Lumipas ang tatlong araw, ginugol ni Luke iyon sa kanyang pagsasanay. Sandamakmak na basyo ng bala ang nagkalat sa sahig ng shooting range at patuloy na nadadagdagan iyon. Saan mang dako ng pasilidad ay maririnig ang alingawngaw ng ratrat na putok ng baril.Tila mala-rambo si Bernard habang pinauulanan ng bala ng machine gun si Luke. Hindi lang iyon basta natural na machine gun. Isa iyong upgraded at mayroong detector ng target.Kaya kahit hindi man nakikita ni Bernard si Luke ay ang mismong ang machine gun na ang kumukusang alamin ang eksaktong posisyon niya.Makaraan ang ilang saglit ay hinihingal na huminto si Bernard kasabay ng pagpahid ng pawis sa noo."'Yon na ba ang kaya mong gawin?" mapanghamong sambit ni Luke nang huminto siya sa kanyang side-jump.Nasa kalmado pa rin siyang estado sa kabila ng napakabilis na ginawa niyang pag-ilag sa mga bala.Lupaypay na napaupo si Bernard sa sahig at dinampot ang bote ng tubig. May paghangang tiningnan nito si Luke."Mr. Cruise, you're a l
Gulantang ang mukhang napasandal nang husto sa kinauupuan si Javier. Nasurpresa siya nang sobra sa kanyang nalaman. Hindi maalis-alis ang titig niya kay Kina. Natapos na lamang ang pagtatanghal ay nasa ganoon pa rin siyang estado. Totoo ba ang sinabi nito? "S-seryoso ka ba? Talagang h-hiwalay na kayo ni Mr. Cruise?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tuluyang lumubog ang kanyang damdamin nang marahang tumango si Kina. Tila hihimatayin siya dahil doon kaya itinakip niya ang kanyang isang kamay sa kanyang mukha kasabay ng panlalambot ng kanyang katawan. Mabilis na inalalayan siya ni Joey sa balikat. "Dad, what's wrong?" may pag-aalalang tanong nito. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Makalipas ng ilang saglit ay umayos ng upo si Javier at makahulugang pinagmasdan si Joey bago ibalik ang tingin kay Kina. Hindi ito kakikitaan ng kahit anumang emosyon. Bubuka palang ang bibig niya upang sana usisain ito sa kung anong dahilan ng kanilang paghihiwalay pero tumayo na ito at nagpaalam na baba
Napaawang nang husto ang bibig ni Bernard nang makita si Luke sa ganoong estado. Sa tatlong araw na ginugol nila sa kanilang pagsasanay ay hindi na bago sa kanya ang mga kakaibang abilidad ni Luke.Pero nakakapagtaka para sa kanya kung paano nito nagawang makapunta sa ganoon kataas na sanga. Sa tantiya niya ay nasa apat na metro ang taas niyon. Bukod pa roon ay nakatayo lang ito na parang napakanatural na binabalanse ang katawan sa sangang kasingliit lang ng pulsuhan ng tao.Higit pang nakakapagbigay sa kanya ng pinagsamang pagkamangha at bahagyang takot ay ang kakaiba nitong awra ngayon.Higit na malamig ang dating ni Luke kumpara sa normal nitong postura.'Kaya minsan ay hindi mahirap paniwalaan ang mposibleng bagay,' naisambit niya nalang sa kanyang isip.Ibinulsa ni Luke ang kanyang mga kamay at kaswal na tumalon mula sa sanga. Mabilis na lumapit si Bernard sa kanya at siniyasat ang kanyang katawan."Are you alright Mr. Cruis
Nagpatuloy ang laban ni Zeo at Joaquin. Kaakibat niyon ay ang pigil hiningang reaksyon ng mga manonood. Lahat tutok na tutok sa dalawang nagpapalitan ng atake.Wing Chun laban sa Tai Chi na istilo. Parehas silang may napakabilis na kamay pero magkaiba ng istilo ng galaw ng paa.Higit na mabigat ang bawat ginagawang hakbang at pagsipa ni Zeo pero maliksi naman ang binting iniilagan iyon ni Joaquin na sinasabayan ng paminsan-minsang kontra atake.Sinubukan ni Joaquin sipain si Zeo mula sa ilalim paangat na pinupuntirya ang tadyang pero inilihis lang iyon ni Zeo gamit ang kaliwa nitong kamay at komontra atake ng isang malakas na sipa. Pinuntirya niya ang hita nito upang pabagalin ang kilos ng paa nito.Maliksing umatras nang isang hakbang si Joaquin upang ilagan iyon at naghintay ng tamang tyempo bago muling sumugod.Sa pagkakataong iyon ay hindi nito napredikta ang isang paikot na sipa ni Zeo na nagmula pa sa likuran kaya sinalubong iyon ni Joaquin.Tumama iyon sa tiyan nito kaya napaat
Namangha ang lahat nang makita ang high-tech na sasakyan na lumapag sa gitna ng field, malapit sa kinaroroonan nina Zeo. Sa mata ng lahat ay isa iyong mini jet plane. Lumipat ang pagkakapokus ng kamera mula kay Zeo papunta roon.Mas lalo silang namangha nang bumalik ito sa normal nitong anyo. Saka lang nila napagtanto na ang sasakyang iyon ay walang iba kung hindi ang pinagkakaguluhan ngayon ng lahat sa internet at kinababaliwan ng mga mahihilig sa kotse.Ang limited edition na likha ng pinakasikat na Car Company sa buong mundo."T-That's the limited edition ENDX sports car!" magkahalong galak at pagkamanghang bulalas ni Sean.Mabilis na kinuha nito ang kanyang cellphone para kumuha ng litrato niyon."OMG! Hindi ba't sobrang mahal ng kotseng 'yan? Ibig sabihin ang may-ari niyan ay ubod din nang yaman," sambit naman ni Harly sa nasasabik na tono. "I wonder kung anong itsura niya. Sana kasing hot niya rin ang kanyang kotse!" kinikilig na dagdag pa nito."What is he doing in this place?
