NANGINGINIG ako sa muling pagkabukas ng ilaw dahil yung kaninang lalaking kausap ko, naliligo na sa sariling dugo. Wala ng buhay. Napahawak ako sa bibig ko at iniiwasang maduwal dahil sa amoy at nagkalat na dugo. Nang tingnan ko naman yung mga tao sa paligid, parang mga balisa sila katulad ko. “Ashford! Wala kang pinagkaiba sa ama mo, naghahanap ka ng dahilan ng pagbagsak niyo,” rinig kong sinabi ng isang matandang lalaki. “Anyway, pakilinis nung kalat. Si Terrence Ashford ay isa ng blood royalty.” “No thanks, I don’t like the idea…” malamig naman na sagot ni Terrence at hinatak akong paalis doon. Sumunod naman yung mga men-in-black ni Terrence. “Ang weird naman ng mga taong nandon, Terrence. Pero bakit kailangang patayin yung lalaki?” usisa ko. Huminto naman kami sa paglalakad at hinarap niya ko. “Kapag hindi siya pinatay, ikaw ang papatayin niya. Lalo na nung nalaman niyang konektado ka sakin.”“Pero bakit?”"What?! You still don’t get it? This world isn’t kind—you need to kill
HINDI na ako muling nakipag-usap kay Terrence dahil feeling ko napapahiya lang ako sa kanya. Binigay ko na lang din ang buong atensyon ko sa mga rumarampa na modelo. Isa sa mga nakakuha ng pansin ko yung suot ng babae na kwintas, singsing at hikaw. Pinakatitigan ko ito dahil talagang kakaiba siya. Mukhang napansin din naman ni Terrence yung tinititigan ko. “That’s Alexandrite stone…” “Ang ganda… nagche-change siya ng color ‘no? Bagay sa modelo,” mangha kong sabi kasabay ng pagtango. Hindi naman na ako nakarinig ng ano pa man kay Terrence. Napansin kong may kausap siya sa phone niya. Hindi na ako nakinig pa at itinuon ang pansin sa mga nag bi-bidding sa stone na yon. Medyo nagtataka lang ako kasi nandito lang ba kami para manuod ni Terrence? Grabehan naman, hindi ko keri yung mga presyo sa bidding! Alam kong mayaman si Terrence pero kung ako hahawak ng pera, ayokong gagastusin lang para sa alahas yung pera. Dahil in the first place, kahit na lumaki akong mukhang pera, may benefits n
HINDI ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para hatakin si Terrence paalis sa harap ng dalawang kausap ko. Bigla yatang nanlambot yung mga tuhod ko nung pukulan ang ng nakakamatay na tingin ng matanda. Yung kaninang maalalahanin at magaan na pakiramdam sa kanila, napalitan ng kaba. Bigla yatang kumirot ang puso ko. Mabuti at naalalayan ako ni Terrence, tuluyan na yata akong nag breakdown. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha pero hindi pa rin nagpatinag yung malamig niyang tingin. “You’re scared, I totally understand. Do not worry, they will not hurt you…come on, let’s go home,” aniya saka hinawakan ang kamay ko at inalalayaan akong makapasok sa kotse. Pero bago pa siya makapasok sa sasakyan, narinig kong may inutos pa siya sa isang naka men-in-black na kasama namin. “Talk to them, and sabihin mo na hindi ko palalampasin na kinausap nila si Raisha…” “Yes, bossing! Areglado!”Nang makaupo siya sa tabi ko, bvigla akong kinutuban ng hindi maganda. Baka kasi mamaya bi
