Malakas na itinabig niya ang lahat ng mga babasaging nasa ibabaw ng mesa sa may sala. Galit na galit ang pakiramdam niya. Wala siyang pakialam kahit pa masira ang lahat ng mga gamit do'n dahil kaya niyang bumili uli gamit ang credit card na bigay ni Zian. "M-mam?" Takot na lumapit sa kanya ang isa
Gusto niyang mag-usap sila ni Zian once and for all. Kakatapos lang nilang kumain kasama si Mrs. Escobar, ang lola nito. Hindi magkamayaw ang matandang abuela ng lalaki sa kakaplano sa kasal nilang dalawa. Ang gusto pa nga nito ay magkaro'n ng formal announcement ng engagement nila. Mabuti na lang a
"I want marriage, Zian." Walang kagatol-gatol na sabi niya nang makaharap na ang lalaki. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki dahil gusto niyang makita ang reaksiyon nito. Marahang kumurap ito na parang ini-expect na nito iyon mula sa kanya. "Akala
Hindi pa man siya nakakalabas ng bahay ni Chelsea ay agad na kinuha ni Zian ang phone sa bulsa. Mabilis na tinawagan ang isang numero. "I want you to find a man named Luis who's a regular customer or might have been an employee of Majestic Inn six years ago. Let me know once you find him." Ibinaba
"Daddy!" Mabilis na tinakbo ni Xavier si Zian pagkababa nito ng kotse. Ando'n ang lalaki para sunduin sila ng anak. Unang araw iyon na ihahatid sila nito. Una nilang ibababa ang anak sa school nito. Mabilis din namang sinalubong ng yakap ni Zian ang anak niya. Hindi niya maintidihan lagi ang pakir
May party na namang gaganapin sa mansiyon ng mga Escobar sa susunod na Sabado? Napakunot-noo siya nang mabasa ang card na nakita sa ibabaw ng mesa niya. Kaarawan pala ni Mrs. Escobar sa susunod na Sabado, iyon ang nakasulat sa card. Mukhang imbitado ang lahat ng mga empleyado ng Glamour Fashion. N
Hindi niya maalis-alis ang tingin sa gwapong mukha ng anak. Nakasuot ito ng tuxedo para sa gaganaping birthday party ni Mrs. Conchita Escobar. Hindi niya napigilan ang sarili at nilapitan ang anak at niyakap ito nang may kasamang gigil. "You're so pogi my baby!" "Mom, I can't breathe," natatawang
Inirapan niya ito saka itinuon ang mga mata uli sa phone. Iniwasan na niyang tingnan ang picture nila. Ang plano niya ay burahin na iyon pero ewan niya kung bakit sinend niya muna iyon sa phone niya nang pasimple bago binura. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Zian nang biglang tumunog ang phone
Sumunod nga sila Arthur sa ina. Nang nasa sala na sila ay lumingon sa kanila ang mommy niya. "Dito ka na mag-dinner, iho. Magpapaluto ako ng-" "Ay, next time na ho, Tita. Gusto ko lang po kasi kayong makausap ni Tito kaya andito ako." Napatingin siya rito. Ano'ng pinagsasabi nito? Ano'ng pakay n
"P-pasensiya ka na, Arthur, hindi kasi ako sanay-" "I know kaya nga I'll take it slowly with you kasi ayaw ko ngang ma-overwhelm kang masyado. Hawak pa nga lang ito ng kamay, eh, paano na lang kung hinalikan na kita ng halik na pang "jowa"?" Ginaya nito ang term na ginamit niya kanina na may kalaki
"O-okay lang sa'yong may girlfriend kang mataba?" Sa halip na umoo agad dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin ay tinanong niya iyon rito. Siyempre, iniisip niya rin ang kalagayan nito. Hindi ba nito ikakahiyang ipakilala siya bilang girlfriend gayong ang mga naging girlfriends nito ay puro
"You can be my girlfriend, if papayag ka ngayon." Muntik pa niyang maibuga palabas ang beer sa loob ng bibig niya dahil sa narinig. Nang malunok na nang tuluyan ang beer na hindi nabubulunan ay saka siya tumawa nang tumawa. Siya yata ang biglang nalasing kahit isang lata lang ng beer ang naubos n
Ando'n uli sila ni Arthur sa paboritong tambayan nila, sa top view ng siyudad. Nakaupo sila sa lupa kung saan kitang-kita ang mga ilaw sa mga buildings sa siyudad. As usual, may baon uli itong beer in cans. Kuntentong tahimik na nakaupo lang sila sa pwesto nila at nakatingin sa mga ilaw sa ibaba.
Two years after... Kahit hindi na pareho ang school na pinapasukan nila ni Arthur ay madalas pa rin silang magkita ng lalaki. Business course ang kinukuha nito. Nabanggit nito sa kanya na gusto ni Mrs. Conchita na sa ibang bansa ito pag-aralin katulad ni Zian pero tumanggi ito. Nawiwili na rin kas
Pinuntahan niya sa school nito si Clarise. Nabanggit ni Arthur dati ang schedule ng klase nito para sa MWF. Hindi siya sigurado kung gano'n pa rin ang out ng babae pero nagbabakasakali siya. Inaalala rin niya na baka makita si Arthur do'n para sunduin ang girlfriend nito. Habang nag-aabang ay panay
"Magli-live in kayo?" Napamulagat na sabat niya. Tumawa ito. "Of course not, pero- if aabot sa ganyan, I think kaya ko naman yatang-" "Seryoso ka ba, Arthur? Ilang taon ka pa lang, ha? Nabubulagan ka na ba ng pag-ibig-pag-ibig na iyan? Hindi mo ba naiisip ang magiging buhay mo kung basta-basta na
"You know Clarise, right?" Natigilan siya. Dagli ring kinabahan sa paunang tanong ng babae. "Y-yeah. H-hindi ba't isa siya sa mga scholars ninyo na anak ni Aling Corazon?" Tumango ito habang iniikot ang kutsara sa tasa ng kape nito. "May relasyon ba sila ni Arthur?" Diretsang tanong nito. Natig