author-banner
Aislinn Casimir
Aislinn Casimir
Author

Novels by Aislinn Casimir

Embracing His Darkness

Embracing His Darkness

Vela Dominica run away on the day of her wedding. Wala siyang pakialam kung magalit ng husto ang kaniyang mga magulang sa naging desisyon niya. Basta ang importante, hindi matuloy ang kasal. Dala ng desperasyon na makatakas sa mga tauhan ng ama niya, sumama siya sa kaniyang boyfriend. Akala niya nakatakas na siya sa bangungot ng kaniyang buhay subalit hindi niya inaasahan na ang lalaking mahal niya ay isa pa lang kinakatakutan na mafia boss. She hates ruthless people, deadly weapons, and dangerous lives. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung sino pa ang kinasusuklaman niya ay doon pa nahulog ang loob niya. With her innocent, alluring body and enchanting beauty, will she be able to soften the heart of the ruthless mafia boss? Will she be able to embrace his darkness until the end, or will she choose to leave him behind?
Read
Chapter: Chapter 10
VELA Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. I was not comfortable seeing my father in front of me. Wala ngayon si Nadivar kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung pwersahan kaming ibalik ni papa sa Ilocos? Knowing him, wala siyang pakialam kahit pa masaktan ako. "P-Papa, pasok po kayo," napipilitan kong sabi. Nagtatanong akong napatingin kay Raphael subalit wala akong nakuhang sagot dahil sa malamig niyang trato sa akin. "It's been five years, anak. Miss na miss ka na namin ng mama mo. Kailan ka ba uuwi sa Ilocos?" "Kapag hindi na po ako busy, papa." Masuri niyang tinignan ang bawat sulok ng bahay nang makarating kami sa sala. Nakahalukipkip naman sa kaniyang tabi si Raphael habang ang atensyon nito ay nasa aking anak. Nagtago sa aking likuran si Velo kaya tinawag ko si Manang Lorie. "You have a son, and you didn't tell me about him." May halong pait ang kaniyang boses na para bang pinagtaksilan ko siya. "Siguro hindi lang handa si Vela na sabihin sa 'yo ang totoo, Raphael. K
Last Updated: 2023-05-07
Chapter: Chapter 9
VELA Wala pang tatlong segundo, bumalik din agad ang ilaw. Subalit laking gulat ko nang makitang nakatutok na sa akin ang baril na hawak ni Sadam. Traydor! Isa siyang traydor! Sino siya? Bagong tauhan ba siya ni Nadivar? Bakit ba ako ang puntirya ng mga taong nakapalibot sa kaniya? Animo'y isa akong hadlang sa kanilang mga plano. "Ang tanga naman ni Nadivar, naniwala agad siya sa sinabi ko. Saka hindi talaga nawala ang kuryente dahil pinatay lang namin ang ilaw sa silid na ito at sa buong pasilyo." "Anong kailangan mo sa akin?" walang takot na tanong ko. "Kung sasabihin ko ba sa 'yo, susundin mo ba?" Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Animo'y hinihintay niyang umiwas ako ng tingin subalit hindi ko ito gagawin. "Depende," tipid kong sagot. Hindi ako tanga para sundin siya. Pero kailangan kong marinig ang pakay niya sa akin. Kung may traydor sa mga tauhan ni Nadivar, kailangan malaman niya agad ito. Subalit maling galaw ko lang, baka hindi siya magdalawang-isip na barilin
Last Updated: 2023-05-04
Chapter: Chapter 8
VELA Labis ang takot ko ngayon dahil baka patayin nila ako ng walang kalaban-laban. Sino sila? Anong kailangan nila sa akin? Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil natatabunan ito ng itim na tela. Pamilyar sa akin ang pangyayaring ito kaya nagsimula na akong manginig. Ang bangungot ng aking nakaraan na pilit kong tinatakasan ay nangyari na naman sa akin. "T*ng-*n*, busalan niyo nga ang bunganga ng babaeng ito. Ang ingay! Kanina pa iyak nang iyak," reklamo ng isang lalaki sa kaniyang mga kasamahan. "Boss, naubusan tayo ng tape." "Mga inutil! Patahimikin niyo ang babaeng iyan kung ayaw niyong pasabugin ko ang bungo nito. Nakakarindi ang iyak niya!" Agad tumalima ang isang lalaki kaya tumigil na ako sa kakaiyak nang mapansin kong aambahan niya ako ng suntok. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok ng sigarilyo. Samo't saring baho ang naaamoy ko ngayon kaya todo takip ako ng aking ilong para hindi ako masuka. Ano ba 'yan! Ang babaho nila! Nasa peligro na nga ang buhay ko pero
