NAKAMASID lang si Drake kina Calli at Mase na hindi mapaglayo sa isa't-isa. Nagtataka siya kung paanong nandito ang kaibigan niya? Tiyak na hindi naman ito tinawagan ng mga kaibigan nila dahil hindi pa niya napapaalam sa mga ito ang nangyari. Panay pa rin ang iyak ni Calli habang yakap ito ni Mase. Kumukulo ang dugo niya dahil panay ang halik nito sa ulo ni Calli pero hindi ito ang tamang oras para magpadala siya sa selos. Hindi pa nila alam kung ligtas ba ang anak nila. Matapos ang matagal na minuto na ang pakiramdam nila ay tumagal ng ilang dekada ay lumabas na rin ang doktor sa wakas. Agad nila itong nilapitan at umiyak-iyak na nagtanong si Calli. "How's my daughter?" Her hands are intertwined. Hoping na maganda ang sasabihin nito. The doctor smiled. "You can sigh now in relief, Mrs. She's okay, mabuti na lang at naagapan siya." Nanghina si Calli at napaupo sa sahig nang marinig ang sinabi nito. She cried in happiness and Mase console her. Napaiyak din si Drake at napasandal s
WHEN DRAKE and his friends left, Mase and Calli were enveloped by silence. Shreya is now asleep while hugging Mase's arm. "You, okay?" Calli ask Mason when she noticed he was thinking deeply and not in the mood. He nodded. "Oo naman." He combed her hair and lean his head on her shoulder. Pinatakan naman ng halik ni Calli ang ulo nito. But the truth, he's not okay. He's guilty, he wants to say sorry to his friend. Ramdam niya ang sakit na naramdaman nito dahil sa mga sinabi ni Shreya.Alam niya kung gaano kamahal ni Drake ang anak nito at ang mga sinabi ni Shreya ang pinakamasakit na salita na maririnig ng isang ama mula sa anak. Nagtagal pa sila ng dalawang araw sa hospital at sa mga araw na iyon ay hindi na muling nagpakita pa si Drake. "Tawagan ko na?" Nilingon niya si Mason. "Pinagsasabi mo?" "Mula kahapon ka pa nag-aabang diyan sa may pinto eh. Hinihintay mo si Drake di ba? Umupo siya sa sofa at umiling. Napaupo naman ito sa kanyang tabi at niyakap siya mula sa gilid. "I k
IT'S BEEN a week and as time passes, mas lalong lumalala ang pananabik na nararamdaman ni Drake sa kanyang mag-ina. Parang bumalik siya dati, nung hiniwalayan niya si Calli at araw-araw na sinisira ang kanyang atay. Yakap-yakap niya ang unan na gamit ng dalawa. Nanatili sa unan ang amoy ni Calli kaya gusto-gusto niya itong yakapin, hindi niya mabitawan. He opened another bottle again and drunk it straight. Padabog naman na bumukas ang pinto at narinig niya ang malakas na sigaw ni Xiver. "DRAKE! I SAID STOP IT!" Inagaw nito sa kanyang ang bote. Binawi naman niya iyon hanggang sa magsuntukan silang dalawa. Mabuti na lang ay dumating ang ilang mga kaibigan nila kaya agad din silang naawat. "Hindi lang si Calli ang nag-iisang babae sa mundo Drake!" Xiver shouted, veins our popping out in his neck. Pinaksi ni Drake ang braso mula sa pagkakahawak nina Lim at Naomi. "Hindi nga pero siya lang ang nag-iisang mahal ko. Wala ng iba. Living without them feels like death. Mas mabuting magdusa
"PARA ILIGTAS ka Calli kasi gusto kang patayin ng lolo niya!" Awtomatiko siyang napatigil sa pag-iyak at nanlaki ang mga mata. "A-ano?" halos pabulong niyang tanong. Napatingin siya sa ibang mga kaibigan at nakayuko lang ang mga ito. "Mahirap para sa kanya na saktan ka kasi mahal na mahal ka niya pero hindi niya kakayaning mamatay ka naman kaya niya nagawa iyon! Ngayong alam mo na, titigil ka na ba sa kakaaktong ikaw lang ang biktima? Kasi kung tutuusin, sa inyong dalawa ay si Drake ang higit na nagdusa!" "Tama na, Ai. Ang anak natin." Humagulhol ng iyak si Airah at yumakap kay Xiver. Nanatili naman siyang tulala habang prinoproseso ng kanyang utak ang nalaman. Drake's grandfather wanted to kill her, thus, he hurt her? Yun ba ang sinasabi sa kanya ng mayordoma na ang ginawa ni Drake ay para sa kanyang kapakanan? But why? Why Don Rafael want to kill her? Alam niyang nakakatakot ang lolo nito pero kailangan ba talagang umabot sa ganun? Bakit naman? Magkakilala ang pamilya nila. T
