Trust Issue Natahimik siya at hindi na nakipag-argumento rito. Well, money was nothing for Oliver. May pambili naman sana siya sa aso na iyon dahil nabayaran na siya ng talent fee ni Dimitri sa iminodelo niya na ngayon ay nakabalandra na sa malaking billboard sa kahabaan ng EDSA."Last na 'yan, huh? Next time I won't allow you to spoil my sister, again.""Yeah, promise. Natutuwa lang ako, because Prinses is a good girl. Matalino, listo, at magalang na bata. So, I think she deserved all of this reward.""Thank you po, Kuya Oliver.""You're welcome, Prinses."Masaya sila dahil sa bagong Pomeranian Husky. Nang makauwi ng bahay ay ibinida kaagad ni Prinses ang aso nito. Naupo ang mga ito sa sala habang siya ay umalis muna para ipagtimpla si Oliver ng paborito nitong kape.Pagkabalik niya sa sala ay nadatnan niya si Prinses na naghahalungkat ng mga gamit nito sa backpack."Kuya. Phone mo po." Inabot nito ang cellphone kay Oliver."Uhm, you keep it, Prinses. Para talaga 'yan sa 'yo." Nari
Slapped “LOVE, are you busy?” Napaangat ng tingin si Oliver pagkapasok niya ng office nito. Lumapit siya dito pagkasara niya ng pinto.“Hindi, may tinatapos lang akong documents.”“Ah.” She simply scanned what he was doing. “Uhm. Hindi pa ba tayo uuwi? 05:00 PM na,” tanong niya.“Love, I can’t drive you home right now.” She frowned. “Ipahahatid na lang kita sa company driver.”“No, mag-commute na lang ako. Ah, hindi ka pa ba uuwi?”“No, uhm, magpapaalam sana ako sa ’yo. May dinner gathering kasi akong pupuntahan. But if you want to go with me—”“No, alam mo naman hindi ako sanay sa mga parties,” tanggi niya dito.“Just what I thought.” He shrugged.Nginitian niya ito nang bahagya. “So, mauuna na ako sa ’yo, love. Bye.” She winked. Tatalikod na sana siya nang pigilan nito ang braso niya.“You forgot something,” sabi nito saka tumayo sa kaniyang swivel chair. “Kiss,” sabi nito at ininguso ang labi.Ngumiti siya at ibinaba ang kaniyang bag sa mesa nito saka niya ipinulupot ang magkabil
Skipped DYNEE’s tears immediately fell. Agad naman niya iyong pinahid bago pa man siya makita ng driver ng taxi na lumuluha. Bumuntonghininga siya at pinatigas ang bakas ng kaniyang mukha. Pinahiran niya din ng foundation ang gilid ng kaniyang mata.Pagkarating niya ng kompanya ay dumeretso agad siya sa kaniyang opisina at ginawang abala ang kaniyang sarili sa mga trabahong naiwan niya kahapon. She was seriously working with her PC, hindi niya alam kung ilang minuto na ba siya doon sa opisina niya. She didn’t mind as long as ayaw niyang wala siyang ginagawa dahil ayaw niyang isipin ang kirot na kaniyang nararamdaman.But when she finished what she was doing, napangalumbaba na lang siya sa kaniyang mesa habang ang isang kamay ay may hawak na lapis. Gumagalaw at gumuguhit iyon ng paulit-ulit na hugis bilog sa sketchpad habang ang gunita niya ay lumilipad sa kung saan.Gumising ang lumilipad niyang diwa nang mapansing may pumasok sa loob ng kabilang opisina. Biglang nagtama ang kanilan
Decision “GOOD evening. Lola. Happy birthday ho. Pasensiya na ho kung late man akong nakarating dito ngayon.” Lumapit si Oliver at nagmano kay Lola Piedad.“Kaawaan ka ng Diyos apo ko. Okay lang, hijo, nasabi naman ni Dynee sa akin na may meeting ka buong araw. Oh, siya. Kumain ka na ba? Umupo ka na. Dynee, asikasuhin mo na itong nobyo mo. Apo, Prinses, dito ka maupo sa tabi ko at nang si Kuya Oliver mo riyan sa tabi ng ate mo.”“Opo, Lola. Kuya, dito ka na po.”She rolled her eyes, at alam niyang nakita iyon ng mga kaibigan niya kaya siya siniko ni Fina na katabi niya sa kabilang gilid.“Bhe, kung may problema man kayo mamaya n’yo na pag-usapan. Pakainin mo muna,” bulong nito sa kaniya.“Pinakain na ’yan ng iba,” sabi niya.Siniko siya nitong muli. “Sabing mamaya. Maririnig ka ng lahat.”She rolled her eyes again. “Pakialam ko kung marinig niya ang sinabi ko?”“Kayong dalawa, anong binubulong-bulong ninyo diyan?”“W-Wala ho, Lola. Tinatanong ko lang kay Dynee kung anong paboriton
Tears WALANG kagana-ganang kumilos si Dynee nang umagang iyon. Isipin pa lang ang breakup nila kagabi ni Oliver ay nalulungkot na siya. Gayunpaman, pinilit niyang patatagin ang sarili. Bumuntonghininga siya saka bumangon at humarap sa kaniyang tokador. She scanned her face. Yes, umiyak siya nang matagal kagabi. Lucky her, hindi masyadong mugto ang mga mata niya sa pag-iyak.She was back to normal. Kumilos siya at pilit inalis sa kaniyang damdamin ang kirot at kalungkutan dahil sa breakup na nangyari. After she finished her breakfast ay tumayo na siya at lumabas ng bahay na wala pa ring gana.As she expected, nandoon nga si Mang Edgar, ang company driver na laging sumusundo sa kaniya. Walang pagdadalawang-isip na pumasok siya sa sasakyan. Itutuloy pa rin niya ang paghahanda ng almusal nito, iyon ay dahil para ipakita rito na hindi siya apektado.Kinakabahan siya habang patungo sila sa bahay ni Oliver. Kagabi lang ang pakikipaghiwalay niya dito, kaya sariwang-sariwa pa rin ang sakit
Emergency DAYS had passed, nakikipag-usap at humaharap na lang siya ng pormal sa kaniyang boss. There were times na nahuhuli niya si Oliver na seryosong nakatanaw sa kaniya. There was also a time na makikipag-usap ito sa kaniya nang sarilinan, ngunit siya ang iwas nang iwas dito. She also refused his offer, tulad na lang sa imbitasyon nito sa pagkain sa labas at ang isasabay siya nito pauwi kapag nadaraanan siya ng kotse nitong nag-aabang ng masasakyan. She did that because she promised to herself that she would distance herself from him.Ramdam nito ang pag-iwas niya dito kahit sa buong company. Hindi rin niya hinahayaang matagal itong makaharap at kahit makausap sa telepono, kaya madalas itong mainit ang ulo. And about his aunt and uncle, she tried to settle down her arrears to them. Sinabi na rin niya ng personal sa dalawa na umuurong na siya sa deal nila. Kahit hindi pumayag ang mga ito ay iyon pa rin ang gagawin niya. Humingi rin siya ng six month notice sa mga ito, at kapag hi
Hospital Bills OLIVER was frowning while trying to reach Dynee. Ibinaba niya ang cellphone nang hindi pa rin ito makontak at tinungga na lang ang mainit na kape niya.He deeply sighed. Did he stress her out?Napabuntonghininga muli siya saka tinapos ang almusal. He rose to his chair at nagpasyang magpalit ng damit at kuhanin ang susi sa kaniyang silid.Nagmamadali ang bawat kilos na tinunton niya ang garahe ng kotse. And he immediately slid inside his car and drove it to Dynee’s place.Habang nasa byahe, hindi niya maiwasang isipin ang nangyayari sa kanilang dalawa. Yes, Althea’s already back. Noong una nalilito siya at tinitimbang niya ang damdamin kung may nararamdaman pa ba siya sa dating katipan. Hinayaan niyang pumasok sa eksena si Althea, yes. Kasalanan din niya kung bakit siya binitiwan ni Dynee. Iyon ang pagkakamaling gusto niyang itama. Mas inuna pa kasi niya ang sariling nararamdaman without even thinking na may nasasaktan siya. But it didn’t mean na ginusto niya ang mga n
Supportive “DYNEE?” Ang nagtatakang mukha ni Oliver ang nagbukas sa kaniya sa pinto ng bahay nito. “You have a key and access to my house. Bakit hindi mo binubuksan?”“H-Hi. Good afternoon.”Napatingin ito sa aso na tumatahol sa kaniyang paanan. “Why is Lilo with you?”Tumikhim siya. “Isasauli ko na siya sa ’yo.” He frowned. “And here, your key. Isasauli ko na din sa ’yo.”He didn’t accept the key on her palm. Tinitigan lang nito iyon. “Why are you giving it back to me?”“Allergy si Prinses sa balahibo ng aso. Isa sa dahilan kaya siya inataki ng asthma,” sabi niya dito. “Pati ’yong phone na pinahiram mo sa kaniya, isasauli na rin namin.”He moved his jaw and shook his head. “Why are you doing this, Dynee?”“G-Gusto ko lang isauli na ang mga bagay na ito. Please don’t get it wrong, Oliver.”Umigting ang panga nito. “So, it means ayaw mo na talagang ayusin natin ’to? Ganito na lang ba lagi?”Napakurap siya at napabuntonghininga. Bigla niyang naalala na puro mali ang sinasabi niya dito.
Finale “WE WISH you a Merry Christmas and a Happy New Year...”Masayang nagkakantahan at nagpapalakpakan ang lahat ng tao sa buong sala ng kanilang bahay. Lahat sila ay nakaupo sa carpeted floor. Ang kanilang anak na isang taon ang edad ang siyang nagbigay kulay, sigla at saya sa pagdiriwang nila ng Noche Buena. Hindi lang sila ng kaniyang sariling pamilya ang naroon kundi ang buong pamilya ng kaniyang asawa at ang pamilya din niya.She was so happy that their whole family agreed na sa kanila pa rin magdiwang ng Christmas Eve. Naging bida tuloy ang anak nila sa pagpapasaya ng mga naroon. Their son, Owen, was one and a half years old. Matalino kahit sa murang idad pa lang nito. He could also speak basic words.Hindi lubos akalain ni Dynee na mas titibay pa ang pamilyang binuo nila ng kaniyang asawang si Oliver. Way back when he was asking her hands on the family, hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Mahal niya ito at ramdam naman niyang seryoso ito lalo at magkakaanak na rin silang dala
Yes Napalingon ang lahat nang sumigaw si Dynee. Nag-panic ito at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang kuya nang makita nitong susugurin muli si Oliver.“Kuya, huwag!” Pumagitna siya sa dalawa.Pumagitna rin si Fina at hinarangan si Dillan.Pinagmasdan niya si Oliver. Nakita niyang namula agad ang sinuntok ng Kuya niya. “A-Are you okay?” her heart felt pity for him. Masuyo niyang hinaplos ang pumutok na gilid ng labi nito.“Yes, I am okay. I deserve it,” wika nito habang mariing nakatingin sa kaniya. Wari'y hindi nito iniinda ang pumutok na labi.“Pare, pasalamat ka at may umawat. Kung hindi, hindi lang ’yan ang aabutin mo sa akin.”“Kuya, stop.” Hinarap niya ang kaniyang kuya.“Kahit nasaktan ka nang dahil sa kaniya, nandiyan ka at ipagtatanggol ang lalaking ’yan na walang isang salita, Dynee?”“Kuya, I said stop!”Galit itong tumingin sa kaniya. “Gusto lang kitang protektahan sa lalaking ’yan, Dynee.”“Kuya, wala siyang kasalanan. Ako, 'di ba alam mo namang ako ang may kasalanan ng
Visit “YES TITA, I will wait for you here in my house with Tito Jayme and Tito Carlo. Okay, that’s all.”Nang matapos kausapin ni Oliver ang kaniyang tiyahin sa telepono ay bumaba na agad siya sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng kaniyang bahay.Ngayon na lang ulit sila nag-usap ng tiyahin after a month, nang magpursigi itong humingi ng tawad sa kaniya at kausapin siya nang masinsinan. That time, ayaw niyang makarinig nang kahit ano tungkol sa panlilinlang at paglalaro ng mga ito sa damdamin niya. Her Tita and Tito Carlo confessed everything from the start. Yes, galit siya dahil bakit kailangan pa ng mga itong gumamit ng tao kung puwede naman siyang kausapin nang maayos upang mapagtulungan nilang baguhin at ayusin ang mga testamentong naiwan ng kaniyang abuelo para sa kanilang lahat?He was not after their wealth. Kaya kusang ibibigay niya sa kaniyang tiyahin, tiyuhin at pinsan ang para sa kanila. Ang pagkakamali lang na ikinagagalit niya ay ang pinaglaruan siya ng mga ito at gina
Pregnancy Nanginginig ang kamay na inabot ni Dynee ang maliit na puting aparato. Nakailang minuto rin niya iyong tinitigan bago napagpasyahan na gamitin sa umagang iyon. Kabado pa rin siya at hindi mapakali sa magiging resulta.Unti-unti at tuluyan na niyang iniharap sa kaniya ang resulta ng aparatong hawak. Upon seeing the result, biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala. Nasapo niya ang noo at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod.Diyos ko, a-ano’ng gagawin ko? Paano ko sasabihin ito sa kanila? Diyos ko. A-Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siya sa kaniyang nalaman sa umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na maramdaman.“Dynee…”“H-Huh?” Napalingon siya sa kaniyang dalawang kaibigan na halos sabay na tinawag ang kaniyang pangalan.“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Cupcake.“Apo, hindi ba masarap ang luto ko at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo?” tanong ng kaniyang lola.
Pale ISANG araw hanggang dalawang araw pilit iniwasan ni Dynee si Oliver. She never did leave her office when she knew that Oliver was still around. Mabuti naman at hindi ito masyadong naglalagi sa company dahil may outside meetings din itong pinupuntahan sa company nito.Alam niyang ramdam nito na umiiwas siya. She went home early, iyon ay dahil masama pa rin ang pakiramdam niya at panay rin ang nararamdaman niyang pagkahilo.Katok sa labas ng kaniyang opisina ang gumising ng kaniyang inaantok na diwa. Napaupo siya nang maayos at napatingin sa pinto.“Yes, Yeye?”“Excuse me, ma’am. Puwede ka bang maabala saglit?” Tumango siya. “Tapos na kasi naming gawin ang recommend new design ninyo sa team natin para sa bagong square brackets, will you please check it out, ma’am. For final judgment na ho sana.“Sure. Let me see your work.”“Tara sa hallway, ma’am” Tumayo siya at sumunod kay Yeye.Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang magandang project na inilunsad niya for their new revised
Morning Coffee AS DYNEE walked inside the company, ang una niyang napansin ay ang pagkukumpulan ng mga empleyado. Nagtaka siya kung anong mayroon at kung bakit nagkakagulo ang lahat.May tumawag sa kaniya. Napalingon siya doon.“B1, B2, anong mayroon at busy ang lahat? May meeting bang magaganap?” nagtatakang tanong niya sa dalawa.“Hayaan mo, mga mosang ang mga ’yan,” nakangiting sagot sa kaniya ni B1.“Pero sa tingin ko, nakibalita na kayo,” sabi niya sa mga ito.“Ay, kami pa ba? Pahuhuli ba kami sa balita?” ani ni B2.“Oh, anong mayroon at sa inyo na lang ako makikibalita?” tanong niya nang sumabay ang mga ito sa kaniyang paglalakad patungo sa team office.“Baka mabigla ka.” Si B1.“Ay, for sure bakla. Yay, this is excited. Time for reconciliation.” Si B2.“Good morning, Ma’am Dynee,” bati sa kaniya ng lahat nang mapadaan siya.“Morning, girls,” bati ni B1 at B2 sa lahat.Nagtaka si Dynee nang biglang nabuwag sa pakikipag-tsikahan ang kaniyang team nang dumating siya. “Good mornin
