author-banner
Margarette Gonzales
Margarette Gonzales
Author

Novels by Margarette Gonzales

Dominant lover

Dominant lover

Marife is already 29 years old when she meets Atlas. A younger guy who is four years younger than her and has a habit of pretending to be a driver of his company. When destiny took an interest in them, their story begins.
Read
Chapter: DL 10
Pagkatapos ng meeting ni Fe kay Misis Villanueva ay dumalo pa siya sa iba't ibang meetings ng umagang iyon at pagkatapos ay naisipan niyang pumunta rin sa inaayos na event sa Rich Village. May nagpa-book kasi sa kanila ng birthday at katrabaho niya ang nag-handle.Naalala ni Fe ang unang pagkikita nila ni Atlas habang nagmamaneho papasok sa village. Napapangiti siya nang kaunti habang pumarada at lumabas sa kanyang sasakyan upang magtungo na sa venue. Napatigil na lang siya sa paglalakad at kaagad nawala ang ngiti nang mapagtantong si Atlas ang naiisip."Stop thinking about him Fe. Engage na 'yong tao," mahinang paalala ni Fe sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.Alas tres na ng hapon no'n kaya mainit pa. Hinaharangan ni Fe ng braso niya ang sinag ng araw habang naglalakad. Nasisilaw kasi siya.Pagliko niya sa swimming area kung saan gaganapin ang kaarawan ay nakita niyang patapos na ang ibang kasama niya sa trabaho. Lumingon siya kay Candice at nakitang may kausap ito pero dahil sa
Last Updated: 2023-03-21
Chapter: DL 9
Napahinto saglit si Fe sa sinabi ni Brian. Hindi niya inaasahan ang gano'ng tanong. Hindi rin sumagi sa isip niya ang ganoong bagay. Bigla na lang siya tumawa nang malakas at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa."Hindi ko siya gusto noh! Naguluhan lang ako sa inaakto niya sa akin. Nilalandi ako tapos engage na pala," paliwanag ni Fe na natatawa nang kaunti at nagpaalam na sa puntod ng mga magulang niya bago maglakad patungo sa kanyang sasakyan. Sumusunod naman si Brian sa kanya at tahimik lang pero palihim na napapangiti. Halata niya sa dalaga na gusto nga niya si Atlas ayaw niya lang aminin sa kanyang sarili."You know that you can love again, Fe." Biglang huminto si Fe sa paglalakad at tumingin kay Brian ng seryoso. "I won't love again." Tumalikod si Fe at naglakad."Fe -" "Salamat pala Brian sa pagpunta mo." Pinutol ni Fe ang sasabihin ni Brian at liningon ang lalaki sabay ngiti. Hindi pinansin ni Fe ang nakangising mukha ni Brian. Ayaw niya kasing pag-usapan ang pagmamahal kahit p
Last Updated: 2023-03-01
Chapter: DL 8
Nasa Grand Hotel na siya kasama ang ibang katrabaho. Mamaya na kasi ang event. Gumagalaw siya para sa trabaho pero wala naman ito sa tamang pag-iisip. Kahapon niya pa nakausap ang matanda pero para kay Fe ay pakiramdam niya ay kanina lang. Hindi niya kasi inaasahan ang engagement na 'yon ni Atlas na sinabi.'Ikakasal na pala siya pero nilalandi pa ako.' Isip niya habang nakaupo at may tinitipa sa kanyang laptop.'Pero bakit apektado ako?' Kontra ng kanyang isip. Buburahin niya ang tinipa at magtitipa ulit. Buburahin at magtitipa ulit. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang isarado na ang kanyang laptop."Kayo muna bahala dito, alis na ako. May delivery pala ngayon sa bahay. Nakalimutan ko. Ako na bahala sa report. Sinend ko na kay Brian - I mean Sir Brian," pagsisinungaling ni Fe at kinuha ang kanyang bag. Wala namang delivery at wala siyang sinend. Gusto niya muna mapag-isa upang isipin ang dapat niyang isipin."Sige po Miss Fe. Kami na bahala. Finalizing naman na ng gagamiting soun
Last Updated: 2023-02-16
Chapter: DL 7
