Chapter: chapter 11Habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng pamilya Ruiz,muli niyang pinaliwanag kay Bogart ang mga bagay na kailangan nilang gawin.Kailangan nilang planuhin ng maayos ang kanilang mga hakbang sa pagbawi ng El grande sa mga sakim at gahaman sa kapangyarihan lalong lalo na sa pera at kayamaman ng Madrigal.Hinatid siya ni Bogart hanggang sa bahay ng pamilya Ruiz at agad namang bumaba si Lester at naglakad papasok ng kanilang bahay. Walang tao sa bahay,kaya naman payapa ang kanyang paguwi dahil walang bunganga at matatalim na salita ang sumalubong sa kanya.Naisip niyang umakyat at dumerecho sa silid nila ni Jasmine upang makapag shower at makapagpahinga.Alam niya sa kanyang sarili na sa oras na dumating ang kanyang bungangerang biyenan na babae ay katakot takot na sermon nanaman ang aabutin niya.Humiga siya sa kama kung saan natutulog ang kanyang asawa na si Jasmine upang makapagrelax ng sandali at magisip ng kanyang mga plano. Napapikit siya at tuluyang nakatulog dahil sa bahagyang pag
Huling Na-update: 2022-11-02
Chapter: chapter 10Dali dali naman siya pinaupo ni Lester at sinabihang wag na alalahanin ang mga nakaraang hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Naparito siya upang personal na madalaw ang matanda at dumako sa ilang mahalagang talakayin. Pinangunahan na ng matandang Arsenio ang usapin, "Apo,ikaw na lang ang maaasahan ko sa mga bagay na ito.Sa Manila hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Ngayon kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.Ayaw kong masayang at mapunta lang sa karumal dumal na tao ang akin at iyong pinaghirapan. ikaw lang ang natatanging benepisyaryo ng buong deposito at may karapatan sa World bank at wala nang iba.Kung dati ay kung sino ang CEO ng kupanya ay siyang may kapangyarihan para dito,ngayon ay hindi na.Lihin akong nakipag ugnayan sa tulong ni Bogart upang maipabago at maiwasto lahat ng nakalahad sa testamento. Simula noong magkaroon na kami ng hinala sa pagpapainom nila sa akin ng lason upang manghina ang aking katawan at tuluyang maging lantang gulay,naisaa
Huling Na-update: 2022-09-12
Chapter: chapter 9Kinabukasan maagang gumising si Lester upang maghanda ng agahan ng kanyang pamilya at naglinis ng ilang parte ng bahay bago umalis at tumungo sa Batangas,kung saan kasalukuyang namamalagi ang kanyang lolo na si Don Arsenio. Tinawagan niya si Bogart upang magkita na lang sila sa isang lugar.At ganoon nga ang naganap ayon sa kanilang plano,habang sila ay nasa biyahe sa lalawigan ng Cavite kung saan makikita ang ilang mga realty properties ng mga Madrigal. Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga proyekto na kanyang nagawa sa ilalim ng kanyang pamamahala sa El Grande.Hindi niya lubos maisip na mawawala lamang ito na parang bula at mapapasakamay ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan ang lahat ng kanyang pinaghirapang maitatag. Gayundin naman sa Batangas dahil madaraanan din nila ang ilan sa kanilang mga Resort. Nagbalik sa kanyang isipan ang mga nakaraan niyang plano na mai-develop ang lalawigan na ito kasunod ng kanyang mga proyekto sa Cavite na tila ba hindi na rin nalalayo sa
Huling Na-update: 2022-09-12
Chapter: chapter 8Sa tahanan nila Jasmine,balisa siyang umupo at sumandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata na tila ba malalim ang iniisip. Lumapit si Liza at tumayo sa kanyang harapan.Nagsimula na itong magtatalak, "Ayan ang matagal ko nang sinasabi sayo,kung ikaw ba naman ay nag asawa ng lalaking may kakayahan sa buhay,may pakinabang at may maayos na pagkatao hindi natin sasapitin ang ganitong sitwasyon. Kita mo ang asawa mong walang pakinabang,tatlong taon nang palamunin,walang hanapbuhay at walang kakayahan. Sa palagay mo may maitutulong ba sa atin yan?may magagawa ba yang bastardo na yan?ewan ko sayo Jasmine." Si Lester na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa ay walang imik na nakatingin sa kanyang biyenan na babe na tila ba isang tuod. Agad naman umakyat ng kanyang silid si Liza at nagpahinga. Binalingan ng tingin ni Lester si Jasmine at mahinahong sinabi, "Hon huwag mong isipin ang mga bagay na yun,kaya mo malagpasan lahay ng yan dahil sa taglay mong talino at husay sa trabaho. Hindi kita paba
Huling Na-update: 2022-09-12
Chapter: chapter 7Ilang sandali pa ang nakalipas,tumayong muli si Senior Travis at muling hinawakan ang mikropono at nagsalita. "Ngayong gabi pormal kong itininatalaga bilang susunod na mamumuno sa Skylark corporation ang aking panganay na apo na si Dominic. Muli namang nagbigay ng palakpak ang mga panauhin kabilang na ang kanilang pamilya sa pahayag ni Senior Travis. Tulad ng inaasahan,matagal na nilang alam ang plano na ito ng matanda. Alam ng karamihan na sa kabila ng katigasan ng ulo at may pagka suwail itong si Dominic,siya pa rin ang pavoritong apo ni Senior Travis. Madalas itong pinapanigan sa lahat ng oras at laging ipinagtatanggol sa kabila ng mga kamalian nito. Agad namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Dominic at lumapit sa kanyang lolo at taos pusong nagpasalamat,kahit na matagal na niya alam ito,mas mainanam pa rin ang pormal na ipahayag ito ng kanyang lolo sa harap ng nakararami. "Maraming sa iyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan na mapatakbo ng mahusay ang ating iniingatang kumpan
Huling Na-update: 2022-09-12
Chapter: chapter 64:00 pm nang dumating sila sa Bulacan sa Ruiz Mansion. Sa malawak na parking area makikita ang mga iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada dito. Kung titignan ang mga magagarang sasakyan na ito,malalaman mo kaagad ang mga katauyan sa buhay ng mga nagmamay ari nito. Halos mapuno ang malawak na paradahan na animo'y isa itong bentahan ng mga high end at dekalidad na kotse. Nakabukas ang pangunahing entrada ng mansiyon,sa magkabilang gilid magarang ilaw na nagsisikinagan ang maliliit na bumbilya na parang mga bituin sa kalangitan. Sa ibabang bahagi namumukadkad ang mga sariwang bulaklak na may kulay puti at at pulang rosas. Pagkababa nila ng sasakyan agad naman silang naglakad papasok sa pangunahing entrada patungo sa malawak nitong hardin na napuno ng mga bilog na lamesa na may eleganteng dekurasyon sa bawat isa dito. At sa dulong bahagi makikita ang isang mahabang lamesa,sa gitna nito ang isang magara at may kalakihan na upuan na animo'y isang trono ng hari na makikita mo sa mga pelik
Huling Na-update: 2022-09-03