🔥🔥🔥🔥🔥
Noo'y nakahiga si Sunday at nakatitig sa puting kisame ng kanilang apartment. Kakaalis lang ni Shaina at ngayon ay mag-isa lamang s'ya.
Dinama niya ang pipis pa niyang tyan. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang tahimik niyang pagtatrabaho dito sa ibang bansa. Pati ang paniniwala niya'y gumuho at nasira. Ngunit ngayong may buhay sa kaniyang sinapupunan ay hindi s'ya nagsisising nangyari ang lahat ng 'yon.
Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya. Inabot niya 'yon at nakitang overseas call 'yon.
Nakangiti niyang sinagot ang tawag. "Hello?"
-- "A-Ate..."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Bumalatay rin sa mukha niya ang pag-aalala nang marinig niya ang pag-iyak ni Sebastian.
"A-Anong nangyari?" tanong niya. "Bakit ka umiiyak?"
-- " Ate... w-wala na si t-tatay...." iyak nito sa kabilang linya.
Muntik na niyang mabitawan ang cellphone. "A-Ano? Paanong--"
-- "Naaksidente a
🔥🔥🔥🔥🔥PALAWAN, PHILIPPINESPugto ang mga matang nakaupo ang kuwarenta anyos na si Marita habang nakatingin sa puting hinihigaan ng kaniyang asawang si Gregory."Inom ka muna 'nay." Lumapit ang kinse anyos na anak nitong si Sebastian at naglahad ng basong may tubig. "Ngayon po pala ang dating ni ate."Hindi naman ito nagbigay ng komento sa sinabi ng anak. "Si Steph, tulog na ba?""Opo, kakatulog lang niya. Magpahinga na rin po kayo. Wala pa kayong maayos na tulog. Baka makasama po sa inyo 'yan."Inilingan lang naman ito ng ina. "Okay lang ako dito 'nak. Ikaw, pumasok ka na rin sa kwarto. Matulog ka na muna.".."Hayyy... hindi ko akalain na huling inom na pala namin 'yon ni Greg," sabi ng may katabaang si Cesar. Isa ring tricycle driver katulad ni Gregory. "Napakabait pa naman niyang tao." Umiling pa ito. "Buhay nga naman,hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay."Lahat ng naroon para
🔥🔥🔥🔥🔥Days later...Noo'y nakaupo si Sunday sa tabing dagat ng hapong 'yon. Kanina lamang nila inihatid sa huling hantungan ang kanilang ama.Pinahid niya ang tumulong luha sa kaniyang pisngi. Ayaw niyang lunurin sa kalungkutan ang sarili niya. Ayaw niyang magpakahina dahil may umaasa pa sa kaniya. Ito ang dapat at kailangan niyang gawin."Lumalamig na."Napalingon siya sa kararating lang na si David. Ipinatong nito sa kaniya ang suot nitong jacket."Salamat." Malamlam ang mga mata niyang tumingin sa papalubog pa lang na araw.Pansin naman ni David ang pagpipigil ng emosyon ng babae. "Umiyak ka kung nasasaktan ka."Napatingin naman s'ya dito.Tipid naman itong ngumiti. "It's not good if you'll just keep it inside. Cry your heart out hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo."She sighed. "Thank you." At muling tumingin sa papalubog na araw. "For staying kahit na ikaw sa sarili mo
THREE YEARS LATER...Nakangiwing pinulot ni Sunday ang gamit na condom sa ibabaw ng kama. Kahit naka-gloves ay alam niya'y kagagamit lang no'n. Napa-iling na lamang s'ya habang nilalagay 'yon sa basurahan.Almost two years na rin s'yang nagtatrabaho bilang isang room attendant dito sa hotel, isa itong resort dito sa El Nido.Matapos niyang ipanganak si Lexi ay naghanap na agad s'ya ng trabaho matapos lang ang ilang buwan. Dito rin nagta-trabaho ang kaibigan niyang si Jessa.Pinalitan niya ang bedsheet maging ang mga kurtina at pagkatapos ay nilinis ang banyo. Lumabas s'ya nang masiguradong nasa ayos na ang lahat."Hoo.." Bumuga s'ya ng hangin. Nakakapagod ang trabaho niyang 'to.Pagkababa niya'y dumiretso s'ya sa locker para magpalit ng damit. Tapos na ang 8 hours niyang trabaho para sa araw na 'to."Ah.. ang sakit ng balikat ko." Pumasok si Jessa. Hinihilot-hilot nito ang magkabilang balikat. "Parang ang sar
