⚠️Read responsibly⚠️
I woke up early, despite it being a Saturday. I guess I'm just used to it; that's why they call me an early bird. Everyone can afford to be late for school, but not me.Inabot ko na ang phone ko at binuksan ang mga message. Dalawa mula kay Gab na group message naman at quotes pa na mukhang pinapatamaan na naman si Jinro. Anong taon na ngayon pero parang aso't-pusa pa rin ang dalawang ito.Dalawa rin kay Percy saying goodnight na paniguradong kagabi pa ito at good morning kaninang mga 4:00 a.m. Maaga na naman 'yon umalis papuntang photo studio niya.May mensahe rin mula sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa mga co-agent ko. Iyong iba ay wala namang kinalaman sa akin. General messages naman.I'm not sure why they're so fond of sending group messages and greetings. Trying to keep up with them really saps my energy. As an introverted person, it comes naturally for me to just seen their texts and chats.Napabuntonghininga ako nang makita ang huling sender ng sandamakman na unopened messages. Inuubos talaga ang pasensiya ko ng Ashmer Guieco na ito. Laging na-fu-full storage ang inbox ko dahil sa kanya.Napasinghap at napailing na lang ako. Inisa-isa ko na lang na buksan ang kanyang mensahe dahil wala pa naman akong ginagawa rin.Good night lang naman lahat at mga emojis. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon.Gano'n siya kapag walang reply na natatanggap mula sa akin. Eh sa busy ako sa kakabasa eh. Tinapos ko 'yong isa sa libro niya na ipinahiram niya sa akin noong isang araw. Hindi niya pa ako nabibilhan ng bago dahil busy siya lately. Marami kasing misyon na dumating sa system namin. Nasilip ko lang naman iyon kahapon.Speaking of mission ay kukuha nga pala kami mamaya ni Gab. Silang dalawa lang naman ni Percy ang madalas na ka tandem ko. Minsan si Jinro ang pinapasama ko sa kakambal ko. Mas malaki ang tiwala ko na 'di niya pababayaan si Gab, eh.Nilock ko na ang phone ko tsaka pumasok sa shower room at naligo. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa closet at namili ng susuotin. Nakita ko ang malaking t-shirt na iniregalo ni Ash sa'kin nong nakaraang pasko kaya iyon na ang isinuot ko. Pinaresan ko na rin ng hindi naman masyadong maikli at hindi rin mahabang pambaba.At dahil basa pa naman ang buhok ko ay hindi ko na muna itinali, hinayaan ko lang na nakalugay. Nag-spray ako ng konting pabango at tsaka lumabas na ng flat.Dire-diretso na sana ang lakad ko nang hinarangan ako ni Lovimer. Isang Guieco din. Ang isang ito, sa pagkakaalam ko noon ay may crush din ito sa akin eh bago naging sila noon ni Jeannie.Umamin naman kasi siya pero hanggang doon lang talaga. Okay lang naman sa akin, at least may nagka-crush, 'diba? Wala namang masama sa paghanga."Ganda! Good morning. Ganda ng t-shirt natin ah?" nakangiti niya pang bati kaya ngumiti naman ako, mukhang natigilan pa ang loko."Good morning and thanks." Masyado lang akong nasa mood sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit."Ang ganda yata ng umaga mo, ang ganda rin kasi ng ngiti mo eh. Mukhang magkaka-crush na naman ulit ako sayo niyan," biro niya pa.Lingid sa kaalaman ng lahat, isa ako sa ka-close ng lalaking ito bukod sa kay Crystal. Kaibahan lang close kami noon pero 'di madalas mag-usap, magkasama unlike Crys na halos mapagkamalan na silang magjowa noon. Tho, napansin kong hindi na sila gano'n kalapit sa isa't-isa ngayon. Baka dahil matagal ding nawala rito sa Pilipinas si Lovimer."Aba naman, Mer...""Love na lang, para namang ang robot kong pinsan na si Ashmer ang tinatawag mo, eh," patutsada niya na naman.Natawa na lang ako sabay palatak. "Wag ka nga, mamaya marinig pa ng isa sa girls mo rito na tinawag kita ng love, isyu na naman," pandidirekta ko pa sa kanya."Girls?" maang-maangan pa niya pero alam kong alam niya kung sino-sino ang tinutukoy ko. Lalaking talagang ito. Isa ring nyawa at haduf."Mention ko na ba?" biro ko, sunod-sunod na iling ang tugon niya."Wag na," kaagad niyang tugon. Sabay pa kaming natawa."Saan ang punta mo?" usisa niya pa, ininguso ko naman ang kinaroroonan ng dining hall, doon din pala ang punta niya kaya naman nagkasabay na kami.Pagdating namin ay halos kompleto na ang mga kaibigan ko, well except Percy na nasa work na naman kahit weekend pa 'yan. Workaholic 'yon, eh.Naghiwalay na kami ni Lovimer dahil kinulit at inasar niya na naman ang tinutukoy kong girls niya kanina na sina Jeannie, his ex-girlfriend and Crystal his ex-best friend.Pumanhik ako sa pwesto ng nagbabangayan na naman na sina Gab at Jinro. Iyong magkaaway naman nga sila pero parang 'di mapaghiwalay. Nakakasakit lang ng panga at tenga dahil sa ingay nilang dalawa."Good morning Bal," bati sa'kin