Share

Kabanata 31

“D-Diyan! Diyan na lang sa tabi!” biglang bulalas ni Serrie nang matanaw ang poste ng ilaw sa unahan.

Iyong iskinitang iyon, papasok niyon ay sa kanila. Ayaw niyang makita pa sila ng anak niya. Tiyak gising pa at naghihintay ngayon si Edann sa bahay. Kapag nakita sila ng bata, tiyak magtatanong iyon. Hindi niya alam ang sasabihin pag nagkataon.

“Are you sure?” Kunot noong tanong pa ni Hidan. Halatang nagtataka ito sa sinabi niya.

Tumango siya agad. “O-Oo, ayos lang! Diyan na lang sa tabi. Malapit na ang amin dito. Salamat!”

“I can drive till the-”

“Hindi na. Ayos lang!” putol niya sa sasabihin pa sana nito.

Ayaw niyang makita pa ito ng anak niya. Baka magtaka pa si Edann. Magtatanong 'yon. Ayaw niya rin naman magsinungaling sa anak. Atsaka isa pa, wala ring karapatan makilala pa ni Hidan si Edann. Kumuyom ang kamao niya.

Agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Hindi pa man nakahuma si Hidan sa kinauupuan ay agad niya nang binuksan ang pinto at agad siyang bumaba.

Kaya lang kahit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status