"Beh, mayroon ka na bang piece for your declamation?" salubong na tanong sa akin ni Mariz pagkapasok na pagkapasok ko sa room.
"Sinisimulan ko na." sabi ko at tinanguan niya naman ako bilang sagot.
Dumiretsyo na ko sa upuan ko at naabutan ko naman ang dalawa na kumakain ng baong piattos ni Delancy.
Kumuha ako d'un bago naupo.
Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing nakatingin na naman sa akin ang bwiset na si Dylan.
'Gusto niya ba kong tunawin?'
Hindi ko nalang siya pinansin at nakipagchikahan kina Julia.
"May utang ka pang kwento, Magi. Ngayon mo na bayaran."
Oo nga pala.
"Ayun nga, nalate ako kahapon kasi may nakita kong lalaki na nagpepainting sa veranda. Hindi ko napigilan ang sarili at lumapit sa kaniya para makipagchikahan. Tapos-" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat si Julia.
"Kamusta? Pogi naman ba?"
"Oo." sabi ko at hindi ko maiwasang mapangiti. "Mas pogi siya kapag naka smile kasi kitang-kita 'yung dimple niya sa kanang pisngi."
"Hala ka, Magi. Crush mo noh?" usisa pa ni Julia.
"Baka?"
Ewan ko ba pero I have this thought na 'yung crush ko n'ung bata at si Alec ay iisa. Kasi parehas silang magaling magpainting eh.
Isama mo pa 'yung sinabi niya sa akin kahapon na ipepaint niya daw ako na kagayang-kagaya din ng sinabi sa akin n'ung crush ko n'ung bata ako.
Nagkataon lang ba ang lahat?
"Okay ka lang, Magi?" tanong ni Dylan sa akin-
Teka! Bakit nandito 'to sa harap ko bigla??!
"Kumalma ka. Nandito ko para ibigay 'to." aniya saka inabot sa akin ang isang buong singkwenta. "Mukha kasing hindi ka makakatulog ng isang linggo hangga't hindi ko napapalitan 'yung reg card na inapakan ko eh."
Ano?!
Leche!
Ang yabang talaga!
Inis kong inabot 'yun at ibinulsa. Mamaya kasi magbago bigla isip niya at kuhanin agad sa akin 'yun. Mahirap na noh.
Mayaman kami, oo. Pero hindi naman porke mayaman ka eh aksayado ka na sa pera at gagastusin na lang ang pera mo ng walang pakundangan.
Ako kasi 'yung tipo ng tao na maski piso mahalaga para sa akin. Gusto ko gastusin 'yung pera ko sa makabuluhang bagay hindi sa kung ano-ano lang.
"Napasaya na ba kita, miss Serrano?" tanong pa niya at kinindatan pa talaga ako.
Nakakainis.
"Mas sasaya siguro ako kung hindi ko makikita 'yang pagmumukha mo."
Napatawa siya sa sinabi ko sabay iling.
"Ang sungit mo naman. Pero kahit gan'yan ka, sinasabi ko sa'yo, ako lang ang lalaking makatitiis sa ugali mong 'yan. Maniwala ka." makahulugan niyang sabi bago siya bumalik sa upuan niya.
Kinalabit ko si Julia sa tabi ko at bumulong..
"May topak ba 'yang kapatid mo?"
"Jusko naman, Magi. Akala ko kung anong importanteng tanong itatanong mo. Sa susunod na gawin mo 'yan, bubunutin ko talaga isa-isa buhok mo sa kilay."
Grabe naman 'to.
Ano bang masama sa itinanong ko? Hindi ba 'yun importante?
Hays.
Palibhasa busy na naman siya sa bago niyang lalake.
-
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang may biglang eroplanong papel ang bumagsak sa desk ko.
Agad ko itong kinuha at tinanggal sa pagkakatupi.
Ang galing mo siguro sa puzzles noh?Kasi umaga pa lang, nabuo mo na ang araw ko.
Napairap ako sa kawalan sa nabasa ko.
Kay aga-aga namang magpasikat ng Dylan na 'to. Corny naman.
Lulukutin ko na sana ang papel nang may mabasa ako.
0912*******
Ayan number ko. Text mo sa akin kung kinilig ka ha?
Umabot na talaga sa universe ang inis ko!
Kaya naman gigil na gigil kong nilukot ang papel at akmang ibabalibag 'yun nang tawagin ako ng prof ko sa MMW.
"Yes, miss Serrano? Do you want to answer the given problem on the board?"
Oh no.
Hindi ko alam isasagot d'yan kasi una sa lahat, wala akong naintindihan.
"N-no, sir. N-nagkakamot lang po ako ng ulo. Hehe."
Napatango naman siya at itinuloy ang discussion. Siya na din ang nagsagot ng pinapasagutan niya dahil wala ni isa sa amin ang naglakas-loob na sumagot.
Hindi rin siguro nila nagets 'yung lesson.
-
Breaktime na pero napagkasunduan naming tatlo nina Julia na hindi magpunta sa cafeteria kasi baka mamaya ay magkagulo na naman.
Ayokong makasagutan na naman si Lerisse at ang tatlo niyang musketeers. Mamaya ay sa guidance ako bumagsak.
Kaya ngayon, sa malapit na foodchain lang kami kumain. Maganda dito saka mura ang meals.
Nang makapasok sa foodchain ay naabutan naming puno ito ng halos estudyante sa university namin.
OMG.
Wala kaming pupwestuhan ni-
"Julia!" tawag ng isang lalaki kay Julia at sumenyas itong lumapit kami sa kanila.
Ay wow. Iba talaga kapag malandi, maraming kilalang lalaki.
"Uyyy!" sabi ni Julia saka bumeso sa tatlong lalaki. "Makikiupo kami, okay lang?"
"Sure, baby Juls." sabi ng lalaking kulay black ang buhok at naka shades ng kulay yellow.
Agad naman kaming umupo at saktong kaharap namin ang tatlong lalaki.
Sino ba ang mga 'to?
Akmang tatanungin ko sana si Delancy pero nakatitig lang ito sa tatlo na may namumungay na mata.
"Feeling ko hindi pa kami kilala ng isa niyong kasama." sabi naman ng lalaking may highlight ng pink ang buhok. "He's Yuwi." pakilala niya sa katabi na busy na nagcecellphone. Seryoso ang mukha nito at gwapo kaya lang mukhang isnabero. "He's Warren." pakilala niya naman sa nasa kabilang gilid niya. Siya 'yung nakasuot ng yellow shades. "And I'm Harris. Ang pinakagwapo sa DWEIYAH." ay. Medyo bumagyo ata pero slight lang.
Pero teka nga? Sinabi niya bang DWEIYAH?
Dahil d'un ay may another chika na naman ni Delancy ang naalala ko.
"Si Dylan at Harris ang lead vocal. Si Israel naman ang main vocal at face of the group habang si Eli ang vocalist. Si Warren naman ay ang lead guitarist at backing vocals. Si Yuwi ang drummer at BV at si Alec naman ay sa keyboard at BV din."
And ngayon ko lang din napagtanto na si Alec sa veranda na nagpepainting ay member din ng bandang DWEIYAH?
Wth?
"Ahh hello sa inyo. I'm Magi." nakangiting sabi ko at nakipagkamay sa kanila.
"Hindi ko kayo kilala kasi bago lang ako sa university and I just came back here in the Philippines a couple of days ago." pagpapatuloy ko.
"So saan kang galing na bansa kung ganon?" usisa ni Warren.
I think si Warren ang pinakamadaldal sa grupo nila? Sila ni Harris.
"Milan, Italy."
"Oh? L'Italia è un bel paese." sabi naman ni Harris.
Napahanga ako dahil marunong pala siyang mag Italian.
"Assolutamente giusto." sabi ko at natawa ng bahagya. "Parli fluentemente italiano."
"Grazie, signorina."
Sasagot na sana ako nang umextra si Julia.
"Respeto naman sa mga hindi nakakaintindi ng Italian noh? Apat kami ditong parang tangang nakikinig sainyong dalawa."
"Non mi interessa, cagna." sabi ko habang natatawa.
"Hoy ano 'yon? Minura mo ba ko?"
"Wala." sabi ko saka tumingin kay Yuwi. "Hindi ba siya nagsasalita?"
Agad nitong binitawan ang cellphone na hawak at walang gana akong tinignan.
"Wala akong kapansanan para hindi makapagsalita. Sadyang hindi ko lang sinasayang ang laway ko sa walang kwentang bagay."
Napa ismid naman ako sa sinabi niya. Jusko. Next time talaga hinding-hindi ko na susubukan uling kausapin siya.
-
Naglalakad kami sa hallway pabalik sa room nang may biglang umeksena.
Si Dylan na naman?
"Hi, Magi." bati niya sa akin habang naglalakad patungo sa direksyon namin.
Heto namang si Delancy sa gilid ko, parang malalaglag na ang panty sa kilig.
"Alam mo ba-" pinutol ko siya sa sasabihin at inunahan ko na siya.
"Hindi pa."
Kita ko namang nainis siya d'un ng bahagya pero nagpatuloy pa din siya sa sasabihin.
"Okay lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo..
Basta pag-aralan mo lang akong mahalin."
Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. Habang eto namang si Julia sa gilid ko ay kilig na kilig.
"Pwede na ba kong tumawa?"
"Pwede naman. Kung sa pagtawa mo ilalabas ang kilig mo, bakit hindi?" aniya saka kumindat na naman.
Ahhhhh!
Naiinis na ko sa kaniya!
"Hindi mo kailangang bayaran tuition fee ko dahil una sa lahat, hindi ako mahirap. Pangalawa, hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin.
Wag ako ang pagtripan mo ha? Wala kong panahon sa mga gan'yan."
Nakakainis.
Hindi na talaga ako natutuwa sa mga corny niyang pick-up line.
-
"Bakit ba inis na inis ka girl sa kapatid ko? Fyi lang ha, ikaw lang ang babaeng binabanatan n'on. Wala ng iba. Ikaw lang kaya napakabanal mong bwiset ka. Wag ka na mag-inarte hoy!" bulyaw ni Julia sa akin pagkaupo namin sa upuan namin.
Hayy. Eto na naman siya.
"Manahimik ka d'yan o bubusalan ko bibig mo?"
"Aba? Ginaganyan mo na ko ngayon, Margaret?"
"Papalag ka ba ha-" nahinto ako sa sasabihin nang biglang umeksena si Delancy.
"Lagi nalang kayong nag-aaway. Daig niyo pa mag-asawang naubusan ng bigas. Tumigil na nga kayo d'yan."
"MANANAHIMIK KA O IKAW ANG HINDI KAKAIN NG ISANG BUWAN??!" sabay naming sigaw ni Julia kay Delancy na pakialamera.
"MAGI!" naudlot ang pag-aaway namin dito sa upuan namin nang may ulupong ang tumawag sa pangalan ko.
Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring nagsusulat.
Bakit ba kasi ang tagal dumating ng prof namin?
"Sana ulan ka at lupa ako." pagpapatuloy niya saka dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko.
"Bakit hindi? Mukha ka namang palaka." sabi ko at wala man lang tumawa sa joke ko. Hala? Corny ba?
"Para kahit gaanong kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo."
At ang mga kaklase ko? Mapababae o lalake ay todo kantyaw sa'min.
Wow! Kay Magi ka lang pala lalambot, Dylan eh.
Hayy. Kahit crush na crush kita Dylan, eh susuportahan na lang kita sa babaeng gusto mo.
Aaaah! Bagay sila ni Magi noh?
May chemistry sila! Nakakakilig naman.
Yuck. Kadiri ah.
"Sana okay pa 'tong kapatid mo." bulong ko kay Julia habang napapailing.
"Di'ba sabi ko nga sa'yo, ngayon lang 'yan nagkaganyan sa babae, malas niya pa at sa'yo pa siya naging seryoso." na-offend naman ako sa sinabi niya at masama ko siyang tinignan.
"Parang sinasabi mong hindi ako kaseryo-seryoso gan'un ba?"
"Alam mo Magi, malapit na kitang itulak sa inuupuan mo para naman gumana 'yang utak mo." aniya.
Inirapan ko na lang siya.
Kita ko namang nakangisi sa akin si Dylan ngayon habang nakaupo siya sa upuan niya.
Ewan ko ba sa lalaking 'yan? Kung trip niya lang ba ko o ano? Feeling ko kasi pinagtitripan niya lang ako eh kaya hindi ko nalang siniseryoso 'yung mga ganyanan 'yan.
