"Ayokong magpasaway ka dito sa Pilipinas. Pumayag ako sa daddy mo na dito ka mag-aral ng college dahil may tiwala ako sa'yo kaya wag mo kong bibiguin. Maliwanag ba, Magi?"
Walang gana akong napatango saka naupo sa dining table para kumain.
"Ang magagawa mo nalang ay mag-aral ng mabuti kaya sana naman gawin mo. Gayahin mo 'yung kapatid mong si Macy.. Kahit nag-aaral pa eh may magandang career na sa Italy.
Ikaw naman kasi, may magandang offer sa'yo d'un ang ninang Melody mo na trabaho pero sige ka pa din at pinipilit mo ang gusto mo—"
"Matutulog na ko. Good night." hindi ko na siya pinatapos sa panenermon niya at inunahan ko na.
Pagod ako ngayon para pakinggan ang paulit-ulit niyang sinasabi.
Kesyo tularan ko si Macy. Kesyo mas magaling si Macy kaysa sa'kin. Kesyo mas mabuting anak si Macy samantalang ako pariwara ang buhay at walang patutunguhan.
Lagi nalang si Macy ang bukambibig ni mommy. Wala na kong ibang narinig kundi Macy, Macy.
Edi siya na ang paboritong anak.
Minsan hindi ko nalang iniintindi 'yung mga gan'yan ni mommy pero syempre minsan naaapektuhan na din ako. Ang sakit kayang makumpara. Para bang sa aming dalawa ni Macy, ako 'yung walang kwentang anak.
Isang taon lang naman ang tanda sa akin ni Macy pero bakit parang mas maganda ang patutunguhan niya sa buhay kaysa sa'kin?
Nag-aaral naman ako ng mabuti eh pero hindi talaga ako magawang mapansin ni mommy dahil hindi naman ako si Macy para mapansin niya.
Hayy. Ampon lang ba ko sa pamamahay na 'to?
phone rings..
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring ito.
Si Julia pala tumatawag.
"What's up?" pagsagot ko sa tawag.
[Hey bijj! Welcome to the Philippines! Matulog ka ng maaga dahil may pasok na tayo bukas!]
Oo nga pala. Punyemas na 'yan. Tipong kakauwi ko lang ng Pilipinas tapos kinabukasan pasukan na? Ano ba naman 'yan? Baka dito ako mamatay agad ah?
"I was about to sleep actually. So alam mo ng nakakaistorbo ka?"
[Tumawag lang talaga ako para bwisitin ka. Sige na nga. Matulog ka na kaysa naman pumasok kang panget bukas. Ay nako, baka itakwil kitang kaibigan kapag nagkataon.]
"Fuck you." sabi ko saka inend call.
Bwisit talaga kahit kailan ang babaeng 'yun. Kung nagkataong kaharap ko siya, baka tinanggalan ko 'yun ng bagang nang hindi oras.
Hmmm.
Bigla akong napaisip.
Si Julia lang ang tumawag sa akin. Si Delancy kaya? Kamusta na kaya 'yun?
Ay di bale na nga. Magkikita-kita naman kami bukas kaya makakamusta ko din naman 'yun.
Ang mahalaga ngayon ay matulog.
-
"MAGI!" naagaw ang atensyon ko sa pagsigaw ni Julia sa may main gate.
Parang tanga at kumakaway pa.
Agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila ni Delancy at bineso silang dalawa.
God! Namiss ko silang dalawa.
"Nakakatuwa naman at magkakaklase na tayo ngayong college!"masayang sabi ni Delancy habang masaya kaming naglalakad na tatlo sa may open field ng university.
"Does that mean we are all taking same courses?" naguguluhan kong tanong sa dalawa.
At..
Sabay silang tumango.
OMG!
"FUTURE EDUCATOR!" sabay sabay naming sigaw saka masayang nag-apir.
Ito ang totoong squad goals. Charot.
"Dadaan pala muna kong registrar para kuhanin 'yung reg card ko. Mauna na kayo sa room."
"Alam mo ba kung saan room natin? Duling ka pa naman. Baka maligaw ka." pang-aasar pa ni Julia.
"Bawal bang magtanong dito?" mataray kong sagot at tinalikuran na sila.
Sayang lang laway ko kay Julia.
Pagdating ko sa registrar ay agad ko din namang nakuha 'yung reg card ko at papunta na sana ako sa room namin nang biglang may masalubong akong nagkakagulong mga estudyante at patakbo silang lumalapit sa kinaroonan ko.
Hala? Gan'to ba sila magwelcome ng transferees?
Ang wild naman.
Nasa gan'ung pag-iisip ako nang lagpasan ako ng mga estudyanteng ito.
Aba. Nilagpasan 'yung beauty ko?
Napalingon ako sa likuran ko kung saang direksyon sila patungo nang biglang..
May bumangga sa likuran ko dahilan para mapadapa ako sa sahig at nabitawan ko ang hawak kong reg card.
OMG!
Baka magkadumi 'yon! Nako po! Singkwenta pa naman ang babayaran para makakuha ng kapalit n'un.
Aba pangload na din 'yon.
Para akong ewan na gumagapang dito habang patuloy pa din ang dagsa ng kababaihan sa pagtakbo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makuha ang reg card ko ng malinis—
Ngunit malabo na yata 'yun dahil tiyak na puro dumi na 'yon kapag nakuha ko. Baka nga punit pa eh.
Pero nagningning naman ang mata ko nang masilip ko ang reg card ko na malinis pa. Mas malinis pa besh sa mukha ko kaya naman sobrang salamat sa blessing—
Natigil ako sa tangkang pag-abot sa reg card ko nang biglang may sapatos na nakatayo sa harapan ko.
Dahan-dahan itong lumalapit at dinumihan nito ang reg card ko!
Biglang nahawi ang mga babae kaya naman kitang kita ko kung sino ang lapastangan na gumawa n'un.
Inis akong napatayo at hinarap siya.
"Ang kapal naman ng mukha mo para apakan 'yung reg card ko. Kita mo! Mas malinis pa 'yun sa mukha mo tas aapakan mo?! Ang mahal mahal magparenew oh!
Gan'to ba mga estudyante dito?! Mga iresponsable at papansin?!"
Nakita ko namang napangisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"I like you." aniya saka yumuko at pinulot 'yung reg card na inapakan niya at inabot sa'kin. "Pwede bang lumabas tayo minsan?"
Napairap ako sa sinabi niya saka marahas na kinuha sa kaniya ang reg card ko na saksakan na ng dumi.
"No way. Ayoko sa lalaking hindi maruning maglinis ng sapatos." sabi ko at bumalik sa registrar para humingi ng bagong copy ng reg card.
Hays.
Nakakainis naman.
Badtrip na first day naman oh!
-
"Bakit gan'yan mukha mo? Para kang hindi natunawan bijj." salubong ni Julia sa akin.
Hindi ko siya pinansin at naupo sa bungad na upuan sa third row.
Dito ko talaga favorite umupo eh para kitang kita ko 'yung prof at 'yung nakasulat sa white board.
"Hindi ako titigil dito kakatalak hangga't hindi ka nagkukwento." pangungulit pa ni Julia.
"Sana si Delancy nalang kaibigan ko para sana tahimik buhay ko noh?" asar kong sabi sa kaniya.
Buti pa si Delancy, hindi chismosa. Palibhasa may ginagawa na naman 'tong sariling mundo.
"Ahh ganon? Parang sinasabi mong ayaw mo na kong maging kaibigan? F.O. na ba? Madali ako kausap, Magi. Madali ka lang namang palitan eh."
"Edi go. Tignan ko lang kung may mahanap kang kagaya namin ni Delancy na nakakaintindi sa'yo."
Napahalakhak siya at inakbayan ako.