ng kakambal ko tsaka binesohan ako."Good morning Bal," balik bati ko rin. Ngumiti naman siya nang malapad sa'kin. "Bakit?" dagdag usisa ko."Wala, mukhang maganda ang mood mo ngayon, eh."Weird talaga ng mga tao kapag binabati or nginingitian ko eh, gano'n na ba talaga ako kaseryoso sa buhay ko?"Bago ba 'yang damit mo?" usisa na naman nito."Yes, why?""Ang ganda eh, saan mo 'yan nabili?"Pinigilan kong mapangiwi. "Diyan lang sa tabi-tabi."Ayoko ng sabihin pa na bigay lang ito sa akin ng boss namin dahil tutuksuhin na naman nila ako.Lumapit sa table namin si Kenya habang naiwan sa isang mesa si Dailann. Nandito pa rin kasi sila nag e-stay since pinapagawa pa nila ang kanilang sariling bahay talaga. Kagagaling lang naman nila sa honeymoon last week."Marci, nasan si Kuya?" nangungunot ang noong tanong sa'kin ni Kenya.Napataas-kilay naman ako. Nang-aasar na naman ba ito? Pansin ko talaga na ako ang nagiging hanapan nila sa lalaking iyon at lagi nila akong tinutudyo sa isang iyon kapag kami-kami lang, kapag wala si Percy."I don't know, Kenya Guieco. How many times do I have to tell you that I'm not the person to search for missing individuals, especially when your older brother is the one who's disappeared?" I said candidly. She grimaced."Nagtatanong lang eh, diba kayo naman ang close tsaka..." Lumapit talaga siya sa'kin at bumulong. "Nag-text siya sa'kin kanina na dadaanan ka niya sa flat mo kaya sa'yo ko siya hinahanap, Marciella Perrer."Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Dadaanan? Wala naman, ah? Tsaka bakit niya naman ako dadaanan, aber? Eh sa ang lapit ng flat ko sa dining hall. Tsaka hindi pa naman kami nagkakasabay na pumunta dito lalo na kapag umaga."Ewan ko sa'yo, Kens, sumasakit panga ko sa'yo, sa inyo. Hindi ko alam kung nasaan siya, period.""Ewan ko rin sa inyong dalawa ng haduf kong kuya, sakit ng bagang ko sa inyo. Mabalikan na nga lang si Dail," aniya pa na mukhang stress talaga. Eh mas lalo naman ako.Kumain na lang ako kaysa sa ang magpaka-stress sa mga taong malalabo kausap."Ate Marci, where's Kuya Ash? Kailangan niya ng ibigay sa'kin ang allowance ko na ipinangako niya sa'kin. Need ko ng bagong laptop para sa thesis namin eh. Nahulog sa pool," nagmamaktol na pambungad sa'kin ni Kendra, ang bunsong kapatid ni Lovimer.Parang gusto kong hilotin ang sentido ko. Ang aga pa para ma-stress ako dahil sa lalaking iyon. Mukha ba akong yaya ng nyawa na 'yon?"Sa flat niya," tipid kong sabi kahit 'di ko naman talaga alam kung nasaan ang lalaking iyon."Doon na ako galing eh pero wala."Oh tapos? Jusko, problema ko pa ba iyon?Kakaasar kahadufan ng mga tao rito. Nasisira na tuloy ang mood ko."Sa office niya,iyong temporary lang.""Wala rin, kahit sa main office niya ay wala.""Kung wala ay wala, 'wag hanapin ang nawawala" asik ko na talaga."Eh kaya nga po hinahanap kasi nawawala eh."Batang ito talaga! Isa rin sa mga haduf eh. Eh, anong gagawin ko? Di ko nga alam kung nasaan si Ash. Di ko alam! Period."Alam mong bata ka, sumasakit na rin ang panga ko sa'yo, hindi ko alam kung nasaan ang pinsan mo, hindi ako hanapan ng mga taong nawawala at bakit ba ako pinagtatanongan mo sa kanya? Ayun si Kens, kapatid niya 'yon," naaasar ko na talagang lintanya at gaya ni Kenya, ngumiwi lang talaga ito at saka laylay ang balikat na tumalikod.Nasaan ka ba kasing Ash ka? Patay ka sa'kin mamaya!Nabubulabog ang mundo ko dahil sa kanya talaga! Di man lang ako binibigyan ng katahimikan eh. Kinuha ko ang phone ko at tinext siya, tinanong ko lang naman kung nasaan siya.Minadali ko na ang pagkain at lumabas na. Bumalik ako sa flat ko at kinuha ang natapos ko ng libro na hinaram ko sa kanya.Mahanap nga muna ang pasaway na iyon.Una kong pinuntahan ay ang dalawang office niya pero tama si Kendra, wala nga siya doon. Pangalawa ay ang GC garden at baka tumambay na naman pero wala rin siya. Inihuli ko na ang flat niya pero lock, ni-ring ko ang bell pero walang sumagot."Ash! Nasa loob ka ba?" ani ko sabay katok ng door niya.Wala pa rin. Nasaan kaya siya? Ang aga pa para magliwaliw eh. Bahala nga siya.Pumihit na ako para umalis pero halos mapatalon ako dahil sa nakatayo na pala siya sa likuran ko. Nakapa ko pa ang aking dibdib dahil sa gulat."Nanggugulat ka naman. Hindi ka man lang nagsalita. Hinahanap kita...""Bakit?""Kasi hinahanap ka nila Kens and Kendra sa akin.""Galing na ako doon sa dining."Pinigilan kong mapabusangot. Pinagod pa ako. Buhay nga naman. Napabuntonghininga na lang ako."Nakita ko rin 'yong crush mo doon, si Lovimer," asik niya.Aba! Paisyu, ah?"Hoy! Anong crush? Siya yong may crush sakin noon," panglilinaw ko pa.Napaismid naman siya. "Kilig ka naman kasi kinausap ka niya. Ganda pa ng ngiti mo, ah?"Nakita niya ba kami? Pero... Di ko naman siya napansin, ah? Tsaka bakit ba parang ang big deal niyon sa kanya?Nagseselos ba siya? Sa sarili niyang pinsan? Unbelievable ang lalaking ito, ah? Pero nah! Impossible. That's impossible.Assuming ka lang, Marci. Baka hindi lang maganda ang gising ng isang ito."Naku naman, Ash, hindi lang naman siya ang nginitian ko, ah? Overthink ka na naman diyan, tsaka pakialam mo ba kung ngitian ko lahat ng tao sa mundo?"Hindi naman siya umimik sa halip ay nilagpasan niya lang ako at pumasok sa flat niya.Saltikin talaga. Napatingin na lang ako sa libro niya na hawak ko pa. Paano ko pa ito ibabalik eh sa aburido yong may-ari?Bumukas ulit ang pinto ng flat niya, nagulat pa ako nang bahagya. Malamya niya akong tinitigan."Hindi ka ba papasok?"Inosente ko naman siyang tinitigan. "Bakit? Kailangan pa bang pumasok ako?" kaswal kong tanong.Nakakapagpanibago lang ang ikinikilos niya nitong mga nakaraan. Hindi na siya nag-aalinlangan na landiin ako kahit nasa tabi-tabi lang si Percy bagay na ikinakabahala ko naman nang husto.Kung anong iwas ko sa kanya ay siya namang lakas ng loob niyang dikitan ako lagi.Bakit kaya kung ano pa 'yong mali ay parang iyon din ang masarap sa pakiramdam? Na 'yon din ang gustong-gusto kong gawin niya? Pero kapag ginawa naman niya o ginawa ko, tsaka na naman uusbong ang takot at pangamba sa dibdib ko.Takot akong masaktan ang kaibigan ko at nangangamba akong makasira ko ang relasyon nila, lalong-lalo na ang friendship namin."Sige, 'wag na. Doon ka na lang kay Lovimer," asik niya pa at akmang isasara ang pinto.Agad na napigilan ko naman iyon at sa ulit hindi ko alam bakit ginagawa ko ang mga bagay na sa tingin ko ay mali pero pakiramdam ko ay tama lang naman since may nararamdaman kami pareho para sa isa't-isa.Tunay nga na nakakabaliw ang pagmamahal."Hindi ka na mabiro niyan? Ito na papasok na eh," saad ko tsaka pumasok na, pagkasara ko ng pinto ay agad na isinandal niya ako doon at binakuran ng mga braso niya.Halos hindi ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, idagdag pa na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napahigpit ang hawak ko sa libro."A-ash?" nautal ko pang tanong. Unti-unti niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.I can't help but respond to every motion of his lips.It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.Hinawakan niya nang magkabilaan ang pisngi ko at mas binagalan ang halikan namin, 'yong tipong kahit magdamag pa kami sa ganitong sitwasyon ay hinding-hindi kami mauubusan ng hininga.I moaned unintentionally. It came out of my mouth naturally, and I knew he smiled. I dropped the book.I trailed my hand down his back, as if there was an urge pushing me to do so. This time, he let out a soft moan, and I found myself smiling.Tila ba umaalon ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero mas lamang doon ang tuwa na para bang ngayon ko lang naramdaman.Only he can make me feel this way. He takes a pause just to gaze at me. The second time around, his kiss becomes more passionate. I can feel the longing in it, as if he's been waiting for this moment for a long time. His hand, which was on my face earlier, is now wrapped around my waist, while mine is coiled around his neck.Every sound we make seems like music to my ears.Biglang may nag-ring ng bell niya kaya naman napapitlag ako, pinutol ko ang halikan namin pero 'di siya pumayag."May tao." Sinabi ko iyon habang hinahalikan niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi niya para patigilin siya."Sino 'yan?" may halong inis niyang asik. Kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti, nanatili pa rin kami sa posisyon namin."Kuya...""Go away, Kenya, mamaya na tayo mag-usap."Napanganga naman ako, first time kong marinig na ipinagtabuyan niya ang kapatid."Haduf na 'yan. Fine, ikaw na ang pumunta sa flat ko mamaya, ah?""Oo na.""Kuya...""Nai-sent ko na sa account mo ang allowance mo, Kendra.""Awwee! Thanks Kuya, tara na ate Kenya," rinig pa naming sabi ni Kendra tsaka mukhang umalis na nga ang dalawa."I told you hinahanap ka nila," atatawa kong bulong sa kanya. Kinintilan niya ako ng halik."Naniwala naman ako."Akmang hahawiin ko siya para sana ay umalis na pero di siya nagpatinag. Tumingala ako sa kanya pero parang gusto kong magsisi sa ginawa ko dahil nakatitig pala siya sa akin. Nalulunod ako sa saya dahil sa klase ng pagkakatitig niya sakin. Pakiramdam ko ay pag mamay-ari ko siya sa oras na ito.Sana nga totoo.Napaiwas ako ng tingin dahil sa isipan na iyon. Pagbali-baliktarin man ang mundo, si Percy pa rin ang nagmamay-ari sa kanya. Ours is temporary; we just satisfied ourselves but can't have each other. This is only lust, not