Pasimpleng sumilip si Haven sa bintana ng kanyang silid sa itaas habang tanaw na tanaw niya si Aries di-kalayuan sa kanya. Nang sumapit kasi ang gabi ay nagulat si Haven nang magtayo si Aries ng tent sa mismong tapat ng waterfall house. At napag-alaman niya na natulog si Aries sa kabilang kwarto sa itaas noong nagdaang gabi at hindi niya alam na nandoon na ito habang himbing na himbing siya sa pagtulog.Pero mabuti na lang din at hindi siya nito nakita nang gabing iyon sa silid na inuukupa niya. At kung mangyaring ganun malamang hindi na naman siya nito titigilan.At nang maligo siya kaninang umaga sa swimming pool nagkataon siguro na nasa kabila si Aries at doon ito nagtatampisaw. Napapalibutan kasi ang waterfall house ng swimming pool at nang ikutin niya ang buong swimming pool sakto palang nandoon si Aries.Kung sino pa naman ang tinataguan niya siya namang lumalapit sa kanya.At ngayon nga natatanaw siya nito mula sa malayo.Nakikita din niya ang glow in the dark na banner nito a
"Please, let's eat. I prepare breakfast to you." nagmamakaawang sabi nito na hindi pinansin ang sinabi niya.Saka lang niya napansin ang mga nakahain sa mesa malapit sa swimming pool. Naalala na naman niya noong apat silang kumain sa lamesa na iyon na kasama sina Eloise at Daniel. Wala na rin siyang balita sa dalawa at kung maaari ayaw na muna niyang magtanong kung nasaan na ang mga ito. Simula kasi 'nung bugbugin ni Aries si Daniel nang gabing iyon at malaman kay lola Feliza na isinugod si Daniel sa hospital na ang buong akala niya patay na ito."No, may kasabayan akong kakain ngayon." sabi niya at itinuloy ang paglalakad. Alam niyang sinusundan siya nito."Sweetheart, for goodness sake!" narinig niyang sinabi nito pero hindi siya nagpatinag.Nang makalagpas na siya sa waterfall house muli siyang namangha sa kanyang nakita. All around the pavement was surrounded with different bunches of flowers! At dalawang tao lang ang kakasya na pwedeng maglakad roon palabas ng waterfall house
Kinabukasan maagang nagtungo si Haven sa Montessori Farm upang muling bisitahin iyon.Kasama ang driver na si Mang Gerardo na pinagkakatiwalaan ni lola Feliza at matagal ng driver ng pamilya.Parang gumaan ang pakiramdam niya simula noong nahanap na siya ni Aries dahil hindi na siya palihim na pumunta roon.It was also a miracle that Aries didn't bother her all day yesterday."Ate Haven!" masayahing lapit sa kanya ni Shantall, ang nakababatang kapatid ni Vince na kinse anyos at nagdadalaga na. Kinagigiliwan niya ang batang ito dahil bukod pa sa maganda na ay mabait at magalang din ito.Patay na kasi ang ina ni Vince dahil nahirapan ito sa panganganak kay Shantall kaya dalawa lamang silang magkapatid at malayo din ang agwat ng mga edad nila.Ang ama naman ni Vince ang kasama nito sa negosyo nila."Where is Vince?" tanong niya."Uy, Vince na ang tawag ni ate kay kuya, ah!" tudyo sa kanya ni Shantall."Shantall!" sabi ng kadarating na si Vince upang salubungin siya."O, sige ate alis na
"Sa tingin mo ba may pakialam pa ako sa nararamdaman mo? Bakit pati personal kong buhay pinapakialaman mo? And to think na binastos mo 'yong tao! Sa tingin mo ba ako pa rin iyong babaeng kaya mong paikutin?"He looked at her with shocked. "Have you lost your mind? That guy was totally rude to me. Believe me he is not the possibility.""You'd think I don't have the right to my own descision? It's like Big Brother was sitting next to me. Bakit ba ako nakikipag-argumento sa taong makitid ang utak? Na pati mali niya hindi niya mapuna." sabi niya at muling tinalikuran ito pero bago pa man siya makapasok sa sasakyan ni mang Gerardo ay muli itong nagsalita."You said you loved me. Was that true?"Tila natigagal siya sa sinabing iyon ni Aries na tila ba may malakas na enerhiyang pumalibot sa kanyang paligid at nang harapin niya ito, Aries looked at her directly in the eyes. His gaze was so intense that her mouth went dry."I am not in the habit of lying," she whispered.Ang mga mata nito ay
