Share

3. Choose

Author: flowersdontbend
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nabigla ako nang tumawa ito ng pagkalakas-lakas. Napataas ako ng kilay.

"Oh, really?" she smirked, like challenging me.

"Yes po, tita." I assured her with a wicked smile. 'Tita' na ulit baka mahimatay pa si 'mama' e. Pinasadahan niya ako ng tingin. Nailang ako bigla, parang ayaw yata ng byanan ko sa akin. 

Napanguso ako.

"You're not my son's type." she declared, malumanay parin ang tono. 

Namula ako. I am embarrassed. I feel so down pero hindi ko iyon pinahalata. Ngumiti ako nang alanganin, "Naku po, tita! You're joking talaga." Tinawan ko lang si tita.

Gustong-gusto ko na sanang umuwi agad pagkatapos noon dahil unti-unti nang nilulukob ng lungkot ang puso ko. Pero marami pang sinabi si 'Tita' sa akin. At pumirma pa ako ng kontrata. Binasa ko iyong mabuti bago penirmahan. 

Tapos ay marami pa siyang habalin tulad ng bawal malate at magsuot ng presentableng damit sa trabaho hanggang sa hindi pa natatapos tahiin ang uniform ko. Sinukatan din ako nang araw na iyon. Kaya natagalan talaga ako. 

Ngayong lunes daw ang duty ko. Ang renewal of contact ay magdedepende sa performance ko. Marami rin akong finill-upan na documents para sa credit card ko. At ni register niya rin ako sa system nila— ang sabi'y kailangan daw iyon para sa attendance dahil high tech na ang paglog-in and out. 

Kinunan rin ako ng pictures for my ID na sabi niya sa martes ko na makukuha. Sinabi niya rin sa akin ang mga kakailanganin ko— mainly ang laptop. Ang mga libro ay sa lunes ko nalang daw makukuha.

Ngiti at tango lang ang sinasagot ko sa kanya. Nang natapos ang lahat ay giniya niya ako sa magiging classroom ko at iniwan ako roon. Napahinga ako ng maluwag. Masyadong enclosed ang mga classrooms— green and white motiff. Luminga-linga ako sa buong classroom.

'Wala na talagang atrasan ito.' isip ko

30 students—hindi naman siguro ganun kastress ang pagtuturo? Doon nga noon sa public school ay siksikan kami, e.

Malawak ang buong classroom. Brown chairs and tables na sakto lang para sa dalawang bata. Excited ako na parang ewan para sa lunes. I'm not really fond of kids kase.

Pumasok ako sa office ko na nasa loob ng classroom lang. May tables and chairs na roon at library rin. Pero ang problema ko ay walang C.R sa loob, nasa labas yun— Aircon kasi ang mga classroom.

Nagselfie ako roon— at masyado akong nalibang dahil hindi ko na namalayan ang oras! Paglabas ko nang classroom dahil nasa first floor lang naman ako ay kita ko na agad na medyo makulimlim na!

Gosh?!

Dali-dali akong pumunta sa parking lot kahit na hindi ko iyon masyadong kabisado. At napanganga ako nang makitang wala na ang sasakyan namin doon. Dumagundong ang kaba sa puso ko.

Asan na ba kasi si manong?!

Tiningnan ko ang phone ko at may unread messages nga ito galing kay mommy! Nanlalaki ang mata ko nang mabasa Ito.

MAMA: 

We are going somewhere, Hope. Just commute. 

WHAT?!

Hindi ako makapaniwala na nagawa Ito ni mommy sa akin! Nakadama na ako nang takot dahil medyo mag-gagabi na! Dali-dali akong lumabas nang school para doon sa labas maghanap nang motor. Hindi naman kasi uso dito sa probinsya ang taxi o tricycle. 

Takot ang naramdaman ko paglabas ko ng school area, wala na kasing mga tao at ang ilaw lang sa waiting shed ang nagliliwanag sa buong paligid— hindi naman kasi ako sanay na mag-isa. Palagi kong kasama si mommy o di kaya'y si daddy! Kaya kinakabahan ako ng sobra ngayon.

Hindi ako sanay. I maybe have a lots of friends pero takot akong mag-isa. I feel unsafe and fragile. Hindi ako sanay nang walang kasama! Napangiwi pa ako nang may makita akong tindahan na may nag-iinuman. Takot pa naman ako sa ganun...

Bigla akong umiwas ng tingin nang napabaling sila sa akin. 'Lord God!' I chanted in my head. Mas Lalo akong namutla nang marinig ko ang tawanan nila, Hindi ko man sure kung ako ba ang tinatawanan nila pero... Feeling ko ako!

Mas lalo akong napayuko nang makita kong may mga lalaking lasing ang papunta sa akin. Napapikit ako at lihim na nagdadasal na sana hindi sila papunta sa akin...

Pero hindi dininig nang langit ang dasal ko nang kausapin nila ako!

"Good evening, Miss beautiful!" Masigla nilang bati. Napangiwi ako nang ma-amoy ko ang sigarilyo at alak sa kanila. Yumoko lang ako.

" Naghahanap ka ba nang masasakyan?" lasing nilang tanong.

Hindi parin ako sumagot. Narinig ko silang tumawa. Pinapalibutan na nila ako. Napaatras ako— naiiyak na ako sa kaba.

" Si Ronald, oh. May motor siya nalang sakyan mo miss beautiful! Kahit saang ka pa! Kahit sa langit pa! Kahit kami nalang ang sumakay sa saiyo! Masasarapan—"

Nanlalaki ang mata kong nasampal ko ang nagsalita. Ang bastos niya! Agad namang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya— kita ko ang galit sa mga mata niya pero nakangisi parin siya.

