🔥🔥🔥🔥🔥
Halos isa at kalahating oras bago matapos ang dalawa dahil sa laki ng kwartong 'yon. Napakalaki kasi no'n kumpara sa normal na kwarto lang ng hotel.
Pababa na sila ngayon.
"Oh," bulalas ni Jessa nang bumukas ang elevator. May mag-jowa kasing foreigner na naghahalikan sa loob. Naka-two piece lang ang babae at talaga namang...
Hindi sila agad ng mga ito napansin kaya pareho silang tumungo ni Jessa.
"We're here," kikay na sabi ng babae.
"Good morning," bati ni Jessa sa mga ito.
Pagkalabas ng dalawa'y pumasok na sila sa loob.
"Sarap ng breakfast nila ah.."
Tinapunan niya ang babae ng natatawang tingin. "Hayy nakooo..."
"Good morning, Mr. De Luca."
Nasa hotel lobby na sila ni Jessa at panay ang impit na kilig ng mga kababaihan na naroon.
"Grabe, sobrang gwapo naman niya," sabi ni Jessa. "S'ya ba 'yan..."
Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan. Nakatalikod ito s
🔥🔥🔥🔥🔥Pumasok si Sunday sa elevator dala ang mga nakatuping towels. Nakita niya sa loob si Oliver."Oh, good morning Oli," bati niya sa binata."G-Goodmorning.""Ayos ka lang?" Pansin niya ang pamumutla nito at ang butil-butil na pawis nito sa noo."Ah.. s-sobrang sakit kasi ng tyan ko. P-Pwede bang humingi ng pabor? P'wede bang ikaw na lang ang magdeliver nito? Hindi ko na kaya eh.."Agad naman s'yang pumayag. Halatang hindi na nga nito kaya ang sakit ng tyan. "Oo naman. Saang floor ba itong mga foods?"Nang tumigil ang elevator sa third floor ay agad itong lumabas. "Sa exclusive floor 'yan lahat. Thank you ah... ahhh..." napatakbo na ito.Matatawa na sana s'ya dahil sa ikinilos nito pero nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito'y naudlot ang pagtawa niya.Sa exclusive floor?Doon nags-stay si Matteo.Dumagundong na naman ang dibdib niya sa kaba.Pero wala na s'ya
🔥🔥🔥🔥🔥Aga-aga ay nakabusangot si Sunday."Ang swerte mo naman..." sabi pa ni Jessa na pangiti-ngiti pa."Anong swerte do'n?" mahinang bulong naman niya. Bakit naman s'ya pa ang naisipan nitong alilain. Pinaglalaruan na naman ba s'ya nito? May patanong-tanong pa ito kahapon ng pangalan niya.Kanina'y agad s'yang sinabihan ng manager na s'ya ang gustong mag-asikaso kay Matteo habang narito ito sa resort. Instant alila kung baga at ito ang nag-request no'n. Palibhasa'y ang mga ito ang may-ari ay hindi s'ya makatanggi.Itinulak niya ang trolley ng pagkain papasok sa elevator."Gwapo s'ya pero mas gusto ko pa rin si David para sa'yo," pahabol ni Jessa habang sumasarado ang pinto. Kumindat pa ito."Ano bang sinasabi mo d'yan," sabi na lang niya.Hindi kaba ang nararamdaman niya ngayon kundi ang pagka inis sa lalaki. Umaasta itong hindi s'ya kilala tapos ngayon naman ay gusto s'ya nitong alilain.Nang m
🔥🔥🔥🔥🔥Ten na ng gabi pero heto si Sunday at papauwi pa lang. Hindi naman s'ya ganoong napagod dahil wala naman s'yang mabigat na ginawa buong maghapon."Thank you, Mrs. Harisson," sabi niya sa Ginang na nag-offer na ihatid s'ya. Narito rin pala ito dahil sinundan nito ang anak.Lumabas din ito sa sasakyan."Syanga po pala, about kay Matteo, a-ano hong nangyari sa kaniya?" Hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi magtanong. Kanina pa kasi niya iyon gustong itanong dahil hindi nito nilulubayan ang isip niya."Naaksidente s'ya three years ago.""T-Three years ago po?"Bumalatay ang lungkot sa mukha ng Ginang habang inaalala ang nangyari. "Na-comatosed s'ya at sinabihan na rin kami ng doctor na maaaring hindi na s'ya magising pa." Maya-maya'y ngumiti ito. "And I'm very thankful na nagising din s'ya, at ganoon pa rin, matigas pa rin ang ulo. Kalalabas lang niya sa hospital pero heto't tumakas at pumunta dito sa Pilipi
🔥🔥🔥🔥🔥 Labag man sa loob ay gumising si Sunday ng alas-kwatro ng madaling-araw. Naki-usap s'ya kay Seb na samahan muna si Lexi sa kwarto. Nagdahilan na lamang s'ya na masyadong marami ang tao sa resort at kailangan ng maaga nilang trabaho. Hindi niya alam kung kapani-paniwala ba ang dahilan niyang 'yon. Ano ba kasi ang pinaplano ng Matteo na 'yon at pinapapunta s'ya ng ganitong oras. Humihikab niyang kinuha ang bike ni Seb, hihiramin muna niya ito. Lamig na lamig niyang tinipaan 'yon. Malapit lang din naman ang Amara mula sa bahay nila. "Good morning. Ang aga niyo ah," sabi ng guard. "Good morning kuya!" Bumaba s'ya sa bike at itinulak na lang 'yon. Iniwan niya ito sa parking lot ng resort. Yakap niya ang sarili na pumasok sa hotel. Nagtataka pa ang ilan kung bakit s'ya nandoon ng ganoon kaaga, pero hindi na lang s'ya nagbigay ng komento. May nakasabay siyang mag-jowang turista sa elevator. Normal na yatang t