"Hindi ka na mabiro! Menopause ka ba?" aniya at natatawa pa din. "What happen ba kasi? Bakit lukot na lukot 'yang mukha mo?"
"May bwisit kasing umapak sa reg card ko kanina kaya eto, gumastos ako ng 50 pesos para makakuha ng new copy.
Ang yabang yabang niya. Akala mo kung sinong santong sinasamba ng mga babae. Jusmiyo. Ano ba 'tong university na napasukan natin! Hindi niyo man lang sinabi sa akin na ang mga babae pala dito eh sumasamba na sa hotdog."
"Gaga!" sabi ni Julia sabay hampas sa'kin. "Anong pagsamba ang sinasabi mo d'yan?"
Napairap ako sa kawalan.
"Alam mo kapag ikaw talaga kausap ko, nawawalan ako ng gana magkwento."
"Kaysa kay Delancy mo ikwento 'yan. Para ka lang nagkekwento sa hangin. Kaya wala kang karapatang mamili d'yan. Wala kang choice, Magi."
Napailing nalang ako at sinilip saglit si Delancy na nasa ikatlong upuan sa row namin at hayun siya, busy magdrawing ng kung ano-ano.
Maya-maya lang din ay dumating na ang prof namin.
"Good morning, class. May tatlong madadagdag sa inyo dahil full na ang isang section." sabi n'ung prof at tumingin sa may pintuan at sinenyasan ang kung sino d'un na pumasok sa loob upang makapagpakilala sila.
"Hello. My name is Israel Villegas." sabi ng isang lalaking may red na highlight sa buhok.
"Good morning. I'm Eli dela Peña." sabi naman ng isang lalaking kulay black ang buhok at blank din ang expression.
Nang pumasok sa pintuan ang pangatlo sa kanila..
Literal na napanganga ako sa nakita.
"I'm Dylan Villarosa." sabi naman ng lecheng umapak sa reg card ko.
Pero teka?
Villarosa?
"He's my brother." sabi ni Julia na parang nabasa niya ang gusto kong itanong sa kaniya. "He's a year older than me."
"Ang liit nga naman ng mundo." naiinis na bulong ko sa sarili habang nakatitig pa din sa mayabang na pagmumukha ng Dylan na 'yun.
"Kumalma ka, Magi. Baka matunaw mo kapatid ko sa titig mo." natatawang sabi ni Julia. "Hindi naman sa ayaw kong maging future sister-in-law ka pero hindi ko lang ine-expect na ikaw 'yung tipo ng babaeng magkakagusto sa—"
Napahinto siya sa pagsasalita nang tampalin ko ang bibig niya.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Hindi ko type 'yang kapatid mo. Maubos na lahat ng lalaki sa mundo pero hinding hindi ako papatol sa mayabang na 'yan." sabi ko at binalik ang atensyon sa kanilang tatlo na kasalukuyang kinakausap ng prof.
"Ideal man kaya si Dylan." pagsabat ni Delancy na ngayon ay natigil sa pagdodrawing at nakatitig na ngayon kay Dylan.
"Nagulat naman ako sa'yo, Delancy. Nagsasalita ka pala." hay nako. Kahit kailan talaga eh walang preno ang bibig nitong si Julia.
"Crush ko ang DWEIYAH pero siya ang leader sa mga crush ko." dugtong pa ni Delancy at para siyang inasnang bulate na kinikilig.
"DWEIYAH?" nagtatakang tanong ko.
Pangalan ba 'yun? Fraternity? Mafia?
"Sikat na banda sila Dylan dito sa university natin. At ang pangalan ng banda nila ay DWEIYAH. Nabuo ang pangalan na DWEIYAH based on the first letter of their names." dugtong ni Delancy.
Mangha na ko dito sa kaibigan kong 'to. Mas alam ang history ng DWEIYAH kaysa dito kay Julia na naturingang may kapatid pa na member ng naturang banda.
Walang kwentang kapatid.
"Si Dylan at Harris ang lead vocal. Si Israel naman ang main vocal at face of the group habang si Eli ang vocalist. Si Warren naman ay ang lead guitarist at backing vocals. Si Yuwi ang drummer at BV at si Alec naman ay sa keyboard at BV din."
"Edi ikaw na ang maraming alam, Delancy. Alam mo minsan ka nalang magsalita tapos sa ganito pa na pinapamukha mo sa aking mas marami kang alam sa banda ng kapatid ko kaysa sa akin. Nakaka offend ka na." pabirong sabi ni Julia habang natatawa. "Continue."
"Fan na fan kasi nila ko. Lalo na si Dylan. Siya talaga ang pinaka crush ko sa kanilang pito." kinikilig pang sabi ni Delancy.
Ano namang kacrush-crush sa Dylan na 'yun eh saksakan nga ng yabang, may libag naman sa singit.
"Nagpeperform sila dito sa university tuwing may event like pageant, promenade, music fest, contest at iba pa.
Maraming banda dito sa university ang nabuo like The Fortune, Mystica, POPers, basta marami pero mas sikat at patok ang DWEIYAH lalo na sa mga girls dito."
Now I know. Kaya pala gan'un nalang ang takbuhan ng mga makikireng 'yun. Akala mo kung sinong mga nag-aagawan sa hotdog eh.
Natigil lang sa pagkukwento si Delancy nang agawin ng prof namin na nasa harap ang atensyon namin.
"You may now take your break."
Akala ko naman kung anong importanteng sasabihin tapos 'yun lang pala.
"Ituloy mo na Delan—" natigil ako sa pagsasalita nang mapansing wala na sila Delancy at Julia sa tabi ko.
"Magi ano? Tutunganga ka nalang ba d'yan? Una na ba kami? Kanina pa ko gutom aba!"
Napailing ako.
Ang sarap purgahin nitong si Julia. Minu-minuto ba naman eh gutom. Daig pa ang nagbubuntis eh.
"Ano ba 'yang nasa loob ng tiyan mo? Sawa na?"
"Oo. Sawa na siya sa akin kaya naghanap na siya ng iba. Kaya maghahanap na din ako ng bago. Anong akala niya? Siya lang may karapatang lumandi?"
"Hatdog." sabi ko dahil hindi ko malaman kung anong sinasabi niya.
Malamang tungkol 'to sa ka MU niya na hindi man lang umabot ng isang linggo.
Hay nako.
"Naaalala niyo si Xian? 'Yung nakilala ko sa bar n'ung isang linggo? My gosh girls! He's so freakin' hot!Akalain niyo, papatulan niya kalandian ko but then naka receive ako ng text sa kaniya na tigilan na daw namin 'yung paglalandian namin kasi may girlfriend na pala siya?!Like wth? Nakipaglandian siya sa'kin kahit may girlfriend siya? Uh! Dude. Ang sarap manakit."Kwento lang ng kwento ng kaharutan niya si Julia habang kami ni Delancy ay nakikinig lang sa kaniya habang kumakain.Sa aming tatlong magkakaibigan talaga, etong si Julia ang may pinakamabigat na hinanakit sa buhay.Paano ba naman kasi? Hindi daw siya makahanap ng matinong jowa gayung college na daw siya. Eh jusko, sino
"Beh, mayroon ka na bang piece for your declamation?" salubong na tanong sa akin ni Mariz pagkapasok na pagkapasok ko sa room."Sinisimulan ko na." sabi ko at tinanguan niya naman ako bilang sagot.Dumiretsyo na ko sa upuan ko at naabutan ko naman ang dalawa na kumakain ng baong piattos ni Delancy.Kumuha ako d'un bago naupo.Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing nakatingin na naman sa akin ang bwiset na si Dylan.'Gusto niya ba kong tunawin?'Hindi ko nalang siya pinansin at nakipagchikahan kina Julia."May utang ka pang kwento, Magi. Ngayon mo na bayaran."
