Share

CHAPTER 5

SAMPUNG TAON ANG NAKALIPAS

"Mona naplantsa mo ba yung sexy backless dress ko" tanong ni Nicolle sa kanya.

"oo naka ready na sa silid mo" saad ko

" ok thanks excited na ako later bye!" paalam nito sa kanya.

"Monica hindi ka pa naghahanda pra sa party mamaya?ipaubaya mo na yan kay Tindeng." saad ng kinikilala niyang ina.

"opo mama malapit ko na po itong matapos saglit nlng po" paliwanag niya dito.

"o siya pagkatapos mo diyan mg ayos ka na din" paalala nito sa kanya bago ito tumalikod.

Sampung taon ang nakalipas mula ng pinaampon ako ng superiora, ngunit namatay ang mag asawang aampon sana sa akin dahil sa aksidente at sinalo lamang ako ng pamilya Velez,mababait ang mg asawang Velez maliban na lang sa tunay nilang anak si Nicolle,hindi kapatid ang turing nito sa kanya kundi utusan sa mansion.

sampung taon kong tiniis lahat ang ugali niya,mula sa paaralan ginawa niya akong alila hanggang sa ngkolehiyo kami.

Hindi kasi madalas pumirmi ang mag asawa sa mansion dahil sa iba ibang negosyo nila sa ibang bansa.Pero wala akong maisaway sa kanila dahil tinuring talaga nila akong tunay na anak.Samakatwid nakapagpadala ako palagi ng pera sa probinsya namin at pinag aral ko ang aking mga kapatid doon,lahat ng allowance ko bigay ng mg asawa ay inipon ko palagi para maipadala ko sa kanila,nag pa part time din ako sa pag e-edit ng mga video para man lang mas madagdagan ang padala ko dahil tatlo sila ang pinag aral ko sa probinsya,pinalipat ko din ang pamilya ko sa sitio barangay dahil masyadong malayo ang bahay namin noon nasa bundok kasi ito at maglalakad pa ng halos dalawang oras bago pa marating ang sitio,ayokong danasin ng mga kapatid ko ang dinanas ko noon na tiniis ang paglalakad ng ilang milya makatapos lng ng elementarya,kaya ang bansag sa akin ay negra dahil sa kakalakad araw-araw natural lng na iitim talaga ang balat ko.

isa yun sa dahilan kung bakit nakapagdesisyon si nanay na ipadala ako sa kumbento at ipaampon,dahil sa pangarap kong maiahon kami sa hirap pumayag agad ako na bumaba sa bundok at pumunta sa kabihasnan dala ang aking pangarap hanggang sa doon ko nakilala ang lalaking hanggang ngayon ay lihim na itinatangi ng aking puso.

Naghanda na ako para sa ika 24th birthday ni Nicolle,na gaganapin dito sa mansion,tiyak kong mga nasa alta sociedad at kahilera ng pamilya Velez ang mga imbitado sa naturang party.

Isinuot ko ang kulay puti na bestida hanggang tuhod na kasya sa aking maliit ngunit makurba kong katawan,nilalait mn ng iba ang kulay ko dahil likas talaga akong kayumanggi kahit ibabad pa ako sa bleach lalabas talaga ang porselanang kulay ko,kung noon negra ang bansag sa akin,medyo naging porselana na ito dahil alaga ko na rin ito ngayon,tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin,simple lang ang tabas ng aking bestida,hindi mn ako kagandahan asset ko naman ang malaking umbok ng aking dibdib at malapad na balakang,bagay na ikinainggit ni Nicolle sa akin.Jessica Alba ang madalas tawag ng mga kaklase ko sa akin dahil sa mala pout ko ding labi.Paalis na sana ako pero natuon ang atensyon ko sa isang maliit na kahon,binuksan ko ito isang laso na kulay bughaw,tahimik akong napangiti at nagbalik sa aking alaala ang panahon,sampung taon bago kami nagkahiwalay ng landas sa lalaking nagbigay sa akin ng laso,sa murang edad ko noon siya ang taong hinding hindi ko makakalimutan buong buhay ko.

-----flashback-------

Dumating ang araw na lilisanin ko na ang kumbento,gabi pa lang nag iyakan na kami ni Ysa,binigyan niya ako ng manika para dw maalaala ko siya palagi.

