Narinig niya ang pag-uusap nina Kina at Alona kaya napatakip siya sa kanyang bibig habang ang notebook ni Kina ay hawak-hawak niya pa rin. Narinig niya rin ang boses ni Benedict na tinatangkang pigilan si Kina na makapasok ng kwarto.
"Ms. Alanis, you can't go inside yet. Kakatapos lang nilang maglinis at baka medyo basa pa ang sahig," sambit nito sa nababahalang tono.Humalukipkip si Alona kasabay ng pagtaas ng kilay nito. "Mr. Castro, you're acting suspicious and weird as fuck at the same time. May problema ba?"Mas lalo lang pinagpawisan si Benedict dahil sa sinabi ni Alona lalo na sa mataray na mukha nito. Saglit na iginala niya ang kanyang tingin sa loob ng kwarto.'Nakaalis na kaya si Mr. Cruise?' tanong niya sa kanyang isip."No... no," aligaga siyang umiling. "Walang problema. Akala ko ay dito ang inunang linisin ng mga inutusan kong maintenance. Mukhang nasa kabilang suite pala sila." tugon niya na sinundan ng awkward na pagtawa kPagkatapos ng ilang minuto pang daldalan, sa wakas ay napagdesisyunan din nina Alona na bumalik na sa kanilang kwarto ni Jackielyn. Ngalay na ngalay na si Luke at halos nagpigil na rin siya ng kanyang paghinga.Nang tanging si Kina nalang ang natira sa kwarto ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng tensyon at mas lalo pang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Paniguradong katapusan niya na oras na sumilip ito sa kanyang kinaroroonan ngayon.Pumikit siya at umasa nalang na sana ay huwag mangyari iyon. Pinakiramdaman niya ang bawat kilos at pinakingggan ang bawat lakad na ginagawa nito.Narinig niya ang langitngit na tunog ng pagbukas ng zipper ng maleta nito kung saan ay nakalagay ang mga damit nito.Nanalangin si Luke na sana ay maayos niyang naibalik ang mga gamit nito sa kung paano iyon nakalagay bago niya pa iyon hinalungkat.Tahimik lang si Kina habang ginagawa iyon. Idinilat niya ang kanyang mata at nakita ang maputing pares n
Pumorma ng Wing Chun fighting stance si Joaquin habang may kalmadong ekspresyon lang sa mukha. Sa round na iyon, kung sino ang pinakagustong mapananood ng madla ang laban ay doon nakapokus ang kamera kaya sila ngayon ang nakikita sa malaking monitor.Malamig na nakaismid lang nang puntong iyon si Reynold. Kitang-kita niya na ang kanyang pagkapanalo.Malaking kahinaan ng mga katulad ni Joaquin ang mga mahuhusay sa ground battle. Mahusay man ito sa tayuang laban ay paniguradong mahina naman ito sa grappling kung saan magbubuno sila nang nakahiga.Iyon ang plano ni Reynold na gawin dito, ang dalhin ito sa ibaba at doon sila magtuos sa pamamagitan ng kanyang Brazilian Jiu-Jitsu.'You bastard, you dare to mock my brother?' sambit niya sa kanyang isip."Come on, bring it on," hamon niya rito pero nananatiling nakatayo si Joaquin.Oras na sumugod ito ay ang una niyang gagawin ay hatakin ang alinmang bahagi ng katawan nitong ginamit na p
Napaawang ang bibig ng lahat sa napakabilis na pagbabago ng sitwasyon. Si Reynold na ngayon ang kinokontrol ni Joaquin.Kung sabagay ay mukhang umpisa palang ng laban ay kinokontrol na nito ang kanilang laban. Umpisa palang talaga ay wala nang tsansang manalo si Reynold na halatang pinaglalaruan lang ni Joaquin.Napapatanong nalang si Reynold kung paano nalaman ni Joaquin ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Luke.Napuna iyon ni Joaquin. "Curious? Since ito na ang huli mong pagsali sa kompetisyon, hahayaan kitang malaman ang sekreto ko." natatawang pang-uuyam nito.Ginaya rin nito kung paano ang paraan ng pagkakasabi niyon ni Reynold kanina."Marami akong mata at tainga sa kompetisyong ito. Lahat sila panggulo lang. Kung hindi ka maingat sa mga salitang ipapalabas sa bunganga mo ay asahan mo nang makakarating 'yon sa'kin."Hindi umimik si Reynold, nakatulala lang ito. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Luke na hindi siya mananalo
Napabuntong hininga pa si Luke bago nagtungo ng pintuan. Pagkahiga ni Natalia sa kanyang kama ay mabilis itong nakatulog dahil sa sobrang pagod. Sa tingin niya rin ay wala pa itong tulog.Paglabas niya sa kanyang kwarto ay saktong nandoon sina Kina at Jackielyn. Bihis na bihis ang mga ito."Luke!" natutuwang bulalas ni Jackielyn. Lumapit ito sa kanya at ikinabit ang siko nito sa siko niya sa mapaglarong paraan. "Wanna come with us?"Kumunot ang noo ni Luke saka tiningnan si Kina na nasa cellphone lang ang atensyon.Gusto niyang sumama, syempre. Lalo pa't hindi mababantayan ni Natalia si Kina ngayon.Pero kung sasabihin niyang oo, papayag ba ito?Maang siyang umiling. "Ah hindi, may importante akong pupuntahan."Agad na bumagsak ang balikat ni Jackielyn. "You've been busy all the time. Kailan ba tayo magkakasama-sama ulit?" May pagmamaktol sa boses nito.Nginitian lang ito ni Luke. Saktong lumabas si Alona sa kwarto ng mga ito."Luke, may pupuntahan ka ba?" taas ang kilay na tanong nit
