My day turned out fine despite a not-so-great morning. When I got back from MHIS, I thought I'd chill for a bit to clear my mind. I'm also reading a book as part of my relaxation, hence the one in my hand right now.
Napaigtad ako nang may biglang tumabi sa akin. Nasa GC Garden ako at isang tao lang naman din bukod sa'kin ang palaging nandidito rin. Sa kanya ito eh, siya nagpagawa nito. Nakiki-share lang naman ako.Wow! Bakit parang pati salitang 'share' ay double meaning na rin? Masyado na yatang toxic itong utak ko, ha?"Nasaan ang phone mo?" panimula niya."Nasa bag ko? Bakit?" tugon ko na nasa libro ang tingin. Kinuha niya iyon at itinabi."Kapag kausap o kasama mo ako, dapat nasa akin lang ang atensiyon mo, hindi sa mga weird na genre mong libro."Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. "At bakit? Boyfriend ba kita at girlfriend mo ba ako? Hindi naman, 'diba?"Mga mata niya naman ang nanliit. "Wala akong sinabing gano'n, Marciella Perrer. Tsaka pwede bang dalhin mo palagi 'yong cellphone mo. Lagi na kitang iti-text o kaya ay tatawagan."Gusto ko siyang irapan dahil halata namang inaasar niya lang ako. Alam naming pareho na hindi niya gagawin iyon dahil hindi dapat."Sumasakit ang panga ko sa'yo Ash. Bakit ba ayaw mo pa akong lumabayan, ah? Paano ako magkaka-love life kapag lagi kang nakabuntot?""Bawal kang mag-love life hangga't hindi pa kami kasal ni Cylla.""Aba, Unfair mo naman," asik ko sabay irap sa kalawakan. "Ikaw nga may girlfriend tapos ako bawal? Bawal, your face! Nagpapahanap ng ako kay Kenya ng pwede kong maka-blind date, 'no?" kaswal na dagdag ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong balak at hindi ako interesado sa mga nirereto sa akin ng kanyang kugtong na kapatid.Napangiwi naman siya. "Sige lang, tingnan natin.""Anong tingnan natin, ha?" Nakakabwisit talaga ang lalaking ito."Lahat ng idi-date mo ay padadalhan ko ng death threats," aniya habang sa kalawakan din nakatingin.Napairap na talaga ako sabay hampas sa kanyang braso. "Abnormal ka talaga! How about isumbong na lang talaga kita sa kay Percylla, ha?""Isumbong? Samahan pa kita, gusto mo?"Bakit ginaganito mo ako, Ashmer? Nag mo-move-on na ako, eh! Gusto na kitang kalimutan. I seriously want to forget everything about you.Humugot ako ng lakas bago nagsalita."Tapatin mo nga ako Ash, just be honest this time. Ano ba talaga ako para sayo ha?"Mataman na tinitigan niya pa muna ako sabay singhap. "Hindi ba at nasagot ko na 'yan? Ayaw mo lang maniwala, eh. Gusto kita.""At sino ang mas matimbang sa'min ni Percy?""Siya." Walang alinlangan niyang sagot.Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Oh, 'diba? Kaya layuan mo na ako," mahinahon kong saad."Mas sexy ka kasi sa kanya kaya mas matimbang siya sa'yo."I furrowed my brow as I contemplated his reply in my mind.Is he actually discussing our physical weight? Aish, this jerk!"Umayos ka nga sa mga sagutan mo na 'yan!" singhal ko sa kanya sabay batok sa kanya."Aray ko, brutal mo talaga.""Kakainis ka, eh.""Mahal ko si Percy pero ikaw ang gusto ko."Nasapo ko na talaga ang batok ko. Literal na mababaliw yata ako sa lalaking ito."Alin ba ang mas lamang sa gusto at mahal, Ash? Wag kang ngang utak alimasag diyan! Kawawa ang mga brain cell ko sa'yo."Tumawa naman siya at umakbay sa'kin, nagpumiglas ako pero wala eh mas malakas talaga siya."Cute mo talagang maasar."Hindi ako cute. Maganda ako. Gandang hindi mo nakikita, zsss!"Ang labo mo kasing kausap.""Ang low gets mo.""Ang complicated mo.""Tsk, ibinigay ko lang sa'yo ang gusto mong makuhang sagot mula sa akin, Marciella," makahulugan niyang tugon. Hindi naman ako nakaimik. "Hindi ka naman interesado sa totoong nararamdaman ko, 'diba? You even forced me into this