Katok
Sinong mag-aakalang makatatagal ako kasama ang limang lalaki sa iisang bahay?
Kusang ngumiti ang labi ko habang pinagmamasdan ang picture nilang lima na nakasabit sa pader ng sala.
Parang kailan lang lang sinupladuhan ni T.H at nakita ko si Latrelle sa isang karinderya.
"Tara na, Kaoree!" Masayang sambit ni Marcus bitbit ang luggage niya.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Melissa ngayon. Nakakapagtaka na kasama siya. Samantalang ang sabi ni Melissa ay ako lang ang inimbita niya.
Wala naman akong sama ng loob na kasama si Marcus pero kakaiba ang lahat.
MagsasayaNagtuloy-tuloy sa pagpasok si Yuan na para bang wala si Marcus sa harapan niya."Papasok na ko sa kwarto, Madam." paalam ni Yuan kay Melissa kay tumingin kami sa kaibigan ko.Madam? Paano naman nangyari 'yon?Pinanood namin si Yuan na pumunta sa kanyang kwarto hanggang sa mawala siya sa paningin namin. Saan naman kaya ang kwarto no'n?"Nando'n sa pinakalikod ang kwarto niya. Huwag kayong mag-alala." Sagot ni Melissa na para bang nabasa niya ang aming iniisip."Teka. Paano kayo nagkakilala ng pinsan ko?" pagtataka ni Marcus."Alis na kami, Kaoree ha." Paal
DalawanglalakiMga batang naghahabulan sa dalampasigan ng dagat ang siyang unang nagpangiti sa akin. Nang unang tapak palang namin sa puting buhangin.Nakasuot akong white shirt at sa loob nito ang two piece na pinahiram sa akin ni Melissa.Tumayo ako at inayos ang payong na nagsisilbi kong panangga sa mainit na sikat ng araw. Ilang sun block lotion yata ang mauubos ni Sasha dahil waal siyang tigil sa paglagay nito lalo na sa kanyang mga hita.Sa kabilang banda ay dumating ang magpinsan na sina Marcus at Yuan. Parehas silang nakashades habang umiinom ng dala nilang buko juice.Karamihan ng babaeng dumaraan sa aming harapan ay n
AlagaHabang lumilipas ang oras ay parami ng parami ang tao. Hindi ko na rin maaninag kung nasaan ang mga kasama ko.Sa gawing kanan ko ay may magkakaibigan na babae ang um-order ng tequila. Humagikhik ang isa sa kanila na nakasuot ng dangling earrings. May lumapit kasing lalaki sa kanya.Long-hair, matangos ang ilong na nakasuot ng sleeves. Depina ang muscles ng katawan nito dahil fitted.Nagkantyawan ang mga kasama niya dahil tila yata kinukuha ng lalaki ang phone number nito.Dahil sa aking pagkainip ay umorder din ako ng tequila. Hindi naman tumagal ang dating ng order kaya naman nalasap ko agad ang lasa nito. Mapait na hindi ko maintindihan ang lasa.Napangiwi na lang ako sa tapang.Namalayan ko na lang na nakikiindak ako sa saliw ng tugtog sa gitna ng dance floor. Hindi ko maalala kung ilang tequila ang inorder ko basta ang alam ko
AlagaHabang lumilipas ang oras ay parami ng parami ang tao. Hindi ko na rin maaninag kung nasaan ang mga kasama ko.Sa gawing kanan ko ay may magkakaibigan na babae ang um-order ng tequila. Humagikhik ang isa sa kanila na nakasuot ng dangling earrings. May lumapit kasing lalaki sa kanya.Long-hair, matangos ang ilong na nakasuot ng sleeves. Depina ang muscles ng katawan nito dahil fitted.Nagkantyawan ang mga kasama niya dahil tila yata kinukuha ng lalaki ang phone number nito.Dahil sa aking pagkainip ay umorder din ako ng tequila. Hindi naman tumagal ang dating ng order kaya naman nalasap ko agad ang lasa nito. Mapait na hindi ko maintindihan ang lasa.Napangiwi na lang ako sa tapang.Namalayan ko na lang na nakikiindak ako sa saliw ng tugtog sa gitna ng dance floor. Hindi ko maalala kung ilang tequila ang inorder ko basta ang alam ko
Huli-huliLumipas ang buong araw na tumambay si Jez sa bahay bakasyonan kasama namin. Buong maghapon kaming naglaro ng Xbox at movie marathon.Napagpasyahan din niya na dito na lang matulog dahil alam niyang hindi ako.Ang kwento niya naging maayos naman ang kanyang photoshoot. 'Yun nga lang ay nanggulo si Jaz matapos nito.Sa katunayan nga ay patagong pumunta rito si Jez dahil ang kwento niya ay iniistalk siya ng babae.Alam ko naman kung gaano ang pandiri niya sa mga babaeng may gusto sa kanya."Kailan ba kasi nagkakilala nung Jaz na 'yon?" Sabi ko habang nagtitimpla ng juice.Inabot naman sa akin ni Sasha ang pitcher na nasa tabi niya. Kasalukuyan din siyang nasa kusina dahil abala siya sa pagluluto ng espesyal niyang bicol express at adobo.Hindi raw siya mahilig magluto pero dahil sinama namin siya at ang dalawa
Kinikilig"Ano ba! Sinabing ako muna!", giit ni Vanna."Please, ako muna! Ang tagal mo kaya maligo. Duh!" Aniya Drianne."Calm ladies. Dalawa ang banyo for girls." Pagsingit ni Marcus sa dalawang babaeng nagbabangayan dahil gusto nilang excited sila sa pupuntahin namin ngayong araw.Maagang gumising ang lahat para mag-exercise. Bilin iyon ni Yuan para hindi sumakit ang aming katawan kaya kahit medyo bangag at wala sa katinuan ay pinilit kong bumangon.Tinali ni Melissa ang kurtina na humaharang sa view ng labas. Napakaganda ng kalangitan inaagaw ng liwanag ang buong kalangitan mula sa dilim. Kasabay nito ang magkakasunod na tilaok ng manok."Pandesal! Pandesal kayo dyan!" Sambit ng tindero kasabay ng pagpopot."Bibili lang ako! Aabangan ko si Manong sa labas!" Masayang sambit ni Melissa. Nagjacket muna siya bago tuluyang lumabas. Ramdam ang lamig ng umaga sa lugar nila kaysa sa amin.Kahit nga ako ngayon, ay mukhang mahih
Dyosa ng MarurupokAng lahat ay nakatulog sa van dahil sa aga ng gising namin kanina. Naalimpungatan ako dahil sa bahagyang pagpreno ni Manong Driver para umiwas sa motor na bigla na lang sumulpot galing sa kabilang kanto.Nakarinig ako ng bahagyang pagbukas ng plastik ng chichirya. Lumingon ako mula sa aking kinauupuan. Halatang bagong gising palang si Jez habang unti-unting binubuksan ang paborito niyang chichirya."Uy! Ang damot ah!" Sabi ko sa kanya na kinagulat naman niyo kaya muntik niya ng mabitiwan ang bagay na hawak niya."Ang damot agad! Hindi ba pwedeng nag-alala lang ako na kapag humingi ka eh maubusan ako." Pagalit niyang sinubo ang chichirya."Pahingi naman ako! Para naman akong others!" Sabi ko. Kung alam ko lang na may dala siyang pagkain ay hindi na sana ako umupo katabi ng driver.Pinilit kong abutin iyon pero kapos ang braso ko.
Double meaning"Akala ko ba ang activity natin canyooneering!" Sabi ni Jez. Alam kong gustong-gusto niya iyon noon pa man kaya kahit masakit sa balat niya ang init ay sumama siya kaya gano'n na lang ang pagreklamo ng kaibigan ko."May naaksidente raw nu'ng nakaraan lang kaya hindi pwede. Saka may ilog naman malapit dito pwede tayong manguha ng isda." Paliwanag at Suhestiyon ni Yuan."For me, I will go for it. Kaysa naman masayang lakad natin. Hindi ba girls?" Sabi ni Sasha na hinubad ang pang itaas niyang damit kaya naman sports bra na lang ang suot niya.Napakasexy niya talaga kumpara sa amin. Ibang-iba ang hubog ng katawan niya. Marahil ay dahil sporty type siyang tao kaya maganda ang kinalabasan nito sa kanya."Oo nga. I will go for it na rin saka masaya kaya mangisda!" Sabi ni Vanna."Uy! Go rin ako dyan! Kami ni Kaoree!" Sabi ni Melissa saka niya tinaas
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na