Share

Chapter 5

Author: chingniii
last update Last Updated: 2021-07-09 13:12:23

Chapter 5

Kakalabas ko lang ng CR, naligo. Agad akong nagbihis para matignan ko ang kusina kung ano ang maari kong mailuto para sa hapunan naming dalawa ni Casey.

Pagbukas ko ng refrigerator ay ganoon nalang ang gulat ko ng wala akong nakitang maaring mailuto doon, bukod sa kalahating tray ng itlog. May isang tubig na nasa pitsel at isang galoon na ice cream lang ang naandoon. Sinubukan kong maghanap sa mga cabinet na nasa kusina, ngunit wala din akong nakita kundi ilang cup noodles at mga sitsirya.

"Kumakain ba ng isang iyon? Tsk." Isinara ko ang cabinet na huli kong binuksan.

Kinuha ko ang phone ko, balak ko sanang itext si Casey pero may natanggap na agad akong message galing sa kanya.

Casey:

Friend, pasensya kana kung wala kang makikitang maaaring iluto dyan sa unit ko kundi itlog. Madalas kasi akong sa labas kumain, kasama ang boyfriend ko. Pasensya na.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. Maggo-grocery nalang siguro ako. Pumasok ako ng kwarto para kuhanin ang wallet ko.

Pumunta ako sa pinakamalapit na market para makapaggrocery. Bumili na din ako ng mga kakailanganin ko, tulad ng napkin, toothpaste, shampoo, sabon at iba pa. Sa mga pagkain ay puro delata, ilang packs noodles, dalawang kilong manok, isang ballot ng milo, asukal, toyo, suka at iba pa. Bumili din ako ng bigas. Tsaka na ako mamimili ng marami at may trabaho na ako.

Habang nakapila ako sa counter para magbayad ay tumawag si Carlew. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang pangalan nya. Siguro ay tapos na ang meeting niya.

"Hello. Tapos na meeting?" masayang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang cart.

"Yeah. Nagdinner ka na?" napailing ako kahit alam kong hindi niya naman nakikita.

"Hindi pa ehh. Naggogrocery pa ako."

"Dapat kumain ka nalang sa labas. Gabi na." Napasimanot naman ako para mapigilan ang pagngiti ko.

"Hays, Carlew naman. Kailangan ko ng magtipid, wala pa kong trabaho." Narinig ko ang buntong hininga niya. Itinukalak ko ang cart ko ng ako na ang magbabayad.

"Sabi ko naman sayong ako na ang bahala diba?" hindi ko sya sinagot at inilagay sa counter ang mga pinamili ko.

"Miss, wallet mo." Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa tabi ko at iniabot ang wallet ko sa akin. Kinuha koi yon.

"Ay. Salamat."

"Sino iyon?" agad kong narinig ang maatoridad sa kanyang boses. Napailing nalang ako.

"Seloso." Bulong ko. Iniabot ko ang bayad ko sa cashier, agad din naman niya akong sinuklian kaya binuhat ko na ang mga pinamili ko.

Medyo madami akong pinamili kaya naman halos hindi na ako magkanda ugaga sa pagbibitbit ng mga pinamili.

"Maya nalang ulit. Madami akong dala. Tawag ako, pag-uwi ko." Paalam ko sa kanya. Hindi ko agad na patay ang tawag dahil sa bitbit ko.

"Miss, tulungan na kita." Muli akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ang lalaking nag abot sa aking wallet kanina.

"A-Ahh! Hindi na. Kaya ko na." ngumiti ako ng konti bago nagpatuloy sa paglalakad. Agad akong pumara ng taxi bago niya pa ako masundan. Doon ko lang napatay ang tawag ng maibaba ko ang pinamili ko sa loob ng taxi.

"Manong sa Wind lang po." Pagkasabi ko noon ay agad niya akong inihatid. Madilim, siguro ay mga 7:30pm na. Agad akong nagbayad ng makaring ng condo.

Wala pa ding tao sa unit ng makarating ako. Hindi ko din naman alam kung anong oras ang uwi niya. Ipinatong ko sa lamesa ang mga binili ko at ang mga personal ko naming binili ay dinala ko sa kwarto ko. Mamaya ko na aayusin, pagkakain.

Pagbalik ko ng kusina ay nakita ko ang phone ko na may messages galing kay Carlew.

Carlew:

Video call tayo.

Pagkabasa ko palang noon ay agad ko ng binuksan ang data ko. Natitipa palang sako ng message ko ay bigla ng nag flash ang video call ni Carlew sa akin. Agad ko iyong sinagot. Kita ko ang Kulay putting back ground na pader at ang kang swivel chair. Nasa office pa yata sya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nasa office pa din kasi sya. Nakita ko ang pag iling niya.

"Hindi pa. Dyan ba yung tinutuluyan mo?" tumango naman ako. Ipinatong ko sa lamesa ang aking phone paharap sa akin, para kahit na may ginagawa ako ay makita niya ako.

"Sino pala yung lalaking nag alok sayong tulungan ka?" nilingon ko sya sa phone ko. Nakita ko ang seryosong mukha niya. Umiling lang ako. Kinuha ko ang bigas na binili ko para makapag saing.

"Zette, sino nga iyon?" pangungulit niya pa. Ngumuso ako para itago ang ngiti.

"Sige, ngumuso ka pa. Hahalikan kita." Namula ako sa sinabi niya. Pagkasalang ko ng aking sinaing ay inumpisahan ko naming ayusin ang mga pinamili ko at inilagay sa mga cabinet.

"Bakit puro delata at instant noodles ang mga yan? Tsk! Pagbalik ko dyan, ipaggo-grocery kita. Hindi ako papayag na laging ganyan ang kakainin mo." napailing nalang ako sa kanya. Paulit ulit ko ng sinasabing hindi niya ako dapat pagkagastusan. Girlfriend niya lang ako at hindi asawa.

Pagkasaing ko ay nagbukas ako ng isang tuna, inayos ko an gang aking magoging hapunan.

"Sir, eto na po ang pinapabili mo sa akin." Dahil dumating na ang dinner niya ay sabay kaming kumain, habang magkavideo call.

"Anong oras ka ba uuwi?" tanong ko sabay subo.

"Mamaya maya. May iniitay lang ako." Napatango nalang ako sa kanya at hindi na nagtanong pa.

"Hmm? Zette?"

"Hmm?"

"Ilang taon kana?" muntik na akong mapatawa sa tanong niya. Pero agad ko ding pinigilan.

Hindi pa nga naman namin masyadong kilala ang isa't isa. Wala naman sigurong masama sa gantong usapan.

"22, ikaw?"

"27." napataas ako ng kilay sa kanya bago tumango.

"Ang tanda mo na pala." sabi ko. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay, kaya agad kong iniba ang topic.

"Ano palang trabaho mo?" tinignan ko sya ng itanong ko iyon. Nakita ko ang pagkabalisa niya sa tanong ko. Napataas ang aking kilay sa reaksyon niya.

"H-Huh? A-Ano..." nakaramdam ako ng disappointment ng mapansin kong parang ayaw niya atang sabihin ang trabaho niya. Kaya agad kong binawi ang tanong ko.

"Ahh. Okay lang kahit hindi masagutin." I smiled at him. Nakita ko ang tingin niya sa akin.

Halata naman na hindi basta basta ang trabaho niya. Base sa background niya ay may sarili syang office at may secretary din sya. Parang naiimagine ko sya ngayon sa isang opisina na wala masyadong ginagawa, kaya ganoon nalang ang pag-aalok niya sa akin na sya ang gumastos para sa akin.

"I'm a CEO of Del Prena Groups of Company, Zette." Hindi ko napigilan ang pagbilog ng aking bibig.

Parang narinig ko na ang Del Prena. Hindi ko lang matandaan kung saan at kalian. Siguro ay kina Mommy at Daddy, tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga business at mga naglalaki hang kumpanya.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi kaya may alam sya tungkol sa akin? Tungkol sa ginawa ko? Alam niya kaya kung sino ang mga magulang ko? Shit!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ailyn Macadat
next chapter pls....️...️...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh si carlew talaga yong lalaking gustong ipakasal ng mga magulang ni euzette
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Runaway Bride   Chapter 6

    Chapter 6Mabilis na lumipas ang mga araw. Madalas na tumatawag, text at video call kaming dalawa ni Carlew. Tulad ngayon, kausap ko sya sa phone. Buti nalang at hindi kami nagkakasawaang dalawa kahit na puro ganto lang muna kaming dalawa."Sinong kasama mo mag shopping?" umiling lang ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya mamimili ako ng damit para sa mga susuotin ko sa pag-uumpisa ko sa trabaho. Kahit na sa isang linggo pa iyon.Wala akong kasama para mamili ng office attire. Madami naman ako noon sa bahay, pero wala akong nadala kahit isa.Duh! Kung magdadala ako ng ganoon ay pagdududahan pa ako, dahil honeymoon lang naman ang pupuntahan ko SANA kung natuloy ang kasal, ehh hindi natuloy dahil sa ginawa kong kagaguhan. Kaya kaonti lang ang nadala ko. At mga literal na puro panggala lang ang mga iyon."Wag ka na kaya munang magtrabaho? Tsaka nalang." Agad akong napailing sa sinabi niy

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 7

    Chapter 7"Ohh? You miss me that much huh?" namula ako ng bulungan nya ako ng ganun. Niyakap niya din ako pabalik."Syempre. Nakakasawa na din kaya yung puro cellphone ang kausap ko. Puro laptop ang kayakap at kasama ko. Gusto ko naman yung totoo." Malungkot kong sabi sa kanya ng kumalas ako sa yakap. Narinig ko ang mahinang halakhak niya. Napasimangot ako at kinagat ang aking labi."Paano ka napunta dito? Nasa Manila ka diba?""I file a leave for 1 week. I really missed you, baby. I can't take it anymore. Kaya hindi ko talaga sinabi sa iyo, because I know you'll insist." Napanguso ako para maitago ang ngiti."I love you." Muli niya ako niyakap at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo. Hindi ko naitago ang ngiti ko."I love you too." Nakapikit at nakangiti kong sabi. This is the first I said I love him too. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyo

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 8

    Chapter 8Pagka hintong pagkahinto ni Carlew ng kanyang kotse ay agad kong binuksan ang pinto para lumabas."Dito ka nalang. Ako nalang mag isa ang kukuha ng mga gamit na dadalhin ko." malamig na sabi ko sa kanya. Naiinis pa din ako sa kanya dahil nagdesisyon sya ng hindi ko alam.Pagkasara ko ng pinto, ay kasunod noon ang pagsara din ng pinto sa kanya. Napairap nalang ako ng sumunod sya sa akin patungong elevator ngunit hindi ko mapigilang mapangiti. Ang kulit niya talaga.Parang may kung anong hayop na kumikili sa aking tiyan. Kinikiliti ako nito kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Weird!Pagpasok ng elevator ay agad kong pinindot ang floor kung saan ang unit ni Casey. Nakatayo sya sa tabi ko. Tahimik sa elevator, dahil tanging kaming dalawa lang ang tanging tao.Nang tumunog ang elevator sa tamang floor ay agad akong lumabas doon habang nakasunod sya

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 9

    Chapter 9Nagising ako na pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. I open my eyes and I saw Carlew smiling widely while looking at me. I can't help but smile too. This is my first time to wake-up and sya agad ang makikita ko, and I can't explaine how happy I am now."Good morning, baby." he greeted.Namula ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Baby, parang isang magandang musika sa aking tenga lalo na at sa kanya nanggaling."Good morning too.." matama ko syang tinitigan habang sinasabi iyon. Nakangiti pa rin sya ngunit kita ko sa kanyang mata ang pagkadisappoint."Baby..." napakagat labi ako sa aking sinabi. Nahihiya ako sa kanya. Lalo na at titig na titig sya sa akin na tila ba namamangha sa sinabi ko. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa ng buhay.Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiyang aking nararamdam.Nanigas ako ng hawakan niya ang aking baba

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 10

    Chapter 10Namangha ako ng matanaw ko ang malawak na dagat ng El Nido, Palawan. Our plane is ready to landing.Maya maya lang ay nasa El Nido na kami. Pag labas palang namin ni Airport ay may kotse na agad na nag aabang sa amin. Service siguro ng hotel na binook niya."Name, Sir?" tanong ng babae sa frontdesk."Carlew Del Prena.""One room with two bed, Sir?" paninigurado ng babae sa frontdesk. Napakunot ako ng noo.Bakit two bed pa? Pwede namang isa? Haha. Chos!"Yes.""Here's your key, Sir. Room 106." mabilis na kinuha ni Carlew ang susi sa babae, bago nagpasalamat."Let's go, Baby. Kakain pa tayo." bulong sa akin ni Carlew. Agad akong namula, iba ang pumasok sa isip.Kissing Carlew, flash in my mind. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para mawala iyon."Grrr." inis na sambit k

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 11

    Chapter 11Masaya. Masayang mamasyal kasama ang mahal mo. Masayang tumawa kumain, at masarap sa pakiramdam na may kausap lalo na kung iyon ang taong mahal mo. It's our 4th day here in El Nido Palawan."Honeymoon nyo?" tanong sa amin ng isang may edad na babae na may kasamang isang may edad din na lalaki, siguro ay asawa nya.Iiling palang sana ako ay agad na sumagot si Carlew at inakbayan ako."Opo." wala akong nagawa kundi ngumiti sa mag asawang nasa harap naming dalawa.Hindi naman nila malalaman na nagsisinungaling kaming dalawa. So shut up nalang ako."Kami din ng asawa ko, honeymoon ulit namin. It's our 25th anniversary." sabi pa ng may edad na babae. Hindi ko maiwasang mapahanga sa tagal nila. Bigla nalang pumasok sa isip ko yung kaming dalawa ni Carlew.Mabilis ang mga pangyayari dahil dalawang beses palang kaming nagkakakilala ay kami na agad. Aabot di

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 12

    Chapter 12 "Hey, what's bothering you?" pabulong sa akin ni Carlew. Ramdam na ramdam ko ang kanyang yakap, ang init sa kanyang mga bisig na bumabalot sa aking katawan. Nakatayo kami sa tapat ng bintana kung saan ako nakatulala kanina bago niya ako nilapitan at niyakap. "Wala." sagot ko sabay iling. Nanatili ang mga mata ko sa labas ng bintana. Wala akong matanaw kundi dilim, hindi katulad sa Manila na puno ng ilaw dahil sa mga nagtataasang gusali. "Ows? Bakit hindi ka magsabi sakin? I'm your boyfriend. You can trust me." he whispered. I sigh. "Nahohome sick lang ako." sabi ko. Namimiss ko na ang malaki naming bahay ngunit walang tao. Ang kwarto kong punong puno ng kulay pink ngunit asul ang aking gusto. It's like ironic. "Totoo ba? Or it's just your excuse? Tell me, baby." napahinga muli akong ng malalim.

    Last Updated : 2021-07-09
  • A Runaway Bride   Chapter 13

    Chapter 13"Whoa!! Ang ganda dito!" manghang sabi ko.Isang beach na may puting puti at pinong pino na buhangin. Sa mga araw na mga nagdaan at na puntahan naming mga beach ay wala pa akong nakikitang hindi kulay puting buhangin. Halos puro puti ang lahat ng buhangin."You liked it?" he whispered. Kasunod noon ay naramdaman ko ang kanyang bisig sa aking katawan."No, I love it." masayang sabi ko sa kanya at humarap sa kanya.Isang malaking ngiti ang nakita ko sa kanya. Tila mangha sa naging reaction ko."You know? It's my first here in El Nido, and I'm with you." I said with a smiled. Hindi ko na pigilang hindi mapadapo ang aking mata sa kanyang labi.Para akong natuyuan ng labi ng makita iyon. Tila ba ay inaakit ako noon. Agad kong ipinikit ang mata ko para mawala sa isip ang gusto kong gawin. Imumulat ko palang sanang muli ang aking mga

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • A Runaway Bride   Special Chapter

    Special Chapter Carlew Her beautiful and peaceful face, kahit anong anggulo, gising man o tulog ang ganda-ganda, lalo akong naiinlove. I'm watching her while sleeping, and I think it's my new found hobby. I traced her face, her fair skin, her long and black lashes, her rosy cheeks and her reddish lips, and her brownish straight shiny long hair, so natural. It's been a year now, and we're happy and contented with each other. We both have a work, we also travel like what she wants. “Baka matunaw ako.” I cackled when she spoke. “I love you.” I whispered and kiss her forehead. I'm still in the bed, waiting for her to wake up. “I love you talaga ang bungad? Hindi ba Good morning?” she said and pouted, hindi ko mapigilan ang mapangiti. “Good morning, baby.” I whispered again, this time I saw her smile.

