Walang ganang kumain si Xavier habang pinapanuod na ayusan ang kaniyang kapatid para maihanda na ang pagpapaburol sa kaniya. Nasa underground pa rin sila dahil hindi nila sigurado kung kailan babalik ang mga kampon ng bulok na Senator. Pinili niyang patawarin ang Don dahil kahit papaano ay nagkaroo
Isinuot ni Xavier ang itim niyang jacket, kinuha ang mga maraming bala saka isa-isang inilagay sa kaniyang maliit na baril. Nanguha na rin ng liquid saka inilagay sa spray bottle, liquid na makakapagpawala ng malay. Dahan-dahan pa niyang inilalagay ang mga bala sa kaniyang baril na tila ba binibilan
“Freya,” pagpipigil sa kaniya ni Simon dahil sa bunganga niyang wala na namang preno. Napairap na lang si Freya saka niya tinalikuran ang dalawa niyang kasama at bumalik sa loob. Napapailing na lang sa kaniya si Simon, pansin niyang nabuhayan ngayon si Freya dahil sa kagustuhan na ni Xavier na makap
Diretso lang ang pagdadrive ni Xavier habang tinitingnan paminsan-minsan sa salamin si Don Rodriguez na hinihilot ang sintido. “Idiretso mo na ako sa Villa ko, gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod na araw,” aniya saka niya inihilig ang ulo niya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi nagsalita si X
“Wala ba talaga? Anong naging kasalanan ng mga magulang ko at ng kapatid kong walang ginawa sayo para patayin mo?!” naihinto na lamang bigla ni Xavier ang sinasakyan nila saka niya matatalim na tiningnan sa salamin ang Don. Napalunok na lang si Don Rodriguez habang nakatingin sa mga mata ni Xavier.
Nilapitan niya si Don Rodriguez kahit na piliting umatras ng Don ay hindi niya magagawa sapagkat nakatali ang buo niyang katawan sa upuan. Inilalayo na lamang niya ang ulo niya lalo na nang itutok ni Xavier ang matalim niyang kutsilyo sa mukha ng Senator. Nakakaramdam na siya ng takot para sa kaniya
“Ayon dito sa ipinakita ng map ay nasa isa siyang abadunadong lugar. Isang oras ang byahe mula rito. Maaabutan pa ba natin siya?” wika ni Nolan habang tinitingnan sa kaniyang laptop ang namumulang tracking device na dala-dala palagi ng Don. Nang dumating ang totoong manunundo sa Don ay nasabi na ng
Natigilan si Xavier pero napailing din siya dahil ang lahat ng mga nangyayari at ang puno ng lahat ng nangyari sa nakaraan ay kasalanan ni Don Rodriguez, kasalanan niya lang. “Sinira ng tatay mo ang buhay ko, sinira niya ang buhay ng masaya kong pamilya. Isang ama lang ako na gustong mabigyan ng ko