love.Inangat niya ang mukha ko at muling nagsalubong ang mga paningin namin."This is wrong Ash.""At ano ang tama, Ell? Ang desisyon mo?"Napakuyom ako dahil ang totoo ay hindi ko na rin alam kung ano ba ang tama, kung ano ang mali. Pakiramdam ko kasi ay walang mali sa ginagawa namin pero may kung ano sa utak ko ang nagsasabing mali ito, hindi dapat."I... D-don't know. I just don't know."He sealed my lips with his lips again while his hand wandered everywhere. I wanted to scold myself because I couldn't stop him, couldn't protest, but the truth is, I liked what he was doing, what we were doing. I didn't want him to stop; I didn't want to restrain him.He carried me to his bedroom and laid me on the bed, our lips still locked. My back arched as he started caressing my sensitive peak. Even with my clothes on, I could still feel his touch. It gives me so much pleasure.His kisses went down from my forehead to my chest, making me squirm."A-sh," sambit ko. I wasn't trying to stop him or anything, but I love calling his name, especially in a situation like this.Tumigil siya kaya naman nagtatanong ko siyang tiningnan. Hindi ko mapigilang ma disappoint."Should we do it?" tanong niya pa. Parang gusto ko siyang sikmuraan. Sa tingin niya ba papayag akong ipasok niya sa kwarto kung 'di ko gustong mangyari ang tinutukoy niya.Napasandal ako sa headboard ng kama niya at blangko ang mukhang tiningnan siya, gumuhit doon ang pangamba."I think... Let's do it some other time and place," may halong asar kong saad.Tumawa naman siya at nahiga sa tabi ko at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Gusto kong maiyak dahil sa tuwa. Never kong inasahan na mangyayari ang ganito, ang eksena naming ito. Natatakot din ako na baka ay panaginip ko lang pala ito.Hindi rin mawala sa sistema ko ang pangamba sa maaaring kahahantungan nito. I am afraid to face the consequences of this. Lagi naman akong takot eh."What if malaman ito ni Percy?" hindi ko mapigilang itanong.Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya mas lalo din akong nagsumiksik sa kanya. Ang sarap pala sa feeling na nasa bisig ka ng taong pinapangarap mo, 'no?"Pwede bang kapag magkasama tayo ay 'wag mong iniisip si Cylla?"Napakunot-noo naman ako at tiningala siya."Girlfriend mo siya."Bumuntong hininga lang siya. "Just leave it to me, Ell. Just trust me, okay? Wag kang laging nag-o-overthink."Napasinghap naman ako.Paanong 'di ko iisipin ang kaibigan ko? Paanong hindi ako magi-guilty?Paano bang 'wag matakot at mangamba sa sitwasyon namin?Kahit saang anggulo tingnan, ako ang kontrabida. Ako ang mali, ako ang makakasakit nang husto at ako ang tatalikod sa pagkakaibigan at sisira sa pangako namin.Mali nga yata ako nang naging desisyon. Paano ko pa aayusin ang lahat ng ito?"Ash.""Hmmm?""Pwede ka ba bukas ng gabi?""Is that an invitation, Ell?" may halong asar ang tono niya."Baliw. May pupuntahan lang tayong lugar.""Anytime basta ikaw pretty babe."Hindi na ako umimik. Sapat na na pumayag siya. Kailangan ko ng solusyonan ang gulong napasok ko na ito.Kailangan ko nang manindigan. Kailangan ko ng wakasan ang paghihirap ng kalooban naming tatlo.Hindi ko makikita ang tama sa mali kung laging nakakulong ako sa sitwasyon ito. Kailangan kong makalabas sa mundo ng lalaking nasa tabi ko ngayon.Mahirap. Masakit. Pero alam kong sa umpisa lang naman iyon. Kailangan kong matutong mamuhay ng walang Ash sa buhay ko, na walang Ash tuwing malungkot ako at walang Ash na nagpapatibok ng puso ko.Pinigilan kong maiyak. Ayokong may makakita sa'kin na umiiyak."Kumain ka na ba, Ash?" liko ko sa usapan."Hindi. Ikaw kasi eh, dinaanan kita sa flat mo, wala ka tapos makikita kong kausap mo ang haduf kong pinsan at nagtatawanan pa kayo, kay aga-aga eh. Di ka nga nakapag-reply sa mga text ko eh," sumbat niya pa. Natawa lang ako."Ipagluto kita, gusto mo ba?" alok ko pa."Marunong ka ba?""Of course naman, no!""Sige."Bumangon na kami at lumabas ng kwarto. "Sa flat ko na lang, parang ang sikip ng kitchen mo eh."Napapalatak naman siya. "Fine, tara na."Hindi naman halatang excited eh, no?Tinahak na namin ang daan papuntang flat ko, mabuti na lang at tahimik ang camp, mukhang kanya-kanya ng gimik ang lahat.Pinapasok ko na siya sa flat ko at siniguradong lock ang pinto.Ito rin ang isa sa ayaw ko eh kapag magkasama kami, kailangang patago para less issue sa mga kasamahan namin.Agad na ipinagluto ko siya. Tahimik niya lang din akong pinagmasdan na tila ba kinakabisa ang bawat kilos ko. May kung anong epekto iyon sa akin pero binaliwala ko lang. Itinuon ko ang atensiyon ko sa niluluto ko.Paminsan-minsan ay sinasalubong ko ang titig niya at nginingitian siya. Ngiting sa kanya ko lang binibigay. Mukhang natutulala