Nagtungo si Luke sa may entablado. Nasa likuran niya si Bernard. "Mr. Cruise, I'm so glad you came back," natutuwang salubong ni Joey sa kanya. "Thank you for coming back, Mr. Cruise. At..." Sumilay ang nahihiyang ngiti sa mukha ni Javier. "Pagpasensyahan mo na ang mga ipinadala kong mensahe sa'yo." Tipid na ngumiti lang si Luke bago pasimpleng tiningnan si Kina. Nakatitig lang ito sa kanya. Lumapit sa kanila si Dominica, magkasalubong ang mga kilay nito. "What the hell is wrong with you, Javier! Why are you so happy to see this guy showing up? At bakit mo siya pinasasalamatan? You should at least greet Mr. Bautista beforehand instead of this scumbag!" Pagkasabi niyon ni Dominica ay pilit ang ngiting tiningnan niya si Bernard. Pero agad ding nawala iyon nang makita niya ang galit na ekspresyon ng mukha nito habang masamang nakatingin sa kanya. 'Did I say something wrong that offended him?' takang tanong niya sa isip. Pumaunahan si Bernard kay Luke kaya mas lalong kinabahan si Do
"Y-Young Master Danny, kakabalik lang ni Mr. Cruise mula sa kanyang pagsasa—" "Oh you don't have to worry. Hindi ko huhusayan. Just a few slap will do." may pagkahambog sa mukhang putol ni Danny kay Bernard pagkatapos ay umismid. Itinikom nalang ni Bernard ang bibig nito. Kabaliktaran ang kahulugan ng gusto sana nitong sabihin. Gusto sana nitong balaan si Danny. Hindi na si Luke ang katulad ng kilala nilang Luke. Kung dati ay halimaw na ang lebel ng husay nito sa martial arts, ngayon ay mala-diyos na. Paniguradong mabubugbog lang si Danny kapag inasar nito si Luke. Lumapit si Danny kay Javier. "Lord Javier, ayos lang bang kami muna ni Luke ang maglaban?" Tanong nito. "Dad, gaya ng sinabi ni Caroline ay magiging unfair 'to sa ibang competitors lalo pa't hindi um-attend si Mr. Cruise simula sa ika-apat na round," sabat ni Joey habang may hindi aprobadong ekspresyon sa mukha. Mahahalata rin ang medyo pag-aalala roon. "Should we let them fight?" Pinagmasdan saglit ni Javier si Joey
Humalakhak si Danny nang makita ang napakaseryosong mukha ni Luke. "Jeez, bakit ba napakaseryoso mo? Don't worry, I won't tell a single soul. I promise." sambit nito na nagtaas pa ng isang kamay at nanumpa. Naningkit ang mata ni Luke. Alam niya kung gaano kabaliw ang kanyang pinsan at kahit anong sabihin nito ay hindi mapagkakatiwalaan. Kapag sinabi nitong puti ay maaaring itim talaga ang kahulugan niyon. Narinig nila ang tunog ng kampana bilang hudyat ng kanilang pagsisimula. Makikita sa malaking monitor kung gaano kakampante si Danny. "Matatalo kaya ni Mr. Cruise si Mr. Campbell?" tanong ng isang manonood. "They both dominated thier own matches pero si Mr. Campbell ang nakita kong mas mahusay," saad naman ng isa. "Parehas silang mahusay pero kapansin-pansin pa rin ang diperensya. Tingin ko ay matatalo ni Mr. Campbell si Mr. Cruise," sabat naman ng isa. Halos lahat ng manonood ay si Danny ang tingin nilang mananalo sa labang iyon. Napakabilis man ni Luke ay ganoon din naman si D
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg