Jade's POV
Unang gabi matapos ang kasal nila ni Ricks ay sobra siyang na-excite sa kaisipang ito ang magiging simula ng mainit nilang pagsasama kaya pinili niyang isuot ang pinaka sexy niyang lingerie, kulay black iyon na sobrang nipis at wala siyang suot na bra at panty sa loob niyon dahil ngayon ang unang gabi nila bilang mag-asawa ay balak niyang akitin ito at alam niyang wala na itong magagawa pa dahil asawa na niya ito.Napaka-cold nito sa kaniya simula nang makarating sila ng Maldives. Ni hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin at basta na lang siya nito iniwan sa hotel na inokupa nila. Nang hanapin niya ito ay nakita niya itong nasa loob ng bar ng hotel at mag-isang umiinom ng alak kaya hinayaan na lamang niya ito doon at hinintay ito na makabalik sa room nila.Naroon siya sa kwarto at nagpapahid ng lotion sa hita nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang kaniyang lasing na lasing na asawa kaya kaagad siyang napatayo at niMabilis na lumipas ang isang linggo at sabik na sabik na si Joy na muling makita ang nobyong si Ricks. Sa loob ng isang linggong wala ito sa tabi niya ay bibihira lang itong tumawag at mag text sa kaniya dahil palagi raw itong busy sa trabaho at naiintindihan naman niya ang bagay na iyon, kailangan nitong kumayod para mabayaran nito ang napakalaking utang nito na ginamit para sa operasiyon ng inay nito kaya ngayon ay miss na miss na niya ito. "Babes!" sabi niya sabay sugod ng yakap sa nobyo nang makita niyang parating na ito. Nasa bungad pa lamang ito ng gate ay tumakbo na siya para salubungin ito. "Miss na miss na kita babes.." sumisinghot na sabi niya habang sumisiksik sa mga bisig nito. "I miss you too babes.." malungkot na sagot nito bago siya kinabig at ginantihan din ng mas mahigpit yakap. Napansin niyang namumula ang mga mata nito at pagod na pagod ang itsura nito kaya naman na
Lunes na naman at wala na naman si Ricks sa tabi ni Joy pero hindi pa din nasasanay ang dalaga. Palagi niyang hinahanap-hanap ang presensiya nito lalo na ngayon na mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa sarili niya. Kaninang umaga paggising niya ay panay ang pagsusuka niya, naisip ni Joy na baka buntis siya kaya pumunta siya sa drug store at bumili ng pregnancy test para kumpirmahin ang kaniyang hinala. Pag-uwi ni Joy ng bahay ay kaagad niyang ginamit ang pregnancy test at ganoon na lamang ang sayang nadama niya nang makita ang resulta-- buntis siya! Sa wakas ay magkakaroon na sila ng anak ni Ricks.Nagkaroon na din sa wakas ng bunga ang limang taong pagmamahalan nila. Nasasabik na siya na ipa-alam sa nobyo ang pagbubuntis niya pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil gusto niya itong sorpresahin. Sa susunod na buwan ay birthday na nito. Doon na lamang niya sasabihin sa nobyo na buntis siya-- na ang batang dinadala niya ang regalo niya para s
SPGNapatiim bagang na lang si Simone habang sinusundan ng tingin ang ginawang pagkaladkad ng nobyo ni Joy dito. Galit na galit siya sa isipang niloloko lang nito ang babae.Matagal na siyang may pagtingin kay Joy pero dahil alam niyang may nobyo na ito ay nirespeto niya iyon. Subalit ngayon ay hindi na siya makapapayag na lokohin lang nito ang huli. Kung kinakailangang gumawa siya ng paraan para matulungan si Joy ay gagawin niya."Akin ka lang babes!" nahihibang na daing ni Ricks habang gumigiling sa ibabaw niya ang nobya."Walang pwedeng umangkin sa iyo kung hindi ako lang!" dagdag pa niya habang dinadama ang sarap dulot ng kanilang pag-iisa."Sa'yo lang ako babes! Oohhh.." ungol ni Joy nang siya naman ang ibabawan ng nobyo habang umuulos ito ng napakabilis. Para siyang lalagnatin sa ginagawa nito kaya mahigpit siyang napayakap dito."Malapit na ako babes-- Aaahhh..!" hiyaw ni Ricks at damang-dama ni Joy ang pagsabog ng katas nito sa kaniyang sinapupunan. Pagod na ibinagsak ni Rick
"Aalis ka na kaagad babes? Akala ko ba ay two weeks ka pang mag-stay dito sa bahay kasama ko?" takang tanong ni Joy sa nobyo matapos nitong sabihing kailangan na nitong bumalik sa trabaho. "Akala ko din babes eh pero kanina ay tinawagan ako ng boss ko na kailangan ko ng bumalik sa trabaho." malungkot na sagot ni Ricks sa nobya. Ang buong akala din niya ay makakasama niya ito ng matagal ngayon dahil ang alam niya ay dalawang linggo pa mag-stay ang asawa niya sa ibang bansa pero laking gulat niya nang tinawagan siya ng kapatid niyang si Rhiya na hinahanap daw siya nito sa kanila at galit na galit ito. Napabuntong hininga na lang siya dahil bago pa lamang silang nagsasama ni Jade ay masiyado na siyang nasasakal sa babae, palaging ang gusto nito ang nasusunod kahit ang pagbisita niya ng matagal sa pamilya niya ay ikinagagalit nito. Ibang-iba ito sa nobya niyang si Joy at malabong matutunan niya itong mahalin gaya ng sinasabi ng ama nito. Bigla namang nakaramdam ng habag si Ricks para