Alam ko na 'yang mga damoves na 'yan dahil pinagdaanan ko na 'yan dati.
Flashback:
I was at grade 8 that time.
Crush na crush ko 'yung isang kaklase ko at ang pangalan niya ay Austin. Actually, magdadalawang taon ko na siyang crush pero mukhang hindi niya naman ako mapapansin dahil hindi naman ang kagaya ko ang tipo niya sa mga babae.
Grade 8 pa lang kami pero marami na siyang naging girlfriend. Oo, playboy si Austin pero kahit ganun siya eh crush ko pa din siya.
Ang talino niya kasi at ang galing niya pa magbasketball.
Isang araw, napansin kong parang nakikipagclose sa akin si Austin. Nakikipag-usap na siya sa akin at minsan pa nga eh binabanatan niya ko ng mga pick-up lines niya.
Minsan din niyang sinabi na gusto niya ako at gusto niyang manligaw sa akin. Tutal naman crush ko siya kaya pumayag na din akong magpaligaw sa kaniya.
Isang linggo lang siguro ang lumipas at sinagot ko na siya kaya nga lang n'ung sinabi ko sa kaniya na sinasagot ko na siya ay bigla niya akong tinawanan.
Sabi pa niya..
"Umasa ka talagang magkakagusto ako sa'yo? Gumising ka nga, Magi. Hindi ako 'yung lalaking magkakagusto sa kagaya mo.
"Niligawan kita dahil pustahan namin 'yun ng tropa ko. Sinabi nila sa akin na kapag napasagot kita, bibigyan nila ako ng motor.
Kaya salamat at sinagot mo ko huh? Pero hanggang dito nalang tayo, Magi. Pasensya na, break na tayo."
End of flashback.
Tuwing naalala ko 'yun ay hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko. Kasi ang tanga tanga ko. Kasi ang dali kong mauto. Ang dali kong maloko. Ang dali kong mapaniwala.
Magmula ng mangyari 'yun ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magtitiwala sa lalaki. Hindi na ko aasa sa mga salitang bibitawan nila sa akin.
Kung sasabihin nilang gusto nila ko, gusto kong patunayan muna nila at hindi 'yung puro salita lang.
Mahirap na at baka mangyari ulit 'yung nangyari sa akin dati. Ayoko na. Nakakatakot ng umasa sa wala.
'Kaya please lang Dylan, kung wala ka naman talagang planong gustuhin ako, itigil mo na 'to. Hindi na kasi nakakatuwa.' bulong ko sa sarili at yumuko sa desk ng upuan ko.
-
Uwian na sa wakas.
"Mauna na kayong umuwi, may pupuntahan lang ako."
Tumango naman sila at naglakad na paalis.
Ako naman ay dumiretsyo sa cr para umihi.
Ito talaga 'yung mahalaga kong pupuntahan eh HAHAHAHA.
Hindi na ako nagpasama sa kanila mag cr dahil hindi naman na ako bata para may magbantay sa akin sa labas ng cubicle para magpaabot ng tabo pambuhos.
Buti nalang talaga at may flush ang toilet dito. Hindi gaya n'ung napasukan kong academy sa Italy n'ung grade 9 ako.. Ang ganda ganda ng school tapos 'yung cr barado. Wala pang flush. Jusme.
Nasa ganoon akong pag-iisip paglabas ko ng cubicle nang mapansin ko si Lerisse na nakaharap sa salamin at nagmemake-up.
Lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"May itinatago ka din palang kalandian noh? Akalain mo nga naman, hamak na newbie ka lang dito sa university pero kung manglandi ka kay Dylan, para bang galawang professional ka na.
Baka lang hindi mo alam, ako si Lerisse Rodriguez. Ang main vocalist ng Mystica at ang magiging girlfriend ng nilalandi mong si Dylan.
Gusto ko lang malaman mo para naman alam mo kung saan ka lulugar."
Akmang aalis na siya ng cr nang pigilan ko siya.
Hindi pwedeng wala kong isasagot sa kaniya.
"Bakit naman ako lalandiin ni Dylan kung talagang mahalaga ka sa kaniya? Baka ikaw lang 'tong feelingera?"
Kita ko namang nainis siya sa sinabi ko.
