"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. S-sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal... pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Pero sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na nilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..."Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya.Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan.Ngunit masyado na siyang matagal na naghintay, nagmahal at naghirap. Kaya ngayon ay nagmamakaawa siya sa kaunting aliw at sandali na makasama ito sa huling pagkakataon."Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!"Nangalit ang mga ngipin ni Zack, ang kanyang gwapo at perpektong mukha ay puno ng galit. Gusto niyang itulak ang babae pala
Anim na taon ang lumipas.Bansa ng America, FV Medical Research Institute.Lumabas lang si Rhian mula sa laboratoryo ng marinig ang kanyang assistant na si Linda na nagsabi, "Doctor Rhian, may gustong sabihin sa iyo si Doktor Lu, kaya't pinapunta ka niya sa opisina niya."Kakagising lang ni Rhian kaya medyo antok pa siya dahil sa puyat. Ngunit ng marinig niya ito, bigla siyang nagising at naging alerto."May nabanggit ba siya kung tungkol saan? Hindi kaya... nasira na naman ng dalawang pasaway kong anak ang mga resulta ng mga research? Ano sa palagay mo?""Baka nga." Sagot si Linda sa alanganin na tinig.Ang kanyang amo na si Doktor Rhian ay palaging mahusay at malaki ang kakayahan. Sa murang edad, naging pinakamagaling na ito sa larangan ng medisina. Ito ang naging pinakamahusay na tagasunod ni Doktor Lu Mendiola, at ni minsan ay hindi pa ito napapagalitan pagdating sa trabaho dahil talaga naman na mahusay ito at nagta-trabaho ng walang palya.Ang tanging problema lang, sa tuwing may
Pagkatapos niyang umalis sa lugar na iyon anim na taon na ang nakalipas, hindi na niya naisip na bumalik sa lugar na 'yon. Wala na siyang kapamilya na babalikan sa lugar na iyon. Bukod pa rito, nakaramdam na siya ng pagmamahal sa lugar na ito. Nasanay na sila dito ng kanyang mga anak."Pero, Doktor Lu—"Pinutol siya nito, "Rhian, alam kong ayaw mong bumalik, pero sana isipin mo nang mabuti... Nag-aral ka ng medisina sa akin sa loob ng maraming taon, at dapat mong maunawaan ang lawak at lalim ng tradisyunal na gamot ng Pilipinas. Sa ibang bansa, hindi sapat ang mga halamang gamot para sa iyong pag-aaral. Pero sa Pilipinas, iba ang sitwasyon... Maraming halamang gamot ang magagamit mo. Marami pa ang mga halamang gamot doon na hindi pa natutuklasan na maari mong magamit sa pag aaral mo. Mayroon din silang pamana ng sinaunang mga kasanayan sa medisina. Hindi ka ba interesado sa aspektong ito? Kaya... iminumungkahi kong bumalik ka upang madagdagan ang kaalaman mo!""Sa iyong kakayahan, tiy
Habang palabas ng paliparan, kinakabahan si Rhian at patuloy na lumilingon upang kumpirmahin kung nahabol na ba sila ng lalaki.Sa kabutihang palad, hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan, hindi na nila nakita ang pigura na iyon.Nakahinga nang maluwag si Rhian.Ang dalawang maliliit na bata, ay medyo nakaramdam ng kakaiba nang makita nilang halos bawat tatlong hakbang ay lumilingon ang kanilang ina sa daan.Gayunpaman, nakikita nila kung gaano kabalisa ang kanilang ina, alam nilang hindi ito ang tamang oras upang magtanong, kaya tahimik lang silang sumunod palabas."Rhian! Rio! Zian!"Isang boses ng babae ang kanilang narinig mula sa hindi kalayuan.Tumingin ang tatlo at nakita nila ang isang babae na nakasuot ng pormal ngunit magarang kasuotan sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti na kumakaway ang kamay habang naglalakad patungo sa kanila.Nang makita ang papalapit na babae, ang tensyonadong puso ni Rhian ay unti-unting huminahon, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukh
May hinala rin si Rhian sa kanyang isipan... Maaari bang pipi ang batang ito?Sa pag-iisip sa posibilidad na ito, mas lalo siyang naaawa sa batang babae, mahinahon niyang sinabi, "Ibigay mo ang kamay mo sa ate, okey?"Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang may pagkakaba, at bahagyang bumilog ang kanyang mata ng marinig ang kanyang boses.Hindi nagmadali si Rhian, naghintay sa bata ng may pasensya.Matagal nag-atubiling ang batang babae bago maingat na iniabot kay Rhian ang kanyang kamay.Nakita ito ni Rhian, kaagad niyang hinawakan ng maingat ito, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, siya ay nagkaroon ng pagkakataon na suriin itong mabuti.Umikli ang distansya nilang dalawa, ramdam ni Rhian ang malambot na katawan nito katulad ng kanyang dalawang anak, amoy gatas din ito.Lumambot ang puso ni Rhian, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namayapa. Kung lumaki at nabuhay ang kanyang anak na babae, dapat ay ganito na siya ka
Kalmadong at hindi pinahalata ni Marga na pinisil niya ang kanyang palad, upang masaktan at maiyak, upang maipakita na siya ay tunay na nag-aalala. Tumingin si Zack sa kanya nang malamig ng ilang segundo. "Siguraduhin mo na totoo ang sinabi mo." Matapos ang ilang sandali, inilayo ni Zack ang kanyang tingin at lumapit kay Manny na naghihintay sa gilid, "May balita na ba mula sa pulis?" Sumagot si Manny nang may mabigat na tono, "Wala pa, master." Pagkatapos sabihin iyon, tiningnan niya ang kanyang master ng maingat at may pag-aalala. Ang Young lady ay mahal na mahal ng kanilang amo. Sa mga nagdaang taon, naging target ito ng maraming tao, dahil ito ay kaisa-isang anak ng pinakamayamang tao sa bansa na si Zack Saavedra. Sinusubukan na targetin ito ng mga kalaban sa negosyo, minsan na rin itong muntik madukot. Kaya naman ang kaniyang master ay mas naging protective sa anak nito. Ngayon ay hindi nila mahanap ang Young lady kahit saan, at kahit ang pulis ay walang balita, kaya't naisi
Ang Romantic Restaurant ay isang pribadong restawran sa Pilipinas. Ito ay kilala sa maalalahaning serbisyo at masasarap na putahe. Bukas lamang ito para sa mga high-end na kostumer na may reserbasyon, at kailangang gawin ang reserbasyon isang buwan nang maaga. Kahapon, nakahanap si Jenny ng ilang koneksyon at nakakuha ng reserbasyon. Napaka-elegante rin ng pagkakaayos ng restawran. Bawat upuan ay hiwalay ng isang screen. May maliit na pintuan na kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng magandang atmospera, na parang sinaunang panahon kung saan umiinom ang mga tao sa ilalim ng buwan. Pumasok ang ilang tao at umupo sa isang bilog na mesa. Hindi nagtagal, dumating na ang waiter dala ang mga pagkain. Nagaalala si Rhian na baka hindi maging komportable ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatutok siya rito, pinaghahainan ng pagkain at paminsang pinupunasan ang bibig nito. Nakaupo si Rio at Zian sa kabilang bahagi ni
May dalawang tao lamang sa loob ng silid. Nilibot ni Zack ang tingin niya sa buong silid at sa huli ay tinutok niya ang kanyang mata sa kanyang anak. Sumama ang loob ni Rain kanina sa biglaang pag alis ni Rhian, kaya ng makita niya ang daddy niya, nagtatampo na tumalikod siya. Masama ang kanyang loob sa daddy niya dahi ito ang dahilan kaya umalis ang magandang babae kanina. Bahagyang dumilim ang tingin ni Zack. "Young lady, okay ka lang ba?" Tahimik ang mag-ama, kaya't si Manny, ang assistant, ang siyang kumilos upang magtanong sa Young lady. Tiningnan siya ng batang babae, pagkatapos ay tumalikod muli nang galit at hindi siya pinansin. Maingat na tinignan ni Manny ang bata, at nang masigurong ligtas ito, huminga siya nang maluwag at lumapit kay Zack upang mag ulat. “Ayos lang ang inyong anak, Master.” Tumango si Zack, pinagmasdan ang anak niyang tahimik, at pagkatapos ay inusisa ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak. Nang magtama ang kanilang mga tingin, bumiga
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a
Nang marinig ang sagot na iyon, parehong nagulat si Gino at Matanda. Hindi nila maintindihan kung bakit si Ana, bilang isang kasapi ng pamilya nila, ay gagawa ng ganitong bagay na makakasama sa iba at makikinabang lang siya. Bukod pa rito, noong ginamot ni Rhian ang matanda, nandoon si Ana, kaya't dapat ay alam niya ang kabutihang ginawa ni Rhian para sa pamilya nila. "Sinabi po ni Miss Ana na ako po ang nag-utos sa kanya na gawin ito, at hindi ko po ito naisip nang mabuti. Na-realize ko lang po ito nang tawagan po ninyo ako." puno ng pagsisisi si Macon, "Sir Gino, hindi ko po talaga intensyon na sumuway sa inyong mga nais, at wala po akong lakas ng loob." Inilapag ni Gino ang kanyang kamay nang medyo iritado, "Alam ko, kung may mangyaring may kinalaman kay Rhian sa hinaharap, agad kang magtanong sa akin." Agad na sumang-ayon si Macon. "At saka, kapag bumalik ka sa research institute ni Doktor Rhian, magpadala ka agad ng mga gamot na kailangan nila, at tatawagan ko siya nang pers
Agad na sumagot ang Manager, "Pero ngayon ay bigla akong pinatawag ni Sir Gino, at parang ako'y may pagkakamali. Hindi po ba sinabi ninyo na ito'y desisyon ni Sir Gino? Kung ganon bakit parang siya’y galit…”Noong una, alam ng Manager na ito ay kagustuhan ni Gino kaya't matapang niyang tinanggihan si Zanjoe. Ngunit ngayon, kung iisiping mabuti, parang may mali.Sa ugali ni Sir Gino, paano siya magbibitiw sa kanyang pangako? Bukod dito, wala silang dahilan para sumunod sa panig ng Saavedra sa isyu ni Doktor Rhian. Tungkol sa tono ng tawag ni Gino, parang galit ito at naninidi. Habang iniisip ito, lalo siyang nakaramdam ng kaba."Kung hindi man niya alam, anong masama doon? Lahat ng mga supplier ng halamang gamot sa bayan ay nakinig sa utos ng Saavedra at pinutol ang kooperasyon sa institute. Kami, ang Florentino, ay sumunod lang sa gusto ng Saavedra.”Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan sa kabilang linya bago ito nagsalita nang may katwiran. Nang marinig ito, biglang napalunok ng
Matapos ang tanghalian, hindi na nagtagal si Rhian at nagmadali siyang umalis para bumalik sa institusyon.Katatapos lang ni Zanjoe mula sa experimental area. Nang makita siyang bumalik, agad itong nilapitan para kumustahin, "Kumusta? Ano'ng sinabi ng pamilya nila?"Mas relax na si Rhian, "Mukhang may hindi pagkakaintindihan. Sinabi ni Mr. Gino na siya'y mag-iimbestiga. Maghintay tayo saglit. May mga halamang gamot na tayo mula sa kanila. Pagkatapos ng imbestigasyon, ibabalik nila sa atin ang supply."May ilang alinlangan pa si Zanjoe. "Tumatagal ang imbestigasyon. Hindi ka ba natatakot na baka iyon lang ang dahilan nila?"Nagkunot ng noo si Rhian at medyo nawalan ng pag-asa, "Ano pa'ng magagawa natin? Huli na para makipag-ugnayan sa mga herbal dealers sa ibang lungsod. Wala tayong magagawa kundi magtiwala sa pamilya nila. At kahit gamitin ni Mr. Guno ang imbestigasyon bilang dahilan, ang lolo niya ay may kredibilidad."Nakahinga nang maluwag si Zanjoe, "Sana nga'y isang hindi pagkaka
"Mr. Florentino," maingat niyang tinawag ang matanda. Matagal nang naghihintay ang matanda at nakatulog sandali. Nang marinig ang boses ni Rhian, dumilat ito. Matapos ang ilang sandali, nakabawi siya at ngumiti kay Rhian, "Nandito ka na pala, Doktor Rhian? Narinig ko kay Gino na ikaw mismo ang nag-alok na suriin ang aking kalusugan. Salamat dahil naalala mo pa ako, Doktor Rhian.” Ngumiti si Rhian bago, inilapag ang kahon na dala, at sinimulang suriin ang pulso ng matanda. Pagkatapos ng pagsusuri, tumayo si Rhian, "Ang kondisyon ay gumaling at naging stable na. Sa kalusugan mo, Mr. Florentino, kailangan mo lang ng ilang panahon ng pahinga at magiging normal na ang lahat." Ngumiti ang matanda at tumango, "Nararamdaman ko rin na ang aking katawan ay unti-unting bumabuti, lahat ng ito ay dahil sa iyo." Ngumiti si Rhian ngunit hindi nagsalita. Tumingin siya kay Gino na nakatayo sa harapan niya at sinabi ng may ngiti, "Pumunta ako dito ngayon dahil may nais akong hilingin kay Mr. Flore
"Huwag ka nang magalit tungkol sa bagay na ito. Sa huli, responsibilidad ko ito. Mag-iisip ako ng paraan," sabi ni Rhian at ngumiti upang pakalmahin ito, umakto siya na tila kalmado. Ngunit nararamdaman ni Zanjoe na hindi makatarungan para kay Rhian, at pati na rin para sa kanilang research institute. "Hindi ba't ang Florentino ay isang malaking kumpanya? Mahalaga ang mga binitawan nilang salita, dapat ay tuparin nila ang kanilang mga pangako?" Medyo napatigil si Rhian sa kanyang sinabi. "Sa simula, maraming doktor ang hindi kayang gamutin ang sakit ni Mr. Florentino. Sa huli, ikaw lang ang nakagawa ng paraan para gumaling siya. Nangako ang pamilya nila na ibebenta nila ang mga gamot sa kalahating presyo, pero ngayon nagbago sila ng desisyon!" Tumataas ang galit ni Zanjoe. "Kung alam ko lang na magiging ganoon ang pamilya nila, hindi ko na sana inirekomenda sa'yo na gamutin si Mr. Florentino!" Nang marinig ang mga pagmamaktol na parang bata ni Zanjoe, natawa na lang si Rhian