PAGKAKINABUKASAN din ay nakalabas na rin si Drake ng hospital. Nakangiti si Calli habang pinagmamasdan ang anak niyang sinusubuan ang ama nito ng sopas, ganun din si Drake na di inaalis ang tingin kay Shreya habang ngumunguya. From time to time, he's kissing Shreya's hair.Nagpaalam ang kanilang mga kaibigan na aalis na matapos manatili ng ilang oras at sa susunod na araw na lang ulit daw dadalaw. Hinatid ni Calli ang mga ito palabas."Mamaya ko na kukunin ang mga gamit namin Mason."Mase nodded at him. "Okay. Tawagan mo ako kapag pupunta ka na ha?""Okay."Bumalik siya ulit sa itaas nang makaalis ang mga ito kakatapos lang ni Drake kumain.He spread his arm as he saw her, asking for a warm hug that she immediately give. Hinalikan niya pa ito sa tungki ng ilong at nilingon ang anak na humahagikhik. Piningot niya ang ilong nito.Wala silang magawa sa loob ng bahay dahil hindi pa puwedeng gumala si Drake dahil kailangan pa nitong magpahinga kaya nanuod na lang sila ng Disney na siyang r
"DADDA!" TILI ni Shreya nung makarating sina Calli sa bahay ni Mase para kunin ang mga gamit nila. Binuhat ito ni Mase at umikot-ikot. Shreya laugh so hard while spreading her arms. Piningot naman ni Calli sa tenga si Drake na nakasimangot habang nakatingin sa dalawa. "Huwag ka nga riyang magselos." "Di ko mapigilan eh. Nanggigil ako." He gritted his teeth. Mase heard it and stucked his tongue out to tease Drake. Agad namang napikon ang lalake at akmang susugurin ang kaibigan nang pigilan ni Calli. "Stop it. Don't be a bad influence to Shreya." Huminga ng malalim si Drake para pakalmahin ang sarili habang si Mase naman ay natatawa lang. "Aalis na ba kayo agad? Ayaw niyong magmiryenda muna? May mango float ako rito." "Mango float po? I want to eat Dadda." Tumungo sila sa kusina at naghanda ito ng miryenda. Agad namang tumabi si Drake sa anak para bakuran ito mula kay Mase. Napailing na lang sina Calli at Mason dahil sa pagiging isip bata nito. Akala mo naman aagawin nito ang a
WALANG PAGSIDLAN ng saya si Drake matapos malaman na hindi nawala ang pagmamahal ni Calli sa kanya. Sa sobrang saya ay napaluhod siya at humagulhol ng iyak. Nang makabawi sa matinding emosiyon ay nagkukumahog naman niyang binalita iyon sa mga kaibigan na sobrang saya para sa kanya. Binangga siya sa balikat ni Mase habang nag-se-set sila ng bonfire. "Told you that she loves you," bulong nito at ngumisi. Napabaling siya kay Calli na nagtutuhog ng hotdog sa stick. Napangiti siya. Sa loob ng isang buwan ay si Mase ang lagi niyang puntahan sa tuwing nag-aalala siya kung mamahalin pa ba siya ulit ni Calli. She's sweet at him, she cared, they are happy but sometimes actions aren't enough. Words are needed for confirmation and assurance. At dumating na nga ang hinihingi niya. Pumalibot sila sa ginawang apoy habang nasa ilalim ng mga bituin. They talked and have a lot of fun like the old days. Binabalikan nila ang kanilang pagkabata hanggang sa nahantong iyon sa kasalan. "Bakit di na lan
MATAPOS TANGGAPIN ni Calli ang proposal ni Drake ay nagsimula sila agad sa pagplaplano ng kanilang kasal pagkauwi nila ng Manila. Walang sinayang si Drake na oras na sobrang excited na dalhin siya sa altar.Ilang linggo na nung nag-propose ito pero hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi rin matanggap ng utak niya na may kinalaman pala ang kanyang anak sa sopresa ni Drake. Ang galing nitong umakto.Napaayos ng upo si Calli nang mapagtanto ang daang tinatahak nila. Sobrang aga sila nitong ginising kanina dahil ang sabi ay may pupuntanan sila."Anong binabalak mo Drake?" kinakabahan niyang tanong."It's time to fix everything. Gusto kitang maging masaya ng buo, ng walang lungkot pa riyan sa puso mo.""Pero hindi pa ako handa."Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon. "Ako ang bahala sa 'yo."Napalunok si Calli ng malagkit at nilingon ang anak sa back seat na nilalaro ang stuff toy na dolphin.Nanlamig si Calli at nilamon pa ng mas matinding kaba nang huminto sila sa tapat ng bahay
AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa
ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi
MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h
SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl
DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin
PINAGMAMASDAN ni Calli sina Drake at Elyse na nag-uusap sa may garden. Seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa hanggang sa nagsimulang humikbi ang kaibigan niya. Drake patted Elyse's back, trying to calm her down. Nakaramdam naman ng konting kirot sa dibdib si Calli. Malamang, mag ex-fiance kaya ang dalawa pero mas lumalamang naman ang awa niya para kay Alyssa. Hindi niya inaakala na nakakulong pala ang kanyang kaibigan. Akala niya ay okay lang ito dahil nagagawa nitong tumawag sa kanila pero ang bawat tawa pala nito at ang ‘ayos lang ako’ na sagot sa tuwing nagkkamaustahan sila ay mga peke pala. She appreciated how Elyse endure it for them not to be worried about her. Mukhang siya pa nga ito ang hindi naging maayos na kaibigan. Nilapitan niya ang dalawa para siya na ang magpatahan sa kaibigan. Nag-aalangan kasi si Drake na hawakan ito. Nag-aalala sa magiging reaksiyon niya. Umusog papalayo si Drake nang maupo siya sa pagitan ng dalawa. Niyakap niya si Elyse at yumakap naman ito pabalik,
NAGPUPUYOS sa galit si Calli habang nakatingin sa kaibigan na kinakausap ng mga magulang at lolo ni Drake. Kita niya kung gaano kagusto ng mga ito si Alyssa dahil hindi mapuknat ang ngiti ng mga ito sa labi habang ang babae naman ay nakikinig ng mabuti tatlo at tumatango-tango. She can't believe of it. All along niloloko lang pala sila ng babaeng ito. Tinuring niya itong matalik na kaibigan pero isa pa lang itong ahas. Sana ay kinilala niya muna ito ng mas mabuti bago hinaayan ang sarili na mapalapit dito. Gusto niyang sabunutan si Alyssa—o mas mabuting tawagin niya na lang ito sa pangalang Elyse. Ikinuyom niya ang kamao, matindi ang pagpipigil na kanyang ginagawa. Ayaw niyang gumawa ng eksena dahil baka mas lalo pang magalit sa kanya ang pamilya ni Drake. Bigla niyang naaalala ang invitation card na bigay sa kanya noon ni Drake. Nakalagay doon ang buong pangalan ni Elyse at natatandaan niyang may nakasunod iyong Alyssa. Ang bobo niya, bakit hindi niya ito napansin. Mabilis niyang
MAY KATAGALAN pa man ang kasal nila ni Drake ay nagsimula na silang maghanda. They talked about the church, the reception, the dresses and her wedding gown. Tinulungan din naman sila ng kanilang mga kaibigan at kanyang mga magulang. Kumuha pa si Mase ng sikat na designer na mula sa ibang bansa dahil kailangan daw talagang unique at engrande ang kanyang gown. Ito naman ang magbabayad bilang regalo sa kanya kaya pumayag na siya. Miski si Shreya ay pinatahian din nito ng damit. May mga pangalan na rin sila ng mga a-attend sa kanilang kasal at nagsimula ng magpagawa ng wedding invitations. "Pumayag na ba ang ina mo?" nag-aalalang tanong ni Calli. Pinaalam na ni Drake sa kanyang mga magulang na ikakasal sila ni Calli pero walang imik ang mga ito. Ito na lang ang pinoproblema nila. Ayaw naman nilang ikasal na wala ang mga magulang nito. Nakita ni Calli ang lungkot sa mga mata nito kaya alam na niya ang sagot dun. "They really hate me---" "No, they are not. Kailangan ko lang suyuin si m