Mahimbing ng natutulog si Lexi, hindi talaga nito binitawan 'yong blue elephant na stuffed toy mula sa ipinadala ni David. Yakap-yakap nito 'yon hanggang sa makatulog. Hinalikan ni Sunday ang noo ng anak at nakangiting pinagmamasdan ang maliit at mala-anghel nitong mukha. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat noong ipinagbubuntis pa niya ito. Napabayaan niya ang sarili dahil sa pagtatrabaho para sa naiwan pang bayarin ng pamilya nila. Naging matigas ang ulo niya kahit in-offer ni David na ito na ang bahala. Muntik na s'ya noong makunan at doon pa lang s'ya natauhan. Inayos niya ang kumot ng anak. Lexi is her life and she's blaming herself until now. Inilagay niya ang sariling anak sa panganib dahil sa kapabayaan niya. All thanks to David. Hindi s'ya nito iniwan sa mga panahong 'yon. Dahan-dahan s'yang tumayo para hindi magising ang anak at nilapitan ang box na nakapatong sa lamesa. Binuksan niya 'yon at may nakita s'yang letter. Kinuha n
🔥🔥🔥🔥🔥Halos isa at kalahating oras bago matapos ang dalawa dahil sa laki ng kwartong 'yon. Napakalaki kasi no'n kumpara sa normal na kwarto lang ng hotel.Pababa na sila ngayon."Oh," bulalas ni Jessa nang bumukas ang elevator. May mag-jowa kasing foreigner na naghahalikan sa loob. Naka-two piece lang ang babae at talaga namang...Hindi sila agad ng mga ito napansin kaya pareho silang tumungo ni Jessa."We're here," kikay na sabi ng babae."Good morning," bati ni Jessa sa mga ito.Pagkalabas ng dalawa'y pumasok na sila sa loob."Sarap ng breakfast nila ah.."Tinapunan niya ang babae ng natatawang tingin. "Hayy nakooo...""Good morning, Mr. De Luca."Nasa hotel lobby na sila ni Jessa at panay ang impit na kilig ng mga kababaihan na naroon."Grabe, sobrang gwapo naman niya," sabi ni Jessa. "S'ya ba 'yan..."Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan. Nakatalikod ito s
🔥🔥🔥🔥🔥Pumasok si Sunday sa elevator dala ang mga nakatuping towels. Nakita niya sa loob si Oliver."Oh, good morning Oli," bati niya sa binata."G-Goodmorning.""Ayos ka lang?" Pansin niya ang pamumutla nito at ang butil-butil na pawis nito sa noo."Ah.. s-sobrang sakit kasi ng tyan ko. P-Pwede bang humingi ng pabor? P'wede bang ikaw na lang ang magdeliver nito? Hindi ko na kaya eh.."Agad naman s'yang pumayag. Halatang hindi na nga nito kaya ang sakit ng tyan. "Oo naman. Saang floor ba itong mga foods?"Nang tumigil ang elevator sa third floor ay agad itong lumabas. "Sa exclusive floor 'yan lahat. Thank you ah... ahhh..." napatakbo na ito.Matatawa na sana s'ya dahil sa ikinilos nito pero nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito'y naudlot ang pagtawa niya.Sa exclusive floor?Doon nags-stay si Matteo.Dumagundong na naman ang dibdib niya sa kaba.Pero wala na s'ya
🔥🔥🔥🔥🔥Aga-aga ay nakabusangot si Sunday."Ang swerte mo naman..." sabi pa ni Jessa na pangiti-ngiti pa."Anong swerte do'n?" mahinang bulong naman niya. Bakit naman s'ya pa ang naisipan nitong alilain. Pinaglalaruan na naman ba s'ya nito? May patanong-tanong pa ito kahapon ng pangalan niya.Kanina'y agad s'yang sinabihan ng manager na s'ya ang gustong mag-asikaso kay Matteo habang narito ito sa resort. Instant alila kung baga at ito ang nag-request no'n. Palibhasa'y ang mga ito ang may-ari ay hindi s'ya makatanggi.Itinulak niya ang trolley ng pagkain papasok sa elevator."Gwapo s'ya pero mas gusto ko pa rin si David para sa'yo," pahabol ni Jessa habang sumasarado ang pinto. Kumindat pa ito."Ano bang sinasabi mo d'yan," sabi na lang niya.Hindi kaba ang nararamdaman niya ngayon kundi ang pagka inis sa lalaki. Umaasta itong hindi s'ya kilala tapos ngayon naman ay gusto s'ya nitong alilain.Nang m
🔥🔥🔥🔥🔥Ten na ng gabi pero heto si Sunday at papauwi pa lang. Hindi naman s'ya ganoong napagod dahil wala naman s'yang mabigat na ginawa buong maghapon."Thank you, Mrs. Harisson," sabi niya sa Ginang na nag-offer na ihatid s'ya. Narito rin pala ito dahil sinundan nito ang anak.Lumabas din ito sa sasakyan."Syanga po pala, about kay Matteo, a-ano hong nangyari sa kaniya?" Hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi magtanong. Kanina pa kasi niya iyon gustong itanong dahil hindi nito nilulubayan ang isip niya."Naaksidente s'ya three years ago.""T-Three years ago po?"Bumalatay ang lungkot sa mukha ng Ginang habang inaalala ang nangyari. "Na-comatosed s'ya at sinabihan na rin kami ng doctor na maaaring hindi na s'ya magising pa." Maya-maya'y ngumiti ito. "And I'm very thankful na nagising din s'ya, at ganoon pa rin, matigas pa rin ang ulo. Kalalabas lang niya sa hospital pero heto't tumakas at pumunta dito sa Pilipi
❤️-❤️-❤️-❤️-❤️Nagising si Sunday na katabi si Matteo. Napasiksik tuloy s'ya sa lalaki na ikinatawa naman nito."Good afternoon babe," anas nito at hinalikan s'ya sa noo. It's already noon?"Kanina ka pa?""Yeah, an hour before you wake up.""Pinanood mo akong natulog?" nakapikit pa rin niyang tanong at mas iniyakap ang mga braso dito."Yeah."Mahina niyang kinurot ang parteng tiyan nito. "Bakit mo naman ginawa 'yon?""Just can't help to watch your beautiful face."Tiningala niya si Matteo. "Bolero ka talaga." Bumangon s'ya paupo, si Matteo naman ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kaniya, hindi, nakatitig sa kaniya."What?" natatawang tanong ni Sunday. May iba sa mga tingin nito. "May gusto ka bang sabihin?"Hindi ito sumagot, imbis ay kinuha nito ang kamay niya kaya't napatingin din s'ya doon. Agad s'yang natigilan nang makitang mayroon s'yang singsing doon."W-What is this?" nauutal niyang tanong at hindi malaman kung ngingiti ba o
Lahat ay nakaayos, pati ang mga pagkain na sinadya niyang lutuin, lahat ay pagkaing pinoy na madalas noong kainin ni Matteo noong nasa Pilipinas sila. Sa gitna ay isang cake na s'ya rin ang nag-bake. Napatingin si Sunday kay Franscesca, sumenyas ito na dumating na si Matteo. Nginitian naman niya ang dalaga bago ito bumalik sa loob.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya at nakagat din ang ibabang labi. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito ginawa.Napangiti s'ya nang marinig ang boses ni Emma at ni Matteo, pinapapunta ito sa kinaroroonan niya. S'ya naman ay gano'n na lang ang kaba, abot-abot na.Nang makitang gumalaw ang pinto ay napaayos s'ya ng upo.Heto na...Mas napangiti s'ya nang makita si Matteo. Natigilan ito at mukhang hindi inasahan ang nakikita."Hi," sambit niya at mas binigyan pa ito ng mas matamis na ngiti, nag-aanyaya na lumapit. Ngunit si Matteo ay naestatwa doon, bahagya pang napanganga. Nakaka