Anong ginagawa niya dito? Ibig bang sabihin, sila ng pamilya niya ang bago naming business partner? Malamang, Magi. Kaya nga siya nandito sa bahay niyo di'ba? "Have a seat." anyaya ni mommy kina Alec at sa mga magulang niya. Tulala pa din ako at hindi makapag-isip ng maayos. Idagdag mo pa na nandito si Alec ngayon; kaharap ko. Parang gusto ko biglang matunaw na parang ice cream. "I am very sorry for my husband's absence. He's currently out of the country, may inaasakiso lang. Pero uuwi na siya sa susunod na linggo, if I'm not mistaken. Anyway, I'm very glad na pumayag kayo sa proposal namin. Don't worry, hindi kayo magsisisi.
Dalawang araw nalang ang preparasyon namin para sa event for Buwan ng Wika. Ngayon pa lang kinakabahan na ako kasi hindi ako makagawa ng matinong piece. Tuliro ang utak ko at hindi makapag function ng maayos. Nakakainis naman. Dapat sa mga oras na 'to eh nag-eensayo na ko para sa gagawin ko sa event pero heto ako, gumagawa pa din ng piece ko. Samantalang si Delancy eh nagpapractice na kasi siya ang sumali sa spoken word poetry. Si Julia naman ay walang choice at bumagsak siya sa musical performance. Alam niyo nagsisisi na talaga ako na nagpresinta pa kong lumaban dito sa declamation na 'to. Akala ko kasi madali lang umisip ng piece pero hindi ko inaasahan na gan'to pala kahirap.
"Hoy girl, bakit namumugto yang mata mo?" salubong ni Julia sa akin pagkaupo ko sa upuan. Pati pala siya napansin niya. "Wala, guni-guni mo lang 'yan." biro ko pa pero halata namang hindi ko siya napaniwala dun. "Nagkasagutan lang kami ni mommy kagabi." "Dahil ba hindi siya nakapunta?" tumango ako. "Bakit daw?" "Nawala daw sa isip." "Hindi ako naniniwala dyan sa mommy mo. As far as I know, araw-araw siyang umiinom ng Memo plus gold noh so paano niya makakalimutan yun?" biro niya. "Ayaw niya lang talagang panoorin ka." Mapait akong napangiti. Minsan yung mga salita ni Julia e
Araw ng byernes ngayon at wala kaming pasok. Yeah, every friday and sunday kami walang pasok. 'Yun ang nagsilbi naming weekend.Kaya ngayon tengga ako ngayon sa bahay at hindi alam kung anong gagawin ko.Makikipagtitigan nalang ba ko dito sa kisame buong maghapon?Grabe ang boring ng buhay ko.Bigla ko tuloy naalala 'yung huntahan namin ni Julia kahapon, matapos nung performance nila Dylan.Flashback:"Punyeta ka Magi, aminin mo nga sa akin.. Pinainom mo ba ng gayuma kapatid ko ha? Nakakagulat na kinakantahan ka na ngayon." pinalo ko siya sa braso dahil baka may makarinig sa kaniya.