Halos isang oras na akong naghintay sa susundo sa akin pero pinatawag ako ni superiora at pinaalam na doon ko nlng ito katagpuin sa terminal.

pinahatid niya ako kay kuya Ivan,ang saya-saya ko akala ko kasi di ko na makikita siya ulit mula ng huli naming pag uusap sa puno ng mangga.

Tulad ng dati wala kaming imikan sa loob ng tricycle,hindi ko alam kung ano ang iniisip niya,lihim ko siyang pinagmasdan habang nagmamaneho ang gwpo niyang mukha ay itinatak ko sa aking isip ayokong makalimutan ang mukha niya at ibabaon ko ito sa aking alaala.

Dumating kami sa terminal saktong naghihintay na din ang susundo sa akin.

mabigat ang aking mga hakbang na bumaba sa trycle hindi kasi ako pinansin ni kuya Ivan parang balewala lang sa kanya na aalis na ako.

Kinuha ng driver mula kay kuya Ivan ang bagahe ko,tiningnan niya lang ako saglit hindi mn lang ito nagpaalam sa akin sabay talikod na,nag umpisa ng tumulo ang aking luha nasaktan ako dahil hindi man lang niya ako kinausap sa biyahe hanggang sa pagdating sa terminal.

Hilam na ng luha ang aking mukha,nilingon ko si kuya Ivan hindi pa siya nakakalayo tulad ko mahina din ang kanyang lakad,hindi na ako nakatiis.

"kuya Ivan!!!" tinawag ko siya sa garalhal kong boses at lumingon agad siya sa akin tumakbo ako papunta sa kanya at parang nag slow motion ang paligid ko,yumakap ako sa kanya ng mahigpit.

"kuya...kuya Ivan ayokong umalis...kuyaaa" hagulhol kong iyak habang yakap-yakap ko siya ng mahigpit.Ilang minuto din kami sa ganoong posisyon hinayaan niya lang akong umiyak.Hanggang sa narinig ko ang driver na sundo ko tinawag niya ako,doon na nagsalita si kuya Ivan.

"sshhh bubuwit ge na lalo kang papangit diyan iyak ka ng iyak" pang aasar niya sa akin,namumugto na kasi ang mata ko kagabi pa lang umiiyak na ako.

"kuya Ivan dalawin mo naman ako doon" iyak at pagsusumamo ko sa kanya.tiningnan niya lang ako na ngumunguya ng bubble gum nilaro laro niya ito sa kanyang bibig,humarap pa siya sa akin at pinaputok niya ang bubblegum sa mukha ko,natawa na lang ako sa ginawa niya,

"kuya Ivan naman eh" nakanguso ako sa kanya na umiiyak.

"babalikan mo ako di ba kuya Ivan" naluluha ko pa ring sabi.

"ge na galit na yung driver sayo oh hala ka gusto mo ipadukot ka nyan" pananakot pa niya sa akin, o eto sayo na to" sabay abot sa akin.

"ano to" tanong ko.

"buksan mo na lang pagdating sa bago mong bahay,ge na alis na" sabay talikod,kaya tumalikod na lang ako,naka apat na hakbang na ako ng tinawag niya ako bigla

"bubuwit" ngumiti siya sa akin at tumalikod siya ulit sabay senyas, itinaas niya ang kanyang kamay sa hintuturong daliri at pinaikot ikot niya ito senyales na babalikan niya ako,na may pasayaw sayaw pa siya patakbo papunta sa tricycle niya.

"naiyak ako sa tuwa sapat na ang senyales na yun na babalikan niya ako ulit.

________________

Naputol ang aking pagbabalik tanaw,laso ang binigay niya sa akin na hanggang ngayon itinago ko pa

Ngunit ang ilang araw,buwan na paghihintay ko na babalikan niya ako noon dahil alam naman niya ang address ng tinitirhan ko dati,hanggang sa umabot ng taon ay walang kuya Ivan na nagpakita sa akin.

Hanggang sa tuluyan na akong inampon ng pamilya Velez at lumipat na ng ibang lugar ay wala na akong naging balita ukol sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status