author-banner
Arnoldd
Arnoldd
Author

Nobela ni Arnoldd

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

Si Candice ay isang ulila. nakapagtapos siya ng nursing dahil sa bestfriend na si Elora, hiniling kasi nito sa kanyang mga magulang na pag-aralin si Candice. pagkatapos ng graduation ay lilipad na sana papuntang US si Elora para doon mag-aral nang medicina, ngunit nagkaraon ito ng malaking problema nang hilingin ng isang mayamang pamilya na si Elora ang maging kabayaran sa malaking utang ng kanyang mga magulang. Hindi gusto ni Elora na ikasal siya sa lalaki kaya nakiusap siya kay Candice na akitin ito. Pumayag si Candice sa kasunduan at huli na ng malaman niya na ang CEO na dapat niyang akitin at ang lalaking kinamumuhian niya ay iisa, ano ang gagawin nya?
Basahin
Chapter: Chapter 13
CANDICE“Okay ka lang ba? Halika sa loob,” sabi niya. Bigla akong napayakap ng makilala ko ang lalaki. Si Gabriel pala ang lalaking nagligtas sa akin. “Nasaktan ka ba? Bakit ka kasi lumabas ng hindi ako kasama?” saad niya habang hinahaplos ang buhok ko at nakaakbay ang kabilang braso sa akin. Binigyan niya ako ng tubig at dahan-dahan na inupo sa sofa.Takot na takot ako at walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Magkahalong takot at kahihiyan ang inabot ko ngayong umaga.“Pasensya kana Gabriel, nawala kasi ako eh hindi ko matandaan kong anong unit ng kwarto mo.”“Ano? Bakit ka kasi lumabas? Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo. Madilim pa nasa labas kana at bakit nakapantulog ka pa?” lukot ang kanyang mga noo at kitang-kita ang mga guhit sa noo niya habang nakatitig sa suot kong pantulog.“Sa pagmamadali kong makalabas agad ay nakalimutan ko pala na magpalit ng damit kaya ganito ang suot ko,” napayuko ako sa sobrang kahihiyan sabay hawak sa noo ko.“Saka bakit hindi ka sa rec
Huling Na-update: 2022-12-08
Chapter: Chapter 12
CANDICE “Ano ba naman itong lalaki na ito ang gwapo-gwapo tapos ang kalat ng condo,” bulong ko sa sarili. Habang nasa ibaba si Gabriel at kinukuha sa sasakyan ang iba ko pang gamit ay nag ikot-ikot muna ako sa loob ng condo unit niya, malawak ito at may dalawang kwarto. Halatang mayaman dahil kahit kaunti ang mga gamit ay masasabi mong mga mamahalin iyon. Napansin ko rin na ang dami-dami niyang damit nahiya tuloy ako sa isang maliit na maleta na dala ko at halos nandun na lahat ng damit ko.Napansin ko rin na wala siyang mga gamit sa pagluluto sa kusina, sayang naman ang magandang lababo dahil hindi nagagamit. Napa-buntong hininga ako, pakiramdam ko kasi na ang lungkot-lungkot ng buhay ni Gabriel. Kaya siguro siya laging nasa bar para pag-uwi niya dito ay matutulog na lang siya. "Hoy!! ano bang tinitingnan mo riyan?" halos mabitiwan ko ang hawak kong cellphone dahil sa panggugulat ni Gabriel. "Halika nga rito," sabi niya at saka niya ako niyakap sa likod. Nakaharap kami sa labas
Huling Na-update: 2022-12-07
Chapter: Chapter 11
"Hoy!" malakas na sabi ni Candice at marahang pinalo ang maliit na table sa harap nila upang makuha ang atensyon ng kaibigan. "What are you thinking? bakit ka biglang natulala riyan?" muling tanong ni Candice. "Ahh wala, naisip ko may pinapagawa pala sa akin si mum, babalik nalang ako mamaya ha, sige alis na ko." Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng apartment. "Hoy! ano bang nangyayari sayo? Kararating mo palang tapos aalis ka na kaagad?"hinabol pa siya ni Candice sa labas hanggang sa sasakyan. "I am fine, babalik nalang ako mamaya," sigaw ni Elora at mabilis nitong pinihit ang manibila ng sasakyan palabas sa maliit na garahe. ***Isang linggo ang hinintay ni Elora para makausap ang kanyang ina ng personal.Ngayon lang ito dumating galing sa business trip kasama ang kanyang ama.Tanging ang kanyang ina lamang ang pinagsasabihan ni Elora ng mga bagay maliban kay Candice. Kinuwento niya sa ina ang tungkol sa napag-usapan nila ni Gabriel. "Mabuti naman at nagkasundo na kayo