situation."Tila ba tuluyan kong nalunok ang aking dila. May katotohanan naman ang sinasabi niya. Nasa ganito kaming sitwasyon dahil sa aking naging desisyon pero hindi ako nagsisisi.Sacrificing is the sole path to shield Percy from pain. I must guard her heart at any expense, even if it means letting her be with the man we both love. Even if I have to endure pain forever, I can handle it, regardless."Tsk. Anong gamit mong lotion?" untag niya sa akin. Halatang pilit na iniiba ang usapan. Well, mas mabuti nga ang gano'n."Pakialam mo ba?""Nagtatanong lang, eh.""Secret. Ayokong sabihin."Napanguso naman siya at inamoy at nilaro-laro pa ang buhok ko. Gags talaga. Ang hilig niya talagang gawin 'yan sa'kin. Minsan pa nga ginugulo niya pa ang buhok ko tapos ay susuklayin gamit ang kanyang mga daliri.Di ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang sakit niya sa panga, my goodness!"Ash," untag ko sa kanya."Hmmm?""Ibili mo nga ako ng libro, wala na akong mababasa eh. Tinatamad akong mag online shop and tinatamad din akong lumabas," iba ko rin sa usapan."Kiss muna."Hay naku! Puro kalokohan."Wag na nga."He chuckled, and his arm wrapped around me, transforming into a comforting hug. This man exudes remarkable charisma and self-assurance. If he were someone else, his soul might have soared by now. He's the only one who has this effect on me."Sige na, bukas bibilhan kita. Tapos mo na ba 'yong ibinigay ko sa'yong mga libro noong galing akong Paris?""Oo lima lang naman 'yon, eh," saad ko sabay tingala sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata."Grabi sa lang, ah? May dalawang libro akong bago, ikaw muna magbasa then after mo ako naman.""Talaga? Genre?""Paranormal.""Cool. Ibigay mo na mamaya sa'kin.""Oo na po. Kakasabi lang eh.""Excited lang ako."If there's one thing we both loved to do, especially when we were bored, it was reading. Back in our childhood, our mothers often recounted stories about how we did it frequently. I took turns being the storyteller, and he did too.To be honest, I can't recall much about those times. What I do remember vividly is my 18th birthday. He gifted me ten romance novels, purely to poke fun at me because, of all the genres, that was the one I disliked the most. I found it boring and couldn't stand the fairy tale concepts.However, his mischievous gift actually brought me closer to romantic stories. Now, I'm open to reading all genres with no particular preferences, though I have to admit that action still excites me the most."Lagi ka namang excited kapag libro ang usapan. Kawawa magiging asawa mo. Laging magseselos at magagalit sa'yo.""That's why I need to find a man who can tolerate my book addiction. At least, books lang ang magiging karibal niya at hindi tao.""I can bear...""Mukha mo," putol ko sa sasabihin niya, patutsada na naman 'yon, alam ko na ang liko ng bituka ng lalaking ito eh.Natawa lang ang haduf."Ash?""Yes?""Pwedeng kumalas ka na sa'kin bago ko pa maputol ang kamay mo?""Ayaw.""Isa," asik ko pa ero parang wala siyang narinig. "Dalawa," pagpapatuloy ko. Wala pa rin. Nakatingala lang siya sa kalangitan. "Tat...""Ayan na nga, bibitiw na, damot!""Gags ka ba? Sumasakit talaga panga ko sa'yo! Akin na 'yang libro ko."Tumayo na ako at akmang kukunin ang libro na nasa tabi niya pero mabilis na nakuha niya iyon at itinaas."Ash naman! Kainis ka talaga.""Agawin mo muna.""Ano ako bata?" Humagalpak naman siya ng tawa. "Bahala ka nga, hatid mo 'yan sa flat ko! Masama pakiramdam...""Heto na nga," aniya sabay abot sakin ng libro. Inilapat niya pa palad niya sa noo at leeg ko na para bang sinusuri kong may lagnat ako."Ginagawa mo?""Sabi mo masama pakiramdam mo? Inom ka kaagad ng gamot, kumain ka na ba?"Natawa naman ako. "Crazy. Hindi lahat ng masama ang pakiramdam ay dahil sa lagnat. Ibang sama ng pakiramdam ito," biro ko pa. Napansin ko ang biglaang pagseryoso ng kanyang mukha."It's not easy to pretend that everything is okay between us, is it?" I sighed and nodded in agreement."Yeah, but you understand why we chose this situation, right?""Why can't I choose you? You know I'm doing everything I can to stay with Percy because of you, don't you?"There was only silence. Complete silence."Let's not talk about this, Ashmer, if you want to keep talking to me.""Marciella, I just can't seem to understand you.""I don't either, but look." I closed my eyes, overwhelmed by a whirlwind of emotions. "We can't be together, okay?""I'm starting to accept that, but please keep your promise. Stay by my side, even if I end up marrying her."I felt as if I'd been yanked from where I stood. I swallowed hard, unable to calm the racing of my heart.I promised to remain his close friend, but not in the way he imagines.Now, I'm afraid of getting entangled in such a forbidden affair.No, I can't allow that. Nothing like that can happen."What are you talking about? Diyan ka na nga! Ang promise mong libro, ha?" ani ko sabay naglakad na paalis.Haduf na buhay ito! Nagmumukha akong kontrabida sa isang nobela. Zsss!I'm trying to distance myself from temptation, but it's the temptation itself that keeps getting closer to me.Ewan, ang sakit sa panga.⚠️Read responsibly⚠️I woke up early, despite it being a Saturday. I guess I'm just used to it; that's why they call me an early bird. Everyone can afford to be late for school, but not me.Inabot ko na ang phone ko at binuksan ang mga message. Dalawa mula kay Gab na group message naman at quotes pa na mukhang pinapatamaan na naman si Jinro. Anong taon na ngayon pero parang aso't-pusa pa rin ang dalawang ito. Dalawa rin kay Percy saying goodnight na paniguradong kagabi pa ito at good morning kaninang mga 4:00 a.m. Maaga na naman 'yon umalis papuntang photo studio niya. May mensahe rin mula sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa mga co-agent ko. Iyong iba ay wala namang kinalaman sa akin. General messages naman. I'm not sure why they're so fond of sending group messages and greetings. Trying to keep up with them really saps my energy. As an introverted person, it comes naturally for me to just seen their texts and chats.Napabuntonghininga ako nang makita ang huling sender ng sandamak
[I can't help but respond to every motion of his lips.It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.]Napangiti ako nang matamis dahil sa ala-alang iyon. Tuwing sumasagi talaga iyon sa isip ko, kahit badtrip ako o kaya ay may ginagawa ako ay napapahinto ako at napapangiti.Kanina ay hindi lang isang beses akong napuna nina Gab at Kenya, ang ganda daw ng mood ko na naman. Nahuli rin nila akong parang baliw na nakangiti. Zsss!Crazy, Marciella. Crazy!I can't help but reminisce about that moment with him. It naturally runs through my mind. It's as if I want to return to his flat and answer his question, "Should we do it?" with a 'yes.'Aba, Marci, ah? Landi din 'te! Nyawa. Parang may mga butuin akong nakikita sa kalangitan kahit tanghaling tapat. Ito na yata ang epekto ng halik ng haduf na Ash. Nanggigil ako sa kanya! Sara
Napabusangot ako sa sarili kong iniisip. Sakit sa bagang ng buhay kabit, ha? Ang hirap. Hindi ako mabubuhay nang matagal sa ganitong estado. Oo na, Marciella, kabit lang tayo. Wag na tayong magmalinis, masakit 'diba? Gano'n talaga, truth hurts at isa pa ay desisyon mo rin naman ito. "Gusto kita.""Pero mahal mo siya, Ashmer. Ang galing, ano bang ipinaglalaban mo?"Hindi naman siya umimik pero nanatiling nakayakap siya sa'kin. "Gusto kong matulog dito ngayon, pwede ba?"Nanlaki naman ang mata ko. "Baliw ka ba? Nandito si Percylla."Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok.Naku! Buti na lang talaga!"Mer, alis na pala ako ngayon, ha? Kailangan na ako sa FIS eh. Bye! Marci, alis na ako."Mukhang nagmamadali talaga ito. Hindi pa nga ako nakapagutgon pa at papatayo pa lang din sana si Ash pero nasa pinto na si Percy at tuluya
I slowly and wearily dragged myself out of bed. It was yet another weekday, signaling the need for me to return to MHIS. I made a concerted effort to fend off the overwhelming drowsiness that clung to me. Ever since that last night when I was with...C'mon, Marciella! Don't even think about him or mention his name. Tatlong araw pa nga lang ang nakakalipas pero hirap na hirap na akong iwasan at deadmahin ang presensiya niya lalo na kapag nagkakasabay kami sa hall way o kaya ay sa DH para kumain.Alam ko rin na may ilan na sa mga kasamahan namin na nagtataka at nakakapansin sa mga ikinikilos ko tuwing nasa tabi-tabi lang siya. I'm making an effort to spend most of my time alone and avoid mingling with them. The more I engage with the group, the more conspicuous it becomes that I'm actively avoiding one specific person among them.Well, mukha naman ding kaya ko nakayanang umiwas dahil umiiwas din siya sa akin o kaya naman ay wala rin talaga siyang pakialam pa. Mabuti naman kung gano'n
"Bal! Let's go!" tili ni Gab sabay pulupot na naman ng kamay niya sa braso ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang librong hawak ko. Hilig talaga nila akong kaladkarin kung saan-saan. Lahat yata ng tao dito sa camp ay napaka-clingy sa akin. Kung merong botohan para sa pagiging favorite person alam kong panalo na ako, zsss! Hindi madaling madaming papansin sa'yo 'no? Nakakasakit ng panga."Saan ba?" usisa ko na may halong maktol. Disturbo sa pagbabasa ko, eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakahawak ng libro dahil mula bukas ay marami na namang paper works. Malapit na ang graduation eh."Sa office ni Boss Robot." Agad akong pumiksi sa pagkakahawak niya. "Eh! Ayoko, ikaw na lang.""Sige na, kuha tayo ulit ng misyon. Bored ako eh."Napabuntonghininga na lang ako. Paano ko pa matatanggihan ang makulit na ito? "Oo na nga, bilisan lang natin. Magbabasa pa ako." Ngumiti naman siya. "Yieee! Love you, bal!""Sus, ang clingy nito." Pareho kaming natawa. Dumiretso na kami sa office ng boss n
Tahimik akong naglalakad-lakad sa camp. Bored ako, wala rin akong ganang magbasa dahil hindi naman iyon ina-absorb ng utak ko. Masasayang lang ang oras at pagod ko dahil babasahin ko lang naman uli lahat. Nakita ko si Kenya at Dailann na nasa benches ng field at mukhang kulang na lang langgamin dahil sa sweetness. Mapapa-sana all ka na lang kahit bitter o broken ka. Wala bang expiration 'yong ka sweet-an ng mag-asawang ito? Napaiwas ako ng tingin ng ninakawan ni Dailann ng halik ang asawa at narinig ko pa ang nang-aasar na tawa niya kay Kens. Ang lalandi! Mga nyawa! Ang aga-aga eh.Sa kabilang side naman ay sina Kenshane na ginugulo ang nagjo-jogging sa field na si Faller. Mukhang naiirita na naman ang mukha ng lalaki kapag nakatingin si Kenshane pero kumakalma iyon kapag nagsimula ng magmaktol ang dalaga. Kakaiba ang dalawang ito. Iyong tipong kapag kinulit ng babae ang lalaki ay mapipikon pero kapag nagtampo si babae ay susuyuin din naman ng lalaki. Papaano uunlad ang kabuhayan n
"Boyles Law.""The volume of a gas at constant temperature varies inversely with the pressure exerted on it," Kens quickly responded to Shines' question.Nasa DH kami ngayon hindi para kumain kundi para maglaro. Ganitong klase ng laro meron kami noon pa man. Batohan ng mga tanong at ang hindi makasagot ang siyang may parusa.Sa ngayon ay ang mga salita na ibabato sa amin ay related sa major subject o field namin. Kahit hindi sakto 'yong wording basta nandon ang thought ay ayos na."Hmm! Bilis, ha? Crys, Mendel's Law.""A principle in genetics proved subsequently to be subject to many limitations: because one of each pair of hereditary units dominates the other in expression, characters are inherited alternatively on an all-or-nothing basis —called also law of dominance."Wow! Sila na magaling sa science. Nakakadugo utak 'yon 'no? Saan kaya nila iniimbak lahat ng mga nalalaman nila sa asignaturang agham? Everyone gasped and couldn't help but be amazed. We're all agents, but we each ha
"Hey, baby, ang lalim na naman ng iniisip mo," untag niya sa'kin at ikinulong pa ang mukha ko sa dalawang palad niya. Tuluyang nagising ang diwa ko. Naiintindihan ko na ngayon ang punto niya noon. He wanted me to enjoy my life first dahil the moment na nag-decide siya na 'wag na akong pakawalan ay gagawin niya talaga, katulad ng ginagawa niya ngayon.But having Percy habang nag-aantay siya ng tamang panahon para sa amin ay hindi magandang ideya. Maling-maling desisyon iyon. Doon kami sumablay. Pinilit ko rin naman na piliin niya si Percy noon kasi iyon ang tama para sa akin. "Stop calling me baby, Ash. Hindi mo ako girlfriend." Napabusangot naman siya at bahagyang napanguso. "Eh bakit si Lovimer hinahayaan mo? Tapos ako ay hindi? Sabihin mo nga sa'kin, tapatin mo nga ako, mahal mo na rin ba ang isang iyon?"God, he's a serious person, but sometimes he can be childish, especially when I'm with him."Of course, not. Hindi ako salawahan kagaya mo.""Ouch! Sakit mong magsalita.""Talag
A FORBIDDEN AFFAIR Guieco Clan Series #2Ashmer Guieco and Marciella PerrerASHMER GUIECO'S POV"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Nakangiting tinitigan ko siya na halata namang namumula sa ideyang hahalikan ko siya sa harap ng lahat. Kinabig ko siya at saka hinalikan. Hindi sapat ang segundo para ipakita sa lahat kung gaano ako ka-proud na ako ang naging asawa niya."Hoy! Tama na, aba!" rinig naming sigaw ni Shane. Napuno naman ng tawanan ang loob."This is the best birthday gift I've ever received from you, Marciella," puno ng saya kong bulong sa kanya. Yes, today is my birthday, and at the same time our wedding day. It's July 26. "Happy birthday, baby. I still can't believe na noong isang araw ko lang nalaman na ngayong araw na pala agad ang kasal natin," natatawa niyang saad. "Bakit? Ayaw mo?""Pabebe ka talaga! Ayaw pa ba, eh tapos na nga, oh. Ang akala ko kasi ay next month or year pa. Yon pala ay next, next day na."Sabay kaming natawa."Congratulations, Mr.
A Forbidden Affair(MARCIELLA PERRER X ASHMER GUIECO)Guieco Clan Series #2***["Marciella, please... Don't leave me. Hindi ko kaya."]Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig. "Tita Marci, gising na po. Ang tagal mo namang matulog, eh. Hindi... Hindi ka na po nakakakain at nakakaligo," boses iyon ni Lyssa kung hindi ako nagkakamali. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. "Hala! Gising ka na po? Gising na po si Tita Marci!" tili pa ng bulilit. Ilang araw na ba akong nakaratay dito? Huling naalala ko ay halos kunin na ako ng puting liwanag at kamuntikan na akong sumama kung hindi ko narinig ang pakiusap ni Ash na 'wag ko siyang iwan.O baka guni-guni ko lang iyon?"Gising na? Weh?" rinig kong sambit din ni Shane na nasa sofa at prenteng nakaupo habang nagpipindot ng cellphone niya."May migraine ako pero kapag naririnig ko 'yang tawa mo, feeling ko ay stage 4 brain tumor ang meron ako, eh! Ang sakit mo sa utak!" asik ni Beatrice habang may kausap sa cellphone. Kapapasok lang nito.
Kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang muling pagtunog ng monitor. Pare-pareho kaming naestatwa at napatitig lang sa linyang unti-unting nagkakaroon ng kurba."Oh, God! Move out! Hurry up!" sigaw sa amin ni Xandria. Muli silang nagsipasukan kasama ang isa pang doctor at tatlong nurse. Nahagip din ng aking paningin si Froizel na naka-doctor gown na rin kahit na kagagaling lang din nito sa isang mission."Froi, save her, save her," I pleaded with my cousin."We'll try our best, Ashmer. Now, leave us alone so we can save Marciella."Hinila ako palabas ni Mommy na nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kompleto na rin pala ang piooners. Sobrang nawala sa huwisyo ang pamilya ni Ell kaya maraming umalalay sa kanila palabas. Lahat kami ay pinalabas sa hospital dahil mas naging maselan diumano ang kalagayan ni Ell."M-mom? B-huhay si Ell, 'di ba? Buhay ang mahal ko, 'di ba?" Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Nakaalalay sila ni Dad sa akin dahil para akong batang nawala
ASHMER GUIECO'S POV"Ell!" I almost panicked as I noticed her hand, which was gripping mine, losing its strength.Tears streamed profusely from my eyes, causing my vision to blur. She coughed up blood."Xandria! Please, help Marciella! Please?" My tone was filled with pleading.I didn't want to see her in this condition because it felt like I was slowly losing my own life. The pain she was experiencing, I felt it too.If only I had decided to follow them early on. If only I had prioritized my love for her over my responsibilities in the GC. Perhaps... Perhaps she wouldn't have been hurt like this, maybe I could have protected her."Calm down, Boss! Hindi mo kailangan manigaw. Ito na nga, pilit ng sinasalba namin si Marciella, kahit... kahit napaka imposible na!"I feel like it's not just the knives or hammers that are tormenting my heart right now. I'm in so much pain.Just thinking that... That... No, she won't be taken away from me. No. She promised.Nangako ka na palagi kang babali
Pagkadating namin sa S-Area ay agad na nakasalubong namin sina Earthe. Halata ang pagod sa mga mukha nila."Where are they?!" agarang tanong ko."Tumatakas sila. Ipapasa na namin sila sa inyo. Hindi pa sila nakakalayo, this way ang takbo nila. Black van with plate number 5****," bigay-alam nito at itinuro pa ang tinutukoy sa direksyong ng daan. Pagkarinig namin niyon ay agad kaming nagsampaan sa sari-sarili naming sasakyan. Walang sali-salitang hinabol namin sina Gabriel. After 10 minutes ay agad naming nakita ang sinasabing Van ni Earthe. Sakto lang ang takbo nila na para bang minamaliit ang mga kaaway nila. Nagtagis ang bagang ko."Wow, playing cool ang mga butete," rinig kong asik ni Shane. Masyado silang kampante na akala nila ay sila na ang hari ng QC."Wag kayong magpahalata. Kailangan marating natin ang lungga ni Gabriel," utos ko sa kanila habang hindi iwinawala sa paningin ko ang sasakyan ng mga haduf. Sige lang, take your time stupids!"Copy, Prime."Narinig namin ang in
Nagpapaumanhin ang tingin na ipinukol ko kay Mer bago ito iniwan. Patakbo kong sinundan si Ashmer. Dahil sa napakabilis ng hakbang na ginagawa niya ay kailangan ko pang gamitin ang bilis ko. Agad na hinarangan ko ang pinto ng kanyang flat bago niya pa ito maisara."What?!" asik niya na agad. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo at napapalatak na tiningnan siya. Nagsalpukan na naman ang kanyang kilay at halata sa mukha niya ang matinding iritasyon. Pumasok ako at isinara ang pinto."Anong what?! Diba ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Ano ang pumasok sa kukuti mo at sinapak mo na lang bigla ni Lovimer?! Anong kasalanan niya sa'yo, ha?""Hindi mo ako kinausap simula kahapon! Hinintay kita sa DH pero malalaman ko na nasa clinic ka pala at kasama ang lalaki iyon?!""Oh, ano masama, ha? Kung inagahan mo ng dating eh di sana hindi na ako nakasama pa kay Mer!""Ang sabihin mo ay gusto mo rin ang pinsan ko!""Damn, Ashmer! Girlfriend mo na ako diba? Engaged na tayo at alam mong ikaw ang m
Pilit ko na ikinalma ang aking sarili habang naghahanda para mamayang gabi. Hindi ako makakatulog ng hindi ko nasasapak si Gabriel.Hindi na ako lumabas ng flat para kapag nawala ako dito ay iisipin nilang nasa loob lang ako. Dinampot ko ang aking phone at tinawagan si Shane."Marci?""Nasa bahay ba niya si Gabriel?""Kaninang 4:00 pm ay nahagip siyang camera na papasok sa loob kasama ang mga aliporos niya. Hindi pa yata sila umaalis, why?""Ah wala. Just checking." Pinutol ko na ang linya. Nagpalit ako ng damit. Isinukbit ko sa aking bewang aking stun gun. Nilagyan ko ng protection gear ang kamay at tuhod ko. Eksaktong 7:00 pm ay pasimple akong pumuslit sa camp. Hindi ako dumaan sa main gate dahil makikita ako nina Shines na nasa control room. Inakyat ko ang bakod palabas at ingat na ingat dahil naalala kong may alarm pala ang bawat sulok ng labas ng camp.Matiwasay akong nakalabas. Ang problema ko ay ang sasakyan ko papuntang BV. Dali-dali akong naglakad papuntang phone station at
Kasalukuyang nasa Interrogation Room na kami ngayon kasama si Harvey. Mukhang hindi naman siya nagulat ng sabihin ni Ash na may mga katanungan lang ito sa kanya dahil agad naman siyang sumama. Baka ang inaakala nito ay pag-uusapan nila ang tungkol sa panliligaw nito kay Shane.Nasa tabi na rin ni Shane si Beatrice na walang imik mula nang magising ito. Habang nasa kabilang dulo naman si Mer. Napapagitnaan nila si Shane at Crystal. "Ano bang tanong, Bro Ashmer? Bakit kailangan nandito rin sila?" usisa ni Harvey na ang tinutukoy ay kami.Tumikhim ako at pinakatitigan siya. "Anong alam mo tungkol sa Snellenn?" direktang tanong ko. Halata ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Hindi agad nakaimik o di alam kung magsasalita pa ba siya."Speak Harvey," untag sa kanya ni Shane."B-bakit interesado kayo sa Snellenn?""Dahil may mga bagay kaming dapat malaman tungkol sa kanila na ikaw lang ang nakakaalam."Inilapag ko sa kanyang harapan ang papel. Alanganing kinuha niya iyon, nasaksihan ko kung
"May problema tayo," anunsiyo ni Shane nang lumapat ang kanyang paa sa loob ng flat ko."What is it?""Si Claire."Napataas-kilay naman ako. "What about her?""Napag-alaman naming member siya ng isang sindikato. Shit! Dapat ay hindi muna natin siya pinakawalan, eh! Duda talaga ako sa pagkatao ng isang iyon lalo pa at nagawa ka niyang pagtangkaang patayin."Nanlumo naman ako sa aking narinig. "But I thought, anak siya ng kaibigan ni Tita Adelle?""Yeah but not by blood pala. Inampon lang siya ng kaibigan ni Tita Ad na si Tita Paz kaya siya ang naging panganay. Pero ang totoong anak ni Tita Paz ay nasa ibang bansa pala, doon nagtatrabaho. Later on, nalaman ni Claire na ampon lang pala siya kaya medyo nagrebelde at sumapi na talaga sa mga buteteng rebelde ng lipunan!""So, anong sindikato ito?""Darkee Clan.""Unfamiliar, though.""Ayon sa nakalap namin ay minsan na silang nakasagupa ng RAO second generation. Tulad ng PC ay nagbalik lang uli sila para gumanti. Remember noong na kidnap si