito sakali mang mag-umpisa na ang marathon.Mag-aalas dos palang ng hapon, kaya kahit mapuno ay napakaaliwas pa rin ng bukana ng gubat.'Talaga bang seryoso sila sa pagsu
Hindi naman naging gaano kapabigat kay Luke ang mga kasamahan niya. Kahit na sila ang panghuli ay nagawa nilang maabutan ang ibang pangkat at maunahan ang mga ito."This is so easy. Makakalabas agad tayo sa gubat na ito in no time." natutuwang saad ng isa niyang kasamahan."Yeah sure. As long as the tiger is sleeping right now somewhere deep in this forest. Hopefully." saad ni Reynold sa blangkong mukha.Kinalmahan lang nila ang pagtakbo. Dahil sa dalawang oras naman ang palugit na ibinigay sa kanila ay hindi nila kailangang magmadali. Ganoon din ang ginagawa ng ibang pangkat.Sakali mang atakihin sila ng tigre ay kahit papaano nakalaan na roon ang enerhiya nila, para sa pagkaripas ng takbo."Are you sure Luke na okay lang sa'yong makipagpangkat sa'min? You can go ahead if you want. If you think we're slowing you down you can—""Wala namang problema. Pasensya na may iniisip lang ako," putol niya kay Reynold. Napansin nito ang pan
"What was that? Narinig n'yo ba 'yon?" Napabalikwas ng upo si Jackielyn nang marinig nito ang atungal ng nilalang.Tumanaw ito sa labas ng bintana kung saan iyon nagmula.Saglit lang itong tiningnan ni Alona saka muling ibinalin ang atensyon sa panonood sa cellphone nito.Si Kina naman ay nakatanaw lang sa kagubatan habang may tila kinakabahang ekspresyon sa mukha."Narinig mo rin ba 'yon?" tanong ni Jackielyn rito.Hindi ito tumugon sa halip ay dali-dali itong tumayo at lumabas ng bus."K-Kina, where are you going?" tawag dito ni Jackielyn pero hindi ito nag-abalang lumingon."What's wrong? Saan daw siya pupunta?"Hinubad ni Alona ang suot nitong earphones at hindi na hinintay pang tumugon si Jackielyn. Dali-dali nitong hinabol si Kina. Sumunod din dito si Jackielyn.Sa isang studio kung saan minomonitor ng mga staff ang nagaganap na kompetisyon ay nandoon at nanonood sina Joey at Javier.Dahi
"M-Mr. Sullivan," gulat na saad ng kalahok na muntik nang mahuli ng atake ng halimaw.Napangiwi ito nang bitawan ito ni Zeo sa ugat ng puno saka mabilis na lumihis ng takbo para pasunurin ang halimaw.Namangha naman ang iba pang naroon sa liksi ni Zeo. Napakadali lang ditong makipagpatentero sa halimaw."H-he's amazing, sobrang bilis niya!" manghang saad ng isa sa mga ito sa mahinang boses."That's true pero... tingnan mo naman kung gaano kalaki at kabangis ang nilalang na 'yan. I think he can't keep up and soon baka mahuli siya n'yan." kinakabahang bulong na ani ng isa, kumpletong nawawalan ng pag-asa para kay Zeo.Oras na huminto ito sa paggalaw ay katapusan na nito. Ang mainam na gawin nito ay ipasa sa iba ang atensyon ng halimaw upang isalba ang sarili.Iyon din ngayon ang inaalala ni Zeo. Alam niya sa sarili niyang hindi niya mapapatay ang halimaw na iyon. O baka kaya niya pero hindi niya lang alam kung paano.Ang plano niyang gawin sa ngayon ay dalhin ito sa liblib na bahagi ng
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t