LIKE
Sa pagkakataong ito, dahil walang istorbo, mas maayos ang naging proseso ng paggamot ni Rhian.Makalipas ang ilang sandali, mahigit sa isang dosenang pilak na karayom ang nakabaon na sa dibdib ng matanda.Sa buong proseso, halos hindi pumikit si Rhian, lubos na nakatutok sa paggamot. Sobrang abala siya sa kanyang ginagawa na hindi niya napansin na si Zack ay nakatitig sa kanya ng maigi. Ito ay bumalik kasama si Gino.Sa ibaba, nabasa na ni Zack ang resume ni Rhian mula sa mga nakaraang taon—kahanga-hanga at walang kapintasan, sapat para maisip kung gaano ka-extraordinaryo ang naging buhay niya sa loob ng anim na taon.Ngunit ito ang unang beses na nakita niya itong ganito.Ang hindi matinag na pokus niya habang nagsasagawa ng paggamot, at ang kanyang pagiging matapang kapag tinatalakay ang kanyang propesyon, ay mga aspeto ng kanyang pagkatao na hindi pa nakita ni Zack noon.Ang nakita niya ngayon ay nagdulot ng kakaibang damdamin kay Zack, na hindi niya maipaliwanag.Sa tabi niya, mai
Sandaling natigilan si Rhian, pagkatapos ay maingat na tumingin kay Zack.Hindi pa niya inamin dito ang tungkol sa pagkawala ni Rain. Parang hindi rin niya ito maitatago sa lalaking ito. Nang maisip iyon, nag-alinlangan si Rhian bago magsalita, “Siguro... dahil tinulungan ko siya dati. Noong huling pagkakataon na siya ay naligaw, ako ang nakakita sa kanya.”Nagulat si Gino sa narinig. Tumingin siya kay Rain, pagkatapos ay muling tumingin kay Rhian, at nagsabing may pagtataka, “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.. Talagang tadhana na kayo ay muling magkita.”Tadhana?Naisip ni Rhian ang pinagmulan ni Rain, siya ay bahagyang ngumiti ng may bahid ng pait, pinilig niya ang kanyang ulo at muling nagpakita ng kalmadong ekspresyon. “Siguro nga ay tama ka.”Hindi napansin ni Gino ang pagbabago ng kanyang mood at tumayo, at sinabi, “Dahil kailangan pa ng isang oras ng aking lolo, bakit hindi tayo bumaba at maghintay? Napagod ka na, Dr. Fuentes, mabuti pa ay magkape muna tayo."Nakadama ng hi
Nang lumabas si Rhian mula sa silid, maingat niyang binabaan ang kanyang boses at sinabi sa dalawang anak sa kabilang linya, “Maging mabait kayo kay ninang, ha, wag kayo magpasaway, si mommy ay may ginagamot pang pasyente, babalik ako mamaya. Makipaglaro muna kayo kay Ninang.”Sanay na ang dalawang bata na madalas umuwi nang huli si Mommy dahil sa trabaho, kaya masunurin silang sumagot."Masusunod po, mommy!"Samantala, sa loob ng silid...Ang ekspresyon ni Zack ay sobrang lamig na halos magyelo, at ang galit sa kanyang dibdib ay biglang sumiklab.Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang eksenang si Rain ay hindi nahawakan ang kamay ni Rhian, at ang boses ng batang nagsabi ng “Mommy” sa telepono.Hindi na kataka-taka kung bakit ganoon siya kalamig sa kanilang anak. Lumabas na ang babaeng ito pala ay may asawa na, at mayroon pang anak sa ibang lalaki!Kaya pala iniwan nito ang kanilang anak noon! Ibinaba ni Zack ang kanyang tingin sa kanyang anak na nakatayo pa rin doon.Nasa m
