Hinawi ni Luke si Lexi papunta sa kanyang likuran pagkatapos ay masamang tiningnan sina Oliver.
"Anong kailangan n'yo?" seryoso niyang tanong.Ipinagsalikop ni Oliver ang mga kamay nito sa likod nito. "Wala naman, gusto lang sana kitang kamustahin." Natawa ito. "Mukha atang may naaabala ako."Sinenyasan ni Luke si Lexi na bumalik na sa kinauupuan nito na siya namang agad nitong ginawa. Tumabi si Oliver sa kanya habang may nakakalokong ngisi."Who is she? Is she your friend?" Pumalatak ito. "Ibang klase ka talaga. Puro chicks ang mga kaibigan mo ah."Simamaan ito ni Luke ng tingin. "Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka sa harapan ko. Wala ako sa mood upang makipagbiruan."Nagsitawanan sina Oliver. Nakasunod ang tingin nito kay Lexi. "Tell me her name, hindi na kita guguluhin pa. Might as well Kina. Inyong-inyo na siya."Simula nang malaman ni Oliver na sumali si Zeo sa kompetisyon ay nawalan na ito ng pag-asangMakalipas ng halos sampung minutong paghahalungkat ni Luke sa mga gamit ni Kina ay wala siyang natagpuang sulat. Napasampal siya sa kanyang noo.Bakit nga ba naman dadalhin iyon ni Kina rito? Baka nandoon iyon sa kwarto nito sa mansyon. Kung nandito lang sana ang kotse niya ay makakasaglit siya papunta roon.Nagliwanag ang kanyang mukha nang may pumasok na ideya sa kanyang isip. Bakit hindi niya utusan si Bernard na dalhin dito ang kotse upang makapunta siya mamayang gabi pagkatapos ng laban sa mansyon ng pamilya Alanis?Tamang-tama ang pagkakataong ito lalo pa at nandito lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Tanging mga katulong at iilang guwardya lang ang tao roon ngayon.Ilalapag na sana niya ang sling bag ni Kina nang dumulas mula rito ang isang notebook. Kulay puti iyon na dinidisenyuhan ng mga rosas na guhit sa gilid. Nakakunot ang noong saglit niya iyong pinagmasdan, lalo na ang nakasulat sa pabalat nito.Diary.Marahil a
Narinig niya ang pag-uusap nina Kina at Alona kaya napatakip siya sa kanyang bibig habang ang notebook ni Kina ay hawak-hawak niya pa rin. Narinig niya rin ang boses ni Benedict na tinatangkang pigilan si Kina na makapasok ng kwarto."Ms. Alanis, you can't go inside yet. Kakatapos lang nilang maglinis at baka medyo basa pa ang sahig," sambit nito sa nababahalang tono.Humalukipkip si Alona kasabay ng pagtaas ng kilay nito. "Mr. Castro, you're acting suspicious and weird as fuck at the same time. May problema ba?"Mas lalo lang pinagpawisan si Benedict dahil sa sinabi ni Alona lalo na sa mataray na mukha nito. Saglit na iginala niya ang kanyang tingin sa loob ng kwarto.'Nakaalis na kaya si Mr. Cruise?' tanong niya sa kanyang isip."No... no," aligaga siyang umiling. "Walang problema. Akala ko ay dito ang inunang linisin ng mga inutusan kong maintenance. Mukhang nasa kabilang suite pala sila." tugon niya na sinundan ng awkward na pagtawa k
Pagkatapos ng ilang minuto pang daldalan, sa wakas ay napagdesisyunan din nina Alona na bumalik na sa kanilang kwarto ni Jackielyn. Ngalay na ngalay na si Luke at halos nagpigil na rin siya ng kanyang paghinga.Nang tanging si Kina nalang ang natira sa kwarto ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng tensyon at mas lalo pang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Paniguradong katapusan niya na oras na sumilip ito sa kanyang kinaroroonan ngayon.Pumikit siya at umasa nalang na sana ay huwag mangyari iyon. Pinakiramdaman niya ang bawat kilos at pinakingggan ang bawat lakad na ginagawa nito.Narinig niya ang langitngit na tunog ng pagbukas ng zipper ng maleta nito kung saan ay nakalagay ang mga damit nito.Nanalangin si Luke na sana ay maayos niyang naibalik ang mga gamit nito sa kung paano iyon nakalagay bago niya pa iyon hinalungkat.Tahimik lang si Kina habang ginagawa iyon. Idinilat niya ang kanyang mata at nakita ang maputing pares n
Pumorma ng Wing Chun fighting stance si Joaquin habang may kalmadong ekspresyon lang sa mukha. Sa round na iyon, kung sino ang pinakagustong mapananood ng madla ang laban ay doon nakapokus ang kamera kaya sila ngayon ang nakikita sa malaking monitor.Malamig na nakaismid lang nang puntong iyon si Reynold. Kitang-kita niya na ang kanyang pagkapanalo.Malaking kahinaan ng mga katulad ni Joaquin ang mga mahuhusay sa ground battle. Mahusay man ito sa tayuang laban ay paniguradong mahina naman ito sa grappling kung saan magbubuno sila nang nakahiga.Iyon ang plano ni Reynold na gawin dito, ang dalhin ito sa ibaba at doon sila magtuos sa pamamagitan ng kanyang Brazilian Jiu-Jitsu.'You bastard, you dare to mock my brother?' sambit niya sa kanyang isip."Come on, bring it on," hamon niya rito pero nananatiling nakatayo si Joaquin.Oras na sumugod ito ay ang una niyang gagawin ay hatakin ang alinmang bahagi ng katawan nitong ginamit na p