Sabado ngayon, may pasok dapat kami kaya lang nagsuspend ng pasok ang campus namin dahil may biglaang meeting daw ang mga professors. Hindi ko lang kung ano or bakit biglaang nagkameeting basta ang mahalaga ngayon, walang pasok! Akala ko nga makakapagpahinga ko ngayong araw at makakatulog ng maghapon kaya lang bigla akong nakareceive ng text galing kay Julia. Invited kami ni Dylan sa birthday party ni Lerisse. Sumama kayo ni Delancy kung hindi isasara ko mga butas ng ilong niyo! Oh diba, ang gandang bungad ng text message ng babaeng 'yun. Kahit kailan talaga hindi mawala-wala sa kaniya ang magbanta. Buti nalang talaga hindi siya mangkukulam kung hindi, nako! Matagal na kong todas. Hindi nalang ako humindi sa alok niya kasi aaminin ko na gusto ko ding gumala. Kahit kakagala ko lang kahapon pero ewan ko ba, kapag nasa bahay lang ako para bang nanghihina ako. Di bal
"Humawak ka sa akin nang mabuti." Agad akong inalalayang makatayo ni Dylan saka hinawakan ang aking kamay. Buong akala ko ay sa swimming pool na ako mamamatay, buti na lang ay nagawa akong iligtas ni Dylan sa bingit ng kamatayan. Nagulat ako nang biglang paalis na sana kami nang makitang nasa harap namin si Lerisse na nanlilisik pa din ang mata sa akin. "Magi!" napalingon ako sa sigaw ni Julia kasama si Delancy habang patakbo silang lumalapit sa akin. "What happen? Bakit basang-basa ka?" aniya matapos makalapit sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nagkusa na lang siyang napalingon kay Lerisse sa kinatatayuan nito. "Kung sabagay, hindi na ko magugulat kung ikaw ang may gawa nito kay Magi." sabi ni Julia kay Lerisse. "Sino pa ba ang sobrang insecure kay Magi dito kung hindi ikaw lang naman diba? Alam mo, Lerisse.. Lumalala na ang sakit mo sa utak! Patagal ng patagal, pabobo ka ng pabobo!" "Oo na, Julia! Ako na ang may kasalanan! Ako na ang ma
"Is this yours?" dinig kong tanong ng lalaking nasa likod ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yun.. At.. "D-Dylan?" naluluha kong sabi saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang malaking pagbabago sa katawan niya.. Wala namang pinagbago ang lusog ng katawan niya dahil nananatili pa din siyang sexy at macho sa mga mata ko. Ang dati namang rainbow color niyang buhok ay napalitan ngayon ng matingkad na kulay itim. Rainbow color kasi kada linggo yata eh nagpapalit siya ng hair color. Minsan pink, minsan blonde tapos minsan red pa nga. At masasabi kong sa itsura niya ngayon eh okay na siya at nakikita kong maaliwalas ang mukha niya. "Kilala mo ko?" nagtataka niyang tanong dahilan upang manghina bigla ang mga binti ko. Fvck. H-Hindi niya a-ako na-nakikilala? "Wag ka namang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa." kunwaring galit na sabi ko saka bahagyang natawa
Naabutan ko na nasa labas na ng room si Eli kaya naman sinenyasan niya akong ipasok na din si Delancy sa loob..Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakaupo na sa table si Warren habang nakablindfold din.OMG.Exciting 'to.Matapos kong mapaupo sa kaharap na upuan si Delancy ay pasimple na akong umexit sa loob."Kinikilig ako sa kanila." naeexcite na bulong ko kay Eli.Bahagya naming hinawi ang kurtina sa may bintana upang makasilip sa kung ano nang nangyayari sa loob.Nakita naming gulat na gulat yung dalawa nang makita ang isa't isa pagkatanggal ng mga blindfold nila.
Maglilimang buwan na ang nakakalipas and wala pa din akong Dylan na nakikita.Nakausap ko si Julia kamakailan lang via Skype and she told me na bumubuti naman na daw ang lagay ni Dylan don.Kaya nga lang, hindi pa daw pinapayagan ng doktor dun si Dylan na makapagtravel na kasi it should took 4-5 months daw ang recovery niya after the surgery.Nakiusap naman ako kay Julia na kahit kako sa Skype eh makausap si Dylan kaya lang she doesn't let me to talk to him kasi nga bawal siyang mapagod and the radiation he might get using gadgets will probably affect to his eyes.So anong connect nung mata sa kidney niya?Ang sabi lang sa akin ni Julia, pinag-iingat daw sila ng doktor sa pag-aalaga
Mabuti na lang at dumating din kaagad sina Eli at mayroon silang kasamang mga pulis kaya nahuli na din nila yung drug lord na kumidnap sa amin na napag-alaman naming matagal na ding pinaghahanap ng pulisya.Habang si Dylan naman ay nagmamadali naming itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'to."Wag kang pipikit, Dylan. Parang awa mo na." naiiyak kong sabi sa kaniya.At nakikita ko sa mukha niya na nilalabanan niya talaga ang sarili na huwag makatulog."M-Mahal na ma-hal ki-kita." dinig kong mahina niyang bulong sa akin.Sunod-sunod naman akong napatango saka siya nginitian."I love you too."