Nagitla si Luke sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Kina sa kanya. Titig na titig lang siya rito at parang naninikip ang kanyang dibdib nang puntong iyon.Tila hindi siya makahinga."Kalimutan mo na ang mga sinabi ko sa'yo noon. Kalimutan mo nang nagkaroon tayo ng relasyon," Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Mas lumamig pa ang titig nito. "At kalimutan mo na ring nakilala mo ako. All of that was just a lie. Ang totoo ay hindi naman talaga kita minahal. Humanga lang ako sa'yo dahil sa ginawa mong pagligtas sa'kin. That's all. Nasabik lang siguro akong... makita ang lalaking nagligtas sa'kin pero hindi iyon pagmamahal. I had been lying to myself as well the entire time, Luke."Pagkasabi nito niyon ay muli itong tumanaw sa labas. Mas lumakas pa ang buhos ng ulan."Marami namang babae sa mundo. I don't deserve you and you don't deserve me either. Mas mabuti kung ngayon pa lang ay tapusin na natin 'to. Mas lalo lang kitang masas
Basang-basa sa ulang bumalik si Luke sa hotel. Pinagtinginan siya ng mga tao roon. May ilang security guards na tinangka siyang pigilang makapasok pero patakbong nilagpasan niya lang ang mga ito at gumamit siya ng hagdan paakyat.Diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto at nadatnang wala roon si Natalia. Iniwan niya itong himbing na natutulog, gumising na ba agad ito?O baka lumipat lang sa presidential suite?Dinukot niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Agad niya iyong pinunasan gamit ang sapin ng kama. Sa kabutihang palad ay gumagana pa naman iyon sa kabila ng pagkabasa niyon sa ulan.Unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ni Bernard na sinasabing papunta na ito ngayon dala ang kanyang kotse mahigit sampung minuto palang ang nakakalipas.Binago niya ang settings ng kontrol niyon at binigyan ng akses ang ilang kakilala niya upang magamit nila iyon kung sakaling kailanganin sa isang pagkakataon. Katulad nalang ng ngayon.Sa tingin niya ay wala pang limang minuto ay baka narit
Nabigla man si Luke sa kanyang nalaman ay nanatiling seryoso lang ang kanyang itsura.Muli niyang ibinalik sa unahan ang kanyang tingin at nabalot ng malalim na pag-iisip."W-wag mo sabihing may plano kang hindi sumali sa selection, Mr. Cruise?"Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha ni Bernard. Sa lahat ng kandidato ay si Luke lang ang may pinakamataas na potensyal upang pamunuan ang pamilya Cruise.Hindi umimik si Luke. Aanhin niya pa ang yaman at estado niya sa buhay kung hindi niya naman makakasama nang mapayapa si Kina? Napakaraming nakasaalang-alang dahil lang sa isa siyang miyembro ng pamilya Cruise.Mas gugustuhin niya pa ang itakwil siya ng kanilang pamilya basta ang kapalit niyon ay maresolba niya ang problema nila ni Kina."May tanong ako sa'yo," Makahulugang tiningnan niya si Bernard. "Sakali bang... itakwil ako ng pamilya namin, anong mangyayari sa'kin?"Namilog nang husto ang mata ni Bernard. Malinaw na nabigla ito sa tanong niya. "M-Mr. Cruise... y-you shouldn't
Lumipas ang tatlong araw, ginugol ni Luke iyon sa kanyang pagsasanay. Sandamakmak na basyo ng bala ang nagkalat sa sahig ng shooting range at patuloy na nadadagdagan iyon. Saan mang dako ng pasilidad ay maririnig ang alingawngaw ng ratrat na putok ng baril.Tila mala-rambo si Bernard habang pinauulanan ng bala ng machine gun si Luke. Hindi lang iyon basta natural na machine gun. Isa iyong upgraded at mayroong detector ng target.Kaya kahit hindi man nakikita ni Bernard si Luke ay ang mismong ang machine gun na ang kumukusang alamin ang eksaktong posisyon niya.Makaraan ang ilang saglit ay hinihingal na huminto si Bernard kasabay ng pagpahid ng pawis sa noo."'Yon na ba ang kaya mong gawin?" mapanghamong sambit ni Luke nang huminto siya sa kanyang side-jump.Nasa kalmado pa rin siyang estado sa kabila ng napakabilis na ginawa niyang pag-ilag sa mga bala.Lupaypay na napaupo si Bernard sa sahig at dinampot ang bote ng tubig. May paghangang tiningnan nito si Luke."Mr. Cruise, you're a l
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg