Share

Chapter 4

Author: iamsashi_
last update Last Updated: 2021-10-19 15:19:48

Anong ginagawa niya dito? Ibig bang sabihin, sila ng pamilya niya ang bago naming business partner?

Malamang, Magi. Kaya nga siya nandito sa bahay niyo di'ba?

"Have a seat." anyaya ni mommy kina Alec at sa mga magulang niya.

Tulala pa din ako at hindi makapag-isip ng maayos. Idagdag mo pa na nandito si Alec ngayon; kaharap ko.

Parang gusto ko biglang matunaw na parang ice cream.

"I am very sorry for my husband's absence. He's currently out of the country, may inaasakiso lang. Pero uuwi na siya sa susunod na linggo, if I'm not mistaken.

Anyway, I'm very glad na pumayag kayo sa proposal namin. Don't worry, hindi kayo magsisisi. We will be succeed together."

"Wala 'yun, Laisa. Hindi ka naman na iba sa amin." sabi ni tita Wendy.

Hindi na ko nagulat na close sila kasi bakit hindi? They're highschool friends way back then.

Kaya lang hindi ko naman expected na anak pala ni tita Wendy si Alec. I was surprised talaga.

Habang nasa gitna ng pagkain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Alec..

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya habang kumakain. Napakasimple niyang lalaki pero ang lakas ng dating.

Sana kagaya na lang ng ibang kwento 'yung mangyari sa buhay ko. 'Yun bang magpapa dinner meeting 'yung magulang mo and then mayamaya lang ay bigla ka nilang gugulatin sa nakakatindig-balahibo nilang announcement; which is ipapakasal ka nila sa business partner ng family niyo.

How I wish na sana mangyari sa akin 'yun ngayon. Kasi wala ng pag-iinarte at papayag talaga ko. Baka nga pasalamatan ko pa si mommy na ginawa niya 'yun eh.

Like;

"Of course mom, I am willing to marry Alec if that's the only way to save our company."

Di'ba, ang bongga—

"What are you talking about, Magi?" napabalik ako sa ulirat nang sabihin ni mommy 'yun.

Teka, ano bang sinabi ko?

"You're not going to marry Alec. At mas lalong hindi mo gagawin 'yun para i-save ang company natin dahil maayos naman ang takbo nito."

Ohh no.

Akala ko sa isip ko lang nasabi 'yun. Nakakahiya.

Alanganin naman akong napatingin kay Alec na ngayon ay tinitignan na din ako. Bahagya pa siyang nakangisi, nakakainis.

"Wala po." nahihiyang sabi ko at nagmamadaling inabot ang baso na may tubig at iniinom ito.

OMG. Pakiusap lupa, bumuka ka at kainin mo na ko ngayon din.

"Pumunta muna kayo sa sala, may pag-uusapan lang kami." utos ni tito Fred; ang daddy ni Alec.

Agad kaming tumayo sa lamesa at nagtungo sa sala ng bahay.

Balak ko talaga sanang iwan na lang si Alec d'un at pumasok na sa kwarto ko nang bigla siyang nagsalita.

"Hey, future fiancé."

OMG. Pati ba naman siya? Hay nakooo. Hindi na ko magugulat na baka bukas bigla na lang niyang gamiting pang-asar sa akin 'yan.

Nakakahiya talaga huhuhu. Bakit kasi sabaw ako kanina eh?

"Kidding." aniya saka naupo sa sofa. "Kwentuhan muna tayo. Wag ka mahiya, hindi ka naman na iba sa akin."

Walang pag-aalinlangan akong naupo sa sofa katabi niya. Ayoko namang isipin niya na binabaliwala ko lang siya. Still bisita pa din namin siya. Baka mamaya masermunan na naman ako ni mommy nito kapag binastos ko 'to. Anak pa naman 'to ng kumare niya, hmpk!

"Hindi na ko nagulat na hindi ka aware na anak ako ng bestfriend ng mommy mo n'ung high school sila." panimula niya. "Ang nakakakilala lang kasi sa'kin ay si Cyril." pagtukoy niya sa kapatid kong si Macy. "We've met during my childhood days. Lumaki ako sa Germany and umuwi kami dito sa Pilipinas nung 8 years old ako. Naging kapitbahay ko pa nga kayo eh kaso nagkataon n'un na wala ka. Balita ko naiwan ka daw sa Italy habang si Cyril naman ay nandito sa Pilipinas. At d'un ko siya nakilala.

Naalala ko pa nga na napadaan siya sa harap ng bahay namin. Saktong nagpepainting ako n'un kaya hindi ko siya napansin.. Pero nung namalayan kong may naglalakad papunta sa direksyon ko, dun ako natigil sa ginagawa. At ayun nakita ko siya, manghang-mangha siya sa painting ko.

Na touch naman ako kasi first time may nagsabi sa akin na ang ganda daw ng gawa ko kaya naman sinabi ko sa kaniyang gagawan ko siya ng painting balang araw."

Nagulat naman ako sa kinwento niya. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya na hindi si Macy ang nakilala niya nung bata pa siya kundi ako.

Kaya lang may kung anong pumigil sa akin para wag ng magtangkang magsalita.

"Magaling ka naman kasi talagang magpainting." sabi ko.

"Nga pala, kung gusto mong magpapainting sa akin, bigyan mo nalang ako picture mo. Wag ka mag-alala, hindi kita sisingilin. Hindi ka naman na iba sa akin."

Nginitian ko lang siya at tinanguan.

Hindi ko alam kung ako lang ba nakapansin na bakit madalas niyang sabihin na hindi naman na ako iba sa kaniya?

Ayokong mag expect ng kung ano pero..

Hays.

"Balita ko kinukulit ka pala ng pasaway kong kaibigan." biglang pag-iiba niya ng topic. "Si Dylan."

Matapos marinig ang pangalan ng demonyong 'yun ay biglang sumama ang mukha ko.

Ewan ko ba, tuwing maririnig ko lang ang pangalan niya eh bigla nalang sasama ang timpla ng mukha ko.

"Ganun ba talaga 'yun? Napakakulit niya? Tapos ang hilig niyang bumanat ng pick-up lines pero corny naman. Hays. Hobby ba n'yang mangbwisit?"

Natawa naman siya ng bahagya.

"Ganun talaga 'yun si Dylan sa babaeng natitipuhan niya." nanlaki naman ang mata ko na napatingin sa kaniya.

Ano?

Ako? Type ni Dylan?

Imposible naman siguro yun.

"Paano ako magiging type ni Dylan eh kakakilala niya lang kaya sa akin. Transferee lang ako sa school niyo tapos magugustuhan niya agad ako? Ano yun? Love at first sight? Nakoo. Hindi ako naniniwala d'yan. Wag mo kong patawanin."

Muli siyang natawa sa sinabi ko.

Hala? Happy pill na niya ko nyan?

"Hindi ko naman sinabi sayo na ikaw lang ang natitipuhan ni Dylan. Hindi mo pa talaga kilala ang mga kaibigan kong 'yan.

Hindi ka ba aware na lahat tayo may posibilidad na magkagusto sa isa o mahigit pang tao?"

Oo nga naman noh. May point nga naman siya.

Maaaring type ako ni Dylan pero hindi naman ibig sabihin nun na ako lang ang pwede niyang matipuhan. Mukha pa naman siyang maharot na lalaki at maraming chix na nakakapit.

Malamang hindi lang ako ang binabanatan niya ng ganung pick-up lines.

"Hindi naman kami nangangagat kaya hindi mo kailangang matakot sa amin." aniya.

Siguro iniisip nitong natatakot ako sa kanila.

Duhh? Bakit ko kailangang matakot sa kanila? Sino ba sila?

"Si Yuwi, isnabero talaga 'yun kaya wag ka ng magulat kung magtatangka kang kausapin siya tapos hindi ka papansinin. Ayaw niya kasing nakikipag-usap kung hindi naman daw mahalaga ang pag-uusapan.

Si Eli naman, isa pa yun. Mukha lang siyang masungit kapag hindi nakangiti pero masaya naman kausap at kakwentuhan 'yun, lalo na kapag naging close mo siya.

Si Harris naman, nako sobrang daldal naman ng isang yun. Palaging maraming kwentong dala. Hindi nauubusan ng kwento saka maaasahan yun sa pagbibigay ng advices.

Si Dylan, Israel at Warren naman, sila ang chixx magnet sa grupo namin. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin noh?"

"Halata naman sa mga itsura." sabi ko at sabay kaming natawa.

"Napatunayan ko na ba sayong hindi talaga kami nangangagat?" aniya na ikinatango ko na lang.

Hindi naman kasi talaga sila nangangagat dahil hindi ko yata kayang ikumpara sila sa aso lang.

Masyado silang gwapo para maging aso.

-

"Magkasama kayo ni Alec kagabi??!" sabay na sabi n'ung dalawa kong kaibigan.

Hay nako. Kailangan talaga sabay pa sila?

Agad kong tinakpan ang mga bunganga nila dahil baka may makarinig sa kanila.

Mabuti nalang at walang masyadong nagdadaan dito sa hallway kundi baka chismis na naman 'to.

"Nagulat din ako na siya pala ang anak ni tita Wendy." sabi ko at ang dalawa ay titig na titig ang mga mata sa akin at parang may hinihintay na sasabihin ko. "Hindi ko siya fiancé, wag kayo umasa."

"Mabuti!" sabi naman ni Julia na parang nakahinga ng maluwag. "I mean, that's great. Kasi ang panget naman di'ba na ipapakasal ka ng mommy mo kay Alec eh hindi mo naman siya gusto di'ba?"

"Pero crush niya." sabat ni Delancy.

"Magkaiba ang gusto sa crush, Delancy. Kaya kung ako sa'yo, itikom mo bibig mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo—"

"Hep!" pag eksena ko sa pagtatalo nung dalawa.

Talagang dito pa sa hallway. Mga h****t.

"Oo na, crush ko si Alec. Pero hanggang dun nalang yun. Hindi na ko aasang humigit pa dun yun."

Ayokong umasang magkakagusto din si Alec sa akin dahil alam kong malabong mangyari yun.

-

Pagpasok namin sa room ay nagtaka ko kung bakit nagkakagulo ang mga kaklase ko.

Dun ko lang nabasa ang announcement na nakasulat sa white board na wala daw kaming prof sa dalawang subject namin.

Kaya naman pala ganito kasasaya 'tong mga kaklase ko eh.

"Hoy kayong tatlo, sumali kayo dito! Bawal kj, bilis!" aya sa amin ni Chloe; yung VP namin.

Lumapit siya sa amin habang may hawak na isang tape recorder.

"Remembrance lang 'to. Sabihin niyo dito kung sino crush niyo sa mga kaklase natin." aniya sabay abot sa amin ng tape recorder.

Napatingin naman ako kay Julia nang abutin niya ito at lumayo sa amin ng bahagya..

Papunta siyang..

Table sa gitna. Teka.. Masama ang kutob ko.

"Quiet muna mga bebe. Bibisto natin isa nating kaklase." aniya saka tumawa ng nakakaasar.

Pinipigilan naman siya nina Chloe pero ayaw niyang paawat habang kami ni Delancy ay nandito lang sa may pinto at nakatayo, naghihintay iplay ni Julia 'yung tape recorder.

Sino kaya ang maswerteng malalaglag sa crush niya?

"Crush kita, Magi."

Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang pangalan ko.

"P*****a, sino 'yang panget na nagkakagusto sakin?" bulong ko sa katabi kong si Delancy.

"Hindi ako pwedeng magkamali.. Kay Dylan ang boses na 'yun." nanlulumong sagot ni Delancy.

Teka, si Dylan?

"Leche ka, Dylan! Napakalandi mo talaga kahit kailan. Pati si Magi pinagtitripan mo." sabi ni Julia saka nilapitan ang kapatid saka ito inakbayan. "Pero impernes, may taste ka sa babae. Kapatid nga kita."

Tignan mo 'tong si Julia. Kinampihan pa sa kalokohan niya yung kapatid niya. Hay nako naman.

"Alam niyo, naglolokohan na lang tayo dito. Sunugin niyo na 'yang tape recorder na yan bago pa 'yan makapagkalat ng kamalasan." walang ganang sabi ko saka lumabas ng room.

Puro sila pakulo. Hay nako.

-

Apat na oras kaming tengga nito kaya naman dumiretsyo nalang ako sa may kubo sa gilid ng HRM building.

Kaysa naman sa cafeteria ako pumunta, baka pagbalik ko ng classroom eh hindi na ko makilala ng mga kaklase ko sa sobrang taba.

Joke.. Ang OA ko naman ata sa part na 'yun.

Speaking of my dearest nipa hut, naabutan ko si Eli na nakahiga dun.

Nagdalawang-isip tuloy ako kung tutuloy ba ko dun o hindi.

Mukha kasing natutulog siya.

Pero makikitambay lang naman ako eh. Hindi ko naman siya aabalahin sa pagtulog niya kaya siguro hindi naman masamang makitambay ako kasama siya.

Kaya naman naglakad na ko papuntang kubo kaya lang napansin ko na bumangon siya sa pagkakahiga.

Huli na para umatras ako dahil nakita niya na ako.

Shit bebs.

Nakakatakot siyang tumingin. Hindi ko tuloy maiwasang magduda sa sinabi ni Alec sa akin kagabi.

Hindi ko mahanap sa blankong mukha ni Eli kung saan banda siya masarap kakwentuhan.

"Ehem." pagtikhim niya senyales ata na pinapayagan niya akong maupo sa kubo kasama siya.

Kaya yun naman ang ginawa ko.

"Naabala ba kita sa pagtulog?"

"Sort of."

Hindi naman ako nasabihan ni Alec na englishero pala 'tong si Eli.

"Pasensya na—"

"Magulo kasi sa room para matulog kaya dito nalang ako nagpunta at nagbalak matulog.

Kaya lang nandito ka, nawala tuloy antok ko."

Hindi ko alam kung naninisi ba siya o ano? Pero malakas ang pakiramdam ko na sinisisi niya ko kung bakit naabala ang pagtulog niya.

"Pasensya na."

Saglit siyang tumingin sa akin at bahagyang napangisi.

"Wag ka mag-alala, hindi ako galit sayo." aniya saka kinuha ang gitara sa gilid niya.

"Naggigitara ka pala?" tanong ko.

Okay, pang tanga na talaga yung tanong ko. Basta nasa isip ko nalang, lahat itatanong ko wag lang ako ma-awkward-an sa kaniya.

"Oo. Nagpupunta ko dito madalas sa kubo para dito ako makapaggitara at makakanta nang walang nakakakita sa akin.

Kaya lang nandito ka eh, kaya pwede umalis ka na?" aniya saka huminto saglit at natawa. "Biro lang."

"Bakit naman mas gusto mong kumanta nang walang nakakakita sayo? Diba sikat kayo dito tapos nagpeperform pa kayo sa mga estudyante dito kaya sure naman akong naririnig at nakikita nila na kumakanta ka pero—"

"Magkaiba kasi ang pinapakita kong pagkanta sa harap nila at iba naman kapag ako lang mag-isa.

Feeling ko mas nailalabas ko yung emosyon ko sa pagkanta kapag mag-isa lang ako. Kapag kasi maraming mata ang nakatingin sa akin, hindi ko yun nagagawa.

Alam mo yung feeling na natatakot kang ilabas yung best mo sa harap ng marami kasi nandun yung takot na baka magkamali ka bigla."

Hindi ko alam na ang isang Eli dela Peña ay ganto mag-isip. I mean, hindi pala gaano kataas ang confidence niya sa sarili. May kahinaan din pala siya sa kabila ng kasikatan niya.

Paano ba 'to? Paano ko siya iko-comfort? Anong gagawin ko? Nakakatakot namang magsalita kasi baka mamaya ma-offend ko siya.

"Hindi mo kailangang matakot sa sasabihin ng iba. Kung magpeperform ka, ilabas mo na 'yung best mo.

Alam mo maswerte ka nga, hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity na makapagperform sa harap ng maraming tao. Kaya ikaw, bilang nandiyan ka na sa posisyon mo ngayon, gawin mo yung best mo para makapagperform ng maayos.

Hindi naman maiiwasang magkaroon ng problema at pagkakamali, hindi naman tayo perfect eh."

Napangiti siya saka saglit na inalis ang paningin niya sa akin.

"Paki judge naman 'tong kakantahin ko." aniya saka inayos ang gitara na nakapatong sa hita niya.

(Music played)

Napamangha ako sa ganda ng boses niya. Kahit medyo deep voice siya, maririnig mo pa din yung ganda ng boses niya talaga.

Ang pogi niya pa lalo tignan habang naggigitara siya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatulala sa kaniya.

"Okay lang ba yung boses ko, Magi?" nag-aalangan na tanong ni Eli.

OMG.

Masyado yatang naging matagal ang pagtulala ko sa kaniya.

"M-maganda. Ang sarap sa tenga. P-para akong n-nasa alapaap." 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Noemi Alonsabe
mahal naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Love to Last   Chapter 5

    Dalawang araw nalang ang preparasyon namin para sa event for Buwan ng Wika. Ngayon pa lang kinakabahan na ako kasi hindi ako makagawa ng matinong piece. Tuliro ang utak ko at hindi makapag function ng maayos. Nakakainis naman. Dapat sa mga oras na 'to eh nag-eensayo na ko para sa gagawin ko sa event pero heto ako, gumagawa pa din ng piece ko. Samantalang si Delancy eh nagpapractice na kasi siya ang sumali sa spoken word poetry. Si Julia naman ay walang choice at bumagsak siya sa musical performance. Alam niyo nagsisisi na talaga ako na nagpresinta pa kong lumaban dito sa declamation na 'to. Akala ko kasi madali lang umisip ng piece pero hindi ko inaasahan na gan'to pala kahirap.

    Last Updated : 2021-10-19
  • A Love to Last   Chapter 6

    "Hoy girl, bakit namumugto yang mata mo?" salubong ni Julia sa akin pagkaupo ko sa upuan. Pati pala siya napansin niya. "Wala, guni-guni mo lang 'yan." biro ko pa pero halata namang hindi ko siya napaniwala dun. "Nagkasagutan lang kami ni mommy kagabi." "Dahil ba hindi siya nakapunta?" tumango ako. "Bakit daw?" "Nawala daw sa isip." "Hindi ako naniniwala dyan sa mommy mo. As far as I know, araw-araw siyang umiinom ng Memo plus gold noh so paano niya makakalimutan yun?" biro niya. "Ayaw niya lang talagang panoorin ka." Mapait akong napangiti. Minsan yung mga salita ni Julia e

    Last Updated : 2021-12-03
  • A Love to Last   Chapter 7

    Araw ng byernes ngayon at wala kaming pasok. Yeah, every friday and sunday kami walang pasok. 'Yun ang nagsilbi naming weekend.Kaya ngayon tengga ako ngayon sa bahay at hindi alam kung anong gagawin ko.Makikipagtitigan nalang ba ko dito sa kisame buong maghapon?Grabe ang boring ng buhay ko.Bigla ko tuloy naalala 'yung huntahan namin ni Julia kahapon, matapos nung performance nila Dylan.Flashback:"Punyeta ka Magi, aminin mo nga sa akin.. Pinainom mo ba ng gayuma kapatid ko ha? Nakakagulat na kinakantahan ka na ngayon." pinalo ko siya sa braso dahil baka may makarinig sa kaniya.

    Last Updated : 2021-12-03
  • A Love to Last   Chapter 8

    Sabado ngayon, may pasok dapat kami kaya lang nagsuspend ng pasok ang campus namin dahil may biglaang meeting daw ang mga professors. Hindi ko lang kung ano or bakit biglaang nagkameeting basta ang mahalaga ngayon, walang pasok! Akala ko nga makakapagpahinga ko ngayong araw at makakatulog ng maghapon kaya lang bigla akong nakareceive ng text galing kay Julia. Invited kami ni Dylan sa birthday party ni Lerisse. Sumama kayo ni Delancy kung hindi isasara ko mga butas ng ilong niyo! Oh diba, ang gandang bungad ng text message ng babaeng 'yun. Kahit kailan talaga hindi mawala-wala sa kaniya ang magbanta. Buti nalang talaga hindi siya mangkukulam kung hindi, nako! Matagal na kong todas. Hindi nalang ako humindi sa alok niya kasi aaminin ko na gusto ko ding gumala. Kahit kakagala ko lang kahapon pero ewan ko ba, kapag nasa bahay lang ako para bang nanghihina ako. Di bal

    Last Updated : 2021-12-03
  • A Love to Last   Chapter 9

    "Humawak ka sa akin nang mabuti." Agad akong inalalayang makatayo ni Dylan saka hinawakan ang aking kamay. Buong akala ko ay sa swimming pool na ako mamamatay, buti na lang ay nagawa akong iligtas ni Dylan sa bingit ng kamatayan. Nagulat ako nang biglang paalis na sana kami nang makitang nasa harap namin si Lerisse na nanlilisik pa din ang mata sa akin. "Magi!" napalingon ako sa sigaw ni Julia kasama si Delancy habang patakbo silang lumalapit sa akin. "What happen? Bakit basang-basa ka?" aniya matapos makalapit sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nagkusa na lang siyang napalingon kay Lerisse sa kinatatayuan nito. "Kung sabagay, hindi na ko magugulat kung ikaw ang may gawa nito kay Magi." sabi ni Julia kay Lerisse. "Sino pa ba ang sobrang insecure kay Magi dito kung hindi ikaw lang naman diba? Alam mo, Lerisse.. Lumalala na ang sakit mo sa utak! Patagal ng patagal, pabobo ka ng pabobo!" "Oo na, Julia! Ako na ang may kasalanan! Ako na ang ma

    Last Updated : 2021-12-03
  • A Love to Last   Chapter 10

    Bigla akong nanghina sa kinatatayuan ko habang nakapako pa din ang paningin ko sa kanilang dalawa.Parang biglang nilamon ng lupa ang lakas ko at hindi ko na alam kung paano tumayo ng tuwid.Muntik na nga akong matumba dito pero buti nalang ay agad akong naalalayan ni Delancy."Uyy, ano nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong sa akin ngunit hindi ako sumagot.Pakiramdam ko maski boses ko ay bigla nalang din naglaho."Magi?" muli niyang tugon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumakap sa kaniya at umiyak sa balikat niya.Hindi na kaya ng sistema ko 'to. Ang sakit sakit na.

    Last Updated : 2021-12-03
  • A Love to Last   Chapter 11

    Agad kong hinablot sa kaniya ang cupcake na kinuha niya sa akin pero pilit niya itong nilayo sa akin. GRRRRR. Nang-aasar ba ang lalaking 'to?! Sinubo niya na yun ng buo saka ako tinignan habang nakangisi. "Ano? Kukunin mo pa?" aniya habang ngumunguya. Kadiri. Napakabwiset niya talaga kahit kailan! "Tingin ko naman, Delancy ay nagustuhan ni Dylan yung cupcake na binigay mo para sa kaniya.. Kaya, umuwi na tayo. Baka may masuntok ako dito nang di oras." Tumango siya sa akin saka saglit na tumingin kay Dylan.. "Una na kami, Dylan.. Sana nagustuhan mo yan. Pinaghirapan ko yan gawin para sayo." Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod nilang pinag-uusapan dahil nauna na ako sa kanilang lumabas. Ang dami nilang chika, wala namang mga kwenta. Pagkalabas ko ng classroom ay kusa kong naalala yung nangyari kanina. Hindi nama