❤-️❤-️❤️-❤️-❤️Nang magtanghali ay nagdesisyon si Sunday na pumunta sa kompanya at hatiran ng tanghalian si Matteo, ipinagluto niya ito. Katulad ng sinabi niya kahapon, pupuntahan niya ito dito at sabay silang magtatanghalian.Hindi s'ya namalayan ni Matteo na pumasok sa opisina nito. May kausap ito sa laptop at kuntodo ang mga ngiti nito, ngiting puno ng pagmamahal. Sino naman kaya 'yon.Tumikhim si Sunday dahilan para mapatingin sa kaniya si Matteo, mabilis itong ngumiti sa kaniya pagkatapos ay mabilis ding ibinalik ang tingin sa laptop. Maya-maya'y isinarado na nito 'yon."Hi," gwapo nitong bati sa kaniya. Tumayo ito at niyakap s'ya mula sa likuran at inamoy ang buhok niya pababa sa leeg. "Smell so good..."Tinapik naman ni Sunday ang braso nito. "H'wag ka nga, kumain na tayo.""Yeah," kinagat nito ng mahina ang tainga niya dahilan para mangilabot s'ya at makaramdam ng kakaibang sensasyon. "I'm eating."Natatawa
Nagmulat si Sunday at agad na bumungad sa kaniya ang hubad na dibdib ni Matteo. Tiningala niya ang lalaki at himbing pa rin itong natutulog. Napangiti s'ya, hindi s'ya nagsisisi na ginawa niya 'yon, at iyong nangyari kahapon. Lihim na nagpasalamat si Sunday sa bakla, kailangan niya itong pasalamatan.Kumilos s'ya at umupo habang hawak ang kumot sa kaniyang dibdib para takpan ang hubad na katawan.Mukhang himbing na himbing pa si Matteo kaya't bumangon na s'ya. Sunday stood up naked and put her night dress on. At pagkatapos ay binalingan niya ulit si Matteo."Oh," bulalas niya. Nakatingin na pala ito sa kaniya. Agad s'yang pinamulahan ng pisngi. "Pinapanood mo ba ako?"Ngumisi ito. "What? What's wrong? Nakita ko na naman iyan lahat."Kunwaring napairap si Sunday."Good morning babe." Tumayo si Matteo na ikinalaki ng mga mata niya."H-Hey... atleast cover yourself."Prente lang itong naglakad palapit sa kaniya habang nanunu
Nang dahil sa ginawa nitong 'yon ay agad sumiklab ang init sa kaniyang katawan. At tila ay hindi na niya maramdaman ang malamig na tubig na nagmumula sa shower.Napasinghap s'ya nang bumaba ang strap ng kaniyang damit sa kaniyang kalahating braso."I don't like it," anas nito habang pinapasadahan ng kamay ay kaniyang hubad na likod.Napapikit s'ya. Parang biglang nanghina ang kaniyang buong sistema.Maya-maya'y tumigil ito sa ginagawa. "Clean yourself, Sunny. I don't like making love when someone touched this skin before me."Natigagal s'ya sa sinabi ng lalaki at hindi makakilos para lingunin ito.At nang maramdamang lumabas na ito ay naitukod na lang niya ang braso sa dingding upang kumuha doon ng suporta. Masyado s'yang pinanghina nito at kakailanganin niya iyon.Ilang minuto pa ang lumipas bago s'ya mahimasmasan at makuhang linisin ang sarili.Kinuha niya ang bathrobe nito at isinuot iyon nang matapos sa paglilig
