Huli-huli
Lumipas ang buong araw na tumambay si Jez sa bahay bakasyonan kasama namin. Buong maghapon kaming naglaro ng Xbox at movie marathon.
Napagpasyahan din niya na dito na lang matulog dahil alam niyang hindi ako.
Ang kwento niya naging maayos naman ang kanyang photoshoot. 'Yun nga lang ay nanggulo si Jaz matapos nito.
Sa katunayan nga ay patagong pumunta rito si Jez dahil ang kwento niya ay iniistalk siya ng babae.
Alam ko naman kung gaano ang pandiri niya sa mga babaeng may gusto sa kanya.
"Kailan ba kasi nagkakilala nung Jaz na 'yon?" Sabi ko habang nagtitimpla ng juice.
Inabot naman sa akin ni Sasha ang pitcher na nasa tabi niya. Kasalukuyan din siyang nasa kusina dahil abala siya sa pagluluto ng espesyal niyang bicol express at adobo.
Hindi raw siya mahilig magluto pero dahil sinama namin siya at ang dalawa
Kinikilig"Ano ba! Sinabing ako muna!", giit ni Vanna."Please, ako muna! Ang tagal mo kaya maligo. Duh!" Aniya Drianne."Calm ladies. Dalawa ang banyo for girls." Pagsingit ni Marcus sa dalawang babaeng nagbabangayan dahil gusto nilang excited sila sa pupuntahin namin ngayong araw.Maagang gumising ang lahat para mag-exercise. Bilin iyon ni Yuan para hindi sumakit ang aming katawan kaya kahit medyo bangag at wala sa katinuan ay pinilit kong bumangon.Tinali ni Melissa ang kurtina na humaharang sa view ng labas. Napakaganda ng kalangitan inaagaw ng liwanag ang buong kalangitan mula sa dilim. Kasabay nito ang magkakasunod na tilaok ng manok."Pandesal! Pandesal kayo dyan!" Sambit ng tindero kasabay ng pagpopot."Bibili lang ako! Aabangan ko si Manong sa labas!" Masayang sambit ni Melissa. Nagjacket muna siya bago tuluyang lumabas. Ramdam ang lamig ng umaga sa lugar nila kaysa sa amin.Kahit nga ako ngayon, ay mukhang mahih
Dyosa ng MarurupokAng lahat ay nakatulog sa van dahil sa aga ng gising namin kanina. Naalimpungatan ako dahil sa bahagyang pagpreno ni Manong Driver para umiwas sa motor na bigla na lang sumulpot galing sa kabilang kanto.Nakarinig ako ng bahagyang pagbukas ng plastik ng chichirya. Lumingon ako mula sa aking kinauupuan. Halatang bagong gising palang si Jez habang unti-unting binubuksan ang paborito niyang chichirya."Uy! Ang damot ah!" Sabi ko sa kanya na kinagulat naman niyo kaya muntik niya ng mabitiwan ang bagay na hawak niya."Ang damot agad! Hindi ba pwedeng nag-alala lang ako na kapag humingi ka eh maubusan ako." Pagalit niyang sinubo ang chichirya."Pahingi naman ako! Para naman akong others!" Sabi ko. Kung alam ko lang na may dala siyang pagkain ay hindi na sana ako umupo katabi ng driver.Pinilit kong abutin iyon pero kapos ang braso ko.
Double meaning"Akala ko ba ang activity natin canyooneering!" Sabi ni Jez. Alam kong gustong-gusto niya iyon noon pa man kaya kahit masakit sa balat niya ang init ay sumama siya kaya gano'n na lang ang pagreklamo ng kaibigan ko."May naaksidente raw nu'ng nakaraan lang kaya hindi pwede. Saka may ilog naman malapit dito pwede tayong manguha ng isda." Paliwanag at Suhestiyon ni Yuan."For me, I will go for it. Kaysa naman masayang lakad natin. Hindi ba girls?" Sabi ni Sasha na hinubad ang pang itaas niyang damit kaya naman sports bra na lang ang suot niya.Napakasexy niya talaga kumpara sa amin. Ibang-iba ang hubog ng katawan niya. Marahil ay dahil sporty type siyang tao kaya maganda ang kinalabasan nito sa kanya."Oo nga. I will go for it na rin saka masaya kaya mangisda!" Sabi ni Vanna."Uy! Go rin ako dyan! Kami ni Kaoree!" Sabi ni Melissa saka niya tinaas
Pagod"Ayaw mo talaga?" Pag-uulit niya."Latrelle, please lang! Tigilan mo na ko."Naglakad-lakad ako upang humanap ng masisilungan. Hindi naman ako nabigo dahil mayroon na maliit na kubo maliit sa ilog."Magdahan-dahan ka lang!" Aniya Latrelle na hindi ko akalain na sumunod sa akin."Ang kulit mo! Akala ko ba hindi mo na ko pagtri-tripan!?" Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyon pero mukhang hindi yata malinaw sa kanya ang sinabi ko."Hindi ko maiwasan na hindi. Pasensya ka na, lugaw girl." Pag-ngising sagot niya."Bakit hindi ka sumama roon?" Tinuro ko ang pwesto kung saan nandoon si Marcus. Kumunot ang noo ko. Nakikipagbasaan siya kay Melissa ng tubig."Ayoko. Panget ka-bonding. Akala ko pa naman manghuhuli tayong isda pero..." huminga ng malalim si Latrelle. "Paglalandian ang ginagawa nilan
Mahal KitaMay mga bagay na gusto kong maintindihan. Hindi ko maunawaan anong gusto ni T.H na ipahiwatig sa akin. Sa bawat salita niya at sa pagkilos niya. Gusto kong malaman ano bang gusto niya? Bakit kailangan magmukha akong baliw kakaisip kung anong totoong nararamdaman niya sa akin?Ang malalim niyang paghinga ay ramdam ko habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinagmamasdan naming dalawa ang mga taong kanya-kanyang gumagawa ng bonfire at tent. Malakas ang halakhakan ng ilan sa kanila. Ang iba naman ay katulad namin. Tahimik lang at gustong mapag-isa habang nakatambay sa lilim ng puno.Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni T.H kaya naman umayos ako ng upo. Bumangon siya para titigan ng maayos ang buwan. Para bang may mukha iyon at nakangiti sa aming dalawa. Katabi niya ang mga bituin na lalong nagbigay kagandahan sa kanya.Para bang inabot ni T.H ang buwan saka gumuhit ng hugis puso gamit ang mga bituin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa
DareUmupo ang lahat malapit sa bonfire na ginawa ni Yuan. Ang katabi ko ay sina Jez at Melissa habang ang katapat ko naman ay sina T.H at Rosella. Nakapulupot siya sa braso ni T.H.Si Sasha ang nag-ayos ng mga papel sa bote. Tinakpan niyang mabuti iyon bago nilagay sa gitna. Nagpresenta si Latrelle na siya ang mag-iikot ng bote na hudyat na simula ng laro namin. Nu'ng una ay nagtawanan pa dahil masyadong mahina ang pagpapaikot ni Latrelle sa bote. Pero sa pangalawang pag-ikot nito ay naging maganda ang kinalabasan. Hindi masyadong mabagal at hindi rin naman mabilis.Unang tumuro ang nguso ng bote kay Drianne. Konsentrado ang lahat sa kung anong tanong ang mabubunot niya. Pakiramdam ko nga ay pinagpapawisan ako ng malamig lalo ng inalis niya ang takip ng bote saka nagsimulang bumunot ng tanong."Oh! That's my question for sure." Aniya Rosella.Pero sa tingin ko ay hindi sa kanya iyon dahil may isang taong nagpipigil ng tawa na hindi mal
Sleep here "I dare you to kiss me, T.H." Walang bakas na pagdadalawang-isip na sinabi ni Rosella. Tahimik ang lahat matapos ng sinabi niya. Tinignan nila ako na may halong lungkot. Gumuhit ang mapagkunwaring ngiti sa labi ko. Tinignan ako ni T.H. tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Rosella. Kumunot ang noo niya sa babaeng katabi niya na halos abot-langit ang ngiti. "Now, what T.H?" Sabi ni Rosella. Lumunok ako ng dalawang beses saka yumuko. Unang lunok para sa pampatanggal ng kaba kung gagawin niya ba iyon. Huling lunok, upang bumaba ang sakit ng puso ko at mawala ng tuluyan. "Nahinga ka pa ba?" Tinapik ni Jez ang aking likod. Hindi ko alam Jez kung nahinga pa ba ko, o baka bigla na lang maputol ang paghinha ko kung sakaling parehas na mata ko mismo ang makakita kung paano halikan ni T.H si Rosella. "O‐oo n-naman!" Pilit kong sagot. "Ano ka ba! Tignan mo 'yung gagawin ni T.H. Huwag kang magmukmok. Lalo lang ma-tri-tr
DateNaalimpungatan ako dahil sa amoy ng masarap na sinangag. Kusang bumangon ang aking katawan kahit ako ay nakapikit pa. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Ngumiti ako ng makita si T.H sa harapan ko. May dalang pagkain at tubig."Good morning. Kumain ka na." Matipid nitong bati. Nilapag niya ang pagkain at baso sa harapan ko.Nawala ang ngiti sa labi ko ng napagtanto ko kung anong nangyari kagabi at kung nasaan ako. Sinapo ko ang aking sentido."T.H, sina Jez at Melissa? Hindi ko ba sila katabi kagabi?"Umiling siya habang sinusuklay ang kanyang buhok. "Dito ka natulog sa tent ko."Huminga ako ng malalim at napalunok. Tinitigan ko ang pagkain na binigay niya. Siguradong binili niya ito sa station ng mga pagkain malapit sa may entrance ng ilog. Kumulo ang tiyan ko kaya't pinili ko na lang munang kumain kaysa isipin ang iba pang bagay.