"Hindi ako nakakatuwang kalaban, Magi. Kaya mag-isip isip ka kung ipagpapatuloy mo 'yang panlalandi mo kay Dylan. Kaya kong gawin ang lahat mabura ka lang sa direksyon ko. Kaya kung ako sa'yo, huminto ka na sa mga balak mo." aniya saka kinuha ang isang tabong tubig at ibinuhos 'yun sa damit ko. "Sana naman magising ka sa lamig ng tubig na ibinuhos ko sa'yo. Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal."
Umalis na siya habang ako ay heto, nanginginig sa lamig ng tubig.
Hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko maiwasang maalala ng paulit-ulit 'yung huli niyang sinabi.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Natawa ako bigla. Kasi tama naman siya. Hindi na dapat ako umasa na may magmamahal sa akin dahil hindi nga naman ako kamahal-mahal.
Hindi nga ako mahal ng sarili kong pamilya eh kaya bakit pa ko aasang may magmamahal sa akin na ibang tao kung mismong sarili kong pamilya eh gusto na kong itakwil?
Bakit ba kasi binuhay pa nila ako? Para maranasan lahat ng 'to? Para paulit-ulit masaktan kasi nga WALANG NAGMAMAHAL SA AKIN?
Mahirap ba kong mahalin? Ano bang mali sa akin? Ano bang kulang?
Nakakainis.
Lumabas na ko ng cr at balak kong umuwi ng ganito ang itsura nang biglang may nabunggo akong lalaki sa paglalakad ko.
Pagkatingala ko para tignan kung sino..
"A-alec?"
Nakatingin siya ngayon sa damit kong basang-basa.
"Natapon kasi 'yung tubig sa damit ko-" hindi na ko natapos sa sasabihin nang bigla niyang hubarin ang suot niyang t-shirt.
"B-bakit-"
"Isuot mo na. Okay na kong nakasando lang kaya magpalit ka na. Kaysa naman matuyuan ka at magkasipon pa."
Agad naman akong bumalik sa cr at sinuot ang damit niya.
Impernes. Hindi amoy anghit ang damit niya.
Malamang. Kasi galing sa gwapo eh.
Paglabas ko ng cr ay hindi ko na siya naabutan. Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta.
Sayang. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.
-
Nakauwi na din ako sa bahay.
Hayy. Feeling ko naging mahaba ang araw na 'to.
Paakyat na sana ako para matulog nang bigla akong tawagin ni mommy.
"Magi, magbihis ka na at may dinner tayo sa bagong business partner natin."
Ayy oo nga pala. Ngayon nga pala 'yung dinner namin sa bago naming business partner..
Ano ba 'yan? Gustong-gusto ko pa namang matulog.
Pero dahil si mommy nagsabi, wala na din akong nagawa kundi ang sumunod. Baka sa pagsunod sunod ko sa utos niya eh magawa niya na akong mahalin.
Hayyyy.
Tonight, I'm wearing a little black dress with denim jacket, and a pair of golden goose sneaker.
Hindi ko naman na kailangang bonggahan.
Bakit? Sino ba sila para magpa impress ako diba?
"Magi!"
Ayan na ang signal para bumaba na ako sa baba dahil nand'yan na siguro ang bisita.
Nagmamadali akong bumaba at tumakbo ako papuntang garden.
Naabutan ko silang nag-uusap d'un kaya naglakad ako palapit sa kanila upang makapagpakilala.
"Hello po. I'm Magi—" napahinto ako sa sasabihin nang may pamilyar na mukha akong nakita.
'A-alec?' bulong ko sa sarili.
Anong ginagawa niya dito? Ibig bang sabihin, sila ng pamilya niya ang bago naming business partner? Malamang, Magi. Kaya nga siya nandito sa bahay niyo di'ba? "Have a seat." anyaya ni mommy kina Alec at sa mga magulang niya. Tulala pa din ako at hindi makapag-isip ng maayos. Idagdag mo pa na nandito si Alec ngayon; kaharap ko. Parang gusto ko biglang matunaw na parang ice cream. "I am very sorry for my husband's absence. He's currently out of the country, may inaasakiso lang. Pero uuwi na siya sa susunod na linggo, if I'm not mistaken. Anyway, I'm very glad na pumayag kayo sa proposal namin. Don't worry, hindi kayo magsisisi.