Napaatras ako, napatingin ako sa likuran at wala na akong maaatrasan.

Narinig ko silang tumawa dahilan para tuluyan nang tumulo ang luha. Nanginginig ako sa kaba! Kaya halos mapatalon ako nang may marinig akong busina! Agad na nabuwag ang pagkakagitna nila sa akin. Nakadama ako ng kaginhawaan— pero hindi ko talaga mapigilang tumulo ang luha ko. 

Takot na takot ako.

"WHAT IS HAPPENING HERE?!" A familiar baritone voice filled my ears. Nanlalaki ang mata kong napalingon dito. Napaawang ang bibig ko. Umurong ang luha ko. At napuno ng saya ang puso ko.

My breath labored. 

Joseph...

Nakasuot parin ito nong sinuot niya kanina, ibig sabihin ay hindi pa rin siya nakakauwi! Nakakunot ang noo niya at madilim ang titig, tila galit na galit. 

Napalunok ako.

"Ahm, boss kasi naghahanap lang nang sasakyan itong si miss nagmamagandang loob lang po kami!" Palusot nang isa.

" UMALIS KAYONG LAHAT DITO! NGAYON NA!" he shouted angrily. Para naman silang tutang umalis lahat. Narinig ko pa silang nagsisihan.

Natahimik na ang buong paligid. Tanging si Joseph nalang at ako ang natira akala ko ay aalis na siya pero nanatili siya doon at mataman lang nakatitig sa akin.

Napalunok ako.

Yumoko lang ako, hindi alam ang gagawin. Ayaw ko nang gulo. Pero ayaw ko rin binabastos ako. Nanatili lang akong tahimik. I wipe my tears. I don't want other people see me like this— Naive and vulnerable.

Pero ganito naman lagi... 

I suddenly miss my friends. I never feel alone because of them. 

Now, I'm alone... 

" Hope..." Joseph called. Hindi ko alam Kung bakit at papaano pero biglang nalang tumulo ang luha ko nang tinawag niya ako, he seemed worried about me.

Napalunok ako para iwasang humikbi 

" I-I'm fine." 

Pero nabigla ako nang lapitan niya ako at itiningala. Napahangad talaga ako Kasi naman ang tangkad niya! " K-kinabahan lang ako..." I can't help but to stuttured. Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko. Napanganga siya tila gulat na gulat. Umiwas ako ng tingin.

"PUTANGINA!" he cursed when he saw my swollen and puffy eyes. I bite my lower lip. He seemed so mad. Natatakot ako sa kanya. 

"Joseph..." 

Hindi ako sanay na ganito siya. It is the first time I heard him curse. He is always calm. But now... He's furiously mad.

"ANONG GINAWA NILA SAYO? BINASTOS KA BA NILA? HINARASS?!" Parang kulog sa lakas ang boses niya. Kinabahan ako sa kanya.

Agad-agad akong umiling-iling. " No. Hindi. Hindi, Joseph! Walang ganun! Natakot lang talaga ako.... kinabahan." I smiled at him. Parang tambol sa kaba ang puso ko ngayon.

Kumunot ang noo niya sa akin. " Anong ginagawa mo dito?"

I bite my lower lip. " Naghahanap ako ng masasakyan pauwi. May ginagawa kasi ang driver namin, e."

Tumango siya sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin. Inilayo ko Ang sarili ko sa kanya, masyado siyang malapit. 

Nakakasufocate...

Nakakakaba...

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Napalunok ako. Tumayo ako para maghanap nang motor at laking saya ko nang makakita ako! Agad ko iyong pinara— pero nabigla ako nang higitin ni Joseph ang mga kamay kong ginamit ko pang-para. At walang sabing pinapasok ako sa kotse niya.

Napanganga ako. Nagtatanong ang mata kong ibinaling sa kanya. Umiwas siya ng tingin, "Ihahatid na Kita." walang abog na sabi niya.

Hindi na ako umimik at ngumuso nalang nagtatago ng ngiti. Hindi ko mapigilang kiligin. Syempre crush ko siya kaya given na 'yon! Sa labas lang ako nang bintana nakatingin— nangingiti kasi ako e! Nang lingunin ko si Joseph ay seryosong-seryoso siya habang nagmamaneho. Mahigpit na mahigpit ang hawak sa manobela tila galit.  

Kumunot ang noo ko. Anong kinagagalit niya? Ayaw niya ba akong ihatid? Nakadisturbo ba ako sa kanya? Napanguso ako. " O-okay lang naman ako doon. Sorry, Joseph. Nakadisturbo pa ako sa iyo."

" No. It's okay," he said in a dark tone.

Napakagat labi nalang ako. Pero kahit ganun ay hindi parin nabago ang disposisyon ko, nanatili lang akong nakangiti sa byahe! Dahil sa maraming bagay una, tanggap ako sa trabaho. Pangalawa, comeback ni crush sa puso ko! 

Ayyyie, kinikilig na naman ang puso ko! Biglang nawala iyong takot ko kanina parang nakalimot bigla na parang walang nangyari.

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Nagtaka pa ako kung bakit alam ni Joseph ang daan patungo sa amin— gusto ko sanang magtanong pero hindi ko na ginawa, hindi ko na kasi kaya...

Nagmamadali akong lumabas kasi gusto kong sumigaw— sumigaw sa kilig! Pero nagtaka ako nang pigilin ni Joseph ang kamay ko. Nagtataka akong bumaling sa kanya.

"Akin na ang phone mo." inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"HA?" 

I heard him 'Tsk' as he take my phone in my hands. Kumunot ang noo ko. Agad din naman niya itong ibinalik sa akin. Nagtatanong ang matang tumitig ako sa kanya.

"Nakaphone book na ang number ko diyan. Tawagan mo ako kung may kailangan ka." he said at pina-andar na ang kotse niya. 

Napanganga lang akong nakatitig sa kanya pero bago iyon ay binuksan niya ang bintana at madilim ang titig sa akin. "Mag-ingat ka sa susunod hope." He said in a strict tone.

Mas napanganga ako sa kanya. Hindi parin pala siya nakakamove-on? Ako kasi... Nakalimutan ko bigla...

Nakakatawa ang epekto ng presensiya ni Joseph sa akin! kanina lang takot ako, kinakabahan. Pero no'ng dumating siya napalitan iyon ng saya at kilig! Lalo na ngayong binigay niya sa akin ang number niya!

Shittt! Legit ba 'to?  Gosh

Tumango lang ako sa kanya at nangingiti ako pagpasok sa bahay— But my smile instantly faded nang ibang eksina na naman ang nadatnan ko. Mommy and Daddy fighting. Ano na naman Kaya ang pinag-aawayan nila? Tumigil sila nang maramdaman nila ang presensya ko.

"What the problem?" I ask in curiosity. Kahit pa sabihing anak lang ako ay may karapatan naman siguro akong magtanong, diba? Dahil, afterall madadamay naman ako sa magiging resulta kasi anak nila ako!

All of my life hindi ko pa makitang nag-away sila mommy and daddy nang ganito ka tindi at kalagi. They are always sweet in each other na para bang nasa honey moon stage palang sila. Their love story is one of the reasons why I use makeup and such to make myself more beautiful.  

Akala ko kasi daddy loves mommy because my mom is pretty, Kaya iyon rin ang naging batayan ko. I need to be pretty para someday meron ding magmamahal sa akin tulad nang pagmamahal ni daddy Kay mommy.

Overflowing...

But seeing them arguing seems being a woman is not just being pretty. It is a responsibility, patience, and effort na minsan ay nakakaligtaan ni mommy. She is hot temper, bungangera, at impatient, spoiled wife Kasi.

Pero kahit ganun, alam kong mahal na mahal siya ni daddy. But seeing my mother being hysterical right now terrified me. Is my father cheating? Is she cheating? If not, then why? Is this about money?

"May problema sa minahan anak. But don't worry we'll try to fix it." My father answered me when I try to ask my mother that question, hindi kasi sumasagot si mommy. 

Kumunot ang noo kay daddy. He looked old, tired, worn, weary and exhausted— nakadama ako ng awa kay daddy. Hindi naman siya dating ganito. Busy ba masyado sa minahan?

Nababuntong hininga ako. Now, I know it's about the business. This explains everything. Sana lang ay hindi konektado dito ang paghahanap ko ng trabaho...

Ipinagsawalang bahala ko 'yon. I trust my parents, they will not let me down.

In that evening hindi ako kaagad nakatulog. Iniisip ko pa ang mga nangyari, parang kahapon lang magpapaganda lang ang problema ko. Ngayon, pagpapaganda pa rin naman kasi nga makikita ko na crush ko araw-araw!

Napangiti nalang ako mag-isa. Ang saya ngayong araw! Para akong biglang mabuhay! Feeling may silbi narin ako sa wakas! May sweldo na, may Joseph pa! Ang galing!

Napatitig ako sa kissame. "Ako si Hopelyn Reeniee Quindao Entelestes, Ang babaeng ubod ng ganda ay nangangakong magiging mabait na kung... Magiging akin si Joseph! Amen." And I shrieked like an idiot. Kilig na kilig nga kasi ako! Biruin mo yon, wala akong balita sa kanya ng almost 1 year tapos doon pala siya nagtatrabaho? I think we're destined!

Agad kong binuksan ang phone ko at pumunta sa contacts. Automatikong napangiti ako nang makita ang pangalan ni Joseph doon. I smiled as I composed a text for him.

Joseph Pangga:

Hi Joseph! Si hope 'to thank you kanina!

Then I send it to him. I waited a minute para hintayin ang reply niya pero walang dumating...

Napanguso ako. Busy siguro—Agad akong napalingon sa phone ko nang tumunog ito. Muntik na akong magtatalon sa tuwa nang makita ang reply niya.

'K'

Yey! Nagreply siya! Nagpagulong-gulong ako sa kilig. Pero hindi ko parin maiwasang isipin na kung hindi dumating si Joseph kanina, ano kayang nangyari sa akin? Papaano kung narape ako? Pinatay?

Napanguso ako, 'Ang bait talaga ni lord.' isip ko at pumikit na ako.

The sunday morning came, bumalik sa normal ang lahat. Nagsimba pa nga kaming tatlo na parang walang nangyaring sigawan sa kanila mommy kagabi. Kumain din kami sa labas— na lagi naming ginagawa tuwing linggo.

Mukha naman silang masaya— ako kasi inaantok. Masyado akong kinilig kagabi, Hindi ako masyadong nakatulog. Sa dasal ko isa lang ang hiningi ko Kay lord, na Sana... Mapasakin si Joseph.

Obsessed na kung obsessed. Feeling ko kasi, he's too good to be true— matalino, mabait, gwapo, hot at... Mayaman pa!  Gusto ko akin siya kahit feeling ko hindi ko siya deserve...

Nang naghapon ay umalis sila mommy pero babalik rin mamayang gabi— siguro ay magdadate? 

Napabuntong hininga nalang ako habang naghahanda sa mga gagamitin ko para bukas mula sa gagamitin kong bag, laptop, pati narin makeups. Mabuti pa sila mama active ang lovelife!

Napanguso ako. Kinabahan na ako para bukas at the same time exited!

The Sunday evening came, ay naligo agad ako, naglagay ng mask at cucumber for my face and eyes para fresh ako for tomorrow. Maaga rin akong nahiga para maachive ko ang 8 hours sleep.

My mom was actually surprised of my actions, kadalasan kasi ay natutulog ako nang 12 am at idinidilat ko ang mga mata ko nang 10 am. Im a sleepy person, kaya kong matulog nang isang araw kahit 'di kumakain— talent ko iyon.

I just couldn't enough of sleeping. Sabi nila Kaya daw maputi ako dahil dun, pero di nakakalagpas sa tenga ko ang 'chismis' na 'bakit daw ako pandak?' at ' bakit daw ang payat ko' at higit sa lahat 'batugan' ako.

Anong paki nila? Sila ba nagpapakain sa akin?

Kaya lang...

Matulog nga ako nang maaga, gumising naman ako nang 7 sa umaga! Papungas-pungas ako nang nagising ako dahil sa sinag ng araw! Anyare sa alarm clock ko?! Hindi ata nagising!

Gusto kong umiiyak sa frustration ko sa sarili ko! 

Ano nalang Ang sa sabihin ni Joseph sa akin? Na iresponsable ako?! Well, aminado naman. Ang importante responsable siya at ako hindi, Kaya bagay kami!

10 am kasi ako laging gumigising e! Hindi ako sanay maging responsable! Pero 7:15 naman ako nagising, achievement parin right? Pero mamalate parin ako!

Argg! Kairitaaa

Agad-agad akong tumayo para maligo, ang isang oras Kung ligo ngayon ay naging 5 minuto nalang, and it's so damn frustrating! Feeling ko mangangati ang katawan ko!

Nagblow dry pa ako ng buhok ko at nag makeup! My gosh! Kung dati ay inaabot ito nang halos dalawang oras ngayon ay 30 minutes nalang! Mas naging challenging pa ito kaysa no'ng sabado!

I wear my favorite white sleeveless dress at pinarisan ko ito ng black blazer at black skirt 7inches above the knee and black 4inch sandal— para magmukha akong matangkad. At pinarisan ko ng favorite Hermes bag ko.

I looked beautiful!

Nang bumaba ako nagbreakfast na sila mama at papa! Nagtawanan pa! Napanguso ako. Hindi na naman nila ako ginising eh! 

Padabog akong naglakad papuntang kusina at padabog na umupo!

Matalim ko silang tiningnan "''My! Bakit di niyo ko ginising?!" Nakakapagtampo na sila.

Tinaasan Lang ako nang kilay ni mommy! 

" As I said I want you to be independent, my dearest daughter. Matanda ka na, your what? 23? Kaya mo na ang sarili mo. Magpapagising ka pa sa amin ng daddy mo? Hindi kana nag-aaral. Tapos na ang obligasyon namin sayo. Gusto Kong tatayo ka Kung kailan mo gusto, babagsak ka kung papayagan mo. Simula ngayon ikaw na ang bahala sa mo buhay mo. Kung papasok ka, Kung magtatrabaho ka. It's your choice. Buhay mo yan, Laban mo iyan tapos na kami sa amin choice mo Kung matatalo o mananalo ka. Kaya hindi kita ginising, nasasayo dapat ang kusa, ginawa dahil gusto mo, hindi dahil gusto namin ng daddy mo." My mommy explained— na nagpadagdag ng frustrations ko! 

'Paano ako ngayon magagalit Kung masyado silang magaling mangatarungan?!' isip ko.

Nakangusong tnignan ko si daddy na tahimik na kumakain. "Daddy..." I called for mercy. Inosente naman itong napalingon sa akin. Napapadyak ako. 

Huminga ito nang malalim si daddy. "Your mom is right, you need to be independent, and see the beauty and flaws of life on your own. Hindi kami lagi sa tabi mo" Dad seconded and supported my mother's arguments!

Kaya mas lalo akong walang nagawa, partida! Ngayon nagsisi na akong wala akong kapatid! Wala akong kakampi! 

"Choice ko rin bang nag-uusap tayo ngayon? Imbes na pupunta na ako sa school?" I pouted. Ang pangit naman kung sa akin lahat ng sisi, diba? Gusto ko rin may kashare!

"Yes, princess. Lahat ng gagawin ay may kasamang 'choice' maliit man o malaki magdedepende ito sa resulta. Tulad nalang ngayon, you chose to prolonged our conversation—Kaya mas lalo kang malalate at pag nalate ka maari kang matanggal sa trabaho kahit hindi kapa nagsimula. You, see Hindi mo man lang pinag-isipan diba? Pero choice mo parin Kaya ikaw rin Ang magtatake ng consequences," he said meaningfully. 

Napakunot ang noo ko sa kanya. "E, choice you rin namang maraming sabihin e!" I reasoned.

" Yes, I chose. Kasi baka Hindi ko magawa sa susunod," Again he said meaningfully.

Nalilito man ay umalis nalang ako— pero hindi paman ay sinabihan ako ni mommy na pinutol na niya ang card ko dahil meron na daw akong sweldo! At kailangan ko nang magcommute tuwing pauwi para matuto akong mag-isa! Hindi ko alam ang punto nila pero wala akong oras para i-question sila. 

It's my choice after all. Hindi na ako kumain at hindi narin ako nakadala ng baon ko. 'Sa school nalang siguro' isip ko.

Nalate ako--- my consequences pero mali ako, being late is just the results of my actions, my consequences is another. Hiyang-hiya ako nang makitang nakalinya na ang mga bata, nauna pa ang mga bata sa teacher! 

Mabilis akong naglakad para hindi ako masyadong mapansin pero sadyang mapapansin ako dahil masyado akong matangkad kumpara sa elementary students, tapos na ang flag noong dumating ako pero may announcement pa!

Lahat ng mata'y nasa akin, iniisip kung sino ang bagong teacher na pansamatalang papalit sa buntis na guro. Alanganin kong nginitian sila isa-isa— ang iba ay ngumiti pabalik pero ang iba ay hindi man lang ako pinansin.

Napanguso ako. It is a new start with a new people. Pantay-pantay kami dito. Hindi ko sila kilala, ganun din sila sa akin— kaya hindi talaga maiiwasan ang mga mapanghusgang mata na tila tinitimbang ako, ang pagkatao ko.

Nakakailang...

Nasa kalagitnanaan ako ng daan nang dumagundong ang mala-kidlat na boses ng admin.

"WHO IS THE TEACHER OF SECTION SAMPAGUITA!" he roared. Natahimik ang lahat pati iyong mga teachers na nagchichismisan. Napailing ako. Tss. Very hot-headed! Parang may regla, ah?

Napatingin ako sa isang linya ng estudyante na magalaw---may umiiyak, naglalaro ng lastiko, text at marbol. 'Sino ba ang teacher ng mga batang yun?' isip ko.

Naramdaman ko ang paninitig ng mga kapwa ko teachers sa akin. Nagtatanong ang mata kong Nilingon sila.

"Yung substitute!" May narinig akong sumigaw. 

S-Substitute? A-Ako? Ako b-ba? Nanlalaki ang mata ko nang maproseso ang sinabi nong sumigaw. Napaturo pa ako sa sarili ko. 

Napatingin ako doon sa stage, at nakita ko ang matalim na titig ni Joseph doon, napangiti ako nang alanganin, "Sorry, bago pa kase ako e." Dahilan ko. 

Totoo naman kasi! Basta grade 7 ang tuturuan ko! Iyon lang ang alam ko— Ang sabi kasi ng headmaster, ngayon ko pa raw malalaman, kaso nalate ako. Napanguso ako nang maramdaman ko ang panumula ng pisngi ko.

Bumuntong hininga ito at umiling bakas ang dissatisfactions sa mukha. Napakagat labi ako. Nagpatuloy siya sa announcement at pumunta naman ako sa linyang naka-assign sa akin— yung mga batang magulo kanina, na magulo parin hanggang ngayon! Napailing ako.

Spoiled kids.

I suddenly remembered my childhood. Ganito rin ako noon— parang butiti at hindi mapakali pag nasa linya at palaging naiinip kung kailan matatapos ang flag para magrecess.

Napabuntong hininga ako. Pinatayo ko sila isa-isa may mga umiyak pa dahil pinagalitan ko— binigyan ko sila isa-isa ng chocolate bilang suhol para tumahimik at magbehave sila. Napangiti ako sa kanila. 

'Ang dali nilang utoin!'

Imported naman kasi ang mga chocolates ko. I'm sure mayaman ang mga batang ito pero hindi naman madali ang makakuha ng imported products, Lalo na dito sa probinsya.

Maraming teacher ang namangha pero mas marami ang hindi sumang-ayon. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-irap ng mga pamilyar na tao. Nanlalaki ang mata ko nang mapagtanto kong sino ang mga ito.

'DITO DIN PALA SILA NAGTATRABAHOAN?'

Karen, Merida, and Katie — Eya's friends when we were college. Nerd din sila noon, and yes, nabully ko rin sila. Pero No hard feelings naman iyon para sakin. Well, siguro para sa akin dahil ako ang nang-bully at sila ang nabully.

Pero iba na sila ngayon, tulad ni Eya ay gumanda narin sila. Goodbye na sila sa nerdy glasses nila. May makeup at marunong nang manamit. 

Napaiwas ako ng tingin. Goshhh

Hindi ko alam kung ano ang iniirap-irap nila sa akin. Siguro Hindi nila tanggap na lamang man sila ng talino sa akin, pantay naman kami ng sweldo? 

Kahit noon paman, kahit ang papanget nila ay ang lakas ng abog ng mga nila! Iniisip nila kasi na matalino sila— that they are better than anyone. Kaya ayaw ko sa kanila noon paman. Siguro ay ayaw nila sa ideya na naging teacher ako at hindi napabilang sa lumulubong porsento ng mga batang ina sa bansa— gaya ng inaasahan nila?

Hindi naman kasi assurance ang 'talino' na sure kang gagraduate at magiging successful at hindi din ibig sabihin na 'bobo' ay wala ka nang pag-asa, nasa diskarte lang iyan.

Sa panahon ngayon kahit SUMA CUMLAUDE ka mahihirapan ka paring makapasok ng trabaho— pwera kong malakas ang kapit mo. Kaya I'm sure it is because of Joseph kaya sila nakapasok dito. Eya is Joseph best friend afterall, and they are Eya's Friends.

Late na akong nakapagtrabaho sa July 6 at sa kasamaang palad lunes pa. Ang eskwelahang ito ay may patakaran na tagalunes ay isinasagawa ang ' weekly meeting' patungkol sa lahat ng event na gagawin sa buong linggo.

Gaganapin ang meeting sa 7th floor ng building kaya nag-elevator nalang ako. Nakakamangha talaga ang eskwelahang ito. Very modernized.

Ang lahat nang classroom ay enclosed at bubuksan lang paglunch at uwian. Ang grade one ay nasa 1st floor, Ang grade two ay nasa 2nd floor, Ang grade three ay nasa 3rd floor, paitaas na iyon hanggang grade 6 at ng 7th floor ay ang meeting area lang.

Hindi naman nakakatakot dito na baka may tumalon na bata dahil enclosed naman ang mga railings dito na gawa sa salamin. May mga teachers akong kasabay paitaas pero kahit Isa sa kanila ay Hindi man lang ako pinansin. Hindi na rin ako namansin— takot akong hindi nila ako pansinin at mapahiya lang ako.

Pagkarating ko roon ay handa na ang lahat mula sa projector at may mga teachers na rin. Malawak dito at at open space Kaya mahangin.

Gusto ko sanang sa likod umupo pero may mga nakaupo na doo. Kaya pumunta nalang ako sa harap. Nang maupo ay nararamdaman ko ang matiim na titig mula sa likuran ko. ' syempre curious silang lahat sa bagong teacher.' isip ko.

Pero Hindi ko maiwasang mailang! Kaya gusto ko sa likod e! 3 rows lang ang mga nakalinyadang upuan at doon ako naupo sa pinakauna sa pinakagitna. Center of attraction, indeed. O, feeling ko lang iyon?

Halos mapatalon ako nang biglang may naglagay nang laptop sa harap ko. Napakagat labi ako nang malaman ko kung sino.

Joseph...

Parang ngumite ang puso ko sa presensya niya, naalala ko naman iyong kahapon. Gusto ko ulit magpahatid sa kanya mamaya! 

I grinned at the thought.

Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa laptop niya tila importante iyon. Kaya tumahimik nalang akong pinagmasdan siya. I traced my eyes in his perfect face down to his greek god body. Napakagat labi ako.

He is real damn gorgeous! 

Ibang iba sa Joseph noon in college. Kahit na gwapo din naman siya noon. I'm sure maraming nagkakagusto sa kanya dito sa school— to think na anak siya ng may-ari, marami talagang lalandi.

Napairap ako sa kawalan. ' I don't care! Mas maganda naman ako no!'  Nang mapalingon ako ulit sa kanya ay nakatitig na siya sa akin na gamit ang tila nagtatakang mga mata— Siguro dahil sa pag-irap ko. HEHE

Napangiti ako nang alanganin.

Baka isipin niya nababaliw na ako! O, dika'y siya ang iniirapan ko. Hala! 

Mabuti nalang at umiwas siya nang tingin.

Napakagat labi ako nang mapansing sobrang lapit pala namin at ang laptop lang ang hadlang. Naaamoy ko ay ang mabango niya mula dito. 

Sweet and intoxicating. Ibang-iba sa ibang lalaking kakilala ko na ang tapang ng Amoy.

Wala sa sarili akong napatanaw sa labi niya. Napalunok ako. It's real red, looks so edible and delicious. Nang tingnan ko siya sa mata ay laking gulat ko na nakatitig pala siya sa akin!

Gosh?! Did he saw me fantasizing about his lips?

Namula ako. " A-h-h, e-e-h" I can't help to stuttered. Wala akong alam kung ano ang sasabihin ko. I almost curse when I heard him 'Tsk' at tumayo na.

"Hihiramin ko muna itong mesa." He said in a small voice. Halos hindi ko na narinig. Napatango nalang ako at umiwas ng tingin.

Tiningnan ko lang siya habang kinakabit ang Kung ano sa laptop niya 'yong nakakabit din sa TV. So he will be the one who lead this meeting, I guess.

Napalingon ako sa likod nang makarinig ako nang hiyawan. At pumasok nga ang headmaster. Kumunot ang noo ko, nagtataka.

Narinig ko rin ang halakhak ng headmaster. ' Anong problema?' isip ko.

"Yes, I'm still late. But I'm the headmaster so I'm excluded from the punishment." Natatawang wika niya.

Gusto sanang magtanong kung ano ang ibig niyang Sabihin sa 'punishment' pero tinikom ko ang bibig ko. Wala ako sa posisyon at medyo Hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi niyang hindi ako type ni Joseph!

Syempre alam ko iyon at tanggap ko no! Kasi kung type niya nga ako edi sana may 'kami' na no'ng college!

Maya-maya pa ay sinimulan na ng headmaster ang meeting, pero si Joseph ang nag-expand— it is all about the activities being held this week for the upcoming nutrition month. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. There intense stare awaken the beast in me parang gusto kong mangalmot.

I rolled my eyes. 'kanina no'ng ang headmaster ang nagsasalita parang ang bored nila! Pero nang si Joseph na? Parang nabuhayan sila! Nakakairita! Mas maganda naman ako sa kanila no!' isip ko.

Masyado akong nabored at nairita sa mga tao sa paligid— kaya tinitigan ko nalang yung kuko kong kinulayan ko nang sweet pink. Napangiti ako. I really like pink! Pink is my first favorite color. I was lost in the depth as I stare at my cute nails, when...