Last Updated: 2023-04-28
Chapter: Chapter 7
VELA "N-Nadivar, diyan ka lang. Huwag kang magpapakita sa kaniya," seryoso kong sabi. Inayos ko muna ang aking sarili bago ko hinarap si Raphael. Hilaw ko siyang nginitian kaya nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "May nakalimutan ka bang sabihin sa akin kaya ka bumalik?" Napapikit ako ng mariin nang marinig kong malakas na tumikhim si Nadivar sa likod ng puno ng santol. "May kasama ka ba ngayon? Narinig ko kasing may lalaking tumikhim," aniya. Mabilis akong umiling. "Wala, pero may lalaking nagpapahinga diyan ngayon. Siya siguro ang narinig mo kanina." Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman big deal sa kaniya kung may kasama kaming ibang tao ngayon bukod sa aming dalawa. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko na sinisilip kami ni Nadivar. Sinenyasan ko siyang 'wag siyang sumilip sa amin subalit inismiran niya lang ako. Ang tigas talaga ng ulo niya. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa kami nakabulagta sa lupa ni Raphael. Makakatikim talaga siya ng s
Last Updated: 2023-04-26
Chapter: Chapter 6
VELANatakot ako sa banta ni Nadivar sa akin kaya sa tuwing tumatawag si Raphael, hindi ko ito sinasagot. Kakausapin ko na lang siya kapag nakalabas na kami dito sa ospital. Bantay sarado kasi ako ng lalaking ito. Parang linta, dikit nang dikit. Akala mo naman mamamatay siya kapag nawala ako sa tabi niya. "Vela, I have an urgent meeting right now. Ikaw muna ang magbantay sa anak natin. Babalik din ako mamaya," seryoso nitong sabi. "Okay." Mabuti naman at aalis na siya. Naiilang kasi ako sa kaniya. "Behave, Vela. I have eyes everywhere. Kahit wala ako dito, malalaman ko pa rin ang mga pinaggagawa mo. Don't talk to boys, alright?""Hay nako, Nadivar. Ilang beses mo nang pinaalala sa akin ang bagay na iyan. Umalis ka na nga," taboy ko sa kaniya. Hinalikan niya ang noo ng anak namin bago siya umalis. Hahalikan niya rin sana ako subalit mabilis akong umiwas. Malaya akong nakakagalaw ngayon dahil wala siya. Limitado lang kasi ang bawat galaw ko kapag nasa tabi ko si Nadivar. Paano ba na
Last Updated: 2023-04-25
Chapter: Chapter 5
VELANamumugto ang dalawang mata ko nang dumating ako sa ospital. Agad akong sinalubong ni Manang Lorie at pinaupo sa gilid ng hallway. "Ma'am, s-sorry po. Hindi ko nabantayan ng maayos si Velo." "Ano ba kasi ang nangyari, manang?" "Gusto kasing makipaglaro ni Velo sa ibang bata kaya lumabas kami ng bahay. Naglalaro sila ng habul-habulan tapos biglang tumakbo si Velo at hindi niya napansin ang itim na sasakyan."Mariin akong nakatingin sa kaniya. Ilang beses kong sinabi na 'wag niyang hayaang lumabas ng bahay si Velo. Subalit hindi siya nakinig at hinayaan niyang lumabas ang anak. Handa na sana akong sigawan siya subalit nakita kong lumabas na ang doctor ni Velo. Lumapit ako sa kaniya at agad niyang sinabi sa akin ang kalagayan ng anak ko. Nang malaman kong maraming dugo ang nawala kay Velo, agad akong nagpresinta na maging donor niya. Wala akong pakialam kahit pa maubos ang dugo ko. Basta ang importante, maisalba ko ang anak ko. "Lumabas na ang resulta. I'm sorry to inform you,
Last Updated: 2023-04-19
You may also like
The Accidental Connection
The Accidental Connection
Romance · Aislinn Casimir
2.3K views
Deducing My Gay Boss
Deducing My Gay Boss
Romance · Aislinn Casimir
2.3K views
His Tormenting Love
His Tormenting Love
Romance · Aislinn Casimir
2.3K views
THE GANGFIA QUEENS
THE GANGFIA QUEENS
Romance · Aislinn Casimir
2.3K views
When You're Gone
When You're Gone
Romance · Aislinn Casimir
2.3K views
DMCA.com Protection Status