Siguro ay nagtataka kayo kung anong nangyari pag tapos bumisita rito ni Miss Avon.
Actually, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay wala akong nagets. I mean, yung idea? Alam na alam ko. If I ever agreed to accept her offer to join Miss Night and be one of the girls, I have to sell my self to a billionaire. And, yes, gets na gets ko iyon.Pero ang hindi ko lang magets ay kung bakit ako papayag na ibenta ang sarili ko? Hindi ako baliw at lalo nang hinding hindi ako desperada kahit na ano pa ang sitwasyon ko. Mahirap ang buhay pero hindi ko gusto na kahit kailan ay ibenta ang katawan o ang buhay ko para sa malaking pera."Seriously? Ayan talaga sinabi? Word by word?" Gulat na gulat si Sean sa haba ng kwento ko. Halos siya, hindi rin talaga makapaniwala. "Sinong baliw naman gagawa niyan? Baka naman kasi scam talaga."Nag labas ako ng malalim na hininga, "Hindi, promise. Kung nakita mo lang ang mga pinakita sakin ni Miss Avon, you would know na legit talaga."Totoo naman. From the red card up to the pictures Miss Avon presented me, talagang alam kong legit. I worked for a few months sa fraud department ng office kung saan kami tumitingin ng dokumentong peke. Kaya alam ko at confident ako na totoo nga ang Miss Night.Mula sa pagkakaupo ay humiga ako sa lapag, nilaro ko rin ang red card ng Miss Night na nasa kamay ko. "Naaalala mo ba si Lemery? Yung kinwento ko sa iyo na kaibigan ko na kasabay ko lumawas dito galing probinsya?"Nagtatakang tumingin sa akin si Sean. "Yun ba yung biglang yumaman tas di ka na binalikan?" Tanong niya. Noon, nung kinwento ko kay Sean ang tungkol kay Lemery, mas galit pa siya sa akin. Hindi raw tama na iniwan ako ni Lemery at hindi tinulungan lalo na at sabay kaming lumuwas ng maynila.Kako nga ay wala akong sama ng loob. Basta maayos na ang buhay ni Lemery, masaya na rin ako."Nakita ko siya sa isa sa mga pictures doon sa Miss Night. Kasama siya sa batch noong mismong taon na lumuwas kami sa maynila at sa taon mismo kung saan siya yumaman." Pagkasabi ko nito, kumunot ang noo ni Sean na para bang nagegets na niya ang punto ko."Ibig sabihin ba eh yumaman siya dahil sa pag sali dyan sa Miss Night na yan?" Tanong niya, tumango naman ako. Agresibong siyang sumandal sa sofa at tinuro ako. "Beh, wag ka namang maniwala agad hangga't di nanggaling kay Lemery mismo. Ay sorry, you will never know pala ano? Iniwan ka pala niya sa tae ng kalabaw." At bahagya siyang tumawa.Inirapan ko nga. Kahit kailan talaga, totoo mag salita itong si Sean. Kung hindi lang ako lumaking hindi pikunin ay siguro kanina ko pa kinurot at pinatikom ang bibig niya. Pero sa totoo lang, kahit na ganito si Sean, siya lang naman ang kaibigan na totoo sa akin at maaasahan ko."Sakit mo naman mag salita." Pabiro kong hinawakan ang dibdib ko na para ba akong nasasaktan talaga."Sus naman. Di ka pa nasanay. Tsaka wala ka namang choice kung hindi masanay kasi ako lang naman kaibigan mo. Unemployed ka na nga mataray ka pa, be thankful at natitiis kita."Dahil sa sinabi ni Sean, ay naibato ko sakanya ang hawak kong red card. nasalo niya ito. "Oo na, Sama ng ugali mo talaga."Ilang minuto kaming tila dinaanan ng anghel sa tahimik. Muling binasa at iniscan ni Sean and red card. "Ang sketchy naman kasi. Bukod sa nakapagtataka na yung approach nila sa iyo, wala man lang contact details dito na nakasulat. Kahit address, wala rin. Paano natin madodouble check kung safe talaga?""Pero sa tingin mo ba hindi siya worth it subukan?" Tanong ko.Agresibong umiling si Sean. "Nope. If safety ang concern, boto ko ay no." akala ko ay natapos na siyang magsalita. "Pero, what if subukan nating hanapin yung kaibigan mo? Si Lemery? Confirm it from her."It seems like a light bulb just shined at the back of my head. Tama si Sean. Kanino pa nga bang mas better i-confirm kung totoo ang Miss Night kung hindi mismo kay Lemery? Ang problema lang ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin.Ang last na pagkikita pa namin ay noong nagaapply pa lamang kami sa iba't-ibang kompanya, pag tapos namin mareject sa limang kompanya, hindi ko na siya nakita. Bigla ko na lang nalaman na sumama at nagpa kasal na siya sa mayamang lalaki. Posibleng dahil nga sa Miss NIght.Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa. Hinarap ko si Sean. "If ever man na mahanap natin siya, anong sasabihin ko sa kanya?"Nag kibit balikat naman si Sean. "Aba malay ko sa iyo. Pero siguro, diretsuhin mo na lang ang tanong mo. Itanong mo agad kung totoo ba o hindi."Lumipas na ang araw at tsaka lang umuwi si Sean. Hindi na nga namin namalayan na madilim na pala sa labas. Day off kasi niya kaya malakas tumambay bago dumiretso sa gimik.Ilang minuto rin akong tumulala bago nagawi ang mata ko sa akin laptop. Hindi ko na namalayan na binuksan ko na ito.Kailangan kong mahanap si Lemery. Bukod sa itatanong ko sa kanya, gusto ko rin malaman kung ano na ang nangyari sa kanya.Sinearch ko ang pangalan niya sa f******k. Friends pa rin pala kami pero hindi na active ang f******k niya. Ang last post niya pa ay noong taong lumuwas kami rito sa Maynila. Parehas na taon kung kailan siya nakapang asawa at naglaho nang para bang bula.Ang picture pa namin ang last post niya. Tandang tanda ko pa ito. Ito yung first time naming kumain sa fast food noon. Kahit mahal, inisip namin na deserve namin yon lalo na sa hirap na pinagdaanan namin sa pag luwas sa Maynila.Nag labas ako ng malalim na hininga, nakaramdam din ako bigla ng lungkot. "Hay, Lemery. Kumusta ka na kaya? Di mo ba ko namimiss?" Pagka usap ko sa picture naming dalawa.Tinignan ko ang f******k niya, wala naman masyadong makikita. Kakaunting picture lang ang andito. Karamihan pa ay yung andon kami sa probinsya.Para may magawa, tinignan ko na lang ang mga likes niya sa picture.Isang bagong pangalan ang andito. Karamihan kasi na naglalike ay mga kaibigan at kakilala namin sa probinsya. Pinindot ko agad ang profile niya.Skyler Han - Owner at Han CarsHindi lang iyon ang kinagulat ko. Biglang pamilyar na mukha ang nakita ko sa kanyang cover photo.Si Lemery at Skyler sa wedding shot."Lemery."Landon's POVI felt her hands on my face. I didn't feel anything though. If you received continuous hate from the girls you have dumped, parang wala na lang sayo ang lahat.The tall, petite girl in front of me is fueled by anger. Too much anger to the point that I could see the veins on her forehead. "How about the countless sex we've had? We basically did it everywhere!" She shouted.I smirked at her, walked towards the bar and poured some whiskey on the glass. "I told you what kind of person I am before I entered myself down there." Tinuro ko ang bandang baba ng kanyang katawan with my eyes. "I actually felt so welcomed down there. I don't know what you're fussing about.""And after that, iiwan mo lang ako!?" Then she threw me her one heel."Obviously." I replied calmly. "Aside from that, we were just fuck buddies. Nothing serious." Then he threw me her another heel.Kung mapula na siya kanina, mas pumula pa siya sa galit ngayon. Which is kind of sexy if you are going to ask me."Yo
SAMSARA's POVAgad akong nag friend request kay Skyler Han. Agad din naman niya itong inaccept. Kanina pa nga ako nagdadalawang isip na mag message sa kanya. Para kasing nakakahiya.Si Skyler, napaka professional kahit sa social media. Ang mga kasama niya sa picture ay kapwa mayayaman din. They only wear suits or polo in pictures. Hindi ako nakakita ng picture na hindi magara ang suot nila.As per Lemery, she looks so different. Maputi at makinis na siya ngayon, pati ang kulot niyang buhok ay pina diretso niya na rin. Medyo nakakalungkot lang dahil gandang ganda ako sa kulot niyang buhok noon. Para tapusin ang pakikipagtalo ko sa sarili ko ay tinaype ko na lang ang mensahe ko kay Skyler.Samsara Sakura:Good day. You may not know me but I'm sure your wife, Lemery, does. I am her friend from the province. Gusto ko lang sana maitanong kung kumusta na siya. At kung ayos lang, gusto ko sana na makuha ang personal account niya. Salamat, sir Skyler.Nung pinindot ko na ang send ay tsaka na
SAMSARA's POVNag bihis na ako ng pinaka magarang damit na nahanap ko sa cabinet. Nung napatingin nga ako sa salamin, napasabi na lang ako ng, "Eto na yon?"Paano ba naman kasi ay ang dress na suot ko ngayon ay galing pa sa exchange gift namin sa christmas party nung unang taon ko pa lang na nagtatrabaho sa dati kong kumpanya.Medyo kupas na nga ang kulay nito. Nakakahiya, pero laban lang.Hindi ko naman kasi alam kung bakit kailangan e sa wolfgang pa kami sa may bgc kailangan mag usap ni Lemery.Oo, si Lemery.Matapos kong hingin ang contact number ni Lemery kay Skyler ay nai-send naman niya agad ito. Sabi pa niya sa text, "My wife will be expecting you tomorrow at Wolfgang, Bgc. Does after lunch sound good?"Of course, um-oo ako. Wala na naman akong ibang magandang gawin kung hindi makipag kita sa dati kong kaibigan.Isa pa, kailangan ko nang kumilos. I'm running out of time. And by time, I mean I'm running out of money to help my family.I can't have them suffering like me. Di bale
SAMSARA's POVMag-iilang oras na rin ng naka lapag ako rito sa BGC. Nakapunta na ako rito pero hindi ko talaga kabisado ang lugar na to dahil bukod sa napaka raming tao ay masyado ring malaki ang lugar na ito.Di na nga ako nakapag tanong kay kuyang angkas dahil nagmamadali siya. Paano ay may na-book agad na pasahero. BGC kasi kaya madali lang makapag book ang mga riding app dito.Hindi naman kasi commuter friendly ang lugar kaya no choice kung hindi mag book na lang ng private service para makalibot.Isa ko pang problema ay hindi ko alam kung nasaan ang wolfgang dito. "Bwisit naman. Bakit ba kasi rito pa nag meet?" Reklamo ko sa sarili ko.Nakakahiyang mag tanong dahil lahat ay busy makipag kwentuhan. Also, nakakahiya rin dahil halos sosyal ang mga tao rito. Miski ang mga asong dala dala nila ay halatang sosyal din at hiyang sa dog food pati na sa buwanang vet check up.Mga aso sa lugar namin can not.Ilang minuto na rin akong nagpapalibot libot dito. May limang minuto na lamang ako
LEMERY's POVHer eyes immediately got wide. I mean, if ako ang nasa posisyon niya, my eyes will get wide too."I know, I know---" Isinenyas ko ang kamay ko na para bang sinusubukan siyang ikalma. I really want her to calm down. "Sam-sam, I've been monitoring you for months now. I even sent people to be an exclusive partner to a previous company mo para lang mamonitor ka."Her eyes even got wider. "Why would you do that?" She looks so offended. I would be offended too. "Gusto ko lang i-check kung kumusta ka na. Pasensya ka na, okay?" She stayed silent. Siguro ay kailangan niya ng punong explanation. "I wanted to know how are you. Then one time, report sa akin ng exclusive partner na I hired to monitor you, you stopped taking calls. So, I sent someone to see your situation. Natanggal ka na pala." After I said that, hindi pa rin siya nagsasalita. Naka tingin lang siya sa akin at halatang halata na may bahid ng disappointment ang kanyang mukha. Dahil don ay hindi na rin muna ako nag s
LANDON's POVAfter gym, I went straight to my flat to try and take some more sleep before working. When I woke up, Miss Anjie, my secretary had rang my phone seventeen times already and left me one hundred five messages. "Chill, Anjie. What do you want?" I ask the phone screen while I go through her messages one by one.Halos pare-parehas lang naman ang lahat ng sinasabi niya. Puro papers from our partners na kailangan ko nang pirmahan sa lalong madaling panahon.I rolled my eyes as I force myself out of the bed. Nakakatamad kumilos lalo na ngayong maulan. Parang gusto ko na lang na humiga at matulog buong araw.I mean I could do it pero I'm not sure if my father would be happy with that. He wants me to get my life straight. Sabi ko nga eh ako na ang bahala sa buhay ko pero sadyang wala lang talaga siyang tiwala sa akin.Sabi pa nga niya noon, wala raw akong sense of independency. Malay ko ba sa tatay ko kasi as far as I know, I am the best at what I do. Ako naman talaga ang karapat
LANDON's POV"Duuuude, I don't know why you guys are so crazy about this thing. I mean, you guys already want to get married?" Shernon walks around my flat while he wipes every single piece of furniture that he sees. Shernon is pretty obsessed with cleanliness. He actually got diagnosed with Obsessive Compulsive Order. Sabi niya ngayon, he needs to go through four rounds of cleaning or else one of us will get hurt.Skyler shrugged his shoulders. "I don't know. I mean, I'm pretty happy with my marriage now. I say that the Miss Night thing is so effective.""Huwag naman kayo mag madali, mga bro. Baka sa susunod eh di na tayo makapag party party nyan. Next thing we know sa halip na alcohol ang dala niyo, mga babies na." Casper said.I almost threw up with the idea. Me, a dad? No dude. That child would be poor. Not in terms of money but that baby's relationship with me. I didn't grew up in an affectionate home. My mom died while giving birth to our youngest sibling. Naaalala ko nanaman
SAMSARA's POV"Basta, all you need to do is be yourself. Wag na wag kang magpapanggap na parang iba kang tao. Ayaw na ayaw yon ni Landon." Paalala sa akin ni Lemery habang kinukulot ang dulo ng buhok ko."Sabi ka nang sabi kung anong ayaw ng lalaking yon, sinabi ba ni Skyler sa kanya kung anong ayaw ko?" Tanong ko naman sa kanya.Mula mag simula niya akong ayusan ay hindi na siya tumigil kakadaldal kung ano ang dapat kong i-expect kay Landon. Pati na rin ang mga ayaw nito sa mga tao.Ayaw daw ni Skyler ng balagbag na tao. Ayaw niya ng malakas ngumuya dahil irritable raw siya roon. Ayaw niya rin ng masyadong galawgaw. Ayaw niya rin ng mga pekeng kilos at ugali, madali raw niyang nalalaman kung totoo ba ang ikinikilos at ugali ng isang tao kaya raw mag-iingat ako."I think. Malamang naman ay ganito rin ang ginagawa nung dalawa ngayon. Basta ah, wag ka lang maiilang. At tsaka medyo masungit at istrikto talaga ang mga tao doon sa Miss Night, wag mo na lang masyadong isipin.""Okay, nakaka
Para sa aking mga mambabasa, Naiintindihan ko na baka ang iba sa inyo ay hindi matuwa o hindi magustuhan ang ending ng libro dahil hindi ko binigyan ng happy ending ang relasyon ni Landon at Samsara. Pero sana ay maalala niyo na binigyan ko ng masayang ending ang kwento ni Samsara bilang isang babaeng maraming hirap na pinagdadaanan. Ang mensahe ko sa inyo, nawa ay katulad ni Samsara ay hindi kayo matakot na umalis sa relasyong puno ng kasinungalingan at pagtataksil. Sana, katulad ni Samsara ay mas piliin ninyo ang inyong sarili. Pero huwag kayong mag-alala, baka may pangalawang pagkakataon pa para sa pagiibigan ni Landon at Samsara dahil opisyal kong inaanunsyo ang BOOK 2 ng A BILLIONAIRE'S PURCHASE! Sa librong ito maaari niyong abangan ang mga kaganapan sa bagong buhay ni Samsara at ang kanyang anak na kambal, pati na rin ang bagong buhay ni Landon sa kanyang bagong lugar na nilipatan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Sana ay maipakita niyo pa rin ang pag suport