🔥🔥🔥🔥🔥 "What do you want to eat for lunch?" tanong ni Sunday para maipahanda na niya 'yon sa baba. "Hintayin mo na lang ako dito," imbis ay sabi Matteo at pumasok na sa kwarto. Naghihikab naman s'yang umupo sa sofa parahap sa glass wall. Three hours lang ang tulog niya kagabi at talaga namang inaantok s'ya. Napagod din s'ya sa pag-akyat kanina sa matarik na batong 'yon. Humilig muna s'ya sa sofa at pumikit habang nakahalukipkip...Pagkalabas naman ni Matteo ay napatingin s'ya sa babaeng nakahiga na sa sofa, halatang nakatulog na ito habang nagihihintay. Hindi niya ito ginising at lumabas na lang mula sa kwarto....Agad na napabangon si Sunday nang mapagtantong nakatulog pala s'ya. Tiningnan niya ang relo at nakitang lagpas alas-kwatro na ng hapon. Tumayo s'ya at lumapit sa kwarto ni Matteo. Pinakiramdaman niya ang lalaki kung naroon ba ito sa loob pero sobrang tahimik naman. Papa
🔥🔥🔥🔥🔥Kinabukasan ay pumasok si Sunday ng ayon sa tamang oras ng pasok niya. Hindi niya pinansin ang message ni Matteo kagabi."You didn't came," sabi ni Matteo pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kwarto nito. Tumayo ito at sumandal sa dingding at humalukipkip pa.Nilabanan naman niya ang tingin nito. "I'm sorry, Sir. I just thought it was not that urgent."Tumaas naman ang kabilang kilay nito at naglakad palapit sa kaniya. Hindi naman s'ya kumibo, nanatili lang s'ya doon na hindi pa rin nagbababa ng tingin."Urgent or not, kailangan mo pa ring pumunta at gawin ang trabaho mo. Iyon ang trabaho mo 'di ba? Kung nasaan ako ay dapat nandoon ka rin at kung pinapupunta kita'y dapat mo 'yong sundin. Dodoblehin ko ang sahod mo kung iyon ang inaalala mo basta manatili ka lang at sundin ako."Natawa s'ya ng matabang. "Pasens'ya na Sir, Matteo. Pero hindi naman yata tama iyang gusto mo. Eight hours lang ang trabaho ko sa m
🔥🔥🔥🔥🔥Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagliliwaliw sa tubig ay umahon na rin si Sunday at Ethan. Kanina pa rin nakaahon ang mag-ama."Ahh... I didn't expect to be this beautiful here in the Philippines.""Just as I told you," proud namang sabi ni Sunday kahit ngayon lang s'ya lumublob sa dagat ng ganoong katagal. Ngayon lang niya ito nagawa sa buong buhay niya dahil noon ay busy s'ya sa pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi s'ya nagkaroon ng ganitong pagkakataon dahil inilalaan niya ang oras sa pagtulong sa pamilya."Ate Sunday!" kaway ni Sydney mula sa taas. Kumaway naman s'ya pabalik at naglakad na din papasok.Binigyan sila ni Mang Johny ng kaniya-kaniyang roba."Thank you, Mang Johny," si Ethan."Walang anuman, hijo."Isinuot ni Sunday ang puting roba at tinahak ang daan papunta sa restroom dala ang uniform na suot niya kanina.Papasok na sana s'ya sa isang kwarto na nandoon nang bumukas pa
🔥🔥🔥🔥🔥Gabi na nang makabalik sila sa Amara. Simula rin nang nangyari kanina'y hindi na nagkibuan si Sunday at Matteo."Hatid na kita," presinta ni Ethan kay Sunday."Ako ang maghahatid sa kaniya," biglang sumulpot si Matteo.Ramdam ni Sunday ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya nagsalita na s'ya. "Hindi na, kaya kong umuwi mag-isa. Sige na." Tumalikod na s'ya para umalis.Napabuga s'ya ng hangin. Hindi niya alam kung bakit iyon ginagawa ni Matteo.Walang lingon s'yang lumabas ng Amara. Naramdaman naman niyang may nakasunod sa kaniya at paglingon niya'y nakita niya si Ethan."You're cellphone." Inabot nito 'yon sa kaniya. "Naiwan mo sa yacht sabi ni Mama.""Thanks," sabi naman niya."Ihatid na kita," habol nito."Hindi na talaga kailangan. Malapit lang naman ang bahay namin dito kaya sige na, bumalik ka na sa loob."Pero ang lalaki'y hindi nagpatinag. "Wait me here." Patakbo itong p