Si Gizzelle na lang ang naiiwan na pamilya niya, siya na lang pero binalikan at pinatay pa ng hayup na taong yun. Walang awa, idinamay pa niya ang napakainosenteng bata. Humagulgol na ng sobrang lakas si Xavier nang ipikit na ni Gizzelle ang mga mata niya lalo na ng marinig niya ang lifeline, palat
Walang ganang kumain si Xavier habang pinapanuod na ayusan ang kaniyang kapatid para maihanda na ang pagpapaburol sa kaniya. Nasa underground pa rin sila dahil hindi nila sigurado kung kailan babalik ang mga kampon ng bulok na Senator. Pinili niyang patawarin ang Don dahil kahit papaano ay nagkaroo
Isinuot ni Xavier ang itim niyang jacket, kinuha ang mga maraming bala saka isa-isang inilagay sa kaniyang maliit na baril. Nanguha na rin ng liquid saka inilagay sa spray bottle, liquid na makakapagpawala ng malay. Dahan-dahan pa niyang inilalagay ang mga bala sa kaniyang baril na tila ba binibilan
“Freya,” pagpipigil sa kaniya ni Simon dahil sa bunganga niyang wala na namang preno. Napairap na lang si Freya saka niya tinalikuran ang dalawa niyang kasama at bumalik sa loob. Napapailing na lang sa kaniya si Simon, pansin niyang nabuhayan ngayon si Freya dahil sa kagustuhan na ni Xavier na makap
Diretso lang ang pagdadrive ni Xavier habang tinitingnan paminsan-minsan sa salamin si Don Rodriguez na hinihilot ang sintido. “Idiretso mo na ako sa Villa ko, gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod na araw,” aniya saka niya inihilig ang ulo niya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi nagsalita si X
“Wala ba talaga? Anong naging kasalanan ng mga magulang ko at ng kapatid kong walang ginawa sayo para patayin mo?!” naihinto na lamang bigla ni Xavier ang sinasakyan nila saka niya matatalim na tiningnan sa salamin ang Don. Napalunok na lang si Don Rodriguez habang nakatingin sa mga mata ni Xavier.
Nilapitan niya si Don Rodriguez kahit na piliting umatras ng Don ay hindi niya magagawa sapagkat nakatali ang buo niyang katawan sa upuan. Inilalayo na lamang niya ang ulo niya lalo na nang itutok ni Xavier ang matalim niyang kutsilyo sa mukha ng Senator. Nakakaramdam na siya ng takot para sa kaniya
“Ayon dito sa ipinakita ng map ay nasa isa siyang abadunadong lugar. Isang oras ang byahe mula rito. Maaabutan pa ba natin siya?” wika ni Nolan habang tinitingnan sa kaniyang laptop ang namumulang tracking device na dala-dala palagi ng Don. Nang dumating ang totoong manunundo sa Don ay nasabi na ng
I want to make sure that we are all safe. “Hello Dad, good morning. This is Arianne po, my classmate. We are here to make our project po in science.” Saad ni Nathan saka nagmano sa’kin ganun na rin ang sinasabi niyang classmate niya na parang nagtataka pa sa ginawang pagmano ni Nathan sa akin. “Go
“Meet Mr. Rodriguez, Athena. He is the one I am talking about the person na nasa loob ng kulungan pero may nagagawa pa rin sa bayan.” Mas lalo kaming nagulat sa isiniwalat ni Freya. Siya ang taong binabanggit niya kanina? Ang taong kinuha siyang personal lawyer para sa organization niya? Hindi mo ng
“Long time no see, kumusta ka naman?” rinig kong tanong ni Simon kay Freya. “Well, good. Humihinga pa, ikaw? Pagod ka na ba?” “Bakit ako mapapagod? Wala naman akong ginagawa kundi ang maghintay sayo. Gusto kong mamuhay ka sa gusto mo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mong tinalikuran mo. Wal
“Akalain mong bagay pala sa kaniya ang mahaba at kulot na buhok, nasanay akong makita siyang maiksi ang buhok tapos kung mapapahaba man niya lagi namin siyang nakapusod.” Wika ni Simon habang nakatingin din sa dalawa. “Bakit ba kasi hindi mo pa ligawan? Sa pagbagal mong yan baka maunahan ka pa ng i
Wala na sigurong mas sasaya pa habang pinapanuod mo ang pamilya mong tumawa at maglaro sa harapan mo. Sa dami ng pinagdaanan namin nananatili pa rin kaming buo. Sa araw-araw na sila ang nakikita ko, sila ang nag-iingay sa paligid ko, ang nangungulit sa akin, kahit na araw-araw ko yung nakikita at na
“I’m really sorry, I love you. Please wake up now Babe. I need you, gusto kong bumawi sayo, gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko na hindi ko nagawa. I failed again, I failed you and I’m really sorry. Kung magagalit ka man sa akin I’ll understand that and I don’t deserve your forgiveness.” Il
Masyado na akong nabulag at nabingi, wala na akong pinaniniwalaan sa kaniya tapos ngayon kung kailan may nawala sa aming dalawa saka ako magsisisi, saka ako masasaktan at saka siya paniniwalaan. Ang pagmamahal ko sa kaniya na natabunan ng galit ay muli kong naramdaman. Ilang beses kong hiniling na s
Salubong ang mga kilay ko at nakakuyumos ang mga kamao ko. Ramdam ko ang mas lalong pagningas ng apoy na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko gustong maniwala pero mas nangingibabaw na ang galit ko sa kaniya. Yes, I’ve been in love with her at halos kalimutan ko lahat n
Hindi ko pa man yun natatapos na basahin nang kusutin ko na ang papel. How could she? She really did that? She really wrote this? “What happened? Nasabi sa akin na si Athena ang nagbigay mismo ng sulat na yan.” Siya ba talaga? I am trying not to involve her in this chaos. Sinubukan kong gawin ang k