    Last Updated : 2021-12-04
  • A Love to Last   Chapter 12

    After namin makapag-usap ni Alec sa coffee shop na yun ay nagpaalam na din siya agad sa akin na mauuna na daw siya kasi may pupuntahan daw siya. Habang ako naman ay dumiretsyo na pauwi dahil nga kailangan na din kasi ni mommy itong gamot niya.Right after maibigay ko yung gamot kay mommy ay dumiretsyo na din ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Ewan ko ba kung bakit wala akong gana kumain ngayon.. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makatulog at makapagpahinga.Kaya lang hindi din naman ako nakatulog agad dahil nga hindi ko maiwasang maalala yung naging pag-uusap namin ni Alec kanina.Bukod sa naging nakakahiya talaga yung nangyari kanina which is nasabi ko sa kaniya mismo yung mga salitang dapat iniisip ko lang.Hay nako. Kahit kai

    Last Updated : 2021-12-04

Latest chapter

  • A Love to Last   Epilogue

    "Is this yours?" dinig kong tanong ng lalaking nasa likod ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yun.. At.. "D-Dylan?" naluluha kong sabi saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang malaking pagbabago sa katawan niya.. Wala namang pinagbago ang lusog ng katawan niya dahil nananatili pa din siyang sexy at macho sa mga mata ko. Ang dati namang rainbow color niyang buhok ay napalitan ngayon ng matingkad na kulay itim. Rainbow color kasi kada linggo yata eh nagpapalit siya ng hair color. Minsan pink, minsan blonde tapos minsan red pa nga. At masasabi kong sa itsura niya ngayon eh okay na siya at nakikita kong maaliwalas ang mukha niya. "Kilala mo ko?" nagtataka niyang tanong dahilan upang manghina bigla ang mga binti ko. Fvck. H-Hindi niya a-ako na-nakikilala? "Wag ka namang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa." kunwaring galit na sabi ko saka bahagyang natawa

  • A Love to Last   Chapter 47

    Naabutan ko na nasa labas na ng room si Eli kaya naman sinenyasan niya akong ipasok na din si Delancy sa loob..Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo na sa table si Warren habang nakablindfold din.OMG.Exciting 'to.Matapos kong mapaupo sa kaharap na upuan si Delancy ay pasimple na akong umexit sa loob."Kinikilig ako sa kanila." naeexcite na bulong ko kay Eli.Bahagya naming hinawi ang kurtina sa may bintana upang makasilip sa kung ano nang nangyayari sa loob.Nakita naming gulat na gulat yung dalawa nang makita ang isa't isa pagkatanggal ng mga blindfold nila.

  • A Love to Last   Chapter 46

    Maglilimang buwan na ang nakakalipas and wala pa din akong Dylan na nakikita.Nakausap ko si Julia kamakailan lang via Skype and she told me na bumubuti naman na daw ang lagay ni Dylan don.Kaya nga lang, hindi pa daw pinapayagan ng doktor dun si Dylan na makapagtravel na kasi it should took 4-5 months daw ang recovery niya after the surgery.Nakiusap naman ako kay Julia na kahit kako sa Skype eh makausap si Dylan kaya lang she doesn't let me to talk to him kasi nga bawal siyang mapagod and the radiation he might get using gadgets will probably affect to his eyes.So anong connect nung mata sa kidney niya?Ang sabi lang sa akin ni Julia, pinag-iingat daw sila ng doktor sa pag-aalaga

  • A Love to Last   Chapter 45

    Mabuti na lang at dumating din kaagad sina Eli at mayroon silang kasamang mga pulis kaya nahuli na din nila yung drug lord na kumidnap sa amin na napag-alaman naming matagal na ding pinaghahanap ng pulisya.Habang si Dylan naman ay nagmamadali naming itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."Wag kang pipikit, Dylan. Parang awa mo na." naiiyak kong sabi sa kaniya.At nakikita ko sa mukha niya na nilalabanan niya talaga ang sarili na huwag makatulog."M-Mahal na ma-hal ki-kita." dinig kong mahina niyang bulong sa akin.Sunod-sunod naman akong napatango saka siya nginitian."I love you too."