“You’re right… noon yon pero nagbago ang lahat. Hindi ko na yata mababalik yung dating saya na naranasan ko nung kabataan ko.” “Nasa sayo naman yan kung gusto mo mangyari eh, kung gusto mong patayin ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng Mama at Papa mo, edi go. After non, pwedeng ibaon lahat sa limot at magsimulang muli.” Nakitaan ko siya pagtaas ng kilay sa sinabi ko. Aba, ang taray naman ng lalaking ‘to. Akala mo naman kinagwapo niya ang pagtaas ng kilay. Well, oo nga gwapo naman kasi talaga siya. Ako kasi kapag nagtaas ng kilay, mukha akong nang-aakit. “You know what… let’s change our first impression and let’s get to know each other.” “Ngek, may ganun pa? Kilala naman na natin ang isa’t-isa. Baka kapag ginawa pa natin yan, may malaman ka lang na ipang-insulto sakin!” Napalabi naman siya sinabi ko at pigil ang ngiti. “That’s why let’s change it, right? I will listen but I won’t judge. I promise.” “Mamatay man?” sabi ko with raising my right hand. “What? Bakit kailangan
PAYAPA akong natulog habang kayakap ko si Terrence. Bawat galaw ko ay siya namang paghigpit niya ng braso sa katawan ko. Humarap ako sa kanya. Nananatiling nakahiga. Hinaplos ko ang kanyang matangos na ilong hanggang sa kanyang labi. Infairness, nakaka ilang beses na kami nagsex tatlong buwan na ang nakakalipas. Hindi nakakasawa kasi iisipin ko pa lang, parang gusto kong pasukan ulit ni Terrence hehe. Medyo nasanay na rin ako sa putok ng baril na naririnig ko sa mansyon. Parang almusal, tanghalian, miryenda at hapunan eh, laging may ganun. Ang sabi sakin ni Terrence, hindi naman daw ibig sabihin na may putok ng baril nanarinig eh may namamatay, yun pala, may mga nagsasanay. Pero kadalasan, kapag isa-isa lang daw yung naririnig ko, ang dahilan daw non ay si Trevor. Baka raw naboring or may hindi nagustuhan kaya may pinatay. Talagang ayaw kong makasagutan at makaharap yang unano na yan! Buti na lang talaga at sa tatlong buwan na lumipas ay hindi na kami nagkakatagpo, kasi sumasama ako
ANG sabi ni Terrence ay mayroon daw kaming pupuntahan. Balak niya raw akong idala sa isang hideout na paraiso. Kapag daw badtrip siya, gustong mapag isa at kumawala sa tensyon, doon daw siya naggagawi. At sa lahat daw ng naging fiance niya, ako lang daw ang maipupunta niya roon. Nandito na ako sa lamborghini ni Terrence at hinihintay na lang din siyang makasakay. Suot ang high-waist pants, mock neck crop top at 3 inch white stilleto, perfect na perfect ang outfit ko! Ngayon na lang ulit ako nakakasuot ng mga ganitong damit, dahil kadalasan yung mga ganitong outfit, sinusuot yan sa bar para makapang-akit. Ang sabi pa nga nung ibang nakaka-table ko, pwede raw akong mag model ahil iba raw talaga ang beauty ko. Pang international daw ako. Eh syempre, tumanggi ako kasi mukhang papunta rin yon sa pag-aartista baka pagpyestahan pa ang pagiging magdalena ko. “Hay, ang tagal mo naman…” bungad ko kay Terrence nang sa wakas ay nandito na. Kanina pa kasi ako naghihintay s akanya mga halos trent
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag malayo ka sa problema, yung tipong nakakatulog ka ng maayos at hawak mo rin ang oras mo. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan na magbakasyon. Ngayon ko lang naranasan na asikasuhin yung sarili ko. Maaga man akong namulat sa kahirapan at pang-aabuso, alam ko sa sarili ko na siguro nga kaya binigay yon sakin para hindi ako manghina. Dahil ang reyalidad pala ng buhay ang mas magbibigay sa atin ng pagsubok. Niyakap ko ang aking sarili. Tanaw ko ang kulay asul na karagatan mula rito sa balcony. Ang gaan sa pakiramdam na nakakalanghap ako ng sariwang hangin dahil ang nakagisnan ko ay halos puro usok ng sigarilyo, amoy ng alak at marijuana. Akala ko magiging stagnant na ako sa ganung flow ng buhay, pero buti na lang nagbago ang lahat. Kahit papaano nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko, hindi man ganun kaligtas dahil anytime pwede akong mamatay o maging kwento, pero at least naman diba bago mangyari yon, naranasan kong maging masaya at alagaan ang
AFTER kong sabihin ang lahat kay Terrence feeling ko may kumawala sa loob ko. Yung barado na matagal ko nang kinikimkim, feeling ko biglang naglaho. Yun lang pala ang kailangan para maging magaan ang sarili ko. Hindi na ako hihinga ng malalim dahil sa alalahanin, kundi hihinga ako ng may pag-asa. I feel better now, masakit yung sinapit ko pero ginagawa ko itong inspirasyon para mas bumangon ako. Mapait ang nakaraan ko, hindi ko iyon matatago kanino man. Dahil pagbaliktarin man ang mundo, ako pa rin yung basura at pokpok na kinaaayawan ng lahat. Simula bata ako siguro iilan lang yung alaala na nakitaan ko ng maganda. Yun ay yung kami lang ni Momi, nung wala pa sa buhay namin yung napangasawa niya. Hindi ko sinasabi na hindi masaya ang feeling ko kasama ng mga kapatid ko pero simula rin kasi nun, nawala yung atensyon sakin ni Momi, napunta sa kanila which is naiintindihan ko. Laki rin ng pasasalamat ko kay Momi kasi kung hindi dahil sa kanya, baka nga mas masahol pa yung sinapit ko kun
Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay namin ni Terrence ang kalsada. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari, makakahinga na ako nang maluwag. Pero may kung anong bigat pa rin sa dibdib ko. Parang may kulang."Raisha, may gusto ka bang kainin?" tanong ni Terrence habang nagmamaneho.Umiling lang ako. Wala akong ganang kumain.Napabuntong-hininga siya. "Baka kailangan mong magpahinga. Ilang araw ka nang halos walang tulog."Hindi ko na nasagot si Terrence. Napalingon ako sa isang madilim na sulok ng kalsada. Doon, may isang maliit na batang nakaupo sa gilid ng bangketa. Madungis, walang sapin sa paa, at nanginginig sa lamig. Pero hindi iyon ang nakakapagpatigil sa puso ko.Kilala ko siya."TERRENCE, HUMINTO KA!" halos pasigaw kong utos.Nagulat siya pati na yung driver namin. Ganun din yung ginawa ng mga nakasunod sa aming mga sasakyan na bodyguard.“Boss, bakit huminto?” rinig kong tanong ng isa sa mga bodyguard ko sa radio ng driver. Hindi ko na hinin
Malayo pa lang ako sa campus, ramdam ko na ang mga matang nakabantay sa bawat galaw ko. I tightened my grip on my bag strap, inhaling deeply as the car slowed down in front of the university gates.Nang bumaba ako, hindi ko na kinailangang lumingon para malaman na nasa paligid lang sila—ang mga bodyguard na iniwan niya para bantayan ako. Ilang linggo na rin simula noong halos hindi na ako makahinga sa higpit ng seguridad sa paligid ko. Hindi na ako makagalaw nang hindi may sumusunod sa akin.“Besss!!!”I barely had time to react bago ako niyakap ni Xander nang sobrang higpit, halos mapaatras ako. His floral perfume mixed with the strong scent of coffee, a familiar combination I hadn’t realized I missed. Medyo naduwal ako dahil naalala kong sensitive ako sa perfume ni Xander. “Kaloka! Nagbago na ako ng pabango, mabaho pa rin?” aniya at inamoy ang sarili. Tumawa ako sa kanya. Napanguso naman siya na parang bata. “Where the hell have you been pala girl?!” He pulled back, holding my sho
