Chapter 51 (Part 2)
“What is it and who are these people?”
“Magandang gabi, Sir Vesarius,” magalang na bati sa kanya ng mukhang lider ng mga bagong dating.
Tipid siyang tumango at pumamewang na parang hari. Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Pasado alas-nuwebe na ng gabi, kailangan na niyang malaman kung nasaan si Lyzza.
“Tungkol po ito sa asawa niyo.”
Nilingon niya ng tuluyan ang lalaki. “We are trying to locate her so I could pick her up.”
“Iyon ho ang dahilan kung bakit kami naririto. Nawawala si Mrs. Vesarius.”
“What the f*ck are you saying?” h
Chapter 52 (Part 1)“H-yop ka, huwag mong gagalawin ang anak ko.”Itinaas niya ang mga paa para sana sipain ang babae. Subalit, para lang itong nababaliw na umiwas sa kanya habang tumatawa. Para lang itong nakikipaglaro sa kanya sa pagkakataong iyon, tuwang tuwa na hindi niya ito maabot para saktan.Gigil na gigil siya sa kinauupuan. Kung hindi lang siya nakatali, ay hahablutin niya ang buhok ng babaeng ito at ingungodngod niya sa sahig.Natigilan siya sa pagpapasag nang bumukas ang pinto ng makipot na kwartong kinaroroonan niya. Sa pangalawang pagkakataon, hindi na siya nagulat nang makita niya si Ian Moscoso. Nasa likod nito ang mga tauhan ng mga ito na alam niyang hindi basta-basta dahil sa mga dala nitong matataas na de-kalibreng baril. His me
Chapter 52 (Part 2)“B*tch! I told you not to hurt her!” galit na asik ni Ian kay Mariz. Napapitlag siya nang sampalin nito ang babae dahilan para matumba ito sa sahig.Marahas na itinapon ni Ian ang baril na inagaw nito kay Mariz bago nito dinaklot sa batok ang babae na parang kuting. Mariin nitong hinawakan si Mariz sa panga.“Hindi ka ba nag-iisip? Kapag pinatay mo ang babaeng iyan, wala na tayong maipapalit kay Vesarius. Huling alas natin siya at kung ikaw ang magiging dahilan para hindi natin makuha ang pera, mas mabuti pang unahin na lang kitang papuntahin sa impyerno.”She flinched on her seat when Ian slapped Mariz again. Pagkatapos ay sinabunutan nito ang babae at itinulak sa mga tauhan nito.
Chapter 53 (Part 1)“Ang ganda mo naman, Mrs. Vesarius.” Manyak na nakangisi itong hinawakan ang kanyang pisngi gamit ang likod ng palad.“Lumayo ka sa akin!” she spats on him.Ngunit sa halip na sundin ang sinabi niya, dinilaan lang ulit nito ang mga labi na para bang isa siyang nakakatakam na putahe sa paningin nito.“Ang kinis naman ng pisngi mo, Mrs. Vesarius. Alagang-alaga.” Nangaligkig siya nang ilapit nito ang ilong sa kanyang leeg. “Ang bango-bango pa. Siguro palaging takam na takam sa ‘yo si Vesarius.”“Lumayo ka sa akin, Bastos!”“Ang arte mo,” singhal nito at mas lalo p
Chapter 53 (Part 2)“I have the money.”“Nasaan. Huwag tayong maglokohan,” galit na wika ni Ian at mas ipinagduldulan pa ang nguso ng baril sa kanyang sintido.“In the car.” Kumiling ang ulo ni Gideon para isenyas na nasa loob ng kotse nito ang pera.“Kunin mo.”Hindi ito kumilos bagkus ay natuon ang mga mata sa kanya. “It’s heavy. It’s a d*mn billion dollars. What did you do to her?”Gusto niyang magsisigaw at isumbong lahat ng mga pananakit ng mga ito sa kanya subalit, ang sarili niyang boses ang hindi nakikisama sa kanya. Tila may bumikig sa lalamunan niya at sa tuwing nagtatangka siyang m
Chapter 54Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakita niya na lang ang sarili na muling nakatali sa loob ng umaandar na bangka. Rinig na rinig niya ang pagsalpok ng alon sa katawan ng bangkang de-motor. Ang nakakairitang tunog ng makina ay halos magpasigaw sa kanya upang patahimikin iyon.Madilim ang langit, wala ang buwan na nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ng gabing iyon. Ni isang bituin sa kalangitan ay wala siyang maaninag. Nagpalinga-linga siya bago pilit na inaalis ang pagkakatali ng kanyang mga kamay sa poste.Gusto niyang sigawan ang mga tauhan ni Mariz na parang mga robot lamang na nakatayo sa paligid ng may kalakihang bangka. Gusto niyang pagsisipain ang mga ito upang mahulog ang mga katawan sa malalim na dagat at huwag ng magpakita pa sa kanya. Subalit, lahat ng iniisip niya ay hin
Chapter 55 (Part 1)“Mariz Vikander, ikaw ay inaaresto namin sa kasong kidnapping. Sumuko ka na!” malakas na sigaw ng pulis na siyang namumuno sa operasyon. Gideon pulled out his gun and his grip tightens as he points it to his crazy b*tch of an ex-wife’s men.Mabilis ang kanyang mga kilos at hindi siya kumurap nang taniman niya ng bala ang noo ng mga t*rantado.“Bud, f*ck Mariz is escaping.” Diniinan niya ang earpiece na nasa kanyang tainga. Hindi niya inalintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang panganib na dulot ng matarik na bangin na kinaroroonan nila.“Where are they? D*mn it!” malutong niyang mura at itinapon ang wala ng bala niyang kalibre kwarenta y singko. He throws a punch to the nearest man and
Chapter 55 (Part 2)“Daddy, you’re crying again.”Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng kanyang anak. Nakatayo ito sa harapan niya habang may lungkot sa mga mata. Itinaas nito ang kamay at inosenteng pinunasan ang kanyang pisngi.“Why are you still awake?” Kinarga niya ito at pinaupo sa kandungan niya. His little princess turned four last month. Umiiyak pa ito ng sabihin sa kanya na ayaw nitong mag-celebrate sila ng birthday nito dahil wala naman ang mommy nito.That’s why they ended up watching cartoons in entertainment room while eating ice cream. Pinakain niya ito ng kahit anong gusto nito ng araw na iyon at kahit nakangiti ito, alam niyang nalulungkot ito dahil wala si Lyzza.
Chapter 56 (Part 1)“Ano? Bakit naman sa Maynila pa? Ang layo no’n?” bulalas ni Nanay Eder habang nasa maliit silang sala ng bahay nito matapos nilang kumain.“Eh kasi Nay, doon daw ang kompetisyon. National Competition ‘yon, Nay sa Press Conference,” sagot ni Senen na kumamot-kamot pa sa noo. Mukhang nahulaan na yata nito na hindi ito papayagan ng ina.“Ang layo nito, Anak. Hindi ba pwedeng iba na lang ang ipadala ng unibersidad? Mi-minsan na nga lang kita makasama dahil nagdo-dorm ka sa university tapos pupunta ka pa ng Maynila.”“Opportunity kasi iyan, Nay eh. At saka ako ang nanalo sa regional competition.” Ang tinutukoy nito ay ang kompetisyon na nangyari nang nakaraang buwan. Nanalo ang School