Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Pilit na ibinubuka ni Jenna ang mga mata para makita nang maayos ang numero ng kwarto ng inn na iyon. Ipinilig pa niya ang ulo nang sa tingin niya ay naliliyo na siya habang nakahawak sa door knob para lang huwag mabuwal.Pumikit muna siya nang ilang segundo bago itinuong muli ang mga mata sa numero ng kwarto.Pinauna kasi siya ng kaibigan sa kwarto dahil nga lasing na siya. Ang sabi nito ay susunod na ito sa kanya pagkatapos nang ilang minuto. Sinamahan niya ang kaibigan na magpakalasing dahil brokenhearted ito. Hindi siya umiinom talaga pero dahil umiiyak na nakiusap sa kanya si Chelsea ay wala siyang nagawa kundi ang samahan nga ito. Hindi niya naman planong uminom pero pinilit siya ng kaibigan kahit tatlong baso lang daw.Tatlong baso nga lang ba ang nainom niyang alak? Bakit halos hindi na siya makatayo sa kalasingan?Bigla ay parang umiikot na naman ang paningin niya. Kung siya lang ang masusunod ay uuwi na siya sa bahay nila, kaso isa sa pakiusap ng kaibigan ay ang samahan ito
Isang linggo pagkatapos ng gabing iyon..."Hindi kita pinaaral sa mamahaling paaralan para lang tumanggap ng mga ganitong proposals at babuyin ang sarili mo! Kaya pala hindi ka humihingi ng tulong sa akin dahil sa iba ka humihingi ng pera! Gusto mong palabasin na kaya mong buhayin ang sarili mo nang hindi umaasa sa yaman natin kundi umaasa sa mga lalaking hayok sa laman!"Dumadagundong ang malakas na boses ng ama sa loob ng malaking bahay ng mga Alegria. Kaya pala pinag-day off ng ama ang mga maids nila at wala ni isa mang natira nang araw na iyon."D-dad... let me explain," kahit natatakot sa galit nito ay gusto niyang itama ang paratang ng ama."I don't need an explanation for these!" Bigla nitong itinapon sa mukha niya ang mga larawang hawak nito. Kumalat sa sahig ang hindi bababa sa sampung larawan na ayaw niya sanang tingnan.Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya ang isang larawan. Isa iyong picture niya na wala siya ni isang saplot habang nakatalikod na nakahiga."Ni hindi k
Naalimpungatan si Jenna sa malalakas na katok sa munting apartment niya. Masakit man ang ulo ay napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Napakunot-noo pa siya nang makita ang dalawang lalaking naka-formal attire sa labas ng pinto ng apartment niya."Yes?""Excuse us, are you Miss Jenna Alegria?""Yes?" Mas lalong kumunot ang noo niya lalo pa't hindi siya sanay na may naghahanap sa kanya sa banyagang lugar na iyon, obviously ay Pinoy din ang naghahanap sa kanya.Pinapahanap na ba siya ng ama? Biglang parang gustong mawala ng lahat ng hinanakit niya sa puso para rito."Madam Conchita Escobar spends a lot of time and money trying to locate you. We believe you are Kristine Alegria's daughter, right?"Bakit kilala ng mga ito ang ina niya?Lagi niyang nababasa ang pangalan ni Conchita Escobar. Natatandaan din niyang laging laman ng balita ang mga naglalakihang negosyo ng matandang babae pero hindi niya ito personal na kilala. Kahit na may maraming negosyo rin ang ama
Kamuntik nang mag-file ng bankruptcy si Chelsea dahil mula nang i-take over niya ang boutique na iyon ay hindi man lang ito nakaka-recover. Napilitan na siyang magbenta ng ibang mga gamit para lang maisalba ang boutique. Matagal na niyang pangarap ang makapundar ng sariling business. Hindi naman kasi gano'n kayaman ang pamilya nila. Isa sa mga naibenta niya ay ang singsing na nakita sa kwartong nireserba niya sa Majestic Inn, anim na taon na ang nakalipas. Ayaw na niya sanang bumalik do'n pero tinawagan siya ng manager ng inn na personal niyang kakilala. May nakita raw kasi itong singsing sa loob ng kwarto. Iniisip kasi nitong baka engagement ring niya iyon. Kinuha niya ang singsing at isinilid agad sa bulsa nang hindi man lang ito tinitingnang mabuti. Nakatuon kasi ang utak niya sa pangyayari sa kwartong iyon. Basta na lang niyang nilagay sa drawer ang singsing at hindi na sinilip pa sa loob ng anim na taon. Nahalughog niya lang ito nang maghanap siya ng mga alahas na pwede niyan
Sa loob naman ng sasakyan ay agad na napasandal si Zian. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa at sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinanap sa loob ng anim na taon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Bakit parang iba ang babaeng iyon sa babaeng laging nasa alaala niya? Why did he feel different? Or has she changed after six years? "Saan tayo, Zian?" Sinilip pa siya ni Arthur mula sa rearview mirror ng kotse. Kapag sila lang dalawa ay first name basis ito sa kanya. Anak si Arthur ng isa sa mga katiwalang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Pinaaral nila ito at nang makatapos nga ay ito ang nagboluntaryong maging assistant niya kahit saan. Alam niyang may mga magagandang oportunidad itong natanggap na hindi na kailangan pang manatili sa pamilya nila para manilbihan. Siya mismo ang nagtulak sa lalaki na tanggapin iyon dahil hindi naman nila inoobligang magtrabaho pa sa kanila si Arthur, pero si Arthur ang nagpumilit na manatili sa kanila. Sa tingin niya a
Akala niya ay sa mansiyon ng mga Escobar ang tinutukoy nitong bahay nito na pupuntahan muna nila. Dinala sila nito sa isang malaking bahay na ayon rito ay ang sariling bahay nito mismo. Hindi nalalayo sa laki ng mansiyon ng mga Escobar ang bahay ng lalaki.Kahit si Xavier ay hindi mapigilang mamangha sa bahay ni Zian."Whoah, Dad, your house is so big and beautiful!" Hindi magkamayaw na sabi ng anak na iniikot ang tingin sa paligid."You love it?" Nakangiting tanong ni Zian sa anak niya."Yes, Dad, I love it so much! Dito ba kami titira kapag ikinasal na kayo ni Mommy?""Xavier, kung ano-ano na lang iyang tinatanong mo," agad na saway niya sa bata.Ayaw niyang malagay sa alanganin si Zian sa mga katanungan ng anak."Of course, kung nasaan si Daddy, do'n din kayo, di ba?" Hindi naman pinansin ni Zian ang pagsaway niya sa anak."I'm going to love it here, Daddy!""I'm sure you will." Ginulo pa ni Zian ang buhok ng anak.Hindi na lang din siya umimik. "Do you want to see my room?" Napa
Nagising siya sa mumunting mga halik sa mukha niya. Antok na antok pa siya dahil mag-uumaga na yata nang tuluyang gupuin siya ng antok.Sinusubukan niyang ibuka ang mga mata dahil parang ayaw tumigil sa kakahalik ng kung sino man iyong pinupupog siya ng mga halik sa mukha."Mommy, wake up. We made you breakfast in bed, but it's almost eleven already." Boses ng anak niya ang naririnig niya.Nahulaan niya agad na ito ang nasa ibabaw ng kama at walang tigil sa paghalik sa kanya. Ito yata ang paraan nito para gisingin siya.Almost eleven?Napilitan na nga siyang ibuka ang mga mata at agad na sumalubong sa kanya ang liwanag mula sa bintana na nagmumula sa tirik na tirik na araw.Ngumiti siya sa anak kahit kalahati pa lang ng mga mata ang naibuka."Oh, you made me breakfast, baby?" Inisip niya agad na malamang ay cereal na may gatas ang dinala nito sa kanya dahil hindi pa naman ito marunong magluto.Bumangon siya at umupo sa kama habang inaantok pa rin na tinitingnan ang pagkain sa tray na
Padampi-dampi lang ang ginawang paghalik ni Zian na para bang nananantiya muna. Hinayaan niya ang pagkilos ng bibig nito habang kumikibot-kibot naman ang mga labi niya.Kung tutuusin ay ito ang unang halik niya talaga kung hindi niya isasali ang lalaking lumapastangan sa kanya. Ilang segundo rin na nagkasya lang si Zian sa mabibining halik na ibinibigay nito sa kanya.Maya-maya ay nagsimula nang lumalim ang paghalik nito. Kinabig nito ang batok niya nang naging mapusok ang halik nito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ang instinct ng mga iyon ay dumako sa dibdib ng lalaki para pigilan ang pagdidikit masyado ng mga katawan nila.Saglit na binitiwan ni Zian ang mga labi niya at tingnan siya sa mukha."Just tell me if you want me to stop, Jenna," paanas na sabi nito na para bang habol nito ang paghinga.Ang utak niya ang nagsasabing kumawala sa yakap nito at lumabas ng kwarto, pero ang katawan niya ang may gustong habulin ang bibig nito upang ipagpatuloy ang mainit nilang
"H-huwag..." Pilit man niyang manlaban ay hindi man lang niya matinag ang lalaking nasa ibabaw niya.Ayaw niyang umiyak pero iyon na lang yata ang huling alas niya para magbago ang isip ng hindi kilalang lalaki. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura nito dahil nababalutan ng dilim ang loob ng kwarto."I like this. Is roleplaying part of the game?" Paanas na sabi ng lalaki na hindi niya mawari kung lasing or nasa ilalim ng pinagbabawal na gamot."Please... maawa po kayo." Humahagulgol na siya at inipon ang buong lakas para maitulak ito.Sa halip na umalis sa ibabaw niya ay kinuha ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid sa kama. Mas lalong hindi na siya makagalaw.Naramdaman niyang muli ang nag-aalab na halik nito sa leeg niya. Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.Kahit binitiwan na siya nito ay hindi na siya nagtangka pang pumalag dahil sa takot at sa sobrang panghihina. Pumikit siya nang mariin nang isa-isa nitong hinubad ang damit niya. Awtomatikong itinakip niya
"Mind if I take a shower first?" Nasa loob na sila ng kwarto niya at hindi maikakaila ang pagkailang niya. Kabaliktaran naman ang kay Zian dahil wala man lang itong bakas ng pagkailang sa kanya.Naisip niyang siguro ay sanay na ito sa gano'ng eksena na kasama ang isang babae sa loob ng kwarto na kahit hindi nito girlfriend.Hindi girlfriend? Eh, engaged ka na nga sa kanya, di ba? Tukso ng isang parte ng utak niya."That door on the left, iyan ang banyo." Pinilit niyang maging kaswal lang din ang boses kahit ang totoo ay parang manginginig iyon.Kahit si Patrick na matalik niyang kaibigan ay hindi man lang nakapasok sa kwarto niya. Ito ang unang beses na may makakasama siyang lalaki sa kwarto at matutulog pa silang magkatabi.Well, of course, hindi niya isinali ang lalaking isinusumpa niya. Iwinaksi niya agad ang alaala nang gabing iyon. Ayaw niyang madagdagan ang tension na nararamdaman niya ngayon."Do you want to see me strip?" Tanong nito nang hindi niya namamalayang nakatingin pa
Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Hinayaan na niyang samahan ni Zian ang anak sa kwarto nito gaya ng request ng bata. Alam niyang ipagyayabang nito ang mga laruang galing kay Zian at sa lolo nito.Nakatapos na siyang maghugas. Pumunta siya ng sala at naririnig niya ang tawanan ng dalawa sa kwarto ng anak. Hindi niya alam kung gaano katagal ang mga itong nagkukwentuhan at naglalaro sa loob.Nanatiling nakaupo lang siya sa sofa. Habang nakatunganga ro'n ay napapatingin uli siya sa maliit na hiwang sinipsip ni Zian kanina.Kahit nag-iisa ay ramdam niya ang pamumula ng pisngi."Masakit pa rin ba?" Gulat na napaangat ang tingin niya sa nagsalita. Nakita niyang karga ni Zian sa likod ang anak niyang panay ang tawa."M-mahapdi na lang konti." Mabilis na ibinaba niya ang kamay at baka mahalata pa ni Zian na iba ang nasa isip niya habang nakatitig sa daliri niya kanina."What happened to your finger, Mommy?" Worried na tanong ni Xavier na mabilis na bumaba mula sa pagkaka
"Daddy!" Palundag ang ginawang pagtayo ng anak niya nang makitang kasabay niyang pumasok si Zian.Agad na inilagay muna ni Zian ang mga bitbit na grocery sa sahig para salubungin ng yakap si Xavier.Lumapit naman si Nana Meding para kunin ang mga pinamili nila."How are you, kiddo?" Masayang tanong ni Zian nang yakapin ang bata."I had fun at school. I kept looking at the time while waiting 'cause I know you'll visit.""Oh, thank God, we're here and the waiting is over. I have a pasalubong for you." Mabilis na kinuha ni Zian ang binili nitong laruan.Bumitiw sa pagkakayakap dito ang anak niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang binilhan ito ng bola ng lalaki.Naikwento pala ng anak niya rito na gustong-gusto nitong maglaro ng basketball."Just as I promised, I brought you this. We'll play together during the weekend.""Wow! Thank you so much, daddy!" Kinuha nito ang bola saka hinalikan sa pisngi si Zian.Ginulo naman nito ang buhok ng bata habang nakatawa. Tumikhim siya nang hind
Kita nila ang pagkagulat sa mukha ni Chelsea habang napatingin ito kay Zian. Kahit nasa may pinto pa lang ito nakatayo ay halata ang biglang pamumutla ng mga labi nito. Ni hindi na nga ito kumikilos at mukha bang gusto nitong lumabas uli."What's with her?" Inis na tumayo si Amanda para salubungin si Chelsea. Nang tingnan niya si Zian ay nakita niya rin ang pag-iba ng mood nito.May LQ nga ang dalawa! So naging girlfriend nga nito si Chelsea?Bumalik lang ang tingin niya sa dalawa nang marinig uli ang boses ni Amanda."By the way, Zian, this is Chelsea-""I know her," putol ni Zian sa pagpapakilala sana ni Amanda rito.Natigilan ito lalo pa at obvious ang galit sa tinig ni Zian. Hindi nito tiningnan man lang si Chelsea."Really? Saan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda.Nang walang sumagot sa mga ito ay hinila na nito ang babae at pinaupo sa upuan na nasa tabi ni Zian.Alanganing lumapit si Chelsea. Nanatili itong nakatayo lang at parang walang balak umupo."Ahm..." Parang nangin
Hindi na niya mabilang kung pang-ilang papel na ang nalamukos niya. Hindi makapag-concentrate ang utak niya habang nagtatrabaho. May hinahabol pa naman siyang deadline. Kung bakit ba naman kasi tinanong-tanong pa siya ni Zian ng tanong na iyon. Make you fall in love with me... Hindi na maalis-alis sa utak niya iyon. Seryoso ba ang lalaki nang sabihin iyon? Ayaw niya sanang pansinin ang kilig na nagsisimulang nararamdaman na ng puso niya. Ayaw niyang mahulog dito dahil alam niya namang magtatapos din ang pagkukunwari nila. Kanina pa siya patingin-tingin sa opisina nito. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa laptop na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi man lang ito napapatingin sa gawi niya kahit isang beses. Inirapan niya ito na para bang makikita nito iyon. At nakita nga iyon ni Zian! Sakto kasing napalingon ito sa opisina niya nang bigyan niya ito ng napakalalim na irap. Mabilis na ibinaling niya ang tingin sa blangkong papel nang mahuli nito ang ginawa niyang pag-ir