"MISS ENTELESTES!" Again, it's like a clap of thunder so loud.

Dahil sa kaba ay napatayo ako. Gosh!

"Y-yes?" I ask. Natahimik ang lahat at tumitig lang sa amin. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. ' ANO NA NAMAN BA?!'

He glared at me. Nagtaka ako nang bumaba ang titig niya mula sa mukha papunta sa kamay hanggang pababa sa katawan ko...sa pandak pero sexy kong binti. Makikita kasi iyon kasi hiniram niya iyung lamesa kanina!

I feel my face heated up. Napaiwas ako ng tingin at kalaunan ay napanguso. 'Tangina ngayon lang ako nahiya sa makinis kong legs!'

Napalunok ako nang tumagal Ang titig nya doon. Nakita Kong napalunok din siya. Natetensiyon ako. Lahat nang mata'y na sa amin.

"J-joseph?" I called his attention. Narinig ko ang pagsinghap sa paligid. Kumunot ang noo ko. 

He hem and straightened up. Hard look plastered on his face. He looked intently at me. Pinagpapawisan ako! kay bago-bago ko Ang dami ko nang offense!

"It's 'SIR' for you, Miss Entelestes. You are not listening." he stated.

Sasagot na sana ako nang magsalita ang Headmaster, " Maybe you're not that attention catcher, Sir Joseph. Maybe she find you boring..." Nakita ko ang lalong dilim ng mukha ni Joseph. 

Napanganga ako. "No, I'm listening!" Agap ko agad, defending myself and him. Tumaas lang ang kilay ng headmaster sa akin.

Napadako ang tingin ko Kay Joseph. He boredly lean his stare at me.

"Really?"  he asks.

"Yes!"

"So what was I am talking about?" he challenged.

Nablangko ako. 'Ano nga ba? Ano ba ang pinag-uusapan sa meeting?!' I chanted in my head. Hindi ka alam kung anong itsura ko para akong estudyante na hindi nakasagot sa oral recitation!

GOSHHHHH

"Nutrition month" said from the other side. Napalingon ako doon sa taong lumigtas sa akin. 

Si Eya...

"What's your point of asking, Sir Joseph?" Mataray niyang sabi.

Napanganga ako sa kanya. I really want to thank her! Kiss her! Hug her! And muttered 'thank you' for saving my ass!

Natahimik si Joseph, nagkatitigan sila ni Eya, mapanghamon ang expression nang mukha ni Eya, si Joseph naman expressionless. Unang nagbawi nang tingin si Joseph. Napaupo ako sa upuan.

Well, Eya is very smart, siya kasi ang Valerdictorian sa batch namin no'ng highschool pero no'ng college hindi na. No wonder, nakuha siya nang eskwelahang ito. Number two reason ay she's Joseph friend after all.

Kaya hindi ko alam kung anong problema nilang dalawa ngayon at bakit parang bang kontra nila ang isat-isa.

Napanguso ako. Iyon nalang ang iniisip ko sa meeting, but unlike kanina nakinig na ako. Still nagsasalita parin si Joseph.

Hindi ko alam Kung bakit gano'n si Joseph. Hot and cold. Kahapon naman okay naman siya, mukha nga siyang worried sa akin. Pero ngayon mukhang iritado na naman siya sa akin...

Napapansin kong, ayaw niya sa mga taong hindi nakikinig sa kanya. 'Yong tipong parang walang respito at hindi kinikilala ang presensiya niya? 'Yon kasi ang nakikita ko dito sa ibang teachers na nakikipagchismisan sa mga katabi nila.

I wonder kung ako ba talaga ang pinaparinig niya kanina o sila... At hindi niya lang kayang iderict iyon sa kanila kasi mas matanda silang mga guro at ako ang napagbuntunan niya? Pero bakit naman ganun... Bakit ako pa?

Napanguso ako. 

Tinignan ko ang relo ko, it's 9:53 in the morning na. Ang tagal naman matapos ng meeting?

Hindi ko na mapigilang mag-inat. Inaantok na kasi ako, at Hindi ako sanay, kadalasan kasi mga ganitong oras ay tulog paako. 

'Hayst... Nakakaantok—

"MISS ENTELESTES !"

Naalerto ako agad, "PO?" omygoshh! ANO NA NAMAN?!

Akala ko ay mapapagalitan na naman ako, but he didn't.

He just stared at me.

"Come with me" 

Napanganga ako.

HA?!

Related chapters

  • A Beautiful Shallow   A Beautiful Shallow

    Sypnosis Hopelyn Reeniee is a gold digger that doesn't digs, why? Because she's gold of herself. She is hated, loathed, and vanished but will do everything just to get the man she wants Joseph Alejandros even kneeld, beg and give her body. Even that she knows that he loves someone else and she's just a part of his wicked plan to get the girl he truly wants. But, how can it be if she find out that the man she love makes the girl of his dreams pregnant? And, when she knows that she's pregnant too! Can she still hold on for the sake of her efforts and sacrifices, especially now that she was pregnant? Or, she will let go in the name of unselfish love knowing he doesn't love her?