"Ate Joy!" nasisiyahang sabi ng kapatid ni Ricks na si Rhiya pagbungad niya dito."Rhiya!" excited na salubong ni Joy sa kapatid ng nobyo sabay yakap dito. Na-miss niya ang mga kapatid ni Ricks, noon kasi ay palagi siyang nasa bahay ng mga ito pag day off niya."Kumusta ka na Rhiya--Pero bigla siyang natigilan sa pagsasalita nang hindi niya makita si Ricks-- sabado ngayon at inaasahan niyang uuwi ito."Teka Rhiya, nasaan ang kuya mo?" nagtatakang tanong niya sa kadarating lang na babae."Ah-- si kuya kasi ate isinama ng boss niya na magbakasiyon sa ibang bansa. Hindi na siya nakapagpa-alam sa'yo dahil biglaan ang pag-alis niya kaya sa akin na lang niya ipinasabi dahil alam niyang malulungkot ka pero huwag kang mag-alala ate sasamahan kita dito hangga't hindi bumabalik si kuya." mahabang paliwanag nito na hindi makatingin ng diretso sa kaniya."Ganoon ba.." dismayadong sagot ni Joy excited pa naman siya na makita ang nobyo dahil isang linggo na niya itong hindi nakikita pero kahit pap
"Kainin mo ang lahat ng ito ate Joy ha para maging healthy kayo ng magiging pamangkin ko." masiglang sabi ni Rhiya habang inaabot sa kaniya ang sinigang na hipon at chop seuy na niluto nito dahil alam nitong paborito niya ang mga iyon. Mayroon na ring mga sariwang prutas na nakahain sa mesa. "Hmm.. mukhang masasarap ang mga ito ah! Paniguradong mabubusog na naman kami ni baby sa mga niluto mo." puri ni Joy sa kapatid ng nobyo.Nahihiya na siya rito dahil ito ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay mula sa pagluluto, paglilinis at hanggang sa paglalaba ng mga damit niya katuwiran nito ay buntis siya at bawal siyang mapagod. Kayang-kaya naman daw nito ang mga gawaing bahay. Kahit anong kumbinsi niya na tulungan ito ay hindi siya nananalo kaya hinayaan na lamang niya ito.Ito rin ang palaging nagpapa-alala sa kaniya ng oras ng pag-inom ng mga vitamins niya kaya sa isip ni Joy ay napaka-suwerte niya dahil may hipag siya na katulad ni Rhiya, hindi nagiging boring ang araw niya dahil sa kak
Samantalang hindi makahanap ng pagkakataon si Ricks para matawagan at maka-usap niya ng matagal ang nobyang si Joy na nasa Pinas, paano ba naman ay bantay-sarado siya ng asawa niya. Ultimo cellphone niya ay pinakiki-alaman din nito. Sobrang busy din sila sa ginagawang Hotel dito sa Malaysia, bukod kasi sa asawa niya ay kasama din nila ang father-in-law niya na si Don Julio para mag-supervise sa kanila. Wala pa man siyang nalalaman sa negosyo ng mga ito ay isinali na kaagad siya nito sa proyektong iyon. Mabuti na lamang at fast learner siya. Madali niyang nagamay ang mga bagay na itinuro ng mga ito sa kaniya.Sa trabaho niya iginugugol ang lahat ng oras niya para hindi siya malungkot sa sobrang pagka-miss niya sa nobya at alam niyang miss na miss na din siya nito, kung pwede nga lang na hilain niya ang oras para makasama na ito ay gagawin niya. Isang buwan mahigit na lang kasi ay matatapos na ang ibinigay sa kaniya na palugit ni Don Julio para makasama pa niya ang nobyang si Joy at h
Galit na hinagis ni Jade ang nakita niyang figurine nang makarating siya sa kwarto dahil inis na inis siya sa asawa, ang buong akala pa naman niya ay okay na sila dahil hinahayaan na siya nitong makapasok sa buhay nito, iyon pala ay ang pesteng ex pa din nito ang mahal nito hanggang ngayon. Mag-iisang linggo na niyang sinusubukang akitin ang asawa pero wala iyong epekto rito. Hindi niya alam kung talaga bang malakas lang ang pagpipigil nito sa sarili o wala talaga siyang dating dito dahil palagi siyang ipinagtatabuyan nito pagdating sa bagay na iyon at sobrang insulto niyon para sa kaniya dahil siya pa ang nagpipilit dito para may mangyari sa kanila.Lalo siyang nainis nang maalala niya ang sinabi ng asawa, na mahal pa din nito ang ex nito at nagsisisi itong pinakasalan siya nito.Gusto niyang kausapin ang daddy niya kung ano ba talaga ang ginawa nito kay Ricks para mapapayag ito na pakasalan siya. Kapag may pagkakataon ay tatanungin niya ang daddy niya, ayaw niyang maka istorbo dit
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon