Matapos kung mag bilin nang kanilang mga gagawin, ginugol ko naman ang oras ko sa pag iisip kung ano nga ba ang susuotin ko. Kanina pa kasi ako nakatayo sa wardrobe at wala pa rin akong napili kahit isa man lang. Ayoko naman magsuot nang formal mas gusto kung mag casual kaya naman pinili ko ang hawaian polo at tenernuhan ko ito nang short. Nang masipat ang sarili sa salamin at nang masiguro kong pogi na ako lumabas na rin ako nang kwarto. Naglakad ako patungong venue para i-check kung ready na ba ang lahat para mamaya. Medyo magdadapit hapon na rin naman at ilang oras na lang rin ang hihintayin para sa events. Kanina pa hinahanap nang mga mata ko si Chynna, pero hindi ko pa rin siya makita, binilinan ko naman siya na pumunta mamaya sa events bago kami magka hiwalay sa company. Nagsisimula nang mag datingan ang mga staff at tulad ko namangha rin sila sa ganda nang ayos nito, mukhang lahat sila ay nagtataka kong ano bang magaganap ngayong gabi. Samantalang nagtataka naman si Chynna n
Nasa harapan na ako nang lahat nang employees sa ZSGC at kanina ko pa rin hinahanap si Chynna, pero hindi ko siya man lang makita. Alam kung marami nang nag hihintay nang speech ko kaya naman nag simula na rin akong mag salita sa harapan nila. Sinimulan ko sa pag bati sa kanila nang; "Good day everyone." bati kong panimula sa lahat nang taong naroroon. Natutuwa akong maraming pumunta kahit short notice lang ang announcement ko."Good day sir." sigaw nang mga employees ko. Medyo kabado ako at kasama ko ang kambal baka bigla silang mag salita at malalagot ako sa Mommy nila."You know that I can't do it on my own. Founding this ZSGC is really hard for me, but with your extra efforts, hardwork, dedication and to help also. Impossible always makes it possible, so that my company is your success too. And more success to come with us." wika ko sabay taas nang wine glass at sabay sigaw nang cheers sa lahat. Tumayo naman ang kambal na may hawak ring glass na may lamang juices.The Crowd says;
Hiyawan ang mga employees na nagulat sa sinabi ni sir Zuigi. At ako naman inis na inis na sa pinag gagawa niya mula kanina pa. Hindi pa nga nahupa ang inis ko ng isama niya sa stage ang kambal. Tapos ngayon heto na naman siya nang i-inis, akalain mo 'yon talagang sinabi niyang ako ang lucky girl kahit hindi naman. Natigil ang pag-iisip ko ng nag salita si Celine."Follow up question po sana sir, kong pwede po ba?" malakas na loob na tanong nito na akala mo tropa niya lang ang C.E.O ng ZSGC."Sige," pasimpleng sagot nito."Bakit po si Chynna sir at hindi na lang ako?" tanong nito, sabay pa cute kay sir Zuigi. Halata naman na may gusto siya rito noon pa. Alam lahat ng buong department ang pag hanga niya dito, sapakat masyado siyang vocal sa feelings niya."Hmmm! Do I need to answer this? Well, because Chynna is a perfect one." mabilis na sagot nito. "Sana all the perfect one, sir?" biro ni Celine.Bakit bigla akong nainis sa sagot niya. Napatingin sa kina-u-upuan ko si Wina. Nakita ni
Mas nadurog ako ng makita nang dalawang mata ko na hinalikan siya ng babaeng kausap. Aalis sana ako ngunit parang bakit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Naramdaman ko na lang na lumuluha na ako, luha na tanging nararamdaman ko lang kapag nasasaktan ako. Hanggang sa nagawa ko nang tumakbo papalayo sa lugar na 'yon.Samantalang nasa kwarto na si Zuigi ng maalala ang mga tanungan sa game kanina."Hmmm! Ano naman kung may boyfriend siya at ano naman kong sila nang bestfriend ko. Happy for them," usal ko. Pero kabaliktaran yata nang puso ko, bakit parang pakiramdam ko tinarakan ako nang palaso sa dibdib. Gustuhin ko man na mag stay pa kanina, pero hindi ko na matagalang makasama ito at baka kung ano pa ang magawa ko. At dala nang inis ko hindi na ako nakapag-isip pa nang tama. --Dahil sa sama ng kaniyang loob bumalik si Chynna sa mga ka-trabaho."Chynna, shot na," bulong ni Wina. Napansin niya yata na hindi ko man lang nababawasan ang bote nang beer na hawak ko. Wala kasi ako sa mood
"Zui, kanina ka pa ata tahimik, may problema ka ba? Mula pag dating ko ganiyan ka na." tanong na bungad ni Luis sa kaniya. "Wala, nagulat lang ako sa mga pinag sasabi mo. Maiba tayo, gaano ka ka seryoso kay Chynna?" tanong niya na parang may hidden agenda at totoo naman 'yon. Sabi nga nila makipag close pa sa karibal mo para may malaman ka. "Sobrang seryoso ako kay Chynn bro. Mula ng makilala ko siya hindi na siya nawaglit sa isipan ko.""Di nawaglit. Ano ka mo! Hindi kaya'y nakokonsenya ka lang sa ginawa mo sa kaniya?" tanong ko na may halong pang-uuyam na din."Hindi kita maintindihan bro. Lasing ka na ba?" naguguluhang tanong ni Luis sa kaniyang bestfriend. Kong siya lang ang tatanungin gusto niya ng sapakin at murahin ito. Dahil kong hindi niya binili si Chynna, wala sila sa sitwasyon na ganito. Mukhang magkakaribal pa sila, at alam ni Luis na hindi rin siya basta bastang tao sa lipunan. Kaya niyang ipaglaban kong ano ang meron sa kaniya."Hindi ako lasing bro. Ang akin lang hwa
Pabalyang sinara ni Chynna ang pintuan ng office ni Zuigi sa pag-a-akalang wala pa ang boss niya. Kaya nang marinig ito ni Zuigi napatayo siya sa swivel chair at naglakad patungo sa kinaroronan nang ingay, doon niya naabutan ang nakasimangot na si Chynna. Ano naman kayang problema nang secretary niya."Sir Z..Zuigi, nandito na kayo." tanong ni Chynna na nagulat na mas maaga pa ito sa kaniya. "Yes, kanina pa ako dito. Actually kagabi pa nga, after the events hindi na kita nakita ulit. Galit ka pa rin ba sa akin sa ginawa ko? Look, hindi ko naman sinasadya--" she interrupted him for what his trying to say. "It's okay, sir, wala sa akin ang nakita ko. Single ka naman kaya pwede kang makipa--" Natigilan siya at alam naman niyang wala siyang karapatan na mag selos. Ano bang laban niya sa sophisticated na babae na nababagay kay Zuigi. Sino nga ba siya buhay nito, isa lang naman siyang babaeng niregalo noon sa kaniya at nabuntisan. "Nevermine! I'll send you the report." wika niya. Sabay t
Pag balik ni Chynna sa itaas. Hindi na siya nag abalang kumatok pa alam niya naman nagpaiwan ang kaniyang boss. Hawak niya ang supot na naglalaman ng tupper ware na may lamang lunch na binili niya para dito. Pagpasok niya sa loob naabutan niyang naka yuko ito at babad sa trabaho kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Maya maya lang nag-angat ito ng tingin at nakatuon sa kaniya sabay sabi na; "Yes! May kailangan ka ba?" tanong nito sa napalambing na boses. "Wala naman sir, naisip ko lang na hindi pa kayo nakain kaya binilhan ko kayo nito." nakangiting wika niya sabay lakad at lapag ng dala niyang supot sa ibabaw ng table.."How sweet my future wife is." wika nito na may kasamang nakakalokong ngiti."Mag tigil ka nga. I your dreams." pang babara nito."Ayaw mo ba? Kunin ko na lang." tanong niya. "Hindi ah." sagot naman nito."Kumain ka na ba?" tanong nito sa kaniya."Opo." "I see. Sige, ako na lang mag-isang kakain." wika nito na halong may pangongonsensya.Pumihit paharap