LEMERY's POV "Hon, lalabas lang ako saglit. I'll be back maybe in two hours or so. Sure ka na ba na hindi ka sasama?" I asked my husband who's currently cooking our boarder's healthy breakfast: ginisang gulay, brown rice, fruits, and a cup of black coffee. Puro na lang kasi alak at junkfoods o di naman kaya fastfood orders ang kinakain ng boarder namin netong mga nagdaang linggo. "I'm good, hon. Besides, hindi ko naman siya pwedeng iwan dito." He said. Sabay kaming napadungaw sa sofa na nasa sala kung saan mahimbing na natutulog ang nakainom na si Landon. Tatlong linggo na rin siyang nakatira sa amin at matagal na rin namin siyang kinukumbinsi na umuwi sa apartment niya. Ang sabi lang niya ay hindi niya pa kaya dahil pag andoon siya sa unit ay si Samsara lang ang naaalala niya pati na ang mga maling desisyon na ginawa niya sa buhay niya. Naaawa rin naman ako kay Landon pero siguro ay mas mabuti na na ganito ang nangyari para sa ikabubuti rin ni Samsara. Besides, hindi naman mangy
LANDON's POVWala akong ideya kung bakit ipinasundo ako ng mga tauhan ni Miss Avon at ngayon ay nasa sasakyan ako at tanaw ko na sa distansya abg headquarters ng Miss Night.Siguro nga ay nakarating na ang balita sa kanya at gusto niya akong kausapin. Kung kakausapin niya ako tungkol doon, ipapaalam ko sa kanya na ako na ang bahala at babawiin ko rin naman si Samsara.Pinagbigyan ko lang naman si Samsara sa kagustuhan niya na huwag ko muna siyang istorbohin. I figured that if I disturbed her again and again ay mas lalayo lang sa akin ang loob niya and I might lose her forever."We are here, sir." Malalim ang boses na anunsyo ng driver. Mula sa labas ng sasakyan ay may lumapit sa amin na tauhan ni Miss Avon at ipinagbukas ako ng pinto."Good morning, Mr. Bechtel. I am Minty and I will guide you to Miss Avon's office" A girl in a uniform greeted me.Hindi na ako nag salita. Sumunod na lang ako hanggang sa makarating na kami sa pinaka tuktok na floor ng building. Onti lang ang tao sa f
SAMSARA's POVIlang linggo na rin ang lumipas mula nang iniwan ko si Landon mag isa sa unit niya. Buti nga ay sumunod siya sa sinabi ko na wag na wag na niya akong guluhin. Ginugulo pa rin naman niya ako pero sa text at tawag lang. Mga text at tawag niya na hindi ko sinasagot. Bakit ko naman sasagutin pa eh paulit ulit lang naman ang sinasabi niya? Inubos ako ni Landon. Inubos niya lahat ng pasensya at pagiintindi na ibinigay ko sa kanya. Sinayang niya yung tiwala na meron ako sa kanya at hinding hindi ko na uubusin pa ang sarili ko para sa taong wala namang pagpapahalaga sa akin."I was going to tell you, Sam. But it was not my place. I realise now that I should've told you at dapat una pa lang hindi ko na tinolerate si Landon sa mga bagay na ginawa niya--""Hindi mo naman kasalanan." Pag putol ko sa sinasabi ni Lemery. Hinagod ko rin ang likod niya dahil hindi siya tumitigil sa pag iyak. "Kahit naman pag sabihan mo siya o hindi, alam niya yung ginagawa niya. Hindi na siya dapat p
LANDON's POV"Get out!" Nagising si Eleanor sa malakas kong pag sigaw.I shouted in anger. I shouted in frustration. I shouted on regret. But most of all, I shouted in disgust of myself. Why the fuck did I do this? Why the fuck did I let myself fall in Eleanor's trap?Now, I have everything to lose and she doesn't."What the hell?" She sat up acting innocently habang kinukusot ang mata niya. "Is this how you're going to treat me after what happened last night? You enjoyed it judging base on your screams and how you murmured my name numerous time."Sa sobrang galit ko, ibinato ko sa kanya ang mga damit niyang nag kalat sa sahig ng kama at tsaka siya hinila patayo."Did you not hear a word I just said? I said, get out!" I repeated. This time, I shouted it much louder. "You fucking fooled me!"Mas lalo akong nainis nang nakita ko ang ngisi niya pag tapos niyang mag bihis. Kinuha niya ang bag niya at bago lumabas ng kwarto, she made sure to leave me some words."Grow up, Landon. Wag mong