Nagising si Haven mula sa mahimbing na pagtulog dahil nilalamig ang buong katawan niya. At nang magmulat siya ng mga mata ay ang dilim ng buong silid ang nabungaran niya.Iyon na naman ang pakiramdam niya ay ang pagsisikip ng kanyang dibdib dahil sa dilim na para bang nahihirapan na naman siyang huminga.Mabilis siyang bumangon at tinungo ang pintuan ng silid palabas. Ganun na lang ang panghihilakbot niya sa kanyang nabungaran dahil halos iyon balot na balot sa kadiliman!"Aries!" tawag niya sa pangalan nito. Pero hindi ito sumagot. Pagkarating na pagkarating kasi nila ng hapon sa isla na kahit kailan hindi pa niya napupuntahan ay patakbo siyang pumasok sa loob ng resthouse at kung anong silid na lang ang pinasok niya at ini-lock iyon.Dahil sa galit niya kay Aries kanina ay hindi niya ito pinagbuksan ng pintuan nang kumatok ito!At ngayon sa tingin niya nag-iisa siya sa loob ng resthouse! "Aries, please, stop this! Don't frighten me!" muling sabi niya. Pero wala siyang makuhang sa
"Ouch! Godammit!" sigaw na bigkas ni Aries nang madapuan ang kamay nito sa tumatalsik na mantika mula sa kawali.Kasalukuyan silang nagluluto sa kusina.Pagkatapos kasi nilang maligo sa dagat kanina ay nagbanlaw at nagbihis muna siya ng bulaklaking bestida. Lahat ng mga damit sa closet na kwartong tinutuluyan niya ay pawang pang beach outfit.At ang mga nahuli nilang isda kanina ang iniluluto nila."Aries, stop cursing will you?""Hindi ko mapigilan," reklamo na sabi nito habang hinahawakan ang natalsikan nitong kamay."Ibabaligtad mo lang naman ang isda,""Bakit kasi nakikipaglaban ang mantika," reklamo nito."Patayin mo muna kasi ang kalan kung takot kang matalsikan bago mo ibaligtad,""Ganoon ba iyon?" sabi nito at pinatay naman."Akala ko ba magaling ka? Hindi mo naman yata ginagamit ang utak mo." inis na sabi niya."Wife you are right, magaling ako sa ibang bagay but cooking...I really never cook in my whole life."She rolled her eyes. "So? Ang lakas ng loob mong dalhin ako sa i
"Bakit ayaw magbukas?" inis na sabi ni Haven habang walang humpay niyang binuksan ang kalan.Hindi naman kaya naubos na ang gasul?Bakit ba palagi nalang nauubos ang gasul sa mga isla? Gaya na lang noong nasa isla sila na kasama sina Eloise at Daniel. Naalala na naman niya iyon noong nagsukatan ng suntok ang dalawa. Iwinaksi niya ang ala-alang iyon. Hindi na dapat niya muling maalala iyon.What now? Nasa kalagitnaan pa naman siya ng pagluluto. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang balkonahe. Tanaw na tanaw niya si Aries mula sa pangpang. Habang nakaupo ito sa bench sa ilalim ng mga puno ng niyog at nakatanaw din sa lawak ng dagat. Apat na araw na sila ni Aries sa isla at sa mga apat na araw na iyon ay naging casual lang ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Pakiramdam niya sumusuko na si Aries at marahil mare-realize nito na hindi talaga sila pwede.Mabilis ang mga hakbang niya na lalapitan niya si Aries sa kinaroroonan nito."Aries," tawag niya dito nang tuluyan na siyang makalapit.
Mabilis na nagtatakbo ang dalawa ng magsimulang pumatak ang ulan hanggang sa lumakas iyon. Hindi nila inaasahan ang pagbuhos ng ulan. Medyo malayo-layo pa naman ng kaunti ang kinaroroonan ng resthouse.Hawak-hawak ni Aries ang kamay niya upang huwag siyang matalisod sa mga nadaraanan nilang mabatong parte ng buhangin.At nang marating nila ang resthouse ay napansin agad ni Haven ang sugat sa taas ng kilay ni Aries.It has blood!"A-Aries, may sugat ka sa bandang taas ng kilay mo!" she said hysterically."Ah, this?" turo nito. "It's okay, hindi naman masakit."Alam niyang siya ang may pakana niyon! Sinasabi na nga ba niya na nasugatan niya ito dahil sa lakas ng pagkakabato niya rito sa mga kahoy kanina."I-I'm so sorry about everything. I didn't—""Shh," he murmured, stroking her wet hair. Everything's fine. Kulang pa nga ito sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Kung pwede bugbugin mo na ako ngayon hindi kita pipigilan." nakangiting sabi ni Aries.Nasa loob na sila ng resthouse at kasa