  • A Runaway Bride   Epilogue

    Ate Ching: Thank you dahil umabot ka dito. Salamat sa pagsupporta. Sana basahin mo din ang iba ko pang stories.EpilogueFinally, matutuloy na din. Mapapasakin na din siya... Kahit na... Akala ko ay iniwan na naman niya ako...Tahimik akong nakaupo sa isang lamesa sa loob ng coffee shop. Hinihintay ko ang aking order habang kaharap ang aking laptop."Coffee for Carlew." sabi ng babaeng nasa counter-barista.Mabilis akong tumayo at lumapit doon para kuhanin ang aking kape. The lady barista sweetly smile at me, so I smile back."Thank you."Aalis na sana ako doon at babalik sa aking kinauupuan kanina ng may isang naka high school uniform ang lumapit sa counter para umorder. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, pero hindi ko mapigilang mapatingin at mapatitig.She looks cute at her uniform. Blouse with two pockets a

  • A Runaway Bride   Chapter 50

    Ate Ching: Congrats dahil umabot ka sa chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagsupporta.Chapter 50Naalimpungatan ako sa mainit na katawang bumabalot sa akin. Mahigpit na yakap. Hahayaan ko nalang sana nang maramdaman kong kapwa kami walang saplot. Walang pag aatubling iminulat ko ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin si Carlew na nakayakap sa akin.Mabilis na bumalik sa isip ko ang nangyare kagabi. Lasing ako at sumasayaw sa dance floor ng hilahin ako ni Carlew paalis doon. Halos mapamura ako sa aking naalala.Shit! Bumigay ako! Ang malala pa may nangyari sa aming dalawa, sa gabi bago ang aking kasal. Ang tanga-tanga ko talaga!Dahan-dahan akong umalis sa kaniyang tabi at sinuot ang aking mga damit bago umalis. Gusto kong magsisisi sa nangyare, ngunit may parte sa akin hindi na dapat ako magsisisi dahil mahal ko siya at mamahalin parin kahit alam kong mali.

  • A Runaway Bride   Chapter 49

    Chapter 49Mabilis na lumipas ang mga araw, at linggo. Naging busy ako sa pag-aayos ng aming kasal, ako sa mga venue at magiging theme. Habang si Justine naman ay sa mga kailangan sa simbahan. Tinutulungan naman kami nila Mommy at Tita sa lahat kaya gumagaan. Nagtataka lang ako doon sa mga seminar, sinong naattend kasama ni Justine.Matapos naming mag-usap ni Mommy ay hinayaan na nila akong muli basta wag ko na daw uulitin ang nangyari, and I promised to them that I'm not going to do that again.Hindi ko na din nakita pa si Carlew simula nang araw na iwan ko siya sa Bohol at umuwi ako dito sa Manila. Wala din akong naging balita sa kaniya, walang na banggit sa akin si Tita o Justine tungkol dito, at hindi naman nag iba ang tungo sa akin ni Tita tulad ng inaasahan ko. Napaisip tuloy ako kung alam ba nilang si Carlew ang kasama ko nang mawala ako.Kahit papaano ay mas okay na din na wala akong balita k

  • A Runaway Bride   Chapter 48

    Chapter 48"Mom." tawag ko kay Mommy nang makapasok kami ng bahay. Nakaupo siya sa isang upuan sa living room habang nanunuod ng T.V.Mabilis lang kaming nakapasok ng bahay dahil kasama ko si Justine. Hindi na nag tanong pa ang kasambahay na nagbukas ng gate para sa amin, lalo na nang makita ako. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng kasambahay nang makita akong kasama si Justine.Alam kong masyado nang makapal ang mukha ko para umuwi pa roon. Dalawang beses ko nang ginawa at hindi impossibleng ulit kong muli iyon sa panagatlong pagkakataon na hinding hindi ko na gagawin tulad ng iniisip nila.Matalim ang tingin sa akin ni Mommy nang lingunin ako nito. Agad akong napahakbang paatras nang tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata na nagpatakot sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Mommy."Where have you been?!" dumagundong ang bos