pa siya kapag ginagawa ko 'yon kaya mas natatawa ako.Nang matapos na akong magluto ay ipinaghanda ko na siya. Para naman siyang bata na excited kumain, natawa na lang ako."Ayan, kain ka na.""Sabayan mo ako," nakanguso niyang saad.Umupo naman ako para sabayan siya. Baga siya sumubo ay dumukwang pa muna sa'kin at hinalikan ako. Nailing na lang ako habang siya ay ngiting-ngiti."Thank you kiss 'yon," aniya pa. Napangiwi na lang ako at napatitig sa kanya.Allow me to have your man just for today and tomorrow evening, Percy.One final starry night with him. Afterward, I'll erase every memory of him. We will both find our freedom. They can be free to love each other for eternity....Vote. Comment. Follow.[I can't help but respond to every motion of his lips.It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.]Napangiti ako nang matamis dahil sa ala-alang iyon. Tuwing sumasagi talaga iyon sa isip ko, kahit badtrip ako o kaya ay may ginagawa ako ay napapahinto ako at napapangiti.Kanina ay hindi lang isang beses akong napuna nina Gab at Kenya, ang ganda daw ng mood ko na naman. Nahuli rin nila akong parang baliw na nakangiti. Zsss!Crazy, Marciella. Crazy!I can't help but reminisce about that moment with him. It naturally runs through my mind. It's as if I want to return to his flat and answer his question, "Should we do it?" with a 'yes.'Aba, Marci, ah? Landi din 'te! Nyawa. Parang may mga butuin akong nakikita sa kalangitan kahit tanghaling tapat. Ito na yata ang epekto ng halik ng haduf na Ash. Nanggigil ako sa kanya! Sara
Napabusangot ako sa sarili kong iniisip. Sakit sa bagang ng buhay kabit, ha? Ang hirap. Hindi ako mabubuhay nang matagal sa ganitong estado. Oo na, Marciella, kabit lang tayo. Wag na tayong magmalinis, masakit 'diba? Gano'n talaga, truth hurts at isa pa ay desisyon mo rin naman ito. "Gusto kita.""Pero mahal mo siya, Ashmer. Ang galing, ano bang ipinaglalaban mo?"Hindi naman siya umimik pero nanatiling nakayakap siya sa'kin. "Gusto kong matulog dito ngayon, pwede ba?"Nanlaki naman ang mata ko. "Baliw ka ba? Nandito si Percylla."Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok.Naku! Buti na lang talaga!"Mer, alis na pala ako ngayon, ha? Kailangan na ako sa FIS eh. Bye! Marci, alis na ako."Mukhang nagmamadali talaga ito. Hindi pa nga ako nakapagutgon pa at papatayo pa lang din sana si Ash pero nasa pinto na si Percy at tuluya
I slowly and wearily dragged myself out of bed. It was yet another weekday, signaling the need for me to return to MHIS. I made a concerted effort to fend off the overwhelming drowsiness that clung to me. Ever since that last night when I was with...C'mon, Marciella! Don't even think about him or mention his name. Tatlong araw pa nga lang ang nakakalipas pero hirap na hirap na akong iwasan at deadmahin ang presensiya niya lalo na kapag nagkakasabay kami sa hall way o kaya ay sa DH para kumain.Alam ko rin na may ilan na sa mga kasamahan namin na nagtataka at nakakapansin sa mga ikinikilos ko tuwing nasa tabi-tabi lang siya. I'm making an effort to spend most of my time alone and avoid mingling with them. The more I engage with the group, the more conspicuous it becomes that I'm actively avoiding one specific person among them.Well, mukha naman ding kaya ko nakayanang umiwas dahil umiiwas din siya sa akin o kaya naman ay wala rin talaga siyang pakialam pa. Mabuti naman kung gano'n
"Bal! Let's go!" tili ni Gab sabay pulupot na naman ng kamay niya sa braso ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang librong hawak ko. Hilig talaga nila akong kaladkarin kung saan-saan. Lahat yata ng tao dito sa camp ay napaka-clingy sa akin. Kung merong botohan para sa pagiging favorite person alam kong panalo na ako, zsss! Hindi madaling madaming papansin sa'yo 'no? Nakakasakit ng panga."Saan ba?" usisa ko na may halong maktol. Disturbo sa pagbabasa ko, eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakahawak ng libro dahil mula bukas ay marami na namang paper works. Malapit na ang graduation eh."Sa office ni Boss Robot." Agad akong pumiksi sa pagkakahawak niya. "Eh! Ayoko, ikaw na lang.""Sige na, kuha tayo ulit ng misyon. Bored ako eh."Napabuntonghininga na lang ako. Paano ko pa matatanggihan ang makulit na ito? "Oo na nga, bilisan lang natin. Magbabasa pa ako." Ngumiti naman siya. "Yieee! Love you, bal!""Sus, ang clingy nito." Pareho kaming natawa. Dumiretso na kami sa office ng boss n
