THE welcome party was amazing. Leah met a lot of people, especially Achilles relatives who seemed to like her for Achilles. Nakakatuwa na tanggap siya ng mga tao rito at hindi siya tinatawag na plus size kundi bigboned and tawag sa kanya. It was a nice feeling and a nice change of pace for her.Napatigil siya sa pag-iisip ng nangyari sa welcome party kagabi ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam kaagad niya si Achilles iyon dahil naamoy niya ang pabango nito na napaka-suwabe sa ilong.Nakayakap si Achilles sa kanya mula sa likuran habang nasa teresa sila ng silid nito at nakatingin siya sa napakagandang tanawin sa labas ng Kostas Palace."Good morning," bulong ni Achilles sa tainga niya."Kumusta ang tulog mo?""l slept well." Humilig siya sa dibdib nito. "Ang ganda rito, no? So very relaxing. View palang, sapat na."Hinalik-halikan siya ni Achilles sa leeg na nagpapagising sa katawan niya. "Mamasyal tayo mamaya. I'll show you how beautiful Thrace is."Nilingon niya ang binata.
MASAYA ANG ISANG linggong bakasyon ni Leah sa Kostas Palace kasama si Achilles at ang pamilya nito. Masasabi niyang nag-enjoy siya ng sobra-sobra kasama ang pamilya ni Achilled, lalo na kay mama Nikola na umiyak nuong pasakay na sila sa pribadong eroplano ni Achilles na maghahatid sa kanila ng binata sa Pilipinas.She felt like crying as the plane ascended. Mami-miss niya si mama Nikola, si auntie Aetna at ang iba pang relatives ni Achilles na naging malapit na sa kanya sa isang linggo na nakasama niya ang mga ito."Okay ka lang ba?"Tumango siya saka suminghot-singhot. "Oo, pero mami-miss ko sila," maluha-luhang sabi niya.Kaagad na tinuyo ni Achillrd ang mga luha niya. "Okay lang 'yon. Babalik pa naman tayo, e."Kaagad siyang napangiti at sumaya. "Talaga?" Kaagad siyang na excite sa isiping babalik ulit sila sa Greece."Oo, babalik tayo. I'm sure of that," ani Achilles saka hinawakan ang kamay niya at pinisil.Ngumiti siya saka huminga ng malalim. "Hihintayin ko ang araw na babalik
NANG magising kinabukasan si Leah, tulad ng dati ay wala na si Achilles sa tabi niya. Bumangon siya sa kama at tumuon ang mga mata niya sa polo-shirt ni Achilles na nasa sofa.Nagsalubong ang kilay niya. Nandito pa ba si Achilles?Mabilis siyang nagtungo sa banyo para tingnan kung naroon ang binata pero walang tao roon.Naguguluhang nilapitan niya ang polo-shirt ng binata at pinulot iyon saka inamoy.Napapikit siya ng maamoy ang mabango nitong pabango. That man really smelled so good! Kaya mas lalo siyang na-i-inlove rito, e.Mabilis niyang nabitawan ang t-shirt ni Achilles ng biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Abo't-abo't ang kaba niya sa isiping ang mommy o kaya ang daddy niya ang pumasok sa silid niya. And then she saw Achilles entered her room. Wala itong pang-itaas na damit. Nakahinga siya ng maluwang. Halatang bagong paligo ang binata dahil basa pa ang buhok nito. May dala itong tray na may lamang dalawang baso ngjuice, maraming slice bread at Nutella.Achilles smiled when
MAALIWALAS at bakas ang kasiyahan sa mukha ni Leah ng pumasok siya ng araw na 'yon. llang araw palang ang nagdaan mula ng makabalik sila sa Greece ni Achilles at mula noon ay halos hindi na silaw naghihiwalay ng binata.Sa umaga, palagi itong nasa restaurant nila, kumakain o kaya naman tumutulong sa kaniya sa kusina o kaya naman kapag abala siya masyado, nasa tabi niya lang ito at palaging nakaalalay. Nasanay na ang lahat ng empleyado sa Zaired Restaurant na palaging nakikita ang binata kaya palagi ang mga itong nagtatanong kung boyfriend ba niya si Achilles na kaagad naman niyang sinasagot ng hindi. At sa gabi naman, ihahatid siya pauwi ni Achilles, pero bumabalik din ito para doon palihim na matulog sa kuwarto niyaAt tulad ng mga nakaraang araw, nang umagang 'yon, hinatid siya ni Achilles saes restaurant at nakipag-skype ito sa sekretarya nito pagkatapos ay nang wala na itong ginagawa, tinulungan siya nito sa kusina."Sabi nang umuwi ka nalang sa bahay mo," pagtataboy niya sa binat