Dalawang araw nalang ang preparasyon namin para sa event for Buwan ng Wika. Ngayon pa lang kinakabahan na ako kasi hindi ako makagawa ng matinong piece. Tuliro ang utak ko at hindi makapag function ng maayos. Nakakainis naman. Dapat sa mga oras na 'to eh nag-eensayo na ko para sa gagawin ko sa event pero heto ako, gumagawa pa din ng piece ko. Samantalang si Delancy eh nagpapractice na kasi siya ang sumali sa spoken word poetry. Si Julia naman ay walang choice at bumagsak siya sa musical performance. Alam niyo nagsisisi na talaga ako na nagpresinta pa kong lumaban dito sa declamation na 'to. Akala ko kasi madali lang umisip ng piece pero hindi ko inaasahan na gan'to pala kahirap.
"Hoy girl, bakit namumugto yang mata mo?" salubong ni Julia sa akin pagkaupo ko sa upuan. Pati pala siya napansin niya. "Wala, guni-guni mo lang 'yan." biro ko pa pero halata namang hindi ko siya napaniwala dun. "Nagkasagutan lang kami ni mommy kagabi." "Dahil ba hindi siya nakapunta?" tumango ako. "Bakit daw?" "Nawala daw sa isip." "Hindi ako naniniwala dyan sa mommy mo. As far as I know, araw-araw siyang umiinom ng Memo plus gold noh so paano niya makakalimutan yun?" biro niya. "Ayaw niya lang talagang panoorin ka." Mapait akong napangiti. Minsan yung mga salita ni Julia e
Araw ng byernes ngayon at wala kaming pasok. Yeah, every friday and sunday kami walang pasok. 'Yun ang nagsilbi naming weekend.Kaya ngayon tengga ako ngayon sa bahay at hindi alam kung anong gagawin ko.Makikipagtitigan nalang ba ko dito sa kisame buong maghapon?Grabe ang boring ng buhay ko.Bigla ko tuloy naalala 'yung huntahan namin ni Julia kahapon, matapos nung performance nila Dylan.Flashback:"Punyeta ka Magi, aminin mo nga sa akin.. Pinainom mo ba ng gayuma kapatid ko ha? Nakakagulat na kinakantahan ka na ngayon." pinalo ko siya sa braso dahil baka may makarinig sa kaniya.
Sabado ngayon, may pasok dapat kami kaya lang nagsuspend ng pasok ang campus namin dahil may biglaang meeting daw ang mga professors. Hindi ko lang kung ano or bakit biglaang nagkameeting basta ang mahalaga ngayon, walang pasok! Akala ko nga makakapagpahinga ko ngayong araw at makakatulog ng maghapon kaya lang bigla akong nakareceive ng text galing kay Julia. Invited kami ni Dylan sa birthday party ni Lerisse. Sumama kayo ni Delancy kung hindi isasara ko mga butas ng ilong niyo! Oh diba, ang gandang bungad ng text message ng babaeng 'yun. Kahit kailan talaga hindi mawala-wala sa kaniya ang magbanta. Buti nalang talaga hindi siya mangkukulam kung hindi, nako! Matagal na kong todas. Hindi nalang ako humindi sa alok niya kasi aaminin ko na gusto ko ding gumala. Kahit kakagala ko lang kahapon pero ewan ko ba, kapag nasa bahay lang ako para bang nanghihina ako. Di bal
"Humawak ka sa akin nang mabuti." Agad akong inalalayang makatayo ni Dylan saka hinawakan ang aking kamay. Buong akala ko ay sa swimming pool na ako mamamatay, buti na lang ay nagawa akong iligtas ni Dylan sa bingit ng kamatayan. Nagulat ako nang biglang paalis na sana kami nang makitang nasa harap namin si Lerisse na nanlilisik pa din ang mata sa akin. "Magi!" napalingon ako sa sigaw ni Julia kasama si Delancy habang patakbo silang lumalapit sa akin. "What happen? Bakit basang-basa ka?" aniya matapos makalapit sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nagkusa na lang siyang napalingon kay Lerisse sa kinatatayuan nito. "Kung sabagay, hindi na ko magugulat kung ikaw ang may gawa nito kay Magi." sabi ni Julia kay Lerisse. "Sino pa ba ang sobrang insecure kay Magi dito kung hindi ikaw lang naman diba? Alam mo, Lerisse.. Lumalala na ang sakit mo sa utak! Patagal ng patagal, pabobo ka ng pabobo!" "Oo na, Julia! Ako na ang may kasalanan! Ako na ang ma
Bigla akong nanghina sa kinatatayuan ko habang nakapako pa din ang paningin ko sa kanilang dalawa.Parang biglang nilamon ng lupa ang lakas ko at hindi ko na alam kung paano tumayo ng tuwid.Muntik na nga akong matumba dito pero buti nalang ay agad akong naalalayan ni Delancy."Uyy, ano nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong sa akin ngunit hindi ako sumagot.Pakiramdam ko maski boses ko ay bigla nalang din naglaho."Magi?" muli niyang tugon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumakap sa kaniya at umiyak sa balikat niya.Hindi na kaya ng sistema ko 'to. Ang sakit sakit na.