Lumabas na si Sunday matapos ang kalahating oras. Wala ang secretary ni Matteo doon kaya naman mag-isa s'yang pumasok sa elevator. Tumigil iyon nang nasa 4th na s'ya."Grazie a Dio, sei qui," saad ng beki na pumasok. "Dove stai andando?"Itinuro ni Sunday ang sarili. "Excuse me, Am I the one you are talking to?"Inirapan s'ya ng bakla. "Yes, fino a quando non ho capito?""Ahh, I'm sorry but I don't understand you.""So che non ti piace, abbiamo davvero solo bisogno di un modello femminile in questo momento."Naiilang s'yang ngumiti. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I'm sorry but I can't understand Italian.""Are you kidding me?""H-Huh?"Kinapitan s'ya nito sa braso at hinila palabas ng elevator."T-Teka, wait.""It will only take minutes.""W-What are you talking about?"Hindi na ito umimik habang hila-hila pa rin s'ya nito. Hindi niya alam ang nangyayari. Ano bang sinasabi n
Hindi talaga niya maintindihan si Matteo. Kagabi lang ay pinapaalis na s'ya nito at ngayon naman ay ayaw nitong ma-bore s'ya sa mansion.Bumaba na s'ya nang matapos niyang ayusin ang sarili. Naabutan niya ang dalawa, si Emma at si Fransesca na naghihintay sa kaniya sa baba.Pormal ang mga itong tumungo."H-Hey, you don't have to do that, okay?""Ah... hehehe," nangiti na lang si Emma gano'n din si Franscesca pero kitang-kita niya ang lungkot sa mga ngiti nito."Ah, pwede bang sa agency nila tayo pumunta?""Yes, Miss Sunday?" hindi naiintindihang tanong ni Emma."A-Ah... Can we just go to their agency?" Pumasok s'ya sa kitchen at kinuha ang niluto niyang Filipino food para sa lalaki. "Sure, Miss Sunday," ani Franscesca. "Ah--- Sunday."Ngumiti naman si Sunday. "Let's go?"Nasa likod niya ang dalawa kaya naman nilingon niya ito at sinabing sumabay sa kaniya sa paglalakad. Nahihiya naman ang
Maghapong hindi nakita ni Sunday si Matteo dahil nasa agency ito. Nalaman niyang isa pala itong sikat na model bago sila magkakilala. At ngayon ay ito na ang CEO ng sariling agency ng mga ito.Kaya pala noong unang kita niya dito ay pansin na agad niya ang maganda at matikas nitong pangangatawan. Naisip pa niya noon na isa itong sikat na artista.Nalaman din niyang kaya ito nagpunta noon sa New York ay dahil sa issue ng mga ito at ni Alessandra na lumabas din na walang katotohanan. Ginawa lamang iyon ni Alessandra dahil sa pagmamahal nito kay Matteo.Hindi pa rin niya ito nakikita hanggang ngayon kahit nasa iisang bubong lamang sila.Lumabas s'ya mula sa kwarto, suot ang isang white satin night dress. Pinatungan niya iyon ng roba. Alas-nuwebe na rin ng gabi kaya naman nasisigurado niyang nasa kwarto na ito maliban na lang kung lumabas ito.Nakita niya si Emma kaya naman tinanong niya ito kung nakita nito si Matteo. Sinabi naman nitong naroon
Nasa loob pa rin ng kotse si Matteo. Nasa parking lot s'ya ng hotel kung saan naka-check in ang babae.He can't believe himself doing this. He shouldn't be doing this. He was not the one who left.And he should be still mad.Yeah...He's just an option.Matteo gritted his teeth and start manevouring his car and left.đź’”-đź’”-đź’”-đź’”-đź’”Matteo on his only boxer shorts, lying flat on his bed that morning when he heard knocks on his door. Hindi niya iyon pinansin, imbis ay hinagilap niya ang unan at itinabon iyon sa kaniyang mukha.Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagkatok ng kung sinumang nang-istorbo sa tulog niya. Tumayo s'ya para buksan iyon."What?--" Agad s'yang natigilan.In front of him is gorgeous woman in a maid's cloth."Good morning."Napalunok s'ya nang mapatingin sa mapang-akit nitong labi."What are you doing here?" malamig niyang tanong pero hindi manla