Napaawang ang bibig ng lahat sa napakabilis na pagbabago ng sitwasyon. Si Reynold na ngayon ang kinokontrol ni Joaquin.Kung sabagay ay mukhang umpisa palang ng laban ay kinokontrol na nito ang kanilang laban. Umpisa palang talaga ay wala nang tsansang manalo si Reynold na halatang pinaglalaruan lang ni Joaquin.Napapatanong nalang si Reynold kung paano nalaman ni Joaquin ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Luke.Napuna iyon ni Joaquin. "Curious? Since ito na ang huli mong pagsali sa kompetisyon, hahayaan kitang malaman ang sekreto ko." natatawang pang-uuyam nito.Ginaya rin nito kung paano ang paraan ng pagkakasabi niyon ni Reynold kanina."Marami akong mata at tainga sa kompetisyong ito. Lahat sila panggulo lang. Kung hindi ka maingat sa mga salitang ipapalabas sa bunganga mo ay asahan mo nang makakarating 'yon sa'kin."Hindi umimik si Reynold, nakatulala lang ito. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Luke na hindi siya mananalo
Napabuntong hininga pa si Luke bago nagtungo ng pintuan. Pagkahiga ni Natalia sa kanyang kama ay mabilis itong nakatulog dahil sa sobrang pagod. Sa tingin niya rin ay wala pa itong tulog.Paglabas niya sa kanyang kwarto ay saktong nandoon sina Kina at Jackielyn. Bihis na bihis ang mga ito."Luke!" natutuwang bulalas ni Jackielyn. Lumapit ito sa kanya at ikinabit ang siko nito sa siko niya sa mapaglarong paraan. "Wanna come with us?"Kumunot ang noo ni Luke saka tiningnan si Kina na nasa cellphone lang ang atensyon.Gusto niyang sumama, syempre. Lalo pa't hindi mababantayan ni Natalia si Kina ngayon.Pero kung sasabihin niyang oo, papayag ba ito?Maang siyang umiling. "Ah hindi, may importante akong pupuntahan."Agad na bumagsak ang balikat ni Jackielyn. "You've been busy all the time. Kailan ba tayo magkakasama-sama ulit?" May pagmamaktol sa boses nito.Nginitian lang ito ni Luke. Saktong lumabas si Alona sa kwarto ng mga ito."Luke, may pupuntahan ka ba?" taas ang kilay na tanong nit
Nagitla si Luke sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Kina sa kanya. Titig na titig lang siya rito at parang naninikip ang kanyang dibdib nang puntong iyon.Tila hindi siya makahinga."Kalimutan mo na ang mga sinabi ko sa'yo noon. Kalimutan mo nang nagkaroon tayo ng relasyon," Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Mas lumamig pa ang titig nito. "At kalimutan mo na ring nakilala mo ako. All of that was just a lie. Ang totoo ay hindi naman talaga kita minahal. Humanga lang ako sa'yo dahil sa ginawa mong pagligtas sa'kin. That's all. Nasabik lang siguro akong... makita ang lalaking nagligtas sa'kin pero hindi iyon pagmamahal. I had been lying to myself as well the entire time, Luke."Pagkasabi nito niyon ay muli itong tumanaw sa labas. Mas lumakas pa ang buhos ng ulan."Marami namang babae sa mundo. I don't deserve you and you don't deserve me either. Mas mabuti kung ngayon pa lang ay tapusin na natin 'to. Mas lalo lang kitang masas
Basang-basa sa ulang bumalik si Luke sa hotel. Pinagtinginan siya ng mga tao roon. May ilang security guards na tinangka siyang pigilang makapasok pero patakbong nilagpasan niya lang ang mga ito at gumamit siya ng hagdan paakyat.Diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto at nadatnang wala roon si Natalia. Iniwan niya itong himbing na natutulog, gumising na ba agad ito?O baka lumipat lang sa presidential suite?Dinukot niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Agad niya iyong pinunasan gamit ang sapin ng kama. Sa kabutihang palad ay gumagana pa naman iyon sa kabila ng pagkabasa niyon sa ulan.Unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ni Bernard na sinasabing papunta na ito ngayon dala ang kanyang kotse mahigit sampung minuto palang ang nakakalipas.Binago niya ang settings ng kontrol niyon at binigyan ng akses ang ilang kakilala niya upang magamit nila iyon kung sakaling kailanganin sa isang pagkakataon. Katulad nalang ng ngayon.Sa tingin niya ay wala pang limang minuto ay baka narit
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t