Share

CHAPTER FORTY-FIVE

AFTER HE kissed her, mas naging mailap pa si Calli kay Drake. Ilang beses siya nito pilit kinakausap pero tinatalikuran niya lang ito. Panay din ang paghingi nito ng tawag sa panghahalik na ginawa, lasing daw kasi ito at hindi na alam ang ginagawa. Natawa na lang siya. Hindi iyon sapat na rason para sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw ay pilit niya ring tinatawagan si Mason at ni isang beses ay hindi nito sinagot ang tawag niya na siyang nagpapadagdag sa kanyang iritasiyon. May mga oras na gusto na lang niyang ibato ang cellphone pero wala siyang pambili ng bago kaya pinipigilan niya na lang ang sarili.

Malalim na ang gabi at nakaupo siya sa may gilid ng swimming pool at matiyagang tinatawagan si Mason. Iniisip niya na baka busy lang ito kaya hindi sinasagot ang kanyang tawag pero gaano na ba ito ka busy at hindi manlang nito makahawakan ang cellphone?

"Love me again, please...."

Napaluha siya nang maalala naman ang sinabi sa kanya ni Drake. Love him again? She can't. Maliban sa ga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status