Invitation SIYA ang unang umiwas dito ng tingin. She continued walking in his direction. Ramdam niyang hindi ito gumalaw sa pagkakatayo nito sa daraanan niya.She heard him cleared his throat. “Hi.” Mismong padaan na siya nang magsalita ito. “Good evening.”Kumurap siya at lumingon dito. “Good evening too, Mr. Acemzade,” tugon niya dito na halos iniiwasan ang matiim na mga mata nito. She cleared her throat. “Uhm, if you excuse me, I’ll go ahead—”“How are you?”Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa tanong nito. “K-Kung hinahanap n’yo ho si Sir Dimitri, nandoon siya sa event kasama ni Ms. Lia at mga—”“I’m not looking for him, Dynee.” Umawang ang bibig niya at sumulyap dito. “But it’s you—”“Ah, okay. So, if you really excuse me, kailangan ko pang sundan ang boss ko sa event.” Saka niya ito tinalikuran.“Dynee!”Her heart stopped from beating for a while. Napalunok siya saka tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Kumunot ang noo niyang kumawala rito.“Mr. Acemzade—”“It’
Palpitated “ANO? bakit ngayon pa? Hindi ba talaga puwede? My God, but Marga—” Naputol ang sasabihin ni Dynee nang magpaliwanag ang kausap niya sa kabilang linya. “Okay, okay. Wala na tayong magagawa kung masama talaga ang pakiramdam mo ngayon. Tsk! Okay bye.”Napakamot siya sa kaniyang noo pagkababa niya ng tawag.“What’s going on here, Barbie?”Napalingon siya sa taong nagsalita sa kaniyang likuran. “Oh, finally you’re already here, Dim.”“Oh, bakit gan’yan ang mukha mo? Something bad happened here?”“Dimitri, kasi 'yung model mo na nakuha natin ay hindi makakarating. Look, kulang 'yung model natin para sa gabing ito—” napahinto siya sa pagsasalita nang may napansin siyang babae na katabi nitong nakatayo. Huli na nang namataan iyon ng kaniyang mga mata. “Ay, pardon.” Napatampal siya sa kaniyang noo habang nakatingin sa dalawa.“It’s okay. Anyway, this is Breezelle. And Breeze, this is Dynee, my very efficient fashion organizer.”“Hi, Dynee.” Nakangiti itong naglahad ng kamay.“Hell
Resignation Letter DYNEE was still going to work for two days, ngunit walang Oliver ang pumapasok sa opisina nito. He never informed her where he was. Nauunawaan naman niya iyon. He distanced himself, and she gave him space.Tanging si Shasha lang ang sinasabihan nito at binibigyan ng instructions about the company. Which was wrong dahil nandoon naman siya para ayusin ang buong schedule nito habang wala ito sa opisina.Shasha has no idea what was going on with their relationship. Pero alam niyang nakakapansin din ito na hindi sila nagkakaunawaan ni Oliver. Ramdam nitong may nangyari kaya gusto nitong tanungin siya. But she didn’t even ask her. Ipinaalam naman niya dito na may konting problema lang silang dalawa. She didn’t ask for more information, but Sasha gave her some advice, na nagpagaan ng kaniyang mabigat na problema.Dumating sa punto na kailangan niyang magpakatatag at magdesisyon. And that night she finally decided to talk to him, naisip niyang tama na ang space na bini