Agad kong hinablot sa kaniya ang cupcake na kinuha niya sa akin pero pilit niya itong nilayo sa akin. GRRRRR. Nang-aasar ba ang lalaking 'to?! Sinubo niya na yun ng buo saka ako tinignan habang nakangisi. "Ano? Kukunin mo pa?" aniya habang ngumunguya. Kadiri. Napakabwiset niya talaga kahit kailan! "Tingin ko naman, Delancy ay nagustuhan ni Dylan yung cupcake na binigay mo para sa kaniya.. Kaya, umuwi na tayo. Baka may masuntok ako dito nang di oras." Tumango siya sa akin saka saglit na tumingin kay Dylan.. "Una na kami, Dylan.. Sana nagustuhan mo yan. Pinaghirapan ko yan gawin para sayo." Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod nilang pinag-uusapan dahil nauna na ako sa kanilang lumabas. Ang dami nilang chika, wala namang mga kwenta. Pagkalabas ko ng classroom ay kusa kong naalala yung nangyari kanina. Hindi nama
"Is this yours?" dinig kong tanong ng lalaking nasa likod ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yun.. At.. "D-Dylan?" naluluha kong sabi saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang malaking pagbabago sa katawan niya.. Wala namang pinagbago ang lusog ng katawan niya dahil nananatili pa din siyang sexy at macho sa mga mata ko. Ang dati namang rainbow color niyang buhok ay napalitan ngayon ng matingkad na kulay itim. Rainbow color kasi kada linggo yata eh nagpapalit siya ng hair color. Minsan pink, minsan blonde tapos minsan red pa nga. At masasabi kong sa itsura niya ngayon eh okay na siya at nakikita kong maaliwalas ang mukha niya. "Kilala mo ko?" nagtataka niyang tanong dahilan upang manghina bigla ang mga binti ko. Fvck. H-Hindi niya a-ako na-nakikilala? "Wag ka namang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa." kunwaring galit na sabi ko saka bahagyang natawa
Naabutan ko na nasa labas na ng room si Eli kaya naman sinenyasan niya akong ipasok na din si Delancy sa loob..Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo na sa table si Warren habang nakablindfold din.OMG.Exciting 'to.Matapos kong mapaupo sa kaharap na upuan si Delancy ay pasimple na akong umexit sa loob."Kinikilig ako sa kanila." naeexcite na bulong ko kay Eli.Bahagya naming hinawi ang kurtina sa may bintana upang makasilip sa kung ano nang nangyayari sa loob.Nakita naming gulat na gulat yung dalawa nang makita ang isa't isa pagkatanggal ng mga blindfold nila.
Maglilimang buwan na ang nakakalipas and wala pa din akong Dylan na nakikita.Nakausap ko si Julia kamakailan lang via Skype and she told me na bumubuti naman na daw ang lagay ni Dylan don.Kaya nga lang, hindi pa daw pinapayagan ng doktor dun si Dylan na makapagtravel na kasi it should took 4-5 months daw ang recovery niya after the surgery.Nakiusap naman ako kay Julia na kahit kako sa Skype eh makausap si Dylan kaya lang she doesn't let me to talk to him kasi nga bawal siyang mapagod and the radiation he might get using gadgets will probably affect to his eyes.So anong connect nung mata sa kidney niya?Ang sabi lang sa akin ni Julia, pinag-iingat daw sila ng doktor sa pag-aalaga
Mabuti na lang at dumating din kaagad sina Eli at mayroon silang kasamang mga pulis kaya nahuli na din nila yung drug lord na kumidnap sa amin na napag-alaman naming matagal na ding pinaghahanap ng pulisya.Habang si Dylan naman ay nagmamadali naming itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."Wag kang pipikit, Dylan. Parang awa mo na." naiiyak kong sabi sa kaniya.At nakikita ko sa mukha niya na nilalabanan niya talaga ang sarili na huwag makatulog."M-Mahal na ma-hal ki-kita." dinig kong mahina niyang bulong sa akin.Sunod-sunod naman akong napatango saka siya nginitian."I love you too."
