Share

A Bittersweet Surrender
A Bittersweet Surrender
Author: FERNANDA

PROLOGUE

"O paano Neng iwan na lang kita dito ha hintayin mo na lang ang susundo sayo" tanging tango lang ang sagot ko sa matandang naghatid sa akin sa pier,kaibigan daw ito ni Nanay nakisuyo lamang na isabay ako dahil hindi kasya ang perang pamasahe namin kung sasama pa siyang maghatid sa akin.

Ilang oras na akong nakaupo habang naghihintay na may susundo sa akin,sobrang pagod ko sa dalawang araw na biyahe sa barko galing sa lugar namin papunta dito sa kabihasnan,tiningnan ko ang aking pitaka may natira pa itong isang daan naisipan kong bumili ng tinapay ubos na kasi ang baon kong pandesal pati tubig kumakalam na kasi ang sikmura ko sa gutom.

Naalala ko pa ang huling bilin sa akin ni Nanay.

"Mona anak magpapakabait ka sa kumbento ha h'wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang superiora masama pa naman yun kung magalit" habilin niya sa akin,lihim akong umiyak nung gabing nalaman ko na ipapadala ako ni Nanay sa kabihasnan para makapagtapos daw ako ng pag aaral,dati siyang namamasukan sa kumbento bilang taga laba daw doon,dahil sa hirap ng buhay namin dito sa probinsya napagpasyahan ni Nanay na tawagan ang superiora para daw sa kinabukasan ko dahil kong doon lng daw ako sa lugar namin la laki daw akong mangmang tulad niya walang pinag aralan, tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay matagal na kaming ulila sa ama nalunod ang bangkang sinakyan ni tatay mga bata pa lang kami habang pumalaot siya.

Ayoko man iwan ang mga kapatid ko pero pinangako ko sa kanila na babalikan ko sila kapag natupad ko na ang pangarap ko.

"ikaw ba si Monica Labrador?" naputol ang muni-muni ko sa matandang babae na nagtanong sa akin.

"opo ako nga po" sagot ko sa kanya

"ako nga pala ang pinadala ng Mother Superiora para sunduin ka halika na" tinulungan niya akong bitbitin ang bag ko.

Isang oras din ang biniyahe namin mula pier,aaminin ko kinakabahan ako at unang salta ko pa dito sa kabihasnan,hindi pa ako sanay makihalubilo ngvkahit na sino,pagdating namin sa kumbento.Napakatahimik sa loob, may mga bata din akong nakikita na kasing edad ko,meron din mga matatanda na,sana magiging maayos ang buhay ko dito,yun lang ang parati kong pinagdasal bago ako bumiyahe na gabayan ako ng guardian Angel ko.

Dinala ako ng matanda sa loob ng opisina ng superiora,una natakot pa ako para kasi siyang si Miss Menchin sa palabas na paborito naming magkakapatid.

Kalaunan ngumiti naman siya sa akin at pinahatid niya ako sa silid na may mga ibang bata din na kasing edad ko doon ko nakilala si Ysabella,napakaganda niya para siyang anghel katulad ko tahimik din siya at hindi masyadong nagsasalita pero siya ang una kong napalagayan ng loob sa kumbento,Nalaman ko na pamangkin pala siya ng head sa mga pari dito kaya pala iba ang trato sa kanya ng superiora kumpara sa amin.

"Mona ilang taon ka na?" tanong niya habang nakahiga na kami.

"sampu" sagot ko sa kanya.

"magkasing edad lng pala tayo" nakakaengganyo ang boses niya para talaga siyang anghel.

"Ysabella sabi ni Sister Lucia may darating daw bago bukas" saad ko

"oo nga sana mabait din siya tulad mo" kapag may dumating kasing bago lihim naming pinagkwentuhan ni Ysabella.

Kinabukasan dumating ang bagong titira sa kumbento akala namin babae ngunit lalake pala ito at napakapilyo pa niya,madalas niyang binu bully si Ysabella minsan naaawa talaga ako

sa kaibigan ko isang beses kasi nilagyan nya ito ng ipis takot na takot pa naman si Ysa sa ipis.Lucas daw ang pangalan halatang mayaman ito sa tindig pa lang at kutis sobrang tangkad pa nito.

pero nahahalata ko sa kanya palagi siyang nakatitig kay Ysa kaya siguro binu bully niya ito palagi, baka crush niya ang kaibigan ko. ang ganda kasi ni Ysa parang manika at anghel di tulad ko halatang galing bundok talaga tapos morena pa.

Isang araw usap usapan na naman na may iba din na darating hindi na ako naging interesado.

Kinaumagahan inutusan ako ng superiora na pumitas ng mangga sa may bulubundukin sa likod ng kumbento marami na dw itong bunga.

bitbit ang maliit na basket at buslo binaybay ko ang daan patungo doon,bukirin pa naman yun tiyak papawisan talaga ako sa pag akyat,muntik pa akong ma slide sa daan paakyat ako kasi ang inutusan ng superiora alam niya kasi na sanay ako sa pag akyat ng bundok.

Malapit na ako sa may puno ng mangga ng may nakita akong lalaki na nakahiga,parang tulog ito mas inilapit ko pa ang aking sarili sa dako kung saan ito nakahiga.

Napatda ako sa aking kinatatayuan at pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha napakagwpo niya at ang tangos din ng ilong.napakatangkad din niya para siyang si Kuya Lucas pero medyo mas bata siya ng konti.

Hindi ko alam sa murang edad ko biglsng kumabog ang dibdib ko habang pinagmasdan siyang natutulog,aliw na aliw akong pinanood ito nang bigla itong bumangon.

"sino ka?"

"ay dios ko po mahabaging langit!" sigaw ko nabigla kasi ako sa kanya muntik ng maglapat ang labi namin sinipat ko kasi siya ng husto kanina habang natutulog,hindi ko naman inasahang bigla na lang siyang dumilat at bumangon!

"ikaw sino ka din?"kinakabahang tanong ko.

"mungtanga! ikaw tinanong ko bubuwit tapos ibabalik mo sa akin ang tanong! mungtanga ka talaga!" kamot niya sa ulo halatang naiinis sa akin.

"inutusan ako ni superiora na kumuha ng mangga" sagot ko dito

"ah kung ganun dun ka din nakatira sa ampunan?" yamot niyang saad.kumuha pa siya ng sanga ng kahoy ginawang toothpick nilaro laro niya ito sa bibig niya,ang angas niyang tingnan sabay tayo.

"saan ka nakatira?" tanong ko

"pakialam mo! ano aakyat ka sa mangga?" sa baritono niyang boses

"oo" ikli kong sagot

"ge nga akyat na dun!" nilingon ko pa siya habang nagsimula na akong umakyat,sanay din kasi ako sa pag akyat ng mga puno ng prutas marami kasi kaming tanim sa bukirin namin,inilalako ko ito kasama ng mga maliliit kong kapatid pambaon namin sa paaralan.

Tumingin ako sa baba nasa kalagitnaan na kasi ako,kita ko pang pinanood niya lang ako nagtaka pa ako ng bigla siyang tumawa.

"bakit ka tumawa?" sabi ko habang nasa ibabaw na ako ng puno.

"kita panty mo hahaha"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status