Tahimik akong naglalakad-lakad sa camp. Bored ako, wala rin akong ganang magbasa dahil hindi naman iyon ina-absorb ng utak ko. Masasayang lang ang oras at pagod ko dahil babasahin ko lang naman uli lahat. Nakita ko si Kenya at Dailann na nasa benches ng field at mukhang kulang na lang langgamin dahil sa sweetness. Mapapa-sana all ka na lang kahit bitter o broken ka. Wala bang expiration 'yong ka sweet-an ng mag-asawang ito? Napaiwas ako ng tingin ng ninakawan ni Dailann ng halik ang asawa at narinig ko pa ang nang-aasar na tawa niya kay Kens. Ang lalandi! Mga nyawa! Ang aga-aga eh.Sa kabilang side naman ay sina Kenshane na ginugulo ang nagjo-jogging sa field na si Faller. Mukhang naiirita na naman ang mukha ng lalaki kapag nakatingin si Kenshane pero kumakalma iyon kapag nagsimula ng magmaktol ang dalaga. Kakaiba ang dalawang ito. Iyong tipong kapag kinulit ng babae ang lalaki ay mapipikon pero kapag nagtampo si babae ay susuyuin din naman ng lalaki. Papaano uunlad ang kabuhayan n
"Boyles Law.""The volume of a gas at constant temperature varies inversely with the pressure exerted on it," Kens quickly responded to Shines' question.Nasa DH kami ngayon hindi para kumain kundi para maglaro. Ganitong klase ng laro meron kami noon pa man. Batohan ng mga tanong at ang hindi makasagot ang siyang may parusa.Sa ngayon ay ang mga salita na ibabato sa amin ay related sa major subject o field namin. Kahit hindi sakto 'yong wording basta nandon ang thought ay ayos na."Hmm! Bilis, ha? Crys, Mendel's Law.""A principle in genetics proved subsequently to be subject to many limitations: because one of each pair of hereditary units dominates the other in expression, characters are inherited alternatively on an all-or-nothing basis —called also law of dominance."Wow! Sila na magaling sa science. Nakakadugo utak 'yon 'no? Saan kaya nila iniimbak lahat ng mga nalalaman nila sa asignaturang agham? Everyone gasped and couldn't help but be amazed. We're all agents, but we each ha
"Hey, baby, ang lalim na naman ng iniisip mo," untag niya sa'kin at ikinulong pa ang mukha ko sa dalawang palad niya. Tuluyang nagising ang diwa ko. Naiintindihan ko na ngayon ang punto niya noon. He wanted me to enjoy my life first dahil the moment na nag-decide siya na 'wag na akong pakawalan ay gagawin niya talaga, katulad ng ginagawa niya ngayon.But having Percy habang nag-aantay siya ng tamang panahon para sa amin ay hindi magandang ideya. Maling-maling desisyon iyon. Doon kami sumablay. Pinilit ko rin naman na piliin niya si Percy noon kasi iyon ang tama para sa akin. "Stop calling me baby, Ash. Hindi mo ako girlfriend." Napabusangot naman siya at bahagyang napanguso. "Eh bakit si Lovimer hinahayaan mo? Tapos ako ay hindi? Sabihin mo nga sa'kin, tapatin mo nga ako, mahal mo na rin ba ang isang iyon?"God, he's a serious person, but sometimes he can be childish, especially when I'm with him."Of course, not. Hindi ako salawahan kagaya mo.""Ouch! Sakit mong magsalita.""Talag
Mataman na pinagmasdan ko si Percy na nakaupo sa sofa dito sa loob ng flat ko habang kinakalikot ang camera niya."I don't know kung saan ba kita nakita but you're so damn familiar," asik niya pa. Tapos napapakunot-noo pa nga. Kanina pa siya mukhang may malalim na iniisip. "Sino ba 'yan?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na tanungin siya. Agad na napatingin siya sa'kin at nakangiti nang umiling."Nothing. By the way, may sasabihin ka ba sa'kin?" usisa niya pa. Natigilan naman at biglang kumalabog ang dibdib.Gosh! Alam niya na ba? O nahahalata kaya niya? May nagsumbong na ba sa kanya?"H-ha? Ano naman ang sasabihin ko?"Napasandal naman siya at nanliliit ang mga matang nakatitig sa akin."C'mon Marci, kaibigan mo ako, 'diba? Ayaw na ayaw kong may sinisekreto ka sa akin, alam mo 'yan."Tuluyang nagdirilyo ang sistema ko at napalunok ng pasimple pero dahil I am too good at pretending ay nanatiling kalmado ang expression ng mukha ko."Ano ba ang gustong mong malaman?""Yong ab
A FORBIDDEN AFFAIR Guieco Clan Series #2Ashmer Guieco and Marciella PerrerASHMER GUIECO'S POV"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Nakangiting tinitigan ko siya na halata namang namumula sa ideyang hahalikan ko siya sa harap ng lahat. Kinabig ko siya at saka hinalikan. Hindi sapat ang segundo para ipakita sa lahat kung gaano ako ka-proud na ako ang naging asawa niya."Hoy! Tama na, aba!" rinig naming sigaw ni Shane. Napuno naman ng tawanan ang loob."This is the best birthday gift I've ever received from you, Marciella," puno ng saya kong bulong sa kanya. Yes, today is my birthday, and at the same time our wedding day. It's July 26. "Happy birthday, baby. I still can't believe na noong isang araw ko lang nalaman na ngayong araw na pala agad ang kasal natin," natatawa niyang saad. "Bakit? Ayaw mo?""Pabebe ka talaga! Ayaw pa ba, eh tapos na nga, oh. Ang akala ko kasi ay next month or year pa. Yon pala ay next, next day na."Sabay kaming natawa."Congratulations, Mr.
A Forbidden Affair(MARCIELLA PERRER X ASHMER GUIECO)Guieco Clan Series #2***["Marciella, please... Don't leave me. Hindi ko kaya."]Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig. "Tita Marci, gising na po. Ang tagal mo namang matulog, eh. Hindi... Hindi ka na po nakakakain at nakakaligo," boses iyon ni Lyssa kung hindi ako nagkakamali. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. "Hala! Gising ka na po? Gising na po si Tita Marci!" tili pa ng bulilit. Ilang araw na ba akong nakaratay dito? Huling naalala ko ay halos kunin na ako ng puting liwanag at kamuntikan na akong sumama kung hindi ko narinig ang pakiusap ni Ash na 'wag ko siyang iwan.O baka guni-guni ko lang iyon?"Gising na? Weh?" rinig kong sambit din ni Shane na nasa sofa at prenteng nakaupo habang nagpipindot ng cellphone niya."May migraine ako pero kapag naririnig ko 'yang tawa mo, feeling ko ay stage 4 brain tumor ang meron ako, eh! Ang sakit mo sa utak!" asik ni Beatrice habang may kausap sa cellphone. Kapapasok lang nito.
Kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang muling pagtunog ng monitor. Pare-pareho kaming naestatwa at napatitig lang sa linyang unti-unting nagkakaroon ng kurba."Oh, God! Move out! Hurry up!" sigaw sa amin ni Xandria. Muli silang nagsipasukan kasama ang isa pang doctor at tatlong nurse. Nahagip din ng aking paningin si Froizel na naka-doctor gown na rin kahit na kagagaling lang din nito sa isang mission."Froi, save her, save her," I pleaded with my cousin."We'll try our best, Ashmer. Now, leave us alone so we can save Marciella."Hinila ako palabas ni Mommy na nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kompleto na rin pala ang piooners. Sobrang nawala sa huwisyo ang pamilya ni Ell kaya maraming umalalay sa kanila palabas. Lahat kami ay pinalabas sa hospital dahil mas naging maselan diumano ang kalagayan ni Ell."M-mom? B-huhay si Ell, 'di ba? Buhay ang mahal ko, 'di ba?" Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Nakaalalay sila ni Dad sa akin dahil para akong batang nawala
ASHMER GUIECO'S POV"Ell!" I almost panicked as I noticed her hand, which was gripping mine, losing its strength.Tears streamed profusely from my eyes, causing my vision to blur. She coughed up blood."Xandria! Please, help Marciella! Please?" My tone was filled with pleading.I didn't want to see her in this condition because it felt like I was slowly losing my own life. The pain she was experiencing, I felt it too.If only I had decided to follow them early on. If only I had prioritized my love for her over my responsibilities in the GC. Perhaps... Perhaps she wouldn't have been hurt like this, maybe I could have protected her."Calm down, Boss! Hindi mo kailangan manigaw. Ito na nga, pilit ng sinasalba namin si Marciella, kahit... kahit napaka imposible na!"I feel like it's not just the knives or hammers that are tormenting my heart right now. I'm in so much pain.Just thinking that... That... No, she won't be taken away from me. No. She promised.Nangako ka na palagi kang babali
Pagkadating namin sa S-Area ay agad na nakasalubong namin sina Earthe. Halata ang pagod sa mga mukha nila."Where are they?!" agarang tanong ko."Tumatakas sila. Ipapasa na namin sila sa inyo. Hindi pa sila nakakalayo, this way ang takbo nila. Black van with plate number 5****," bigay-alam nito at itinuro pa ang tinutukoy sa direksyong ng daan. Pagkarinig namin niyon ay agad kaming nagsampaan sa sari-sarili naming sasakyan. Walang sali-salitang hinabol namin sina Gabriel. After 10 minutes ay agad naming nakita ang sinasabing Van ni Earthe. Sakto lang ang takbo nila na para bang minamaliit ang mga kaaway nila. Nagtagis ang bagang ko."Wow, playing cool ang mga butete," rinig kong asik ni Shane. Masyado silang kampante na akala nila ay sila na ang hari ng QC."Wag kayong magpahalata. Kailangan marating natin ang lungga ni Gabriel," utos ko sa kanila habang hindi iwinawala sa paningin ko ang sasakyan ng mga haduf. Sige lang, take your time stupids!"Copy, Prime."Narinig namin ang in