Hindi ko alam kung anong mas matimbang—ang kaba sa dibdib ko o ang poot na bumabalot kay Terrence. Sa bawat segundo, ramdam ko ang malamig na panlalamig ng dugo ko, lalo na’t alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya natitiyak na ligtas ako.Pero paano kung hindi lang ito isang beses mangyari? Paano kung mas malala pa ang susunod?“Greg, sundan natin siya,” utos ko, kahit nanginginig ang tinig ko. Hindi ko kayang manood lang. Hindi ko kayang hintayin kung anong posibleng gawin ni Terrence. Kilala ko siya—kapag galit siya, hindi siya nagdadalawang-isip. Mabilis namang sumunod sakin si Greg na kahit iika-ika dahil napuruhan ang kanyang mga paa. Napatingin ako sa paligid. Ang mga bodyguard kong duguan, si Shinon na halos hindi na makagalaw. Si Denver na nakahilata na lang sa sahig. Si Axel na natulala na sa bugbog. Pero wala akong oras para sa kanila ngayon. Hindi ko magawang isipin ang iba maliban kay Terrence.“Makakapag maneho ka pa kaya?” hindi siya sumagot kaagad. Dinaing ni
LUMIPAS ang ilang araw, bumalik ako sa unibersidad. Sinisikap kong mamuhay ng normal, kahit may kaba sa puso ko. Mabuti na lamang at nandyan si Xander sa tabi ko para alalayin ako lalo na sa mga ayaw kong amoy. Ang bading na bestfriend ko ay mas umaaktong buntis kaysa sakin. Mas excited siya sa pagbubuntis ko, samantalang ako eh kabadong-kabado. Nung una nga ay pinagselosan siya ni Terrence, pero mukhang naamoy niya rin ang bataan na tabingi ni Xander kaya umokay na rin naman siya sa kaibigan ko.Habang papasok ako sa campus, biglang may humarang na van sa harapan ko. Medyo mabilis ang mga pangyayari. May mga lalaking nakaitim na maskara ang bumaba at hinila ako papasok sa sasakyan. Pilit akong nagpumiglas, ngunit wala akong nagawa. Napasigaw ako, ngunit walang nakarinig. Wala ang mga bodyguard ko!Sa loob ng van, may isang lalaking nakaupo sa dulo, nakasuot din ng itim na maskara. Malamig ang boses niya nang magsalita. "Raisha, kung gusto mong mabuhay ang pamilya mo, may kailangan ka
ISANG buwan na ang lumipas nang mangyari ang insidente. At sa isang buwan na rin na yon, medyo napanatag na rin ako dahil hindi ko na nakikita yung Lucas sa paligid. Mas hinigpitan ni Terrence ang aking seguridad pati na ng mga lumalapit sakin. Maging ang aking mga kaklase ay pinapa-background check niya bago ito makalapit o makipag usap sakin. Narito ako ngayon nakatambay sa nakasanayan ko. Nasa malayo ang mga bodyguard ko pero alam kong tanaw nila ako. Sinabi ko kasi kay Terrence na hindi pwedeng lagi silang nakadikit sakin dahil matatakot ang mga tao sa kanila at baka lalong walang gustong makipag kaibigan sakin. Alam kong sa mga panahon na ito, ang pakikipag kaibigan ay hindi basta-basta dahil maraming banta sa buhay ko. Pero kahit papaano, gusto ko pa rin ng maranasang magkaroon ng kaibigan. Napakaway naman ako kay Xander nang makita kong paparating siya sakin. And yes, si Xander ang masasabi kong tunay at pursigidong maging kaibigan ako. Despite of his gender, yes, pusong babae
"We’re going hunting."Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Terrence. Alam kong hindi ito simpleng sitwasyon, pero ang ibig sabihin ba nito ay haharapin na namin mismo kung sino man ang may pakana ng lahat ng ‘to? Hindi ba parang padalos-dalos ang ginagawa niya? Tapos bakit kasama pa ako? Eh ako nga yung target nila! Hindi ko alam kung nag-iisip ba to si Terrence o sadyang gusto niyang mapahamak ako? "Terrence, wait—hindi ba mas delikado ‘yan?" hinawakan ko ang braso niya, pilit siyang pinapakalma. "Wala pa tayong sapat na impormasyon. Baka lalo lang tayong mahulog sa bitag nila." Na-stress naman bigla ang beauty ko! Hindi pa naman ako masyadong bihasa sa pakikipaglaban!Ngunit imbes na makinig, mas lalong dumilim ang tingin niya. "You think I’m going to wait around and let them come for you again?" Mariin niyang hinawakan ang bewang ko, hinapit ako palapit sa kanya. "No one—no one—touches what’s mine, Raisha."Napakagat ako sa labi. Alam kong hindi ko siya mapipigilan. Kapag galit s
