Share

68

Author: 4the_blg3
last update Last Updated: 2022-01-20 01:56:10

Matapos ng pagbanyo nila ay pumunta naman kami sa sinehan. 'Yun ang pinag-usapan ng dalawa. Nagkwentuhan din sila sa kung anong palabas ang uso ngayong panahon. Ako naman ay nakiki-oo lamang sa mga binanggit nila pero sa totoo lang wala akong maintindihan.

"Ikaw ba Kaoree anong gusto mong panoorin?" Sa wakas ay pinansin ako ni Latrelle. Parang silang dalawa ang nagda-date at ako ang kanilang chaperone.

"Ako? Gusto ko ng horror sana." Nakangiti kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa.

"Sige." Matipid na sagot ni T.H. Pumila kami upang bumili ng ticket. 

May ilan na mga babae na lumapit kay Latrelle. Sinamantala ni T.H ang pagkakataon saka hinalikan ako sa noo. "Gutom ka na ba?" Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Enebe!

Inayos niya ang takas na hibla ng aking buhok at nilagay iyon sa tagiliran ng aking tenga. "Medyo." Nahiya kong sagot.

&nbs

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   69

    ToothbrushMatapos ang panonood sa sinehan ay hinatid nila akong dalawa. Kantayawan ang agad na bumungad sa akin ng dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si Jez na may pipino sa mukha."Uy! Ikaw ha! Dalawang boylet 'yun girl! May pinagmanahan ka!" Sabi nito at saka pinisil ang tagiliran ko."Kanino pa ba magmamana!" Proud kong sambit."Eh, 'di sa'yo!" Dugtong ko sa sarili kong sinabi."Akala ko pa naman may something kay Sasha at Latrelle." Dismayadong pagsingit ni Vana sa gitna ng usapan namin ni Latrelle. Naghahanda siya ng mga pinggan para sa hapunan. Sina Marcus at Yuan ang nakatoka sa pagluluto.Sina Drianna at Sasha ay prenteng nakaupo habang nanonood ng television. Umikot ang tingin ko. Nasaan kaya si Melissa?"Anong nangyari sa date niyong tatlo?" Nakatawang tanong ni Marc

    Last Updated : 2022-01-21
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   70

    SulatDinala niya ko sa tabing-dagat. Malamig ang simoy ng hangin kaya kumuha siya ng jacket sa kanyang sasakyan. Umupo siya sa tabi ko at pinatong aking ulo sa kanyang balikat.Para bang nag-uusap ang puso namin at nakikisabay ang bawat hampas ng kalmadong tubig. Kung kanina ay hindi ako dinalaw ng antok ay iba ngayong oras. Si T.H ang iniintay kong pahinga sa nakakapagod na araw.Siguro ay napagod din siya kanina pero ang malaking tanong ay kung bakit niya ako pinuntahan ng ganitong oras. Ramdam ko ang pag-ahon at sulong paghinga nito. Mainit ang bawat paghinga niya. Mas lalong pinainit nito ang aking pakiramdam kaya hindi ko gaanong ramdam ang lamig."Bakit hindi ka pa natulog kanina? Mukhang inaantok ka ngayon." Pambasag niya sa katahimikan."Wala naman. Sadyang hindi lang ako dinalaw ng antok." Pagsisinung

    Last Updated : 2022-01-21
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   71

    Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Naalimpungatan ako ng inalog ni Melissa ang katawan ko. Masakit ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog.Hindi ko na kumpleto ang 6 hours sleep. Rule pa naman iyon ng mga Dyosa ang matulog ng 6-7 hours.Ako na lang ang hinihintay ng lahat para makaalis kami kaya mabilis akong kumilos. "Siguro dapat mag-ayos muna kami." Aniya Yuan. Tumango naman ang lahat sa sinabi nito.Nirecheck niya ng mga bintana at ang pinto sa likod ng bahay. Si Melissa naman ay nagwawalis ng sahig. Habang sina Marcus at Latrelle naman ay inaayos ang ilang kagamitan na ginamit namin. Ang magkakaibigan na sina Sasha, Vana at Drianne ay tinitrintas ang buhok ng bawat isa.Sa kabilang banda, si Jez ay inaayos ang kanyang BB cream. Ako naman ay pinatuyo ang sarili kong buhok gamit ang blower na pinahiram ni Sasha. Matapos nito ay nagpusod ako ng buhok at nagjacket.

    Last Updated : 2022-01-25
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   72

    UlanIlang araw pa ang nakalipas ay walang paramdam si T.H. Nabalitaan ko na lang na umuwi siya kasama si Rosella sa kanilang bahay. Nakahalumbaba na lamang ako habang nakikinig sa turo ng aming guro."Kaoree, ayos ka lang ba?" Aniya Melissa.Ilang araw na rin ang nakalipas at si Wanwan ay hindi pa nagpapakita sa amin. Ang sabi ni Bruno ay may sakit daw ang isang iyon. Pero hindi naniwala si Melissa dahil alam niyang dahil sa kahihiyan kaya hindi siya pumasok.Mabilis lumipas ang mga oras ng hindi ko namamalayan. Si Marcus ay kasama namin maglunch pati si Jez na ngayon ay successful ang defense. "Girl! Ang galing ko! Havey na havey ang pagdefense namin!"Ngumiti ako. "Congrats ha! Sana all na lang!""Anong sana all! Syempre ikaw rin pagdinaanan niyo ito ni Melissa makakaya niyo rin to." Pampalubag-loob nito.Masayang-masaya kaming apat habang kumakain. Libre kasi ni Jez ang lunch namin. Hindi lang 'yon pati ang snacks namin para