LANDON's POVI can't stop hugging this beautiful woman infront of me in hopes that maybe, it will stop her from leaving the house."Babalik din naman ako, kailangan lang namin asikasuhin ni Leah yung pwesto na nakita namin bago pa kami maunahan ng ibang buyer. Saglit lang yun." She promised me habang kinakabit ang hikaw sa butas ng kanyang tenga.I hug her even tighter. "Please, bukas na lang yan. Day off ko naman ngayon eh. Para sana magkasama tayo ngayong araw dito sa unit. I will order your favorite food."When I said food, napatingin siya sa akin na para bang magbabago na ang desisyon niya, but I was disappointed when her expression changes again. "Take ka uli ng day off bukas. Ikaw naman ang boss eh kaya ikaw ang masusunod. Iyon bukas, sure ako na wala akong masyadong gagawin after ko mag plan ng menu."Kumunot ang noo ko. "What menu?""Yung sa cafe. Nagpplano na kasi ako ng mga i-ooffer na food and drinks para pag nabili na yung place at habang nirerenovate, maayos ko na rin yun
ELEANOR’s POVI was surprised when I saw a familiar face at the bar tonight. It is Shernon and Landon having a drink. For half an hour, I obsessively stare at both of them talking. Hinihintay ko lang ang pagkakataon na umalis si Shernon sa table so I can go and have a chat with Landon.And when Shernon finally left the table, I hurriedly walked towards their table as if hindi ako aware na nakita ko na sila.“Oh my god, Landon. What a small world!” Bungad ko sa kanya.Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. “Eleanor, what are you doing here?” He asked.“I was just having a drink. How about you? Are you here with Samsara?”He shook his head. “Nope. I’m here with someone.”“Who?” Tanong ko na parang hindi ko alam ang sagot.“Just someone. So, mind if we talk outside?” Kabadong tanong niya habang tumitingin tingin sa paligid. Kabado siya at baka makita kami ni Shernon na naguusap. Is he scared that Shernon’s going to spill it to Samsara?Pero sino ba naman ako para hindi pumayag. “All
SHERNON’s POVI was just doing my daily routine of obsessively cleaning my entire unit and was about to cook dinner when I received a bunch of texts and calls from Landon. He is inviting me to go to this new bar and have a drink with him.At first, I was really skeptic with his invitation dahil iniisip ko kung ito ba talaga ang tamang panahon para mag inom kami dahil as I know, kakaayos lang nila ni Samsara.I don’t know how she would feel if instead of her partner going straight home after work eh sa bar ito dumiretso para uminom.“Sure ka ba na okay lang to kay Samsara? Eh diba medyo complicated pa naman yung sitwasyon niyo?” I asked Landon who’s setting up the foods and drink at our table after itong maibigay sa amin ng waiter.He nodded repeatedly. He actually seems so unbothered. “Yep, yep. It’s okay with her kasi nagpaalam naman ako. I even sent him a stolen picture of you.” At inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa.I frowned when I saw my mouth open in that picture.
SAMSARA's POVGising pa ako nung dumating si Landon. Naramdaman ko rin ang pag tabi at pag yakap niya sa akin. Hindi na lamang ako gumalaw dahil alam kong gusto niya lang akong kausapin tungkol sa nangyari.Ayaw ko naman non dahil pagod na pagod na akong dalhin ang sama ng loob ko na nag simula pa nang pumasok sa buhay namin si Eleanor. Bukod pa ron ay masakit ang tiyan ko, nahihilo, at nagsusuka rin ako pag dating.Siguro ay sumasama na ang pakiramdam ko dahil sa stress. Halos wala na rin akong ganang kumain dahil sa mga nangyayari. Hindi ko na lang pinapahalata kay Landon.Alas singko pa nga lang ngayon ng umaga at nagluluto na ako ng babaunin ni Landon sa trabaho. Bumabaliktad nga rin ang sikmura ko at pagka gising ay sumuka na ko agad.Dala siguro ito ng trauma ko na baka magsinungaling nanaman sa akin si Landon. Na baka sa pinapaalam niya na papasok siya sa trabaho ay doon lang siya pupunta kay Eleanor.Kung ano ano na nga talaga ang pumapasok sa utak ko simula yung nangyari. Hin