Nagising ako na nasa isang lumang bahay habang nakahiga ako sa isang kama. Ang mga kamay at paa ko naman ay nakagapos.Napalingon ako sa gawing kanan..Si Macy..Kagaya ko, nakagapos din ang kamay at paa niya habang nakabaluktot na natutulog.Mayamaya lang din ay nagising na siya at nagsalubong ang mga tingin namin. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo."N-nasaan si Dylan?" mahina niyang tanong nang mapansing hindi namin kasama sa kwartong 'to si Dylan.Maski ako ay hindi alam ang isasagot sa kaniya. Wala na kasi akong maalala sa nangyari maliban sa tinakpan nila ang mga bibig namin dahilan para makatulog kami.
"Dahan-dahan lang." sabi ni Eli habang inaalalayan akong sumakay ng kotse niya.Nang makasakay na ako sa passenger's seat ay agad din siyang umikot pasakay sa driver's seat at pinaandar na ang kotse."Paano mo ako nahanap dito?" hindi maiwasang tanong ko.Saglit niya naman akong pinasadahan ng tingin saka ngumiti."Yung kutsilyong ibinigay ni Delancy sayo, may tracker yun." aniya saka nakita kong biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malakas ang pakiramdam ko na maaaring may mangyaring ganto kaya naisipan ko na ibigay sayo yung kutsilyong ipinamana pa sa akin ng lolo ko..Naalala ko, sinabi sa akin ni lolo nung ibinigay niya sa akin yun na ibigay ko daw yun sa taong nararamdaman kong ma
"Subukan niyong lumapit sa akin, sinasabi ko sa inyo! Hindi ako magdadalawang-isip na paputukan sa ulo si Magi!" galit na sabi ni Macy saka mas lalong idiniin ang pagkakadikit ng baril sa sintido ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakapit sa braso ni Macy at pilit itong hinahatak palayo sa akin kaya lang masyado siyang malakas sa akin ngayon."Wag kayo matakot. Laruan lang 'yang hawak ni Macy." sabi naman ni Julia sa mga pulis."Hindi na 'to laruan, Julia." natatawang sabi ni Macy saka itinaas ang hawak niyang baril at pinaputok yun.Shit.Totoong baril na nga ang hawak niya ngayon.
Inis akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa napakakulit na insektong daan nang daan sa hita ko at—Insekto nga."Ang aga mo namang mambulabog!" inis kong sabi kay Julia na ngayon ay blanko ang mukha.Luh?"Napakakapal ng mukha ng kapatid mo noh?" panimula niya saka kumuha ng unan at sumandal sa head board ng kama. "Ang lakas ng loob niyang ikwento sa akin kahapon yung nangyari at ibinida pa niya talaga na siya daw ang nagdala kay mama sa ospital.Kahit hindi na ko magpakwento sayo, alam ko na agad.Well, totoo naman yung kwento ni Macy kaya lang knowing Macy, hobby niya mambaliktad ng kwento diba kaya alam kong siya ang t
Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Macy bago sumunod kay Dylan papasok sa loob ng ospital.Habang ako, eto..Hindi alintana ang mga taong nakakakita sa akin. Basta iyak lang ako ng iyak dito na para bang hindi ako marunong mapagod sa kakaiyak.Napahilamos ako sa mukha ko saka kinusot-kusot ang mata ko para pahiran yung walang katapusan kong luha.Nakakainis.Naalala ko pa na sabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko at isasantabi ko muna yung galit ko sa kapatid ko para i-comfort siya pero ito naman ang napala ko.Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Hindi ko inaasahang ipapasa niya sa akin yung kasalanan niya.