  • A Beautiful Shallow   1. Change is Coming

    Minsan kahit hindi natin aminin, kailangan nating maging 'bobo' para sumaya, nanonood tayo ng palabas sa TV kahit alam nating hindi totoo ang mga ito at minsa'y gawa-gawa lang ng tao kasi nga, we want to escape the reality.Minsan rin kailangan nating magpa-uto para matuto. Kailangan nating masaktan—kailangang may mawala, para mas maapreciate natin ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa atin.Nagmamahal tayo kahit walang kapalit at nasasaktan tayo ng walang nakaka-alam...Ang logic ng buhay ay mahirap basahin. 'IYong mga bagay na gusto mo tinatapon lang ng iba. 'Yong mga bagay na sa tingin mo ay wala lang, ay malaki pala ang halaga para sa iba. 'Yong buhay na gusto mong takasan ay iyon pala ang buhay na pinapangarap ng iba dahil sa tingin nila masaya ka, madali lang ang buhay mo! They only see the results of your hardship not the pr

  • A Beautiful Shallow   2. His Future

    Highschool ako noon nang magkagusto ako sa isang lalaking sobrang gwapo pero mahirap naman. Naging malaking dagan iyon sa bata kong puso. I'm spoiled. Lahat ng gusto ko dapat makuha ko!Pero ayaw sa kanya ng parents ko. They said 'ano bang maipagmamalaki ng taong ganun? Mahirap lang. Malay natin may ibang habol saiyo yun!' Kontra sila dahil mahirap lang 'yong nagugustohan ko.Kaya tinigil ko na lang, kahit masakit.Doon ko na realize na kung para sa akin, akin talaga kung hindi, bakit ko pipilitin?In that day, pinangako ko sa sarili kong dapat mayaman ang boyfriend ko. 'Yong may kaya at maipagmamalaki. 'Yong Kaya akong buhayin at higit sa lahat— Kaya kong iharap sa parents ko na nakataas noo.Lahat ng manliligaw ko basted. Wala naman kasing mayaman dito sa amin e! Kaya sabi ni mommy kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral nang sa ganun ay pwede ak

Latest chapter

  • A Beautiful Shallow   3. Choose

    Nabigla ako nang tumawa ito ng pagkalakas-lakas. Napataas ako ng kilay. "Oh, really?" she smirked, like challenging me. "Yes po, tita." I assured her with a wicked smile. 'Tita' na ulit baka mahimatay pa si 'mama' e. Pinasadahan niya ako ng tingin. Nailang ako bigla, parang ayaw yata ng byanan ko sa akin. Napanguso ako. "You're not my son's type." she declared, malumanay parin ang tono. Namula ako. I am embarrassed. I feel so down pero hindi ko iyon pinahalata. Ngumiti ako nang alanganin, "Naku po, tita! You're joking talaga." Tinawan ko lang si tita. Gustong-gusto ko na sanang umuwi agad pagkatapos noon dahil unti-unti nang nilulukob ng lungkot ang puso ko. Pero marami pang sinabi si 'Tita' sa akin. At pumirma pa ako ng kontrata. Binasa ko iyong mabuti bago penirmahan. Tapos ay marami pa siyang habalin tul

  • A Beautiful Shallow   2. His Future

    Highschool ako noon nang magkagusto ako sa isang lalaking sobrang gwapo pero mahirap naman. Naging malaking dagan iyon sa bata kong puso. I'm spoiled. Lahat ng gusto ko dapat makuha ko!Pero ayaw sa kanya ng parents ko. They said 'ano bang maipagmamalaki ng taong ganun? Mahirap lang. Malay natin may ibang habol saiyo yun!' Kontra sila dahil mahirap lang 'yong nagugustohan ko.Kaya tinigil ko na lang, kahit masakit.Doon ko na realize na kung para sa akin, akin talaga kung hindi, bakit ko pipilitin?In that day, pinangako ko sa sarili kong dapat mayaman ang boyfriend ko. 'Yong may kaya at maipagmamalaki. 'Yong Kaya akong buhayin at higit sa lahat— Kaya kong iharap sa parents ko na nakataas noo.Lahat ng manliligaw ko basted. Wala naman kasing mayaman dito sa amin e! Kaya sabi ni mommy kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral nang sa ganun ay pwede ak

  • A Beautiful Shallow   1. Change is Coming

    Minsan kahit hindi natin aminin, kailangan nating maging 'bobo' para sumaya, nanonood tayo ng palabas sa TV kahit alam nating hindi totoo ang mga ito at minsa'y gawa-gawa lang ng tao kasi nga, we want to escape the reality.Minsan rin kailangan nating magpa-uto para matuto. Kailangan nating masaktan—kailangang may mawala, para mas maapreciate natin ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa atin.Nagmamahal tayo kahit walang kapalit at nasasaktan tayo ng walang nakaka-alam...Ang logic ng buhay ay mahirap basahin. 'IYong mga bagay na gusto mo tinatapon lang ng iba. 'Yong mga bagay na sa tingin mo ay wala lang, ay malaki pala ang halaga para sa iba. 'Yong buhay na gusto mong takasan ay iyon pala ang buhay na pinapangarap ng iba dahil sa tingin nila masaya ka, madali lang ang buhay mo! They only see the results of your hardship not the pr

  • A Beautiful Shallow   A Beautiful Shallow

    Sypnosis Hopelyn Reeniee is a gold digger that doesn't digs, why? Because she's gold of herself. She is hated, loathed, and vanished but will do everything just to get the man she wants Joseph Alejandros even kneeld, beg and give her body. Even that she knows that he loves someone else and she's just a part of his wicked plan to get the girl he truly wants. But, how can it be if she find out that the man she love makes the girl of his dreams pregnant? And, when she knows that she's pregnant too! Can she still hold on for the sake of her efforts and sacrifices, especially now that she was pregnant? Or, she will let go in the name of unselfish love knowing he doesn't love her?

DMCA.com Protection Status