PAGKATAPOS makausap ni Leah ang hepe ng presinto na pinagdalhan kay Achilles at sinabi nitong kinulong ang binata, hinanap niya sa phonebook ng cellphone ni Achilles ang pangalang Evren Santiago.Nang makita iyon, mabilis niyang tinawagan ang lalaki na kaagad naman nitong sinagot."Hey, Montero. What do you want?” Kaagad na tanong ng baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. "I'm kinda busy so spill. Papasok na ako sa courtroom.”Sinabi niya ang pinapasabi ni Achilles rito. "Achilles is in trouble,” aniya."Shit!” Malakas na nagmura ang lalaki sa kabilang linya. "Nasaan siya at sino ka?”"I'm Leah Olaer.” Mabilis niyang sinasabi kung nasaan sila. "Please, hurry up. ikinulong nila si Achilles, "Okay. I'm coming," anito at nawala sa kabilang linya.Kinakabahan na ibinalik niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone ni Achilles at nagpaalam sa pulis na nagbabantay kung puwede niyang makausap si Achilles."Sige. Pero sandali lang," sabi ng Pulis na kinausap niya."Salamat PO," nakangiting
WALA SA SARILING nakatitig lang si Leah sa kisame ng kuwarto niya habang nakahiga siya sa kama. Sa ganitong oras, nasa tabi na niya si Achilles at magkayakap silang natutulog, pero sa pagkakataong ito masyadong maraming nangyari ngayon araw, marami rin ang nalaman niya na mas lalong nagpagulo sa isip niya.Matagal na niyang alam na iba talaga magalit si Achilles, pero iba ang nasaksihan niya ngayong araw. It wasn't just anger, it was something else, and it scared her. Natatakot siya na baka dumating ang panahon na magalit sa kanya si Achilles at gawin nito ang ginawa nito kay Kyle sa kanya.She was scared. Pero habang tumatagal na mag-isa siya sa kama niya, mas lalong nasusumidhi ang kagustuhan niyang sana ay nasa tabi niya si Achilles ngayon at kayakap. Sana puntahan siya nito ngayon. Napakaraming sana ang nasa isip niya na alam niyang hindi mangyayari dahil sa takot na naramdaman niya kanina.Mabilis niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa gilid ng mata niya ng bumukas ang pinto ng
HALOS BUONG araw na abala si Leah sa pagtatrabaho sa restaurant. Paminsan-minsan ay pumapasok sa isip niya si Achilles at ang plano niyang kausapin ito mamayang gabi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya, hindi tulad kagabi na parang may nakadagang mabigat na bagay sa dibdib niya.Hanggang sa sumapit ang gabi, abala pa rin siya. Binibilisan niya ang pagluluto dahil iyon ang huling lulutuin niya at hahayaan na siya ng ama niya na umalis at puntahan si Achilles.At nang matapos siya, lumabas siya ng kusina at ganoon nalang ang gulat niya ng makita si Kyle at nilapitan siya nito."Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya sa binata.Nginitian siya nito. Bakas parin sa mukha nito ang mga pasa. "Can we talk?"Kumunot ang nuo niya. "Para ano pa?"Hinawakan ni Kyle ang kamay niya. "Gusto kong magpaliwanag.""Bilisan mo." Inagaw niya ang kamay at naglakad patungo sa bakanteng mesa. Gusto na niyang tapusin ang lahat kay Kyle para maayos na 'to at masabi na niya ang nararamdaman k
NAIINIS na itinapon ni Achilles ang bulaklak ng asawa ni Elyes sa dagat. Inagaw niya iyon sa asawa ni Elyes at itinakbo. Siya ang nakasalo ng garter at ayaw niyang may makasalong babae sa bulaklak. Kung may paglalagyan man siya ng garter sa hita, si Leah lang iyon at wala nang iba.Nakatiim-bagang siya habang nakatingin sa bulaklak na papalayo na. His heart was in pain. He wanted to shout in so much anger. Kapag naiisip niya na magkasama ngayon si Kyle at sieah at masaya ang dalawa, parang hindi siya makahinga.Pasalampak siyang naupo sa buhangin at uminom ng vodka mula sa bote na hawak niya. He looked at the sea with sadness in his eyes.Ano kaya ang ginagawa ni Leah ngayon? Nagsisisi siya na hindi niya kinausap ang dalaga ng sundan siya nito sa bahay niya ng gabing iyon. Pero ano pa ang silbi ng pagsisisi niya kung wala na ang dalaga? Hindi na ito bumalik sa bahay niya para kausapin siya.Mapait siyang ngumiti. "Bakit ba kasi ako na in love sa babaeng may mahal nang iba?" Tanong niy
"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends
HINDI makagalaw si Achilles nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya."Well, Achi, my friend, halika na," sabi ni Elyes na sumama sa kanya.Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed.Pero kailangan niyang makita si Leah. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.The need to see her was much stronger than his hate to this country.Inakbayan siya ni Elyes. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Leah. Alam mo naman siguro kung nasaan."Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Leah nang tumawag ako kagabi.""Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go." Pilit ang bawat hakbang ni Achilles
DALA ni Achilles ang aso ni Leah at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Leah kapag nakita nito ang aso at ang moon cake."Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon."Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Leah.Error in connection.His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa restauraant? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.Fuck! Sana nama
PAGKATAPOS nilang kumain, agad na bumalik sa pagtatrabaho si Achilles. Si Leah naman ay hinugasan ang pinagkainan nilang pinggan.Naiinis na tinapos niya ang ginagawa. Akala niya maguusap sila pero hayun, trabaho na naman. Nairita siya rito. Nakakainis! Nagagalit siya actually. Nanggigigil at nagtatagis ang mga bagang niya."Argh!" Nagpapadyak siya, saka nagtungo sa sala kung saan naroon si Achilles.Achilles was already busy working. Pero hindi niya hahayaang mapigilan siya n'on.Nilapitan niya ito. "Achilles, puwede ba tayong magusap?" tanong niya."Puwede bang mamaya na?" tugon nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. "Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko, 'tapos mag-uusap tayo."Kinagat ni Leah ang pang-ibabang labi sa iritasyong naramdaman. "Baka madaling-araw ka na naman matapos diyan. Please, mag-usap muna tayo?"Achilles didn't stop working. "Leah, mamaya na, please? Kailangan kong gumawa ng report tungkol sa nangyaring aksidente, hinahanapan ako ng board. At saka kailanga
LUMIPAS ang mga araw, wala pa ring narinig si Leah mula kay Achilles. She was starting to get irritated and annoyed. Hinihintay niyang tanungin siya nito tungkol sa napag-usapan nila pero wala.Achilles stayed silent.And nakakairita pa, palaging trabaho ang inaatupag nito. Kung hindi busy sa harap ng laptop ay wala naman itong sa bahay at halos gabi na kung umuuwi.His reason? Work.Argh!At ang mas nakakabuwisit, ni minsan ay hindi siya nito hinalikan o hinawakan man lang. Basta na lang itong parang robot na tatabi sa kanya ng higa sa kama at kinabukasan ay wala na.In short, malamig ang pakikitungo ni Achilles sa kanya. Doon niya naisip na baka pinaglalaruan lang siya nito. Siguro kasama iyon sa plano ng lalaki. Maging mabait, paasahin siya, saka hindi siya papansinin.Maloloka na siya sa kakaiisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong dito kasi natatakot siya sa magiging sagot nito.Nagpatuloy na lang siya sa pagiging alipin niya.Naglilin
MAAGANG nagising si Leah at wala na sa tabi niya si Achilles. Nang lumabas siya ng kuwarto at hinanap ito, natagpuan niya ang lalaki sa sala at abala na naman sa harap ng laptop. He seemed focus on what he was doing.Natulog ba ito? Napailing-iling na lang siya. Whatever he was doing seemed really important. Kaya naman nagtungo siya sa kusina, nagtimpla ng kape, saka inilapag iyon sa mesa, katabi ng laptop nito."Thanks, moon cake."Leah wasn't expecting a reply, but he did. At tinawag uli siya nitong moon cake. Good heavens! Would she dare hope? O naghihiganti lang ito? Huwag naman sana."Welcome," tugon niya.At dahil ayaw niyang maistorbo ito sa ginagawa, doon siya nagkape sa labas ng bahay. Dala-dala ang tasa, umupo siya sa hagdan at sumimsim ng kape habang nakatingin sa mga pine trees na nakapaligid sa bahay.Hanggang sa maubos ang kape niya ay nanatili siyang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay. She liked looking at the fog hovering the pine trees. It looked eerie wonderful.B