    Last Updated : 2022-01-27
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   73

    'Only My Friend'Nagsuot ako ng simpleng cream dress na aabot hanggang sa itaas ng aking tuhod. Binagayan ko ng ribbon na ka-kulay rin nito. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Naglagay ako ng light make-up at handa na akong magpakita sa party na iyon."Kaoree." Tawag ni Latrelle. Nakatayo siya sa pintuan. Napakagwapo niya sa tuxedo niyang suot, cream din ang panloob nito. Magulo ang buhok niya na agaw pansin."Iniintay ka na nila." Aniya nito. Tumayo ako saka inayos ang mga gamit ko. Humakba siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ko ng mahigpit. "Wala akong maramdaman. Akala ko plywood ang niyayakap ko."Tinulak ko siya ng bahagya. "Alam mo tsansing ka lang! Bumaba ka na roon at susunod na ko."Ngumiti siya saka kumindat sa akin. "Ganda mo talaga." Saka umalis ng aking kwarto.Pinagmasdam ko ang frame nina Mama at Papa. Ang mga ngiti nila, ang yak

    Last Updated : 2022-02-26
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   74

    Mayroon pag-ibig na hindi talaga para sa atin. May mga bagay na kahit gustuhin mo hindi pwedeng mangyari. Kahit anong laban mo, wala talaga. Siguro gano'n nga talaga ang pag-ibig. Kahit anong gawin kong pagpapaniwala sa sarili ko na mahal ako ni T.H ay hindi nito matatakluban ang kasinungalingan.Sa tingin ko, minahal niya ako kahit kaunti lang. Kaunti lang kaya hindi sapat iyon para hindi niya ko ipaglaban. Kaunti lang kaya naging sapat iyon para hindi niya ko ligawan.Masakit 'yung pinakilig niya ko pero hindi niya naman kayang panindigan. Mas lalong masakit dahil hindi naman siya ang una kong nagustuhan kung hindi si Wyn. Mas nakakatanga dahil umasa ako sa bagay na hindi naman pala mangyayari.Pinakatangang bagay na ginawa ko ay nagsettle ako sa walang label at sa taong hindi manlang nilinaw kung ano bang relationship status niya sa babaeng nakasakit sa akin. Humarap ako sa party na iyon para patunayan na suportado ko siya pero hindi ko ibig sabihin na

    Last Updated : 2022-02-27
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   75

    Mayroon pag-ibig na hindi talaga para sa atin. May mga bagay na kahit gustuhin mo hindi pwedeng mangyari. Kahit anong laban mo, wala talaga. Siguro gano'n nga talaga ang pag-ibig. Kahit anong gawin kong pagpapaniwala sa sarili ko na mahal ako ni T.H ay hindi nito matatakluban ang kasinungalingan.Sa tingin ko, minahal niya ako kahit kaunti lang. Kaunti lang kaya hindi sapat iyon para hindi niya ko ipaglaban. Kaunti lang kaya naging sapat iyon para hindi niya ko ligawan.Masakit 'yung pinakilig niya ko pero hindi niya naman kayang panindigan. Mas lalong masakit dahil hindi naman siya ang una kong nagustuhan kung hindi si Wyn. Mas nakakatanga dahil umasa ako sa bagay na hindi naman pala mangyayari.Pinakatangang bagay na ginawa ko ay nagsettle ako sa walang label at sa taong hindi manlang nilinaw kung ano bang relationship status niya sa babaeng nakasakit sa akin. Humarap ako sa party na iyon para patunayan na suport

    Last Updated : 2022-02-27
  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   Wakas

    Hindi man gumaling si Lolita sa kanyang Chronic Heart Failure disease naging masaya naman kaming magkakasama rito sa probinsya. Lumipat din kami ng bahay kung saan nakahanap ako ng trabaho ilang linggo lang matapos ang pagpapaospital ni Lolita. Tinulungan ako ni Yara ang naging malapit kong kaklase matapos kong lumipat ng eskwelahan. Mayroon siyang kilalang kamag-anak na nangangailangan tumao sa kanilang coffee shop at madalas na puntahan iyon ng mga estudyante lalo na paggabi. Mas naging mahirap ang sitwasyon ko nu'ng nag-aaral ako. Gusto ko na sanang tumigil pero inisip kong gusto ng mga magulang ko lalo na ni Lolita ang makatapos ako ng pag-aaral. Ang maliit na ektarya ng lupa niya para sa pagsasaka ng mais ay naipagbili kasama na na ang dating bahay. Ginamit namin ang pera para makapagpatayo kami ng bahay rito sa syudad tatlong sakay mula sa kinagisnan naming probinsya. Si Lucky ay nagtransfer rin ng school. Siya ang n

    Last Updated : 2022-02-27

Latest chapter

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   29

    Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   28

    Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   27

    Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   26

    NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   25

    “Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   24

    Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   23

    Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   22

    "Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d

  • A House With Heartthrobs (Tagalog Version)   21

    Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na

DMCA.com Protection Status