  • A Love to Last   Chapter 44

    Nagising ako na nasa isang lumang bahay habang nakahiga ako sa isang kama. Ang mga kamay at paa ko naman ay nakagapos.Napalingon ako sa gawing kanan..Si Macy..Kagaya ko, nakagapos din ang kamay at paa niya habang nakabaluktot na natutulog.Mayamaya lang din ay nagising na siya at nagsalubong ang mga tingin namin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo."N-nasaan si Dylan?" mahina niyang tanong nang mapansing hindi namin kasama sa kwartong 'to si Dylan.Maski ako ay hindi alam ang isasagot sa kaniya. Wala na kasi akong maalala sa nangyari maliban sa tinakpan nila ang mga bibig namin dahilan para makatulog kami.

  • A Love to Last   Chapter 43

    "Dahan-dahan lang." sabi ni Eli habang inaalalayan akong sumakay ng kotse niya.Nang makasakay na ako sa passenger's seat ay agad din siyang umikot pasakay sa driver's seat at pinaandar na ang kotse."Paano mo ako nahanap dito?" hindi maiwasang tanong ko.Saglit niya naman akong pinasadahan ng tingin saka ngumiti."Yung kutsilyong ibinigay ni Delancy sayo, may tracker yun." aniya saka nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malakas ang pakiramdam ko na maaaring may mangyaring ganto kaya naisipan ko na ibigay sayo yung kutsilyong ipinamana pa sa akin ng lolo ko..Naalala ko, sinabi sa akin ni lolo nung ibinigay niya sa akin yun na ibigay ko daw yun sa taong nararamdaman kong ma

  • A Love to Last   Chapter 42

    "Subukan niyong lumapit sa akin, sinasabi ko sa inyo! Hindi ako magdadalawang-isip na paputukan sa ulo si Magi!" galit na sabi ni Macy saka mas lalong idiniin ang pagkakadikit ng baril sa sintido ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakapit sa braso ni Macy at pilit itong hinahatak palayo sa akin kaya lang masyado siyang malakas sa akin ngayon."Wag kayo matakot. Laruan lang 'yang hawak ni Macy." sabi naman ni Julia sa mga pulis."Hindi na 'to laruan, Julia." natatawang sabi ni Macy saka itinaas ang hawak niyang baril at pinaputok yun.Shit.Totoong baril na nga ang hawak niya ngayon.

  • A Love to Last   Chapter 41

    Inis akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa napakakulit na insektong daan nang daan sa hita ko at—Insekto nga."Ang aga mo namang mambulabog!" inis kong sabi kay Julia na ngayon ay blanko ang mukha.Luh?"Napakakapal ng mukha ng kapatid mo noh?" panimula niya saka kumuha ng unan at sumandal sa head board ng kama. "Ang lakas ng loob niyang ikwento sa akin kahapon yung nangyari at ibinida pa niya talaga na siya daw ang nagdala kay mama sa ospital.Kahit hindi na ko magpakwento sayo, alam ko na agad.Well, totoo naman yung kwento ni Macy kaya lang knowing Macy, hobby niya mambaliktad ng kwento diba kaya alam kong siya ang t

  • A Love to Last   Chapter 40

    Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Macy bago sumunod kay Dylan papasok sa loob ng ospital.Habang ako, eto..Hindi alintana ang mga taong nakakakita sa akin. Basta iyak lang ako ng iyak dito na para bang hindi ako marunong mapagod sa kakaiyak.Napahilamos ako sa mukha ko saka kinusot-kusot ang mata ko para pahiran yung walang katapusan kong luha.Nakakainis.Naalala ko pa na sabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko at isasantabi ko muna yung galit ko sa kapatid ko para i-comfort siya pero ito naman ang napala ko.Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Hindi ko inaasahang ipapasa niya sa akin yung kasalanan niya.

DMCA.com Protection Status