Nagpapaumanhin ang tingin na ipinukol ko kay Mer bago ito iniwan. Patakbo kong sinundan si Ashmer. Dahil sa napakabilis ng hakbang na ginagawa niya ay kailangan ko pang gamitin ang bilis ko. Agad na hinarangan ko ang pinto ng kanyang flat bago niya pa ito maisara."What?!" asik niya na agad. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo at napapalatak na tiningnan siya. Nagsalpukan na naman ang kanyang kilay at halata sa mukha niya ang matinding iritasyon. Pumasok ako at isinara ang pinto."Anong what?! Diba ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Ano ang pumasok sa kukuti mo at sinapak mo na lang bigla ni Lovimer?! Anong kasalanan niya sa'yo, ha?""Hindi mo ako kinausap simula kahapon! Hinintay kita sa DH pero malalaman ko na nasa clinic ka pala at kasama ang lalaki iyon?!""Oh, ano masama, ha? Kung inagahan mo ng dating eh di sana hindi na ako nakasama pa kay Mer!""Ang sabihin mo ay gusto mo rin ang pinsan ko!""Damn, Ashmer! Girlfriend mo na ako diba? Engaged na tayo at alam mong ikaw ang m
Pilit ko na ikinalma ang aking sarili habang naghahanda para mamayang gabi. Hindi ako makakatulog ng hindi ko nasasapak si Gabriel.Hindi na ako lumabas ng flat para kapag nawala ako dito ay iisipin nilang nasa loob lang ako. Dinampot ko ang aking phone at tinawagan si Shane."Marci?""Nasa bahay ba niya si Gabriel?""Kaninang 4:00 pm ay nahagip siyang camera na papasok sa loob kasama ang mga aliporos niya. Hindi pa yata sila umaalis, why?""Ah wala. Just checking." Pinutol ko na ang linya. Nagpalit ako ng damit. Isinukbit ko sa aking bewang aking stun gun. Nilagyan ko ng protection gear ang kamay at tuhod ko. Eksaktong 7:00 pm ay pasimple akong pumuslit sa camp. Hindi ako dumaan sa main gate dahil makikita ako nina Shines na nasa control room. Inakyat ko ang bakod palabas at ingat na ingat dahil naalala kong may alarm pala ang bawat sulok ng labas ng camp.Matiwasay akong nakalabas. Ang problema ko ay ang sasakyan ko papuntang BV. Dali-dali akong naglakad papuntang phone station at
Kasalukuyang nasa Interrogation Room na kami ngayon kasama si Harvey. Mukhang hindi naman siya nagulat ng sabihin ni Ash na may mga katanungan lang ito sa kanya dahil agad naman siyang sumama. Baka ang inaakala nito ay pag-uusapan nila ang tungkol sa panliligaw nito kay Shane.Nasa tabi na rin ni Shane si Beatrice na walang imik mula nang magising ito. Habang nasa kabilang dulo naman si Mer. Napapagitnaan nila si Shane at Crystal. "Ano bang tanong, Bro Ashmer? Bakit kailangan nandito rin sila?" usisa ni Harvey na ang tinutukoy ay kami.Tumikhim ako at pinakatitigan siya. "Anong alam mo tungkol sa Snellenn?" direktang tanong ko. Halata ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Hindi agad nakaimik o di alam kung magsasalita pa ba siya."Speak Harvey," untag sa kanya ni Shane."B-bakit interesado kayo sa Snellenn?""Dahil may mga bagay kaming dapat malaman tungkol sa kanila na ikaw lang ang nakakaalam."Inilapag ko sa kanyang harapan ang papel. Alanganing kinuha niya iyon, nasaksihan ko kung
"May problema tayo," anunsiyo ni Shane nang lumapat ang kanyang paa sa loob ng flat ko."What is it?""Si Claire."Napataas-kilay naman ako. "What about her?""Napag-alaman naming member siya ng isang sindikato. Shit! Dapat ay hindi muna natin siya pinakawalan, eh! Duda talaga ako sa pagkatao ng isang iyon lalo pa at nagawa ka niyang pagtangkaang patayin."Nanlumo naman ako sa aking narinig. "But I thought, anak siya ng kaibigan ni Tita Adelle?""Yeah but not by blood pala. Inampon lang siya ng kaibigan ni Tita Ad na si Tita Paz kaya siya ang naging panganay. Pero ang totoong anak ni Tita Paz ay nasa ibang bansa pala, doon nagtatrabaho. Later on, nalaman ni Claire na ampon lang pala siya kaya medyo nagrebelde at sumapi na talaga sa mga buteteng rebelde ng lipunan!""So, anong sindikato ito?""Darkee Clan.""Unfamiliar, though.""Ayon sa nakalap namin ay minsan na silang nakasagupa ng RAO second generation. Tulad ng PC ay nagbalik lang uli sila para gumanti. Remember noong na kidnap si