"Goodmorning po. Pinapasabi po ni sir na pumunta daw po agad kayo sa water fall house." sabi ng katulong kay Haven nang pababa na siya ng hagdanan.It was already ten in the morning. Nakaligo na siya at nakabihis ng kulay berdeng floral jumpsuit. Iyon lang kasi ang nagustuhan niyang isuot. "Ganun ba, sige salamat." Ano ba kasi ang meron doon? Hindi pa siya nakapag-almusal. Tinungo na lamang niya ang waterfall house dahil doon naman niya malalaman ang kasagutan. Naalala na naman niya 'yung time na nag-propose sa kanya si Aries. And he wasn't sincere that time. Galit na galit pa ito sa kanya. Pero bakit ngayon parang kaybilis ng panahon at pakiramdam niya nagbabago na ito. Nang malapit na siya sa waterfall house nakarinig siya ng boses babae. Habang papalapit siya ng papalapit doon nagiging pamilyar na sa kanya ang boses nito. She was right it was Eloise. Nagtatampisaw ito sa pool. Napakasexy ang slim na katawan nito. She was wearing a two piece bikini. H
Hindi mapigilan ang pagkamangha ni Haven ng makapasok siya sa loob ng library ng mansion dahil sa napaka moderno din ang loob niyon at parang hindi library ang hitsura kung titignan. Parang isang bookstore sa dami ng mga libro. At napakalinis din ang loob. Dahil glass window iyon ay tanaw na tanaw din niya ang bulkang taal. She loves reading books too. "Hindi ka naman napagkamalang mahilig ka sa mga libro." narinig niyang pasaring ng mama ni Aries ng akmang kukunin niya ang isang libro. Tinignan niya ito as usual nakasimangot na naman ito. Kinakabahan na nilapitan niya ito. "Opo, mahilig nga po ako sa mga libro." sabi naman niya. "Maupo ka dito," sabi nitong hindi pinansin ang sinabi niya. Kaninang tanghali pagkatapos nilang mag-lunch at makauwi sina Eloise at Daniel, pinatawag naman siya ng hapong iyon ng mama ni Aries. Sumunod siya at naupo sa lamesang katapat nito. Para tuloy siyang kakausap ng Principal at pagagalitan siya. "Alam mo na siguro
Mabilis na lumipas ang isang linggo at papatungo na nga sina Haven, Eloise at Daniel sa Palawan kung saan magbabakasyon sila ng isang linggo. Sakay ng private plane na bumaba sila sa Puerto Princesa International Airport at may sumundo sa kanila na malamang mga tauhan din nila Aries bago sila sumakay ng bangka papuntang private beach ng kanyang asawa. Umuwi na muna si Aries ng Tagaytay upang sa huli makita muna sila nito bago sila papuntang Palawan. Sa isang linggo na hindi niya nakita si Aries pakiramdam niya napakalungkot niya. Hinayaan kasi siya nito na mag stay sa mansion at ito na muna ang mag-isang bumalik ng condo. Before she boarded the plane, Aries reminded her to be careful with her actions and said that she would do her best to separate the two couples. Bakit ba kasi siya umasa na nagbago na nga si Aries na may pagtingin na ito sa kanya? Lagi niyang na pagkakamali ang mga kinikilos nito. Ang buong akala niya dahil sa mga masusuyong halik at pagki-care na
Palinga-linga ang batang si Emi habang hinahanap ang nawawalang alaga niyang pusa na kanina lang ay nasa kanyang tabi. Tiyak mapapagalitan na naman siya ng kanyang mama dahil sa kapabayaan niya. Lumabas siya ng bahay nila kung saan nag stay ang pamilya nila.Hapon na kasi at kabilin-bilinan ng papa niya na huwag siyang lalabas ng bahay hangga't wala sila. Ngunit ang batang si Emi hindi nakinig at lumabas pa rin ng bahay nila. Dahil naengganyo siyang maglaro sa dalampasigan na kung saan napakaraming klase ng bangka. Hindi din kasi alam ng batang si Emi kung saan nagtungo ang mga magulang niya. "Kuting nasaan ka na ba?" Tinungo ng mga paa niya ang dalampasigan na kung saan may mga bangka at yate ang naroon. "Hey, little kid where are you going?" tanong sa kanya ng lalaking matangkad, maputi at kulay mais ang buhok. Habang abala ito sa paglilinis ng yate nito. Pawang mayayaman lamang ang nakapunta sa lugar na iyon. "Hi, I am looking for my cat and I don't know where she is." nalungko
"Hi! Good evening!" nakangiting bungad sa kanya ni Daniel. Gaya niya nakabihis na din ito ng ibang damit. "Good evening too." she said and smiled back. "How's your sleep?" "Ayon sobrang na-recharged ako hindi ko namalayan na gabi na. Napasarap tuloy ang tulog ko." "That's good at least mas makakabuti 'yan sa baby." sabi nito. Ayon na nga ang hindi maganda ay ang mapupuna at mapupuna talaga nila ang kunwaring pagbubuntis niya. "Ah...oo nga eh, sige tutulungan ko muna si Eloise sa kusina." sabi niya at iniba ang usapan. "No need, Haven!" singit na sagot ni Eloise na nakalapit na din pala ito. Nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok. "I promise to Aries to take care of you. Mabuti pa babe sa balkonahe muna kayo samahan mo na lang muna siya para makalanghap siya ng sariwang hangin." "Are you sure babe? You don't need any help?" Umiling-iling si Eloise. "Yup! Please samahan mo muna siya. Malapit na din naman maluto 'yon." "Okay, babe!" Parang gusto na niyang maiyak at mag-co
Kinabukasan nang magising si Haven nagulat siya nang makita ang pusa sa ibabaw ng kanyang tiyan.Nakatingin sa kanya ang mga mata nitong kulay abo. Dahil sa takot at gulat napabalikwas siya ng bangon. "Meow!" "Oh, God...You scare the hell out on me!" sapo ang noo na sambit niya. Paano ito nakapasok sa loob? She remember last night she let the cat to sleep at the living room. Kinuha niya ang pusa at hinaplos ang ulo nito. "Paano ka nakapasok dito? Umakyat ka ba?" tanong niya na alam naman niyang hindi nakakapagsalita ang pusa. Pero ang ipinagtataka niya kung saan ito lumusot dahil sarado naman ang lahat ng bintana at maging ang glass door ng balkonahe kung saan siya natulog. She even closes the curtain door. Hindi naman kaya may sa maligno ang pusa? Iniiwas niya ang isiping iyon. Tinatakot lamang niya ang sarili. She looked at the wall clock. It was already eight in the morning. Binitawan na niya ang pusa at tinungo ang banyo sa ibaba. Ginawa niya ulit ang unang -una niyang gin
"Aries..." bulong na sabi niya. Hindi ba siya namamalikmata lang na si Aries ay naroon sa isla?"I thought hindi ka makakapunta dito?" tanong ni Eloise."I thought so, habang tumatagal ang mga mga araw na hindi ko nakakasama ang asawa ko mas lalo lamang akong nasasabik sa kanya. Kaya hindi nako nakatiis at pinuntahan na siya." he said while looking at her.Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa sinabing iyon ni Aries. Nabitawan tuloy niya ang pana malapit sa kanyang paanan. "Sinasabi ko na nga ba hindi mo din siya matiis." Eloise said and laughed. "But I think hindi yata ako namimiss ng asawa ko. Don't I get a hug from my wife?" Nakailang kurap pa siya ng mga mata bago siya kumilos at nilapitan ito at niyakap ng mahigpit. She felt complete when she hugged him that tight. He really missed him! "Damn, I don't know you missed me this much.""Uy! Nagpapainggit na naman kayo a, alam mo ba si Haven ang lungkot-lungkot niya ng mga araw na wala
"Ugh..." hindi niya inaasahan na tanong na iyon ni Daniel."Well, what I think she means to say is, it was love at first sight." sabad agad ni Aries at ito na ang nagkusang sumagot."Oh! Well then that's I want to hear parang ako kay Daniel na love at first sight din ako." sabi ni Eloise at ipinatong pa ang ulo nito sa balikat ni Daniel.Pinakiramdaman niya si Aries kung ano ang magiging reaksyon nito sa ginawa ni Eloise pero parang wala lang dito."Say something," bulong sa kanya ni Aries sa punong tainga niya.Huminga muna siya nang malalim at nag-isip na lang ng anumang sasabihin. "For me...love happens slowly...and then all at once, you start to notice all the things...the good and the bad." she said while looking at the wine bottle and took a deep breath once again before she continued. "The way they laugh at simple jokes that aren't funny. And it seems your whole world gives light. You hope for the best and you just pray you don't get the worst." she explained and there was sile