Huling Na-update: 2022-12-06
Chapter: CHAPTER 10
3rd person povPumarada sa harap ng mansion ang magarang sasakyan ni Gabriel. Agad tumakbo ang katulong paakyat sa kwarto ni Elora ng makita na si Gabriel ang nandito.“Miss Elora! Miss Elora!” malakas at sunod-sunod na tawag nito habang mabilis na inakyat ang hagdan.Binuksan ni Elora ang pinto ng marinig iyon.“Ano?” mataray na sagot nito dahil sa naisturbong pagbabasa ng magazine.“Narito po si Sir Gabriel,” pabulong na sabi ng humahangos na katulong. Muntik ng mahulog ni Elora ang hawak na magazine ng marinig ang sinabi ng kasambahay. “A-Ano? Sino ang kasama niya?” magkakasunod nitong tanong habang hinahagilap ng isang paa ang paris ng tsinelas na suot niya.Kinakabahan siya na baka nalaman na ni Gabriel ang tungkol kay Candice lalo pa at hindi sumasagot si Candice sa kanyang mga tawag kaninang umaga.“Yes Gabriel? What are you doing here? Tanong niya sa mahinang boses. Tuluyan siyang lumapit sa harap ni Gabriel na nakaupo sa malaking sofa sa sala. "Mom and dad is not here, ne
Huling Na-update: 2022-11-20
Chapter: Chapter 9
CANDICE Ilang linggo na ang dumaan simula ng huling pagpunta ni Gabriel dito sa bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Siguro nga nasaktan talaga ang loko. Wala na ang semento sa binti ko at nakakapag-lakad na rin ako mag-isa na hindi gumagamit ng walking stick.Nangingibabaw ang pride ko pero naisip ko rin ang kasunduan na kailangan kong gawin. Kaya kahit ayaw ko ay ako na ang gagawa ng unang hakbang para magkaayos kami total may kasalanan rin naman ako at aminado naman ako.Binuksan ko ang cellphone para tawagan sana si Gabriel ngunit biglang may kumatok sa pinto. “Sandali!” malakas kong sabi habang mabagal na naglalakad papunta sa may pinto. “Gabriel?” gulat kong sabi ng makitang si Gabriel ang nasa labas at may dala itong malaking bouquet ng pulang rosas. “Im sorry,” sabi nito na may paawa epek pa kaya bigla nalang akong natawa. “Nag smile kana, ibig sabihin ba niyan you forgive me na?” tuwang-tuwa nitong tanong.“Ano pa nga ba? Naawa ako sa mukha mo e,” saba
Huling Na-update: 2022-11-06
Chapter: Chapter 8
3RD person's POV“Ano nahulog ka?” bulalas ni Gabriel sa kabilang linya habang kausap si Candice.Aksidente na nahulog si Candice sa hagdan ng kanyang apartment. Wala siyang ibang maisip na tawagan kun’di si Gabriel. Mabilis itong nakarating sa kanyang apartment at dinala siya sa ospital. “Pasensya kana Gabriel ha, naabala pa yata kita. Wala kasi ako ibang maisip na tawagan maliban sayo,” malumanay na sabi ni Candice habang nakaupo sa wheelchair at nakahawak sa kanyang binti na bagong semento. Ginawa ito ng doctor para sa mabilis niyang paggaling. “Masaya nga ko dahil ko ang naisip mo na tawagan, magtatampo ako kung hindi,” nakangiti nitong sabi. Niluhod niya ang kabilang tuhod sa sahig saka hinila ang wheelchair palapit sa harap niya. “Mula ngayon I will be your personal nurse okay? At hindi kita iiwan hanggat hindi gumagaling ang binti mo.” Lihim na kinilig si Candice sa sinabi nito, pilit niyang itinago ang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig ang sinabi ni Gabriel. Lumapit s
Huling Na-update: 2022-11-05
DMCA.com Protection Status