Napatayo siya sa kinauupuan at napatingin sa kanya ang ibang katrabaho na nando'n. Siya lang kasi ang bukod tanging tumayo nang tinawag.Kaagad siya nagpaalam sa kausap bago magsalita. "Bakit kasama ako? Joke ba 'to?" Nakalimutan ni Fe na may iba pang tao do'n bukod sa kanila ni Brian."A service from Q.C. will arrive at two in the afternoon. You can choose wherever you want to stay but in the meantime, sa apartment kayong lahat titira muna. Understood?" paliwanag ni Brian at tumingin kay Fe."Fe, come to my office." Pagkasabi ni Brian ay tumalikod na siya at naglakad.Nagbulung-bulungan ang mga kaopisina ni Fe pero hindi niya pinansin at dali-daling naglakad upang sumunod kay Brian.Pagkarating sa opisina ay sinarado kaagad ni Fe ang pintuan at lumapit kay Brian."Are you messing up with me, Brian? Is this some kind of a joke? Ayokong bumalik sa Q.C. pero sinama mo ako sa relocation! Napag-usapan natin 'to dati pero bakit ngayon kasama ako?""Work 'to Fe. Besides, based on your perfor
Last Updated: 2023-02-14
Chapter: DL 6
"Ma'am Fe!" Tawag sa kanya na kakababa lang ng kanyang cell phone. Nilingon niya ito.Nakita ni Fe na mahinhing naglakad si Candice papalapit sa kanya at may dalang papel. Nasa Arki Hall sila sa Q.C. Ayaw sana ni Fe na gawin kaso dahil trabaho niya ay wala na siyang magawa.Naalala pa niya ang pag-uusap nila ni Brian ng nakaraang Martes. Biyernes na kasi at bukas na ang event."Bakit ako? Hindi ba may branch naman tayo sa Q.C.? Pwede namang sila na ang maghandle ng event ni Mr. Ramos." Nasa opisina siya ni Brian at nagmamaktol."This is your task Fe, remember? And besides...." binitin niya at pumunta sa desk niya. May kinuha kasi siyang portfolio sa bookshelf ng opisina niya. "Mr. Ramos wants you to handle this.""Brian I mean boss naman. Nasa Pila ako nagtatrabaho. Q.C. is a 4-hour drive away. Malayo," reklamo ni Fe at sumimangot. Ayaw niya sa ideya na babalik siya ng Q.C."You can do it, right? Or is there some reason that you won't do it?" Napatahimik si Fe. Alam niya kasi ang sina
Last Updated: 2023-02-10
Chapter: DL 5
'Siya si Mr. Ramos? Paano nangyari 'yon? Sa pagkakaalam ko ay driver lang siya sa isang app na binook ni Diane.' Isip ni Fe habang naglalakad na katabi si Atlas.Pangiti-ngiti lang si Atlas na ka-holding hands si Fe at hindi nagsasalita. 'Ang lambot ng kamay niya. Sarap hawakan.' Isip ni Atlas at may waitress na lumapit at binati sila."Table for two," sabi ni Atlas sa waitress. Naglakad sa harap ni Atlas ang waitress para sundan siya. Nagpasalamat naman si Atlas sa waitress pagkarating at magkatabi sila ni Fe sa upuan. Hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Fe."Alam kong marami kang tanong kaya itanong mo na," mahinang sabi ni Atlas pagkaupo nila. Tumingin si Fe sa kanya at hinila ang kamay pero hindi binitiwan ni Atlas."Let go of my hand. Lilipat akong puwesto," sabi niya pero hinigpitan naman ni Atlas."Hindi maaari wife ko. Dito ka lang sa tabi ko.""No! This is unprofessional. How can we have a meeting if I'm sitting beside you? And besides, hindi tayo mag-asawa. Stop calling m
Last Updated: 2023-02-08
You may also like
Ashish's Obsession
Ashish's Obsession
Romance · Margarette Gonzales
5.0K views
Ruthless Men Series: Chain Me
Ruthless Men Series: Chain Me
Romance · Margarette Gonzales
5.0K views
AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH
AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH
Romance · Margarette Gonzales
5.0K views
Hidden Mafia Don
Hidden Mafia Don
Romance · Margarette Gonzales
5.0K views
The Hidden Bilionaire (Hearts Series 1&2)
The Hidden Bilionaire (Hearts Series 1&2)
Romance · Margarette Gonzales
4.9K views
DMCA.com Protection Status