Pinigilan ni Zack ang magpakita ng galit, "Ano pa bang kailangan mong sabihin sa kanya? Pwede bang sa susunod na magkita kayo ay magpanggap ka na hindi mo siya kilala? Mabuti na hindi ka na makipag-ugnayan sa kanya."Dahil hindi naman balak ng babaeng iyon na kilalanin ang sarili niyang anak, mas mabuti pang sundin na lamang niya ang kagustuhan nito!Nabigla si Rain sa tono ng kanyang ama. Hindi ito nagpapakita ng galit, pero nanibago siya... pagkatapos ang ilang segundo, tahimik niyang isinulat sa kanyang maliit na notebook: “Bakit po, daddy?"Hindi pa man nakakasagot si Zack, mabilis na sumulat muli si Rain, “Gusto ko si ate. Mabait siya sa akin at napakabuti. Gusto ko siyang makasama, daddy!"Nang mabasa ang inosenteng pahayag ng kaniyang anak, tila may tumusok sa puso ni Zack. Ngunit kailangan niya itong tapatin kahit pa batid niya na wala itong alam, kaya't malamig niyang sinabi, “Dahil mayroon na siyang sariling mga anak. Hindi na niya kailangan ng isa pang bata.”Napuno ng kata
Pagdating sa silid ng matanda, tumayo sina Gino at Ana sa gilid upang panoorin ang ginagawa ni Rhian.Kung ikukumpara sa akupuntura, mas madali ang proseso ng pagtanggal ng mga karayom.Sa loob lamang ng sampung minuto, natanggal lahat ng karayom mula sa katawan ng lolo nila.Nang matapos na alisin ni Rhian ang lahat ng karayom sa katawan ng matanda. Maingat na kinapa niya ang pulso ng matanda at kalmadong nagsimulang mag-ayos ng kanyang mga gamit.Si Gino at Ana ay nakatayo sa tabi ng kama, hindi mapakali habang naghihintay ng resulta sa panggamot sa kanilang lolo. Marami na silang pinuntahang mga kilalang doktor sa iba't ibang panig ng bansa, ngunit nabigo ang lahat na pagalingin ang lolo nila. Sa pagkakataong ito, kung si doktor Rhian ay mabibigo, hindi nila alam kung magigising pa nga ba ang kanilang lolo... sila'y nawawalan na nang pag asa...Sa mapanuring tingin ng dalawa, hindi nakaligtas sa kanilang paningin ang pagkilos ng daliri ni Mr. Florentino, pagkaraan ng ilang sandal
Malinaw ang intensyon ni Gino, at ito ay pag usapan ang bagay na ipinunta dito ni Rhian.Kahit hindi tahasang binanggit nito ang tungkol sa supply ng mga halamang gamot, alam niya ang layunin nito kaya naman siya na ang nagmungkahi na mag usap silang dalawa.Bahagyang nag-alinlangan si Rhian, hindi niya gustong tanggapin ang gantimpala ng wala pang lubos na success. Hindi pa tuluyang gumagaling ang lolo nito kaya naman para sa kanya ay hindi pa karapat-dapat na pag usapan ang tungkol sa bagay na ito. Dahil malinaw na ang sinabi ng pamilya Florentino ay saka lamang ibebenta ang mga herbal medicine sa kalahating presyo sa oras na mapagaling lamang ang matanda. Kaya't nakapagtataka na mukhang balak itong pag usapan ni Gino ngayon. Inisip niya na baka haka-haka lamang ang iniisip niya, pero kung iisipin, wala silang dapat pag usapan kundi tungkol lamang sa bagay na iyon.Matagal na nanahimik si Rhia, nakatingin siya kay Gino na nakatayo lamang, nakangiti ito habang hinihintay ang sagot ni
Nakahinga nang maluwag si Gino matapos makuha ang pangako ni Rhian, at ngumiti, "Dahil sinabi mo 'yan, kampante na ako. Ihahanda ko ang kontrata bukas at kailangan na lang natin itong pirmahan." “Sige, maraming salamat, Mr. Florentino. Aalis na ako.” Matapos pag-usapan ang tungkol sa gantimpala, personal na inihatid ni Gino si Rhian hanggang sa pinto at pinanood itong umalis sakay ng kanyang sasakyan. Pagkaalis ng kotse, bumalik si Gino sa loob ng bahay. Pumunta siya sa sala at dinampot ang telepono upang tawagan si Zack. "Kumusta si Lolo Gin?" Agad na tanong ni Zack ng magkonekta ang tawag. Ngumiti si Gino at may kasiyahan na sumagot, "Nagising na siya, Zack. Talaga palang magaling na manggagamot si doktor Fuentes.” Matapos sabihin iyon, naalala ni Gino ang kakaibang pakikitungo ni Zack kay Rhian kanina, kaya't nagtanong siya nang may pagtataka, "Zack, kilala mo ba si Doktora Fuentes noon pa? Napansin ko kasi na kakaiba ang pakikitungo mo sa kanya, hindi ka naman ganyan sa
Nag-usap pa ang dalawa ng ilang saglit. Nang lumalim na ang gabi, tumingin si Jenny sa kanyang suot na relo. “Masyado ng malalim ang gabi, uuwi na ako.” Pagkatapos magpasalat uli sa kaibigan, nagpaalam na rin si Rhian. Nang umalis na ito, isinarado niya ang pintuan at bumalik sa kusina. Pagkatapos hugasan ang kaniyang kinainan ay naglakad na siya para pumasok sa kwarto kasunod ang dalawang anak. “Hmm, ang babango niyo naman. Nag half-bath na ba kayo?” Tanong niya habang inaamoy ang dalawa. Bumungisngis si Zian at Rio bago sumagot sa mommy nila. “Opo, mommy! Ayaw kasi namin na uumuwi ka at aasikasuhin pa kami. Malaki na kami, dapat marunong na rin kaming tumayo upang alagaan ang sarili namin!” Hindi napigilan ni Rhian na guluhin ang buhok ng dalaga. Wala talaga siyang masabi sa kanyang mga anak. Makulit man paminsan-minsan, sweet at sobrang mapagmahal naman. Sa kabila ng murang edad, ramdam niya ang labis nilang pagmamahal. "Masaya ba kayo sa bago niyong school ngayon? Hindi ba ka
Nag-usap-usap ang tatlo at agad na nagtakda ng appointment kay Dawn at sa kanyang asawa upang magkita sa restaurant sa gabi.Pagdating ni Wilbert at Dawn, nakaupo na ang pamilya Suarez sa private room. Nakayuko si Marga at sinadyang magpakita ng lungko, at ang dalawang magulang sa kanyang tabi ay mukhang may tampo.Pagpasok nila, dahan-dahang iniangat ni Marga ang kanyang mukha at nagpilit na ngumiti, "Tito at tita, nandiyan na po pala kayo."Pagkatapos niyang sabihin ito, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha, muli niyang pinalungkot ang mukha. Agad na nagtanong si Dawn. "Ano ang problema, iha? Sabihin mo sa akin."Bago pa makapagsalita si Marga, nagsalita si Belinda mula sa kabilang dulo, "Ang mga tsismis na ito ang sanhi, sinasabi nila na ang anak ko ay parang isang payaso, pinagtatawanan at kinukutya! Sinasabi nila na, pagkatapos ng matagal na pagpapakabait sa inyong pamilya ay basta na lamang siya itatapon! Umiiyak siya araw-araw dahil dito!"Agad itong itinanggi ni Mar
Medyo abala si Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit araw-araw pa rin siyang dumadaan sa bahay ni Rhian.Ang huling pagkakataon na nakita niyang nagkikita sila ni Rhian at Mike nang lihim, pati na ang mga salitang tinanong siya ni Rhian, ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Zack na parang sirang plaka.Dahil sa huling pagtatalo nila, pinakiusapan siya ni Rhian na kunin si Rain, kaya't maraming beses na dumaan si Zack, ngunit bihira siyang nagpapakita kay Rhian. Madalas lang niyang pinagmamasdan sila mula sa malayo.Nakita ni Zack na si Rain ay lalong naging masigla araw-araw, akala niya ito ay dahil sa simpleng pagkagusto lang nito kay Rhian. Ngunit hindi niya inaasahan na "sobrang" pagkagusto pala ng kanyang anak sa babae, to the point na nag-aral pa itong magsalita... Ibig sabihin ay sobrang gustong-gusto ng anak niya ang babaae.Sa nakikita ni Zack. Mukhang mahalaga din si Rain kay Rhian. Ito nga marahil ang lukso ng dugo kung tawagin.Samantala, mabilis na bumaba si Marga mat
Matapos ang ilang araw, naging malungkot ang pagpasok ni Rain sa eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, nakita niyang nag-eenjoy ang kambal kasama ang ibang mga bata, ngunit hindi siya pinapansin ng dalawa. Sa wakas, nang magkaroon siya ng lakas ng loob para tumakbo at lapitan sila.Nagkatinginan ang dalawang bata, si Rio ay sinadyang magtanong ng seryoso. "Ano ang kailangan mo sa amin?"Hinawakan ni Rain ang kanyang maliit na palda, ang kanyang mga kilay at labi ay kumibot Tinitigan niya sila ng seryoso at binuksan ang bibig upang subukan na maglabas ng tunog... Nakaramdam ng awa at pagkabahala sina Rio at Zian para sa kanya. Naawa sila pero kailangan nila itong gawin. Sa paraang ito lamang sila makakatulong sa dalawa. Kung hindi nila ito gusto tulungan, hindi nila gagawin ito kay Rain.Matapos maghintay ng matagal, gusto nang sumuko ng dalawang bata, ngunit bigla nilang narinig ang isang malambot na boses na kasing hina ng langgam."Kuya..."Namumula si Rain, at sa wakas ay naka
Kinabukasan, isinama ni Rhian ang tatlong bata para kumain. Tahimik na nakaupo si Rain sa tabi niya, nakikipagkulitan ito sa dalawa niyang anak. Habang tinitingnan ito, gusto gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. Ang cute kasi nito. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasan na makadama ng awa. Kahapon ay nakita niya ang kagustuhan nito ba makapagsalita… nagsisikap ito na maglabas ng boses… ngunit sa huli ay wala itong nagawa. Nang maisip ito ni Rhian, mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi at malambing na nagsalita. “Ano ang gusto mong kainin, Rain? Gusto mo ba ng cake? Eh pancakes? Masiglang tumango ito sa kanya. Nag-order agad si Rhian ng cake at pancakes para sa bata. Nang dumating ito, nag-slice siya at nilagay sa plato nito. “Kumain ka na marami ha. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang kay tita.” Habang nakatitig sa magandang mukha ni Rhian, kumurap si Rain… ang lambing ng boses ni tita, ang sarap pakinggan! Bumuntong-hininga si Rhian, may kalun
"Pasensya na, may mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kanina kaya hindi ko kayo nasundo. Nakakain na ba kayo?" Bumitaw ng yakap si Rhian sa tatlo at hinaplos ang mga mukha nila.Tumango si Zian. "Opo, mommy, kumain na kami! Naglaro pa nga kami ng matagal!"Tumango naman si Rion at sinabing, "Nag-eenjoy kami habang naglalaro dito nila Rain!"Nakangiting huminga ng maluwag si Rhian at tumayo, "Anong nilalaro ninyo? Ipakita ninyo nga sa akin."Masayang tumakbo si Zian patungo sa sala, "Naglaro kami ng Lego na ibinigay sa amin ng tito kanina. Nakakamangha! Ang dami nito! Talagang masaya na maglaro gamit ito!"Sumunod sina Rio at Rain kay Rhian. Hawak ni Rhian ang isang kamay ni Rain, at sa kabila naman ay kamay ni Rion, nakangiti silang nakatingin at nakasunod kay Zian.Ang Lego na ibinigay ni Zack sa mga bata ay pasok sa kanilang expectation. Kung titingnan ang modelo at difficulty nito, talagang nagustuhan nila ito.Napaawang ang labi ni Rhian ng makita ang nabuo ng tatlo. I
Nagsimula nang gumalaw ang traffic sa harap, pinakawalan ni Rhian ang preno at ibinalik ang tingin sa kalsada.Naisip niyang bigla ang ekspresyon ng lalaki kanina, kaya't lalo niyang naramdaman ang pagkaasar, "Hindi ba't ikakasal ka na, Mr. Saavedra kay Miss Suarez? Hindi mo ba naisiip na hindi tama na magkasama tayo? O bigla ka nalang sumusulpot... kahit sabihin mong dahil ito kay Rain. Hindi tama ito!"Kung makapag-usisa ito ay parang close sila. Eh siya nga ay hindi rin alam ang kung sino ang tunay na ina ni Rain.Kahit na nagkalapit sila dahil kay Rain. Wala itong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Sino ba ito upang manghimasok? Hindi inasahan ni Zack na banggitin ni Rhian si Rain. May dumaan na pagkabahala ang mukha niya, at sumagot siya nang malabo, "Ibang usapin iyon."Tumaas ang kilay ni Rhian at nagpasabog ng tawa, "Ano'ng pagkakaiba? Bukod pa rito, wala naman tayong ibang relasyon. Kaya lang naman tayo nagkakalapit ngayon ay dahil lang iyon sa anak mo. Ni hindi nga tay
Parang naramdaman ni Rhian na may malamig na mata na nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang mata sa paligid ng kunot ang noo, ngunit wala namang kakaiba sa paligid. Baka guni-guni lang niya na parang may nakatingin sa kanya."Ano'ng nangyari? May problema ba?" Tanong ni Mike nang mapansin ang kakaibang kilos ni Rhian. Binalik ni Rhian ang tingin sa kanya at umiling. "Wala. Saan na nga tayo kanina?" Aniya para alisin ang suspisyon niya, tinuon nalang niya ang atensyon kay Mike. Ngunit habang nag-uusap si;a, hindi nawala ang ganung pakiramdam... parang may nakatingin talaga sa kanya na hindi naman niya alam kung saan nagmula.Natapos nalang sila kumain ngunit hindi parin siya napalagay, dama niya parin ang tila tumatagos na tingin sa kanya.Binasag ni Mike ang ilang sandali na pananahimik niya. "Gabi na, ihahatid na kita pauwi." Ngunit tumanggi si Rhian at ngumiti, "Hindi na, ako na lang, may sarili akong sasakyan, hindi mo na kailangan mag-abala." Dahil dito, hindi na nagpumi
Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n b
Nang makita ang mga lalaking walang ekspresyon na may dalang mga kahon, naguluhan si Rhian. "Ano ito...?" Sumagot si Zack, "Lego. Narinig kong gusto nila itong laruin kahapon, kaya ipinamili ko sa aking assistant kagabi. May kasama rin itong mga mahihirap na puzzle. Sigurado akong magugustuhan nila ito." Hindi maiwasan ni Rhian na mamangha. Tiningnan niya ang mga matitikas na lalaki na parang hindi bagay sa mga hawak nilang kahon. "Papapasukin mo na ba sila?" Tanong ni Zack.Nagdalawang-isip si Rhian, ngunit sa huli’y tumabi, nagbigay naman si Zack ng hudyat sa mga bodyguards na ipasok ang mga kahon, pinanood sila ni Rhian na isa-isang inilapag ang mga dala nilang kahon sa sahig. Narinig ng tatlong bata mula sa dining area ang ingay sa labas at dali-daling lumabas upang makita kung ano ang nangyayari. Tumayo sina Rio at Zian malapit sa mga kahon, ang kanilang mga mata ay nagniningning sa tuwa. Si Rain naman ay tumakbo muna sa kanyang daddy, bago bumalik sa tabi ng dalawa