Two-weeks ago nang naging okay kami ni sir Zuigi, pinayagan ko na rin siyang manligaw sa akin. Okay naman ang pagsasama namin. Malimit siyang napasyal sa kambal at sa office naman nagkaka usap rin kami kahit papaano. Katulad ngayon he naps at my legs, medyo pagod raw kasi siya. Nandito kami sa may terrace ng bahay ko at ang kambal ay abala sa kani-kanilang gawain. Napag usapan namin ang mga susunod na hakbang para sa kambal bago ang mga sarili namin. "How's the twins school now?" tanong nito habang hini himas himas ang kamay niya."Okay naman, wala naman silang nasasabi pa sa akin kong may problema." aniya. "That's good. That school is my alma mater. At panatag naman ako na maganda ang service nila doon. "How about you?" baling na tanong nito."Me! The school is good and friendly. I'm sure the twins love it too. Anyway, wala ka bang business venture at napapadalas yata ang palalagi mo dito sa bahay ko." tanong niya. "Wala pa naman so far, everything is alright. By the way, I invite
Maaga kaming umalis ng Isla, sapagkat baka magtampo ang kambal kong magtatagal kami dito. Hindi kasi kami nakapag paalam sa kanila ng maayos at biglaan lang ang pag punta namin dito. Ewan ko ba kasi sa asawa ko ang daming alam at kong ano-ano ang naiisip. Parang hindi ako buntis kong makapag aya ng biglaan. Alam naman niyang napaka mahiluhin ko at ang selan ko sa dinadala ko. Three Months pa lang 'to at marami pa akong pagdadaanan. After naming makabalik ng Mansyon. Inasikaso naman namin ang pag lipad patungong ibang bansa.. Ang pangako niya para sa mga bata medyo maliit pa naman ang tummy ko kaya pwede pa akong mag gala-gala. Hindi rin naman kami sasakay ng plane basta basta at gagamitin namin ang private plane ng kumpanya para iwas sa dami ng tao. Sa Japan ang vacation naming mag-anak Masayang masaya ang mga anak namin nang malaman ito at excited silang lahat makita ang tinatawag na happy place nang mga taong nakakapunta roon lalo na ang sikat na dinarayo sa bansang Japan ang Disne
Habang kumakain kami may mga musikero na lumapit sa kinauupuan namin, sabay nagtipa ito ng gitara at ang isa naman ay violin ang gamit sa pagtugtog. Napasenyas tuloy ako sa asawa ko."Darling, bakit may pa ganto?" nahihiwagaang tanong ko."Ha! Ayan ba, pina request ko. Bakit ayaw mo ba?" tanong naman nito."Ah! Hindi naman, nagulat ako. Pero, sige lang maganda naman at hindi masakit sa tainga." ani ko habang sinusubo ang naudlot kung pagkain na nasa kutsara ko na. Ang lamig nang tugtugin dama ko ang bawat tunog na humihimay sa pagkatao ko. Talagang, pinapakilig ako ng asawa kung 'to. Kakaiba rin si tanda, walang ka-kupas kupas sa mga paandar na ganito. Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan siya habang kumakain. Ang seryoso ng mukha niya palagi, mukha rin siyang suplado at ubod ng sungit, pero 'yun lang ang akala nila. Alex is a perfect husband and a father to his children. "Darling, bakit nakatingin ka na naman sa'akin?" biglang tanong nito ng mahuli niyang tinitingnan ko siya."Ah!
KINABUKASAN... Nauna akong gumising sa asawa ko at nag-ayos ng aking sarili para hindi naman ako mukhang bruha kapag nakita niya ako. Medyo, nako concious kasi ako lately sa katawan at sarili ko ngayong buntis ako, feeling ko ang pangit ko na. Nagseself pitty na ako kong minsan. Pagbalik ko sa kama galing comfort room gising na ang asawa ko at hinila ang kamay ko pagiga sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi na; "Ang bango naman ng asawa ko." wika niya. "Sus! Nang bola ka pa. Bilisan muna dyan at bumangon ka na. May check-up pa ako mamaya." utos ko rito. Kaya no choice siya kundi bumangon na. Kong ayaw niyang magalit na naman ako sa kaniya.Maya maya lang bumangon na ito at nag bihis. At niyaya na ako lumabas. Naglakad na kami patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at napatigil. Mabuti na nga lang nandya ang aking asawa kaya't ako'y kaniyang naalalayan. "Ayos ka lang ba? Bakit ka napatigil sa pag-
Nang silipin namin kung saan nang gagaling ang ingay mula sa ibaba. Napa ismid na lang ako bigla. Akala ko kung ano na nangyayari e'.Ang may pakana pala ng kaguluhan sa ibaba ay ang pabida bida ko pa lang asawa at hindi man lang nahiya at sinama pa niya talaga sa kalokohan niya ang mga tao sa Mansyon. Nababaliw na ba talaga siya.. Haixt!!!Patalikod na sana ako, nang nag simulang mag salita ito. Napa tigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya, kaya napa pihit ako paharap at pabalik na naglakad patungo sa veranda.."Hi! Darling ko, ipagpaumanhin mo ang pag istorbo ko sa masarap mong tulog at sana pagkatapos ng kantang ito na alay ko para sayo ay patawarin muna ako. I love you, Darling ko. Miss na miss na kita" wika niya sabay flying kiss pa. Napa taas ang kilay ko sa sinambit niya.. "Music maestro.. utos niya sa isang tao sa Mansyon na si Mang Caloy. Nagmamadali naman itong sumunod sa pinag uutos niya..Mga ilang sandali lang..Nag simula nang tumugtog ang music at magin
Halos hindi siya makatulog sa sofa kaya pabaling baling siya ng kilos at naibato na lang ang unan kung saan.."Bweset talaga! Hindi man lang ako pinagpaliwanag nito. Bumangon na lang ako at nag stretching.. Hindi rin naman ako makakatulog, dahil alam kung galit ang asawa ko. Anyway, nangyari na lahat wala na akong magagawa pa. Ang kailangan ko ay kung paano kami magkaka ayos ng asawa kong leon na tigre pa.Lakad at balik ang gawa ko hanggang sa mapagod ako.. At naupo sa sofa hanggang sa nakatulog na rin ako nang hindi ko namamalayan.. KINABUKASAN Umaga pa lang naka simangot na si Chynna at hindi maipinta ang mukha lalo nang wala siya sa mood, dahil sa inis niyang nararamdaman mula pa kagabi sa'kanyang asawa. Bumangon ako kahit wala ako sa mood, dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom at ayoko namang tiisin ito at kawawa ang baby sa sinapupunan ko.Hindi na ako nag abalang magpalit ng nighties, bagkus nag suot lang ako ng robe para pantakip sa katawan ko, dahil sa nipis ng nighti
Nang matapos mag bangayan ang dalawa sa harapan ko at sa wakas nanawa rin sila. Pinasamahan ko muna sa maid si Shaira. At para maiwasan ang bangayan nilang nakakarindi na. Habang naka upo kami at binubuksan ko ang beer in can ni Luis. Pinagmasdan ko ito at mukhang parang nalugi ang negosyo nito sa itsura niya. "Bro.." tawag ko sa pansin nito at mukhang ang layo ng ini-isip niya. Inabot ko naman ang binuksang kong beer in can ng humarap ito sa akin. "Thank you." ani niya. "Hmmm! Mukhang may dapat kang ipaliwanag sa akin bro." saad ko habang naghihintay ng sagot nito. "Wala bro. Believe mo baliw yong babae na 'yon. Mantakin mo bang pumasok ng kotse ko yan at ayaw na kong lubayan. Sabi ba naman sa akin panagutan ko siya. Dam* ni hindi ko nga nababa ang panty niya. Alam mo bang siya nga ang nang halik sa akin." reklamo ni Luis habang nagku kwento ng mga pangyayari. "Parang hindi naman ako convince sa sinabi mo bro. Kong walang nangyari sainyo bakit siya ganyan umasta. Alam mo bro. pa
