Share

Kabanata 32

“Ako na po. Kaya ko na 'to.” May lamig pa rin sa tuno ng boses ni Edann. Inagaw nito sa kaniya ang sabon at sponge.

“Maglaro ka na lang doon at-”

“Mama ako na po. Kaya ko na.” Putol nito sa sasabihin niya pa sana. Nagpatuloy ito sa paghuhugas ng pinggan.

Pagkatapos niyang maglinis ng mesa ay naabutan niya itong nagsisimula nang maghugas ng pinggan.

Gumilid siya dahil pakiramdam niya, ayaw talaga nitong paawat. Talagang ito ang maghuhugas at hindi niya na ito mapipigilan pa.

“Edann? Anak? Ayos ka lang ba? May nangyari ba?” marahan ang boses niya nang magsalita sa likuran ng anak.

Kailangan niyang malaman kung ano ang problema nito. Kaninang umaga pa ito tahimik at malamig sa kaniya. Dati kasi ay bibo naman ito. Pagkagising sa umaga ay kinakausap agad siya. Pero ngayon... parang may nag-iba.

Hindi nagsalita si Edann. Nagpatuloy itong naghuhugas.

Binilisan nito ang ginagawa. Halatang ayaw nitong kausapin siya. Tila gustong umiwas.

Hinintay niyang magsalita ito pero nang matapos ito ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status