Chapter: Chapter Thirteen13 — Again, My Heart Beats Maliwanag na, halos hindi ko namalayan na inabot na ako ng umaga. Gising na gising pa rin ang diwa ko kahit pa pagod na pagod na ang katawan sa mga bagay-bagay na ginawa ko kahapon— sa opening na ginawa kahapon para sa shop na itinayo ko at kung anu-ano pa. Maraming nangyari mula nang umuwi ako. Hindi ko na nga lang sana papansinin kaso nagkukusa pa rin silang bumalik para ipaalala sa akin ang mga nangyari. Kahit anong pilit kong patulugin ang sarili ay ayaw naman ng isip ko dahil hindi ko rin naman maawat ang sarili kong magnilay-nilay. Hindi lingid sa kaalaman ko na inabot na pala ako ng umaga. Tuluyan nang hindi ako nakatulog dahil sa mga bagay na bumabangabag sa akin magdamag. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan sila sa ganoong ayos hanggang sa lumipas ang ilang minuto. Saglit pa akong tumulala at tumingin sa kisame bago ako tuluyang bumangon. Ganap nang ala-sais na ng umaga. Kahit na ayaw ko pang kumilos ay hindi pwede dahil nakalimut
Huling Na-update: 2022-07-10
Chapter: Chapter Twelve Sensation of the Past Dahan-dahan kong tinapik ang balikat niya para gisingin na dahil nga nasa tapat na kami ng bahay nila. Nang masiguradong gising na ay binawi ko na ang kamay na tumatapik sa balikat niya. Naghintay pa muna ako nang ilang sandali bago nito tuluyang buksan ang mga mata at pupungay-pungay na tumitig sa akin. Sinabayan ko ang ginagawang pagtitig niya sa mga mata ko. Hindi ito kumukurap at hindi rin nag-iiba ang paraan nang pagtitig na ginagawa niya ngayon sa harapan ko. Walang pagbabago sa reaksyon na meron siya mula kaninang idilat nito ang mga mata. Ang mapupungay niyang mga mata ay hindi maalis ang tingin sa akin. Walang nagsasalita dahil nakatitig lang talaga ito sa mga mata ko. Hindi rin ako kumikilos ng kakaiba dahil gusto kong makita ang gagawin nito. Sinabayan ko ang pagtitig na ginagawa niya.Sa pagkurap nito ay kasabay ang mariin na pagpikit niya at pag-ayos ng upo. Pinagmamasdan ko ang ginagawa niya mula noong ibinaling niya ang tingin sa bintana na nasa
Huling Na-update: 2022-05-28
Chapter: Chapter Eleven11 – Familiar Feelings I arched my eyebrows and bow my head. After a couple of minutes na nakayuko ay napag-desisyunan kong inaangat na ang tingin. Nakangiti akong nakaharap sa kanila habang hawak nang mahigpit ang gunting na inabot sa akin kanina. Hindi ko maiwasang manggilid ang luha ko habang nakatingin sa mga nakangiti nilang mukha. I can see my parents’ face smiling, looking at me with their proud face. Sa pagkurap ko ay nawala rin sila pero pinalitan naman ito nang nakangiting mukha ni Nexus. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko nang tuluyang putulin ang ribbon na nasa harapan ko. Kasabay nito ay ang pagsabog ng confetti at pag-click ng camera. “Congratulation, Ate!” wika ni Mint nang makalapit sa akin at niyakap pa ako nito. Ganun din ang ginawa ni Sage at ni Nexus. Humarap ako sa karatulang nakasabit sa harapan nitong
Huling Na-update: 2022-03-21
Chapter: Chapter Ten10 – Warm embrace Ilang minuto pa kaming nasa gano’ng ayos hanggang sa makarinig kami nang pagkatok sa pinto at ang marahang pagbukas nito. Lumingon ako para makita kung sino ba ang nando’n at iniluwa nito si Liev. May dala itong baso na may lamang tubig. Agad siyang lumapit sa gawi namin at inabot sa akin ang hawak niya. I gave it to Nexus and watch him drink it. Bumalik ang tingin ko kay Liev at ngumiti sa kaniya. “Thank you.” Sa muling pagkakataon ay sumilay sa bibig nito ang hugis puso niyang labi. His lips are really pretty and its shape especially when he’s smiling. “You’re always welcome, Fria.” Ngumiti rin ako habang dinadama ang marahang pagtapik nito sa ulo ko. Para akong aso sa ginagawa niya pero I found it comforting kaya hinahayaan ko lang siya hanggang sa lumipas ang ilang minuto at inalis na niya ang kamay niya. &nb
Huling Na-update: 2022-03-06
Chapter: Chapter Nine09 — Reminiscence 'n' Feelings All eyes on him dahil nakaiwas ang tingin nito sa'min. Lumipas ang ilang minuto bago niya iangat ang tingin kasabay nang paglalagay niya ng Tupperware sa lamesang pinagkakainan namin. “Hindi na, I brought food,” wika niya at dahan-dahang itinulak palapit sa akin ang lalagyan. Hindi pa nabubuksan ang lalagyan ay amoy na amoy ko na ang laman nito. Nang mahawakan ko ay agad ko itong binuksan. Para bang nagningning ang mga mata ko dahil tama nga ang naamoy ko. “Sisig!” masayang wika ko habang ang mga mata ay ibinaling ko kay Kenzo. He's staring at me and slowly nodding his head. Para bang nawala sa isip ko ang awkward na sitwasyon na meron kami ngayon. “Pinadala ni Mama.” “Really? Say my thanks to her.” Iniiwas ko na ang tingin sa kaniya dahil sa iba na nabaling ang pansin ko, sa pagkain n
Huling Na-update: 2022-02-27
Chapter: Chapter Eight08 — Turning Red“Ate, sino ’yang nasa likuran mo?” bungad na tanong ng kapatid ko matapos buksan ang pinto. Nilingon ko ang taong bahagyang naka-bend sa likuran ko. “Anong ginagawa mo?”Imbis na sumagot ay inilarawan niya sa mukha nito ang ngiti. Umayos na rin siya nang tayo at ibinaling ang tingin sa kapatid ko. Gumawi na rin siya sa tabi ko. “Hi, Nexus,” wika nito habang hindi naaalis ang ngiti sa labi niya. “Kuya Liev!” wika naman ng kapatid ko at nakipag fist bump pa siya rito. “Pasok na kayo.” pahabol pa na wika niya matapos buksan ang pinto nang malawak para makapasok na kami. Habang papasok ay nag-uusap lang silang dalawa at ako naman ay nakatingin lang sa likuran nila. Halos kauuwi ko lang galing kina Machi. Nasa daan na ako pauwi nang tumawag itong si Liev na gusto niya raw makita si Nexus kaya dinaanan ko na lang din pau
Huling Na-update: 2022-02-20