Lumabas kami ng airlines at hinihintay ang sundo namin. Naupo muna ako sa waiting area at medyo nahihilo ulit ako. Ilang saglit lang dumating na rin naman ang sundo namin. Nagulat pa ako ng lumabas ang kambal sa kotse. "Mom, Dad." nakangiting wika nito sabay yakap sa akin. "We miss you, Mom." "Na miss ko rin kayo mga anak." sagot ko sabay ngiti ko sa kanila. "Mom, its that true?" tanong ni Charles. "Yah! Mom, it is real we're going to be kuya na?" segunda naman ni Zach. "Yes mga anak." nakangiting wika ko."Wow! Awesome Mom." sabay pang sagot ng kambal sabay baling sa Daddy nila na. "You do good, Dad." lokong wika ng mga ito sa kanilang Daddy. "Enough na nga yang biruan niyo." saway ko sa kanila. At medyo pagod na rin ako. "Tara na?" yakag ko sa kanila. At nauna na akong pumasok sa kanila kuntodo naman agapay sa akin ang asawa ko kasunod namang sumakay ang kambal. Pinaharurot naman na ng driver ang sasakyan ng makarinig ng go signal dito.Two hours ang tinakbo ng byahe namin bag
Buntis ako, natutop ko ang bibig ko. 'Di ako makapaniwala sa aking nakikita. Two- lines! Excited akong lumabas ng maalala kong wala pala ang asawa ko. Kaya't itinabi ko na lang ulit ang pregnancy sa bulsa ng shorts ko at hinintay na makabalik ito.Two-hours Later...Narinig ko ang pag bukas ng pintuan. Patay malisya lamang ako at kunwari hindi ko narinig ang pagtawag niya."Darling. I'm back." malakas na sigaw nito. Nang naka lapit siya sa akin humalik ito at nanatiling hindi ako umimik. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya kinuha ko ang palad niya at nilagay ko ang pregnancy test, sabay ngiti ko rito."Darling, what is it?" sambit nito at tila nagtataka pa kong ano bang inilipag ko sa palad niya."Open it," sabay ngiti ko. Alam kong magugustuhan niya ito. Nakita kong dahan dahan nitong binuksan ang kamay nito at kitang kita ko ang pag silay ng ngiti sa kaniyang labi. Kitang kita ang galak sa kaniya."It is real darling? Your pregnant again ? We are pregnant?" wika nito at bakas
KINABUKASAN Dahil nabitin ako sa paglilibot at nangako rin naman siya sa akin. Pumunta kami sa women sections. Pinapili niya ako ng mga gusto ko, paikot- ikot naman ako kaka kuha dahil ang dami talagang magaganda. Naisipan kong bilhan ang kaibigan ko nang matuwa naman ito pag nagkita kami. Napansin ko namang naiinip na ang asawa ko kaya sinabihan ko muna siyang maupo, dahil matagal tagal pa ako sa pag-lilibot. Hinalikan naman niya ako at lumayo na rin sa'kin.. Nang mga ilang oras rin nang pag lilibot hinanap na ng mga mata ko ang asawa ko at nakita kong prenteng nakaupo ito lalapit na sana ako ng biglang may babaeng lumapit rito. Nakita ko naman na umupo ito sa tabi niya at ang damuho kong asawa ay patawa tawa pa, nakalimutan niya yatang may-asawa siyang kasama. Dahan dahan akong lumapit at tumikhim. Napansin naman nito ang presensya ko at biglang tumayonat lumapit sa'kin. Hahalikan sana niya ako ngunit umiwas ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti lang ang loko loko, hinawakan