  • A Runaway Bride   Chapter 47

    Chapter 47Nakatingin ako kay Carlew habang siya ay natutulog. Pinagmamasdan ang mga features na meron siya, tila ba kinakabisa at itinatago sa memoriya para hindi makalimutan kung sakaling matapos na ang lahat at lumipas ang matagal na panahon. Para kahit paano ay may babalikan akong magandang alaala naming dalawa. Ang pagsasalo namin sa huling gabi dito sa Loboc.Napangiti ako. Kitang kita ko ang medyo pag itim ng kaniyang balat tulad ng sa akin. Halata mong nabilad kami sa arawan kahit na sa sandaling panahon lang kami nag stay dito at sa Panglao.Sa huling araw namin sa Panglao Island ay nagbangka lang kaming dalawa. Walang kasamang magmamando ng banggka, kundi siya ang magpapaandar noon."Sigurado ka bang kaya mo? Baka mamaya humito yan sa gitna ng dagat, patay tayo niyan. Hindi na tayo makakabalik ng resort." kabado kong sabi sa kaniya.May tiwala naman ako sa kaniya, pero

  • A Runaway Bride   Chapter 46

    Chapter 46Naakatingin lang ako sa labas ng binta ng sasakyan habang papunta sa lugar na pupuntahan namin. Hindi niya sa akin sinabi kung saan dahil surprise daw. Pero agad na napakunot ang noo ko nang pamilyar ang dinadaan na tinatahak namin.Ilang beses na din akong nakapunta doon kaya pamilyar na sa akin, lalo na ang tulay na dinadaanan namin. Papunta itong Panglao Island, at sigurado akong doon iyon.Huli akong pumunta dito ay noong kasama ko sila Mommy at Daddy, nag mukmok lang ako halos sa akong kwarto at sila lang ang nag enjoy. Hindi ko aakalaing babalik ako dito na kasama siya."Sa Panglao Island?" sabi ko at nilingon siya. Nakita ko ang pag ngiti nito at tumango sa akin."Anong gagawin natin doon?"Muli siyang ngumiti at hinigpitan ang pagkakahawak saking kamay."It's a surprise, hindi pwedeng sabihin." tumawa pa ito ng bahagya.

  • A Runaway Bride   Chapter 45

    Chapter 45Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlew sa aking kamay habang naglalakad. Kita ko ang ilang mga tao ang napalingon lingon sa amin pero hindi iyon napapansin ni Carlew. Daretso lang ang tingin niya sa mismong patutunguhan namin. Sa elevator.Siguro ay agaw atensyon talaga ng suot namin. Lalo na sa ayos namin, mukha kaming ikakasal.Paalis na kami ng Mall at sinabi niyang may pupuntahan kami, ang nasa isip ko lang ay ang sinabi niya kanina. Magpapakasal kami.He opened the door of the car for me and put all the paper bags at the back seat, before he go inside the car. Agad kong naramdaman ang mainit na kamay niya sa akin nang umandar na ang sasakyan. Napatingin ako doon."I love you." he whispered while driving.Pinanuod ko siya habang nagmamaneho, I trace his feature through my eyes, tila ba kinakabisa ang bawat bagay na meron siya. The way he run his f

  • A Runaway Bride   Chapter 44

    Chapter 44"Wear this for the mean time." pinasuot niya sa akin ang dress na suot ko pa kahapon pa.Ngumiti ako sa kaniya bago tumango. Siya ang nagpaligo at nag punas sa akin ng tuwalya. At ngayon naman ay kulang nalang, pati ang magbihis ko ay siya na ang gumawa para sa akin kung hindi ko pa siya pinigilang gawin iyon."Go, magbihis ka ng sayo. Kaya ko na ito." agad kong sabi.Sinuot niya ang puting t-shirt na pinasuot niya din sa akin kanina. No choice kami na ito ulit ang suotin sa pagpunta sa Mall. Wala talaga kaming susuotin kung hindi ito uulitin.Nahihiya akong nagbihis sa kaniyang harapan, lalo pa nang makitang sa harap ko din siya nagbihis. Gusto kong tumalikod para hindi makita ang katawan niya, pero ano pang sense noon, sabay na nga kaming naligo at walang saplot iyon, ngayon pa ba ako magpapa virgin.Umiling ako para iwala iyon sa isip at nag bih

DMCA.com Protection Status