Nagising ako na nasa isang lumang bahay habang nakahiga ako sa isang kama. Ang mga kamay at paa ko naman ay nakagapos.Napalingon ako sa gawing kanan..Si Macy..Kagaya ko, nakagapos din ang kamay at paa niya habang nakabaluktot na natutulog.Mayamaya lang din ay nagising na siya at nagsalubong ang mga tingin namin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo."N-nasaan si Dylan?" mahina niyang tanong nang mapansing hindi namin kasama sa kwartong 'to si Dylan.Maski ako ay hindi alam ang isasagot sa kaniya. Wala na kasi akong maalala sa nangyari maliban sa tinakpan nila ang mga bibig namin dahilan para makatulog kami.
"Dahan-dahan lang." sabi ni Eli habang inaalalayan akong sumakay ng kotse niya.Nang makasakay na ako sa passenger's seat ay agad din siyang umikot pasakay sa driver's seat at pinaandar na ang kotse."Paano mo ako nahanap dito?" hindi maiwasang tanong ko.Saglit niya naman akong pinasadahan ng tingin saka ngumiti."Yung kutsilyong ibinigay ni Delancy sayo, may tracker yun." aniya saka nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malakas ang pakiramdam ko na maaaring may mangyaring ganto kaya naisipan ko na ibigay sayo yung kutsilyong ipinamana pa sa akin ng lolo ko..Naalala ko, sinabi sa akin ni lolo nung ibinigay niya sa akin yun na ibigay ko daw yun sa taong nararamdaman kong ma
"Subukan niyong lumapit sa akin, sinasabi ko sa inyo! Hindi ako magdadalawang-isip na paputukan sa ulo si Magi!" galit na sabi ni Macy saka mas lalong idiniin ang pagkakadikit ng baril sa sintido ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakapit sa braso ni Macy at pilit itong hinahatak palayo sa akin kaya lang masyado siyang malakas sa akin ngayon."Wag kayo matakot. Laruan lang 'yang hawak ni Macy." sabi naman ni Julia sa mga pulis."Hindi na 'to laruan, Julia." natatawang sabi ni Macy saka itinaas ang hawak niyang baril at pinaputok yun.Shit.Totoong baril na nga ang hawak niya ngayon.
Inis akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa napakakulit na insektong daan nang daan sa hita ko at—Insekto nga."Ang aga mo namang mambulabog!" inis kong sabi kay Julia na ngayon ay blanko ang mukha.Luh?"Napakakapal ng mukha ng kapatid mo noh?" panimula niya saka kumuha ng unan at sumandal sa head board ng kama. "Ang lakas ng loob niyang ikwento sa akin kahapon yung nangyari at ibinida pa niya talaga na siya daw ang nagdala kay mama sa ospital.Kahit hindi na ko magpakwento sayo, alam ko na agad.Well, totoo naman yung kwento ni Macy kaya lang knowing Macy, hobby niya mambaliktad ng kwento diba kaya alam kong siya ang t
Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Macy bago sumunod kay Dylan papasok sa loob ng ospital.Habang ako, eto..Hindi alintana ang mga taong nakakakita sa akin. Basta iyak lang ako ng iyak dito na para bang hindi ako marunong mapagod sa kakaiyak.Napahilamos ako sa mukha ko saka kinusot-kusot ang mata ko para pahiran yung walang katapusan kong luha.Nakakainis.Naalala ko pa na sabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko at isasantabi ko muna yung galit ko sa kapatid ko para i-comfort siya pero ito naman ang napala ko.Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Hindi ko inaasahang ipapasa niya sa akin yung kasalanan niya.