"Goodnight, Sebastian." ani Gilliane sa munting tinig, hindi pa gaanong nagmumulat ng mga mata. Tila may hinihintay.
"Dream of me, sweetheart," tugon ni Sebastian bago tuluyang umalis.
Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at ngumiti habang nakatingin sa likuran ni Sebastian. Pagkapasok nito sa sariling unit ay isinara na niya ang pinto at sumandal doon.
She sighed dreamily.
What was happening to her? Bakit ganoon na lamang ang epekto si Sebastian sa kanya? Kahit anong klaseng pagpipigil ang gawin ay tila hindi nakikinig sa kanya ang sariling katawan.
Tila may sariling utak ang kanyang katawan at hindi ito nakikinig sa nais ng isip niya.
This surgeons charisma is too powerful that her body is starting to give in.
No. This can't be happening. Hindi siya puwedeng magpadala sa lalaking ito. Hindi siya puwedeng magpadala sa init ng katawan.
"Sigurado ka ba na kaya mong maalis lahat nang 'yan?"Tinanguan ni Sebastian si Dylan habang hindi inaalis ang tingin sa ilang scans na nasa kanilang harap. Hindi siya na-offend sa pag-aalinlangan sa tinig ng kanyang kapatid. Alam niyang ganap ang tiwala nito sa kanyang kakayahan. Hindi lang mapigilan ni Dylan ang sarili dahil na rin sa sobrang pag-aalala nito sa scan ng pasyente.Sa opinyon ni Sebastian, masyadong emotionally involved ang kanyang kapatid pagdating sa mga pasyente nito. Dylan formed a special bond with his pediatric patients. Hindi ito kagaya ng ibang doctor na kapag pasyente ay nananatiling hanggang pasyente lang at walang emotional attachment.Dylan is different. He treats his every pediatric patients as his own child. He's too attached to his pediatric patients. Hindi na rin siya nagtataka pa nang balita sa buong ospital kung gaano ito kagusto at kamahal nang ilang pasyente dito. Ang iba ay talagang lumilipat pa nang doktor
It Gilliane's first oficial day inside the operatingroom. Noong mga nakaraang araw ay orientationlang niya. Pinag-observe lang siya sa ilang operasyon,kinabisa niya ang mga protocol at surgical floors at kinilala ang mga doktor at kasamahang nurses. Madali namang naging pamilyar sa kanya ang ilang procedures at protocols. Madali rin niyang nakasundo ang mga makakasama sa loob ng OR.Pinakamalapit siya sa head nurse ng operatingroom, si Sally. Hindi ito nagpapatawag ng Ma'am.Ito ang nag-orient sa kanya. She had a pleasant faceand sweet smile. Isang dekada na daw itong nagtatrabaho sa Dr. Amadeo Dizon Memorial Hospital. Pinlano nitong magtrabaho sa bang bansa noon katulad ng iba ngunit hindi raw nito kayang iwanan ang mga anak. Gumanda ang trabaho ng asawa nito kaya nakontento na lang ang pamilya sa Pilipinas.Namangha ang ilan sa mga kasamahan niya nangmalaman na nurse siya sa Hamburg at sa ibang bansa siya nakapagtapos ng koleh
"Gi...""I'ts okay. This is not about me, it's about you and Jerome. And I'm happy for the both of you. Finally, Phoebe...""Paano nga pala si Megan, is everything okay with her? Does she knows about the wedding?""Actually, nagkakausap na kami. Hindi pa rin nagbabalik sa dati ang relasyon namin at sa palagay ko ay habang-buhay na iyong nabago. Pero mas friendly na siya ngayon hindi kagaya noon na pakiramdam ko ay laging hahabulin niya ako ng saksak. She told me it's okay to get married. Mas magagalit daw siya kung hindi kami ang magkakatuluyan sa bandang huli.""And she finally said that she's moved on and happy with me and Jerome.""That's great, then. Sa wakas ay wala na kayong misunderstanding ni Megan. So, you're moving in with Jerome at masosolo ko na ang unit na ito?" Ngumiti siya."Mukhang masyado kang masaya. Ayaw mo na baakong kasama, ha?" Kunway pagsusungi
He will never leave Nurse Gilliane alone. No. Wala siyang planong gawin iyon. He's keeping her in his side. Hindi man iyon maganda sa paningin ng iba ay wala na siyang pakialam pa. Walang sino man ang pwedeng magdijta o mag-utos sa kanya kung ano ang tama at maling desisyon ang gagawin.Hindi pa niya sigurado kung saan sila hahantongni Gilliane, ngunit nasisiguro niyang ayaw niyang madaliin ang lahat. Nasisiguro rin niyang hindi basta-basta palalampasin ang dalaga. Maging siyaay bahagyang nagulat sa napagtanto. Hindi niya lubos maamin sa sarili na iba talaga ang epekto nito sa kanya. Lalo na ang pagpipigil na ginagawa niya.He never did this before. Kapag gusto niyang ikama ang isang babae ay gagawin niya iyon. But Gilliane? He respects her every single words. Kahit kilos lamang nito ay tila nahihipnotismo na siya. Napapasunod siya nito agad hindi kagaya ng ibang babae. He also finally control his libido towards having sex with
"Gusto kitang makausap pagkatapos mo rito mamaya, nurse Gilliane."Gilliane loved the way he uttered her name. Mabilis din niyang tinapos ang kanyang charting. Hindi niya alam kung saan sila mag-uusap ni Sebastian o saan hahanapin ang lalaki. Ngunit hindi niya iyon gaanong pinroblema dahil paglabas niya sa OR ay nakita niyang nakaabang na sa kanya ang binata. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito naghihintay o baka naman kakarating lamang din.Sinikap ni Gilliane na ngumiti nang pormal kahit na ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Why did hehave to be this hot on scrubs? Guwapo na ito simula pa lamang sa unang pagkikita nila pero mas lalong guwapo at bumagay dito ang suot nitong scrubs.Hindi muna niya hinayaan na ma-distract siya ng kakisigan ni Dr. Sebastian Villaraza. Sinikap niyang maging tipikal na nurse na haharap sa isang surgeon pagkatapos ng isang madugong operasyon. Kahit na tila nanginginig ang mga binti at tuhod ay pinilit niya ang saril
"Ayaw mo talagang maniwala. Bahala ka. I own the unit but I don't stay there until now. I have another unit some place else.""So, hindi ka pa rin mag-stay sa unit?"Nakangiting umiling si Sebastian. "You're a smartwoman, Gilliane. Kasasabi ko lang kanina, we'll beneighbors from now on.""B-bakit? You said you have a unit some place else." puno ng pagtataka ang kanyang tinig. "Bakit mo babaguhin ang takbo ng buhay mo? Why do you have to live in this building? You could stay in your other apartment or condo like before."Nagseryoso ang mukha ni Sebastian. Sinalubong nitoang kanyang mga mata. "I've been asking that question also since the day I saw you walked in the bar. So, please don't ask me. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa 'yo. I'm still figuring things." Nagsalubong ang mga kilay nito at tila bahagyang na-confuse.Napalunok nang sunod-sunod si Gilliane. May sasabi
"Gi, makinig ka nga sa akin. Stay away from Dr. Sebastian. He's not good for you. Alam mo naman ang mga sinasabi ng mga nurses dito tungkol sa kanya,'di ba? He's a chronic womanizer."Hindi nabura ang ngiti ni Gilliane sa sinabi ng best friend na si Phoebe. Bakas ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ngunit sa kanyang opinyon ay wala namang dapat ipag-alala. Masyado lang nag-iisip ang matalik na kaibigan. Alam niyang nag-aalala lamang ito sa kanya pero wala naman siyang naiisip na dahilan para katakutan o layuan si Sebastian.Nasa grocery store na malapit sa condominium building sila nang araw na iyon. Dahil madalas namakikain si Sebastian sa unit niya, mabilis ding maubos ang kanyang stock. Hindi na muna sana maggo-grocery si Phoebe ngunit natiyempuhan niya ang kaibigan nang pa-alis na ito patungo sa grocery store kaya napagpasyahan nitong sumama na rin sa pamimili at para makipag kwentuhan na rin sa kanya.Pareho silang may tulak-tulak na car
Ibinuka ni Phoebe ang bibig at akmang may sasabihin ngunit inunahan na niya ito. "I know, I know. Alam ko ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan mo. Iniisip mo na masyado lang akong naapektuhan sa nangyari kay Stefan. Gusto ko ang atensiyon na ibinibigay ni Sebastian dahil nasasaktan pa rin ako. Maganda sa ego ko ang nararanasan ko. O baka at the back of my mind ay gusto ko lamang gantihan si Stefan sa nagawa niya. Gusto kong patunayan sa kanya at sa sarili ko na kaya ko rin ang kanyang ginawa sa akin."Nagkibit ng mga balikat si Gilliane. "Siguro ay tamaang lahat ng iniisip mo. Hindi ko sinasabi na nawala na ang lahat ng pagmamahal sa puso ko para kay Stefan at nalipat na kay Sebastian. I'm not stupid. I know Sebastian's type. He's not the type I want to seriously date, but he's certainly the type I want to fool around with. Hindi niya ako mauuto kagaya ng iba pang nurses na mabilis niyang nabobola. I can handle this man, Phobe." Nakangisi na siya pagkatapos niyang magsa