Nang makalabas ako ng classroom, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Pinilit kong huwag magpahalata, pero sa bawat hakbang ko palayo, pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod sa akin.Hindi ko alam kung paranoia lang ba ito—o kung may dahilan para matakot ako.“Raisha!”Napalingon ako kay Xander na mabilis akong hinabol. “Sabay na tayo sa library?”Tumango ako, kahit pa pakiramdam ko ay mas gusto kong mapag-isa. Alam kong kung magpapakita ako ng kahinaan, mas lalo lang akong magiging target. Kailangan kong magpakatatag.Sa hallway, ramdam ko ang ilang mga estudyanteng patagong tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba bago ako rito o may ibang dahilan.“Hey, do you want to grab coffee first?” tanong ni Xander habang lumalakad kami palabas ng building. Mabuti na lang din at nandito si Xander sa tabi ko para gumaan kahit papaano ang feelings ko. Kahit na awkward na habol siya ng habol sakin, mas okay rin para may nakakausap ako. Kasi baka mamaya bigla na lang ako nag
Hindi ko alam kung kailan pa ako huling nakahinga nang maluwag. Ilang araw na rin simula noong huling araw iyon—ang gabing nakita ko siyang muli. Ang araw na muling binalot ng takot ang buong sistema ko.Montenegro.His surname alone sends shivers down my spine. The way his sharp eyes followed me that day, the unspoken threats hanging between us—I knew that wasn’t the last time I’d see him. Alam niyang mamamatay ako anytime dahil nasa mga Ashford ako. Na isa ako sa mga threat na kailangang pabagsakin. Dahil ako ang magiging dahilan ng pagdagdag ng mga Ashford. They want to kill all other womens in this family at inuuna nila yon sa kung sino ang may kakayahang mag produce ng bata, ang mga babae. Kaya ngayon, mas lalong naging mahigpit ang seguridad ko. Hindi na ako makalabas nang hindi may kasamang bodyguards, at kahit nasa loob ng Ashford estate, may mga bantay pa rin sa paligid.“This is for your safety, Raisha.” Malamig na sabi ni Terrence habang nakatayo sa gilid ng bintana, his ja
“To-tomas… yan ang pangalan niya.” Halos hindi ko masikmurang tawagin ang pangalan na yan sa buong buhay ko. Ngayon ko na lang ulit yan nabanggit dahil tinanong ni Terrence. Napansin kong humigpit ang kanyang hawak sa bedsheet kasabay ng paglukot ng kanyang mukha dahil sa galit. “Thank you, see you later my wife,” aniya saka ako hinalikan sa noo. Inalalayan niya muli akong mahiga sa kama at kinumutan hanggang sa aking dibdib. “Sleep tight, may gagawin lang ako.” “Anong gagawin mo?” Hindi naman na sumagot si Terrence pero nakita kong naikuyom niya ang kanyang dalawang kamao. Biglang kinabahan ako. Hindi kaya? Hindi… hindi naman siguro gagawin ni Terrence yon. Pinilit kong makatulog gaya ng sinabi ni Terrence pero hindi ako dinadalawan ng antok. Simula nung napanaginipan ko na naman yung bangungot ng nakaraan ko, hindi na ako mapakali. Parang feeling ko nandyan lang yung hayop na yon at gagawan muli ako ng masama kasama ng mga kaibigan niya. Ano nga ba ang nag trigger sakin nito? Ah